You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
_________________________________________________________________________________________________________________
Banghay Aralin sa Math 2
Ikalawang Markahan

I. Layunin:
Naipapakita ang inverse operation sa multiplication at division.
Nakasusulat ng inverse operation sa multiplication at division.
Nagagamit ang inverse operation sa totoong buhay.

II. Paksa:
Pagpapakita ng inverse operation sa multiplication at division.
Sanggunian:
MELCs sa Mathematics
Kagamitan ng Mag-aaral sa Mathematics 2, pp. 154-157
Real Life Mathematics 2, pp. 268-274
Kagamitan:
Laptop, powerpoint presentation ng aralin, mga larawan at show me board
Integrasyon:
ESP- Pagiging mapagmahal at maalalahaning anak

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Mga Pamantayan Habang nasa Online Class
2. Drill
Sagutan ang mga sumusunod na multiplication at division equations gamit
ang isip lamang.
1. 3 x 3 = _____
2. 4 x 5 = _____
3. 5 x 2 = _____
4. 9 ÷ 3 = _____
5. 8 ÷ 4 = _____
6. 12 ÷ 3 = _____

3. Balik-aral
Sagutan ang mga sumusunod na bilang.
1. Dahil sa pandemya, may limang pamilyang nabigyan ng 10 kilong bigas
bawat isa. Ilang kilong bigas ang naipamigay sa lahat ng pamilya?
Sagot: 5 x 10 = ____

2. May 10 kaing ng saging na dinala si Mang Tasyo sa palengke. Hinati niya ito
sa dalawang suking tindera. Tig ilang kaing ng saging ang bawat isa?
Sagot: 10 ÷ 2 = ____

3. May tatlong batang nabigyan ng tig-apat na kuwaderno. Ilan lahat ang


naipamigay na kuwaderno?
Sagot: 3 x 4 = ____

4. May 100 sakong binhi ang ipinamahagi ang Municipal Agriculture Office.
Hinati ito sa 10 bsarangay. Ilang sakong binhi ang mapupunta sa bawat
barangay?
Sagot: 100 ÷ 10 = ____

5. May 8 frontliners ang nabigyan ng tig-tatlong Personal Protective


Equipment o PPEs bawat isa. Ilan lahat ang nibigay na PPEs
Sagot: 8 x 3 = ____

______________________________________________________________________________________________________________________________
DOÑA JUANA ELEMENTARY SCHOOL
St. Peter St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City
Tel No. 7729-4631
Email Address: es.donajuana@depedqc.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
_________________________________________________________________________________________________________________
B. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak
Math-Tanong!
Mahal niyo po ba ang inyong ina?
Paano niyo ipinapakita ang inyong pagmamahal sa inyong ina?
Alam niyo ba kung ano ang ipinagdiriwang natin kahapon?
Paano niyo ipinagdiriwang ang Mothers’ Day o Araw ng mga Ina kahapon?
Ano ang regalo niyo sa ina niyo?
Gusto niyo bigyan ko kayo ng ideya ano ang magandang ibigay na regalosa
inyong ina?

Math-Laro!
Picker Wheel

2. Paglalahad
a. Math-Kinig!
❖ Paglalahad ng alituntunin sa pakikinig ng isang kuwento.
❖ Pakikinig sa kuwentong babasahin ng guro.

