You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Tatlo

W2 Markahan Ika-apat Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Kasanayan Mula sa Paaralan, Ibahagi sa Pamayanan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Show the skills learned from school necessary to the
KASANAYANG PAMPAGKATUTO community.
(MELCs)
Naipakikita at naibabahagi ang mga kasanayang
natutunan mula sa paaralan na kinakailangan sa
pamayanan

III. PANGUNAHING NILALAMAN Mapaunlad ang kakayahang pang-akademiko upang


makatugon sa pagpapaunlad ng komunidad base sa
pang-internasyonal na pamantayan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto_)

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo kung paano ipakita ang mga


kakayahan sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan. Sa araling ito at
matutunan mong magbahagi ng iyong mga kaalaman at kakayahang natutunan sa
paaraln na kailanagn sa pamayanan.

Kahit ikaw ay isang bata ay malaki ang magiging papel mo sa pag-unlad


ng iyong pamayanan gaya ng pagbabahagi ng mga natutuhan mong mga
kasanayan sa paaralan. Hindi dapat makahadlang ang nararanasan nating
pandemya sa kasalukuyan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Ang
pagiging matulungin, malikhain at responsableng mamamayan ay mga
mahahalagang aspektong dapat mong matutuhan upang maisagawa o maipakita
ang mga kasanayan na kinakailangan ng iyong pamayanan.

Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Si Hasam, ang Malikhaing Langgam


ni Imelda S. Arevalo

Si Hasam ay isang masipag at malikhaing langgam. Araw-araw


siyang pumapasok sa paaralan. Lahat ng kanyang natutuhan sa paaralan ay
isinasabuhay niya sa kanilang tahanan at sa pamayanan gaya ng pagtatanim ng
mga puno, mga gulay at pagtatapon ng basura sa tamang basurahan. Hindi lang
iyan, sinasabi niya rin sa kanyang mga magulang na dapat magtipid sa kuryente
at tubig sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw kapag di na ginagamit,
gayundin sa tubig. Sadyang malikhain siya dahil gumagamit siya ng mga patapong
bagay gaya ng mga lata at mga bote ng tubig bilang taniman ng gulay at
halaman. Kaya naman
tuwang-tuwa sa kaniya ang kanyang mga magulang pati na rin ang mga
matatanda sa pamayanan.
Tanong: Sino si Hasam?
Ano-ano ang mga kasanayan na natutuhan niya sa paaralan?
Paano niya ibinahagi ito sa pamayanan?
Kaya mo rin bang gawin ang ginawa ni Hasam? Paano?
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: _20 minuto_

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang puso sa patlang kung wasto


ang isinasaad ng pangungusap, at kahon kung hindi wasto. Gawin ito sa
iyong sagutang papel

_ 1. Tinuruan ni Marie ang kanyang mga kapatid kung paano gumawa ng


poster para sa paligsahan sa kanilang barangay.
_2. Magaling umawit si Roy subalit ayaw niyang umawit sa harap ng mga
tao dahil nahihiya siya.
_3. Maagang gumising sina Nina at Ferdie upang tumulong sa paglilinis sa
kanilang lugar.
_4. Si Joshua ay isa sa mga mahuhusay sa klase ni Gng. Villafuerte. Pag-uwi
niya sa bahay ay tinutulungan niya ang ibang bata sa paggawa ng
kanilang takdang-aralin.
5. May isasagawang Community Pantry sa Barangay Maligaya kaya
nagpadala si Lanie ng mga gulay na kanilang naani sa kanilang
munting gulayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa loob ng bulaklak ang bilang ng mga


pahayag na nagpapakita ng iyong kasanayan na kinakailangan sa
pamayanan. Gawin ito sa iyong sagutang papel

1. Mahusay sumayaw si Caloy. Tinuturuan niya ang mga batang nagnanais


matutong sumayaw tuwing Sabado at Linggo.
2. Masarap magluto si Myrna, subalit ayaw niyang tumulong sa kaniyang nanay
dahil tinatamad siya.
3. Naghahanap si Mang Ambo ng marunong tumugtog ng gitara para sa kanilang
reunion, nalaman ito ni Marissa kaya nagprisinta siya dahil marunong naman
siyang tumugtog ng gitara
4. Pinapangunahan ni Anton ang lingguhang paglilinis sa kanilang barangay.
5. Ayaw turuan ni Marietta ang kaniyang mga kapatid sa kanilang takdang-aralin
dahil naiinis siya.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto _)

Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Iguhit sa patalang ang masayang mukha


kapag ang isinasaad ng mga pahayag ay nakatutulong sa pag- unlad ng
pamayanan at malungkot na mukha kapag ito ay hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang
papel

1. Nagtatanim ako ng mga gulay sa bakanteng lupa ng aming bahay.


2. Sinisira ko ang mga tanim na namumulaklak sa harapan ng aming bahay.
3. Dinidiligan ko ang mga tanim na halaman ng aking nanay.
4. Nakikisali ako sa mga gawaing pampamayanan ng aming lugar.
5. Hindi ako nakikialam sa mga proyekto at programa ng aming pamayanan.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto_)

Ilista ang mga kasanayan na natutunan mo sa paaralan na ginagamit


mo ngayon sa inyong pamayanan. Halimbawa: Pagiging malinis. Itala ito sa loob ng
mga lobo.

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto )


 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng
iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging
karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel
ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit
na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa
pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko
nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
VI. SANGGUNIAN ile:///C:/Users/DEPED/Downloads/pdfcoffee.com_k-to-12-melcs-with-cg-codes-homeroom-
guidance-program1-pdf-free.pdf
https://www.oncoloring.com/clown-with-balloons-coloring-page_9119.html
Inihanda ni: Sinuri nina:
CHARMAINE JOY D. CAPUNO MARCY M. BARIN
TEACHER II HG LEADER

ELENITA S. MESINA
PRINCIPAL

You might also like