You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Eastern Visayas
SCHOOLS DIVISION OFFICE of BILIRAN
Larrazabal, Naval, Biliran

SANAYANG PAPEL sa FILIPINO 2


IKATLONG MARKAHAN: Unang Linggo

I.PAKSA/ KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELC):


Paggamit nang wasto ng pangngalan sa pagbibigay ng pangalan
ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari. F2WG-Ic-e-2
Nagagamit ang pangngalan nang tama sa pangungusap

Sanggunian:
LM : Ang Bagong Batang Pinoy pp. 18-27

II.PAGTATALAKAY:
May mga salitang nagsasabi tungkol sa ngalan ng tao, bagay,
hayop at lugar. Ito ay tinatawag na pangngalan.
tao bagay hayop lugar
bata lapis aso plasa
Binibining Lara gamot Isda silid-aralan
kamag-aral telepono kabayo simbahan
Lisa relo manok bahay

halimbawa:
1. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Lorna.
Ang Aling Lorna ay salitang nagsasabi tungkol sa ngalan ng
tao.

2. Mabilis tumakbo ang kabayo.


Ang kabayo ay salitang nagsasabi tungkol sa ngalan ng hayop.

3. Kulay pula ang damit na binili ko kahapon.


Ang damit ay salitang nagsasabi tungkol sa ngalan ng bagay.

4. Namasyal ang mag-anak sa Luneta Park kahapon.


Ang Luneta Park ay salitang nagsasabi tungkol sa ngalan ng
lugar.

Gawain 1:
Panuto: Isulat ang T kung ngalan ng tao, B kung bagay, H kung
hayop, at L kung lugar. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. basket 6. ibon
2. ospital 7. guro
3. Benigno Aquino 8. bukid
4. lapis 9. sombrero
5. Kalabaw 10. lolo

Gawain 2:
Panuto: Hanapin ang salita sa pangungusap na tinutukoy ng
pangngalang nasa kaliwa. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
bagay 1. Nabasag ang bote.
tao 2. Binigyan ako ni Ama ng bagong relo.
lugar 3. Pumunta kami sa simbahan upang magdasal.
hayop 4. May nahuling daga ang alaga kong pusa.
bagay 5. Nawala ang lapis na mahaba.

III.Pagtataya:
Panuto: Gamitin ang pangngalan ng tama sa pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

dyanitor prutas aso

Tagaytay Mang Cardo


1. Masipag ang __________ sa paaralan.
2. Kumain tayo ng __________ araw-araw.
3. Mabilis tumakbo ang __________.
4. Namasyal kami sa __________.
5. Si __________ ay magiliw na kapitbahay.

Prepared by:

DINA R. BELTRAN
Teacher III

District Quality Assurance Team

EVELYN P. SARSALEJO
Principal I

FLORIDA G. BUNANI EdD


PSDS – Caibiran District 1
Answer Key

GAWAIN 1 GAWAIN 2 PAGTATAYA


1. B 1. bote 1. dyanitor
2. L 2. Ama 2. prutas
3. T 3. simbahan 3. aso
4. B 4. daga/ pusa 4. Tagaytay
5. H 5. lapis 5. Mang Cardo
6. H
7. T
8. L
9. B
10. T
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII – Eastern Visayas
SCHOOLS DIVISION OFFICE of BILIRAN
Larrazabal, Naval, Biliran

Ngaran:

Grado ngan Seksyon: __________________________________


Ngaran han Magturutdo: _______________________________

SAGUTANG PAPEL sa FILIPINO 2


Ikatlong Markahan: Unang Linggo

Gawain 1 Gawain 2
1. 6. 1.
2. 7. 2.

You might also like