You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII—Eastern Visayas
Schools Division of Biliran Province
Caibiran District 2
 

Elementary

FILIPINO 2

LEARNER’S
ACTIVITY SHEETS
(las)

ANGELINE A. MOCORRO

NOT FOR SALE—GOVERNMENT PROPERTY

KOPYA NG MAG-ANAK/ GUARDIAN


FILIPINO 2
Lesson 1: Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggang teksto.
F2PN-Ia-2 F2PN-IIb-2 F2PN-IIIa-2

Topic/Title: Paggamit ng sariling karanasan na may kaugnayan sa


pangunahing tauhan sa maikling kuwentong bilang lunsaran.

Paunang Salita:
Sa araling ito ay inaasahan na matututunan mo ang paggamit ng sariling
karanasan na may kaugnayan sa pangunahing tauhan sa maikling kuwento.

Babasahin ang mga sumusunod na pahayag sa mga mag-


aaral.

1. Pagpapahayag / Discussion
Sa ating pang araw-araw na buhay ay nakaririnig tayo ng iba’t-ibang
kuwento. Maaaring ito ay kuwento ni nanay, tatay, ate, kuya, lolo, lola, o ng
iyong guro at mga kaibigan.

Ang pag-uugnay ng sariling karanasan sa mga tekstong napapakinggan ay


mahalaga upang mabatid natin sa ating sarili ang ating mga natututuhan sa
pang araw-araw na pangyayari sa ating buhay.

2. Halimbawa:
Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing teksto at sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol sa tekstong napakinggan.
(Babasahin ng magulang ang kuwento at ang mga tanong. Ang bata naman
ang magbibigay ng kanyang sagot.)
Ang Pasko
Ang pasko ay isang masayang pagdiriwang na hinihintay ng mga bata
tuwing Disyembre. Maaga pa lang ay isnusuot na ng mga bata ang bago
nilang damit at sapatos.

Nagpupunta sila sa simbahan upang making ng misa. Pagkatapos ay


dumadalaw sila sa kanilang ninong, ninang, at mga kamag-anak upang
magsalo-salo o manghingi ng aginaldo. Tulad nang nakagawian sila ay
nagmamano sa mga lolo at lola sa kanilang pagkikita.

1. Kailan ipinagdiriwang ang pasko?


2. Ano ang ating ipinagdiriwang tuwing pasko?
3. Ano-ano ang ginagawa ng mga bata tuwing araw ng pasko?
4. Ginagawa mo rin ba ang ginagawa ng mga bata sa kuwento?
5. Ikuwento mo ang iyong karanasan tungkol sa pagdiriwang ng pasko.

Ibigay ang Pagsasanay 1


Pagsasanay 1
Panuto: Pakinggang mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong tungkol sa napakinggang kuwento.
(Ang kuwento ay babasahin ng magulang o mga kamag-anak)
Si Nora
Abala si Aling Rita sa pagluluto ng pananghalian nilang mag-
anak. Araw ng Sabado, kaya’t kumpleto silang mag-anak at sabay-
sabay mananghalian. Si Nora naman ay abala sa paglalaro.
Napansin ni Aling Rita ang pinaglalaruan ng anak. Nilapitan niya
ito at pinaalalahanan na huwag paglaruan ang gunting ngunit waring
walang narinig mula sa kanyang ina.
Maya-maya ay nakarinig ng iyak si Aling Rita. Pilit na ikinukubli
ni Nora ang kanyang braso. “Anak, ano ang nangyari at ang daming
dugo ng iyong damit?” tanong ni Aling Rita.
“Nasugatan po ako sa braso dahil sa gunting,” sagot ni Nora.
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Sana’y nakinig ka sa aking paalala
kanina. Hindi sana ito nangyari sa iyo,” pahayag ni Aling Ria.
“Patawad po, Inay, hindi na po mauulit,” wika ni Nora. “O siya,
halika at gagamutin nating iyang sugat mo,” anyaya ni Aling Rita.

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano ang pinagkakaabalahan ni Aling Rita?
3. Ano ang paalala ni Aling Rita kay Nora?
Sinunod ba niya ito?
4. Bakit nasugatan ang braso ni Nora?
5. Naranasan mo na rin ba ang paalalahanan ng iyong ina? Sinunod mo ba
ito o hindi? Ano ang naging resulta sa pagsunod o hindi mo pagsunod?

Ibigay ang Pagsasanay 2


Pagsasanay 2
Panuto: Pakinggan ang teksto. Sagutin ang mga katanungan tungkol sa
tekstong mapapakinggan. (Ang kuwento ay babasahin ng magulang o mga
kamag-anak)

Naglalakad lamang si Lito sa pagpasok sa paaralan. Hindi naman gaano


kalayuan ang kanilang bahay sa pinapasukang paaralan. Sa kanyang
paglalakad ay nadaanan niya ang isang aso. Hindi niya ito pinansin. Dire-
diretso lamang siya sa paglalakad. Maya-maya ay nagsisimula nang tumahol
ang aso.
Nagmamadaling naglakad si Lito ngunit hindi pa rin siya iniwan nito
hanggang makarating na siya sa paaralan. Nakahinga lamang siya ng
maluwag ng makapasok sa gate ng paaralan. Pagpasok niya sa silid ay
takang-taka ang mga kaklase ni Lito dahil siya ay pawis na pawis.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Saan papunta si Lito?
3. Ano ang kanyang nadaanan nang siya ay papasok sa kanilang paaralan?
4. Naranasan mo na rin ba ang naranasan ni Lito?
5. Naranasan mo na rin ba na mahabol o sundan ng aso?
Isulat ang iyong naging karanasan tungkol dito.
Mga Gawain ng Mag-aaral
FILIPINO 2

Pangalan _____________________________________________
Baitang/Seksyon ______________________________________

Pagsasanay 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong mula sa napakinggang
tekstong ang pamagat ay “Si Nora”.

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


________________________________________________
2. Ano ang pinagkakaabalahan ni Aling Rita?
________________________________________________
3. Ano ang paalala ni Aling Rita kay Nora?
________________________________________________
Sinunod ba niya ito? _________________________
4. Bakit nasugatan ang braso ni Nora?
____________________________________________________
5. Naranasan mo na rin ba ang paalalahanan ng iyong ina?
Sinunod mo ba ito o hindi? Ano ang naging resulta sa pagsunod o hindi
mo pagsunod?
_____________________________________________________

___________________________ _______________
Lagda ng Magulang Petsa
FILIPINO 2

Pangalan ______________________________________________
Baitang/Seksyon _______________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong mula sa napakinggang
kuwentong tungkol kay Lito.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? ____________

2. Saan papunta si Lito? __________________________________

3. Ano ang kanyang nadaanan nang siya ay papasok sa kanilang paaralan?


___________________________________

4. Naranasan mo na rin ba ang naranasan ni Lito? ________

5. Naranasan mo na rin ba na mahabol o sundan ng aso?


Isulat ang iyong naging karanasan tungkol dito.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

___________________________ ________________
Lagda ng Magulang Petsa

You might also like