You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII—Eastern Visayas
Schools Division of Biliran Province
Caibiran District 2
 

Elementary

FILIPINO 2

LEARNER’S
ACTIVITY SHEETS
(las)

ANGELINE A. MOCORRO

NOT FOR SALE—GOVERNMENT PROPERTY

KOPYA NG MAG-ANAK/ GUARDIAN


FILIPINO 2
Lesson 1: Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggang teksto.
F2PN-Ia-2 F2PN-IIb-2 F2PN-IIIa-2

Topic/Title: Sanhi at bunga, salitang pang-ugnay (kapag, sapagkat, dahil, kasi, kung, kaya)
Paunang Salita:
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang tungkol sa sanhi at bunga.

Babasahin ang mga sumusunod na pahayag sa mga mag-aaral.


1. Pagpapahayag / Discussion
Ang Sanhi o Cause sa salitang Ingles ay ang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ang Bunga o Effect sa salitang Ingles ay ang kinalabasan/resulta o dulot ng naturang
pangyayari.
Narito ang mga panandang ginagamit sa Sanhi at Bunga:
kapag resulta sapagkat sanhi
dahil epekto kasi bunga
kung kaya
Ang sanhi at bunga ay kapag ang isang kaganapan (sanhi), maging mabuti man o masama ay
mayroong kahihinatnan (bunga).
Tandaan, hindi palaging nauuna ang sanhi sa isang pangungusap o kuwento, mayroong mga
pagkakataon na nauuna ang bunga kaysa sa sanhi.

2. Halimbawa:
Sanhi: Hindi siya natulog ng maaga.
Bunga: Kaya nahuli siya sa klase.

Sanhi: Pinag-aralan niyang mabuti ang mga aralin kagabi.


Bunga: Kaya nakakuha siya ng mataas na marka.

Ibigay ang Pagsasanay 1


Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang S kung sanhi at B kung bunga ang mga sinalungguhitan sa
pangungusap.
1. Marami ang isda sa karagatan dahil hindi nagpapaputok ng
dinamita ang mga mangingisda.
2. Pinuputol ang mga puno sa kagubatan kaya nagkakaroon ng baha.
3. Malago ang mga gulay dahil dinidiligan ito araw-araw.
4. Mabait ang Panginoon kasi lumikha siya ng mga bagay sa mundo.
5. Gumawa nang gumawa ang Diyos kaya sa ikapitong araw siya ay
nagpahinga.

Ibigay ang Pagsasanay 2


Pagsasanay 2
Panuto: Pakinggang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng
kahon ang sanhi at salungguhitan naman ang bunga.
1. Nakaligtaan ni dodong isara ang gripo sa kusina. Nagulat ang
kanyang nanay ng makitang basa ang sahig.
2. Masayang-masaya si Lina dahil mamamasyal siya at ang kanyang
mga magulang sa Rizal Park.
3. Ang mga tao ay nagtutulong-tulong kaya umuunlad ang bansa.
4. Bumaha sa kalsada dulot ng pagtatapon at pag-iimbak ng basura
roon.
5. Nilinis ang buong bahay ni ate kaya ang ganda nitong tingnan.

Ibigay ang Pagsasanay 3


Pagsasanay 3
Panuto: Pagtapat-tapatin ang sanhi at bunga.
A B
1. Narinig nilang tinutugtug A. Nawalan ng tirahan ang
ang pambansang awit. mga lamok.
2. Naglinis ang mga anak ni B. Natuwa ang kanilang
Nanay Rosa ng bakuran. punong barangay.
3.Nilinis ng mga lalaki C. Nagsanay ng mabuti bago ang kanal.
pa dumating ang paligsahan.

4. Nanalo siya sa paligsahan D. Tumigil sila sa paglalakad


sa pag-awit. at tumayo ng mabuti.
5.Tumulong siya sa E. Hindi na bumaha sa
pagtatanim ng mga puno. paligid.

Mga Gawain ng Mag-aaral


FILIPINO 2

Pangalan _______________________________________________
Baitang/Seksyon ________________________________________

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang S kung sanhi at B kung bunga ang mga sinalungguhitan sa
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Marami ang isda sa karagatan dahil hindi nagpapaputok ng


dinamita ang mga mangingisda.
2. Pinuputol ang mga puno sa kagubatan kaya nagkakaroon ng baha.
3. Malago ang mga gulay dahil dinidiligan ito araw-araw.
4. Mabait ang Panginoon kasi lumikha siya ng mga bagay sa mundo.
5. Gumawa nang gumawa ang Diyos kaya sa ikapitong araw siya ay
nagpahinga.

____________________ ____________
Lagda ng Magulang Petsa

FILIPINO 2

Pangalan ________________________________________________
Baitang/Seksyon _________________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Pakinggang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng
kahon ang sanhi at salungguhitan naman ang bunga.

1. Nakaligtaan ni dodong isara ang gripo sa kusina. Nagulat ang


kanyang nanay ng makitang basa ang sahig.

2. Masayang-masaya si Lina dahil mamamasyal siya at ang kanyang


mga magulang sa Rizal Park.

3. Ang mga tao ay nagtutulong-tulong kaya umuunlad ang bansa.

4. Bumaha sa kalsada dulot ng pagtatapon at pag-iimbak ng basura


roon.

5. Nilinis ang buong bahay ni ate kaya ang ganda nitong tingnan.
____________________ ____________
Lagda ng Magulang Petsa

FILIPINO 2

Pangalan ____________________________________________
Baitang/Seksyon _____________________________________
Pagsasanay 3

Panuto: Pagtapat-tapatin ang sanhi at bunga.

A B
1. Narinig nilang tinutugtug A. Nawalan ng tirahan ang
ang pambansang awit. mga lamok.
2. Naglinis ang mga anak ni B. Natuwa ang kanilang
Nanay Rosa ng bakuran. punong barangay.
3.Nilinis ng mga lalaki C. Nagsanay ng mabuti bago ang kanal.
pa dumating ang paligsahan.

4. Nanalo siya sa paligsahan D. Tumigil sila sa paglalakad


sa pag-awit. at tumayo ng mabuti.
5.Tumulong siya sa E. Hindi na bumaha sa
pagtatanim ng mga puno. paligid.
____________________ ____________
Lagda ng Magulang Petsa

You might also like