Munting Sorpresa
ni Darell P. Umerez

Isang masayang umaga ng unang linggo ng Mayo, ay maagang


Nagising ang magkakaibigang sina Miya, Lolita at Alice. Napagkasunduan
nilang pumunta ng Barangay Polo, isang lugar sa Valenzuela na kung saan
nagtitinda ng matatamis at masarap na puto na paborito ng kanilang mga ina
at tinatangkilik ng mga tao. Naisipan nilang bumili ng isang bilao ng makukulay
na puto na may 30 na piraso. Bumili rin sila ng 3 kahon ng puto upang maayos
na mahati ang binili nila.
Nang mailagay na nila sa kanya-kanyang kahon ang mga puto, ay
sabik na sabik na silang umuwi upang ibigay ito sa kanilang mga ina. Nais
nilang surpresahin ang kanilang mga ina sa mahalagang araw na ito. Pagka-
uwi nila ay agad silang tumalima sa kanilang mga ina at hinagkan ang mga
ito ng mahigpit at inabot ang kanilang mga pasalubong na siya naming
ikinatuwa nila at masaya nilang idinaos ang espesyal na araw ng kanilang mga
ina.
b. Math-Tuto!
❖ Mga Tanong:
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Bakit sila pumunta sa Barangay Pulo?
3. Anong espesyal na araw ang tinutukoy sa kuwento?
4. Ayon sa kuwento, anong buwan ipinagdiriwang ang araw ng mga
Ina?
5. Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Araw ng mga Ina o Mother’s
Day?
6. Ilang puto ang binili nila para sa kanilang mga ina?
7. Ilang puto sa loob ng kahon ang ibinigay nila sa bawat ina nila?

4. Pagtatalakay:
Math-Tuto!
❖ Upang makuha natin ang tamang kasagutan, gagawa tayo ng isang
division equation.

______________________________________________________________________________________________________________________________
DOÑA JUANA ELEMENTARY SCHOOL
St. Peter St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City
Tel No. 7729-4631
Email Address: es.donajuana@depedqc.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
_________________________________________________________________________________________________________________

❖ Ipapakita ang Inverse Operation.

5. Pagsasanay:
Who-Laan Mo!
Sagutin at isulat ang inverse operation ng mga sumusunod na division at
multiplication equation.
Halimbawa: 45 ÷ 9 = 5 5 x 9 = 45

1. 18 ÷ 2 = ____ ____ x ____ = ____

2. 32 ÷ 4 = ____ ____ x ____ = ____

3. 3 x 5 = ____ ____ ÷ ____ = ____

4. 7 x 3 = ____ ____ ÷ ____ = ____

______________________________________________________________________________________________________________________________
DOÑA JUANA ELEMENTARY SCHOOL
St. Peter St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City
Tel No. 7729-4631
Email Address: es.donajuana@depedqc.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
_________________________________________________________________________________________________________________
6. Paglalahat:
Piliin ang angkop na salita sa bawat pahayag.

Ang (inverse operation, division sentence) ay ginagamit upang


malaman natin kung tama ang ating sagot sa multiplication o division
equations, na kung saan ang division ay gagawin nating (multiplication,
addition) at ang multiplication ay gagawin naman nating (subtraction,
division).
Ang (divisor, dividend) sa isang division sentence ay ang sagot o
product ng isang multiplication sentence.
Ang divisor at ang (quotient, product) ng division sentence ay ang
multiplicand at multiplier ng isang (multiplication, division) sentence.
IV. Pagtataya:
Sagutin at tukuyin ang inverse operation ng bawat equation. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Buksan ang link ng Google Forms na nasa chat box para doon
sumagot.

Equation Inverse Operation

1. 5 x 10 = ____ 1. ____ ÷ ____ = ____

2. 4 x 4 = ____ 2. ____ ÷ ____ = ____

3. 40 ÷ 5 = ____ 3. ____ x ____ = ____

4. 36 ÷ 6 = ____ 4. ____ x ____ = ____

5. 27 ÷ 3 = ____ 5. ____ x ____ = ____

V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na pahayag sa iyong kuwaderno. Ibigay ang
inverse operation ng bawat equation. Gawing gabay ang unang bilang sa iyong
pagsagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang sagot kapag hinati ang 80 sa 10?


Equation: 80 ÷ 10 = 8
Inverse Operation: 8 x 10 = 80

2. Ano ang sagot kapag hinati ang 21 sa tatlo?


3. Kapag hinati ang 24 sa apat, ano ang sagot?
4. Ano ang quotient kapag hinati ang 25 sa lima?
5. Ano ang quotient kapag hinati ang 12 sa dalawa?

Inihanda ni:
VARREN T. PECHON
Master Teacher II

______________________________________________________________________________________________________________________________
DOÑA JUANA ELEMENTARY SCHOOL
St. Peter St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City
Tel No. 7729-4631
Email Address: es.donajuana@depedqc.ph

You might also like