You are on page 1of 5

Republic of the Philippine

Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY
Himamaylan City, Negros Occidental
SARAET ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN – GRADE 6–FILIPINO

QUARTER: 3rd QUARTER PETSA:


I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan
Kasanayan sa Pagkatuto Competency Code:

Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga F6PN-III-C-18


pangyayari
Kontekstwalisadong Kasanayan:
Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa paligid, lokal man o pambansang
pangyayari.
II. NILALAMAN
Pag-unawa sa napakinggan.

SANGGUNIAN:
1. MISOSA Filipino 4. Module 14

MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO:


Instructional Aids (Visual) Instructional Aids (Audio/Video) Subject Specific Material/s
1. Tsart 1. Laptop
2. aktibiti kard 2. Projector
3.plaskard 3. Speaker
Values: MAHALIN AT TRATUHIN NG TAMA ANG KAPWA-TAO
PAMAMARAAN SA PAGKATUTO:
P PAGSASANAY:
A Pagbasa ng mga salita sa plaskard.
N Sanhi
I Bunga
M Dahilan

HIMAMAYLAN CITY
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN
U Salita
L Pangungusap
A Paggamit ng mga salita sa pangungusap. (Enhancing Literacy Skill)
N BALIK-ARAL:
G Panuto: Pagtambalin ang sanhi na nasa Hanay A sa bunga na nasa Hanay B.
G Hanay A Hanay B
A 1. Pagtatapon ng basura sa ilog a. tumaas ang presyo ng bilihin.
W 2. Pagtaas ng halaga ng gasolina b. bumaha sa kapaligiran.
A 3. Pagputol ng mga puno sa kabundukan c. bumagal ang daloy ng tubig.
I
4. Paggamit ng pataba d. umaani ng masagana ang
N
i. magsasaka.
5. Pananalanta ng bagyo e. nasira ang mga ari-arian.

PAGGANYAK:
Magpakita ng larawan ng pagbaha dulot ng bagyo.
1. Nakaranas na ba kayo ng pagbaha sa inyong lugar, dulot ng bagyo?
2. Mga ilang beses na kayo nakaranas ng pagbaha?
3. Ano ang inyong pakiramdam kung lubog sa baha ang inyong lugar?
(Bigyan ng guro ng pagkakataon na maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
kaisipan at eksperyensiya.)
Address learners gender, needs, strengths, interesrs and experiences
PAGLALAHAD:
Ipabasa sa mga bata.
Isang Kalamidad
Dumating ang napakalakas na Bagyong Yolanda na nagging dahilan ng pagkasira
ng mga bahay at malawak na pinsala sa mga ari-arian ng mga taga-Leyte.
Pansamantalang lumikas ang mga taga-roon sa mga evacuation centers, na
inorganisa ng local na pamahalaan.
Nagsusumiksikan ang maraming pamilya sa mga evacuation centers. Kakaunti
ang tubig at pagkain. Marumi ang kapaligiran at maraming bata at matanda ang
nagkasakit. Hindi sila gaanong nabigyan ng sapat na pansin dahil sa maraming
kakulangan lalo na ang gamot at inuming tubig.
Marami ang naantig sa kahirapang dinaranas ng mga taga-Leyte sa kanilang
evacuation center. Dumagsa ang mga nagbigay-tulong galing sa iba’t-ibang
sektor.Umaasa sila sa muling pagbangon ng mga taga-Leyte.

Pagtatalakay:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Bakit nasira ang mga bahay at napinsala ang mga ari-arian ng mga taga-

HIMAMAYLAN CITY
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN
Leyte?
2. Saan sila lumikas?
3. Bakit maraming bata at matanda ang nagkasakit?
4. Sapat bang tulong ang natanggap nila? Bakit?
5. Ano ang dapat gawin sa mga kapwa nating humihingi ng tulong sa
ganitong sitwasyon? HOTS Questions
AKTIBITI:PANGKATANG GAWAIN
Pangkatin ang mga bata sa 4 na pangkat. (Maaring pangkatin ang mga bata ayon sa kanilang
interes o di kayay kagalingan/kakayahan) Gumamit ng pamagat ng kuwento, hayaan ang mga
batang pumila sa gusto nilang kuwento ang unang 6 na makakapila ang siyang bubuo ng
pangkat.
Panuto: Basahin ang sitwasyon at ibigay ang sanhi at bunga.
Pangkat I at III
Nalungkot si Rose, kaarawam na ng kanyang ina. Wala pa rin siyang panregalo
nito. Naupo siya sa isang malaking bato sa kanilang bakuran. Natamo niya ang
maraming bulaklak ng rosas. Napangiti si Rose. May panregalo na siya sa nanay niya.
Buong kasiyahang tinatanggap nang nanay niya ang mga bulaklak. Kasabay ang sabing,”
ito ang pinakamahalagang regalong natanggap ko sa aking kaarawan, maligayang-maligaya
ako.”
Sanhi:
Bunga:
Pangkat II at IV
May narinig ang nanay na bumagsak sa kusina. Lumabas siya at nakita niyang
nakataob ang pinggang pinaglayan ng pritong bangus, wala nang laman. Sa tabi ng
pinggan ay naroon ang isang pusang nguminigiyaw. Nagalit ang nanay sa pusa. Pinalo
niya ito sabay sabing, “wala na kaming ulam ngayon.”
Sanhi:
Bunga:

ANALISIS/PAGSUSURI:
Ilalahad ng mga taga-ulat ng bawat pangkat ang kanilang gawa.
Isa-isahing muli ang mga teksto ng bawat pangkat.
Magbigay ng iba’t ibang uri ng papuri sa pamamagitan ng palakpak sa bawat pangkat. Positive
Descipline
ABSTRAKSYON:
Paano maibibigay ang sanhi o bunga ng mga pangyayari?
(Magbibigay ang sanhi o bunga ng mga pangyayari sa pamamagitan ng hudyat na
pananalita sa maaring dahilan o kinalakasan ng isang pangyayari.)

HIMAMAYLAN CITY
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN
(Maaring Pumili ang guro ng mag-aaral na sasagot sa pamagitan ng pagbibilang o skip
counting o sa pamamgitan ng laro na nakakahasa ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
Pagbibilang) Enhancing Numeracy Skill
APLIKASYON:
Panuto: Basahin ang sitwasyon at ibigay ang sanhi at bunga ng pangyayari.
Isang munting pamayanan ang Barangay Saraet. Itinuturing munting paraiso ng
mga naninirahan dito. Ito ay dahil sa kalinisan at katahimikan ng buhay sa pook na
ito. Bawat isa ay magkakakilala at magkakaibigan dahil isa ito sa binibigyang-pansin ng
pinuno nila. Ang pagkakaroon ng malimit na pagpupulong sa iba’t-ibang pook na
nasasakupan ng barangay para marating nila at makilala ang isa’t-isa.
Sanhi:
Bunga:
*Sa anong mga gawain sa paaralan natin maaring magamit ang tamang pagbibigay ng
sanhi at bunga?
*Bagbigay ng isang asignatura kung saan mahalaga ang pag-alam at pagbibigay ng
tamang Sanhi at Bunga? (Psibleng sagot: Science(experiment)/ ESP/ EPP/TLE atbp.)
(Content across curriculum teaching areas)
PAGTATAYA:
Panuto: Basahin ang kuwento at ibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Si Aling Nelia at Aling Rita ay matalik na magkakaibigan at matagal nang
hindi nagkita. Isang araw dumating si Aling Rita sa kanilang nayon. Nagyakapan at
naghalikan ang dalawa nang magkita. Si Aling Rita ay dumating sa nayon dahil sa
paglutak ng problema sa lupang naiwan ng mga magulang. Pinagsugbo at dinaing na
bangus ang pasalubong sa mag-anak ni Aling Nelia.
Sa isang dako naman, nakita ni Aling Rita na malusog ang katawan ng pamilya
ni Aling Nelia, lalo na ang asawang si Mang Reynaldo na kinahiligan ang pag-aasikaso ng
kanilang lupa na may mga tanim na gulay at prutas. Nakabubuti rin sa katawan nila
ang sariwang hangin sa nayon.
1. Nagkita ang magkakaibigang Aling Nelia at Aling Rita.
Bunga:
2. Dumating si Aling Rita sa nayon.
Bunga:
3. Mahilig si Mang Reynaldo sa pagtatanim ng gulay at prutas.
Bunga:
4. Malusog ang katawan ng pamilya ni Aling Nelia.
Sanhi:
5. May pasalubong na pinasugbo at dinaing na bangus si Aling Rita.
Bunga:

HIMAMAYLAN CITY
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN
INSTRUCTIONAL DECISION:

REFLECTION:
From the evaluation, number of learners who earned:
80% and above
Below 80%

Did the remedial lesson work?

No. of learners who:


Have caught up with the lesson

Continue to require remediation


Which of my strategies worked
well? Why did these work?

What difficulties did I encounter


which my Principal/Supervisor can
help me solve?

What innovation or localized


materials did I use/discover which
I wish to share with other
teachers?

Prepared by:

MARIA ELENA M. INFANTE,Teacher-1, Saraet Elementary School

Noted:

MELCHORITA N. JAINGA, Head Teacher III, Saraet Elementary School

HIMAMAYLAN CITY
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN

You might also like