You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 2

(Gramatika)

I. Layunin
Paggamit ng mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan
F2WG-IIg-h-5
Pagpapahalaga: “Pagtutulungan”
Subject Integration: Araling Panlipunan

II. Paksang Aralin: 
Gamit na mga Salitang Kilos sa Pag-uusap
Sanggunian:
1. K to 12 Curriculum Guide, Grade 2
2. Ang Bagong Batang Pinoy. 2013. pp.280-285, 314-318*
3. Bagong Filipino sa Salita at Gawa 2. 2000. pp. 184-187
4. Landas sa Wika at Pagbasa 2. 1997. pp. 108-112
Kagamitan:
Mga larawan, tarpapel, plaskard, pocket chart

 III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pampasigla
Kanta – “Magtanim as Di Biro”
2. Balik-Aral
Pagsali sa isang usapan tungkol sa isang sariling karanasan.
3. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng tahanan, paaralan, at pamayanan o katulong sa komunidad
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Ano ang karaniwang ginagawa ng pamilya sa tahanan? Sa paaralan? Sa pamahalaan o
sa komunidad?
b.. Ilahad ang usapan ng mag-asawa sa tahanan.
Tatay: Darling, pwede bang maglampaso kana habang ako ay naglalaba.
Nanay: Ginawa koi to isang oras lamang ang nakalipas. Nagawa ko rin ang
paghuhugas ng pinggan at pagplantsa ng iyong mga kamiseta.
Tatay: Maraming salamat, sasabihin ko kay David na punasan ang alikabok at
walisan ang sahig.
Nanay: Sa tingin ko sya ay abala sa pagliligpit ng kanyang kama at paglilinis ng
kanyang kwarto.
Tatay: Ang bahay natin ay nangangailan ng maglalampaso at paglilinis dapat
kumuha na tayo ng makakatulong..
Nanay: Siguro dapat matutunan muna nating bawasan ang pagkakalat..
2. Pagtatalakay
a. Pag-usapan ang dayalogo...
Itanong – Sinu-sino ang nag-uusap sa bahay?
Ano ang kanilang pinag-usapan?
Anu-ano ang ginamit na salitang kilos o galaw sa usapan?
Ipabanggit ang mga ginamit na kilos sa usapan at talakayin ang tungkol sa
pandiwa
b. Pag-usapan ang tungkol sa paaralan
c. Pag usapan ang tungkol sa pamahalaan
Subject Integration – Araling Panlipunan
Itanong ang mga ginagawa ng mga nasa larawan.
Value Integration - (Bigyang halaga ang PAGTUTULUNGAN)

3. Paglalapat
Pangkatin ang klase sa tatlo.
Bawat pangkat ay bubunot ng ilang kilos na ginagawa sa tahanan, sa paaralan at
sa pamayanan. Hayaang gamitin sa pakikipag-usap ang mga sumusunod na
kilos.
(Magpakita ng larawan sa bawat kilos).
 Mga kilos na ginagawa sa tahanan.
 Nanay - naglalaba
 Tatay – nag-aayos ng bubong Pangkat 1
 Kuya - nagwawalis
 Ate - nagpaplantsa
 Mga kilos na ginagawa sa paaralan.
 nagbabasa
 sumusulat
 kumakanta Pangkat 2
 nagbibilang
 Mga kilos na ginagawa sa pamayanan ng mga katulong ng komunidad.
 Guro – nagtuturo
 Tsuper – nagmamaneho
 Magsasaka – nagtatanim Pangkat 3
 Pulis - nagtatrapik
Rubriks para sa ginawang pagsasanay.
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
1. Nagawa ba ng pangkat ang kilos 5
nang tama?
2. Lahat ba ng kasapi ng pangkat ay 5
tumulong para magawa ang kilos?
3. Tama ba ang gamit ng kilos sa 5
pakikipag-usap?

C. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga kilos na ginagawa ng pamilya sa tahanan, ng mga bata sa paaralan, at
ng mga katulong ng komunidad sa pamayanan?
Ginagamit ba natin sa pakikipag-usap ang mga salitang kilos o galaw?

IV. Pagtataya
Bilugan ang hindi kabilang sa sumusunod na salita.
1. kumain, nagsisipilyo, litson
2. magsisimba, simbahan, nagdarasal
3. bibili, palengke, nagbayad
4. guro, nagsusulat, magbasa
5. ospital, nanggagamot, pinahiga
6. namasyal, nanonood, parke
7. halaman, nagdidilig, pumitas
8. nagmamaneho, tsuper, sasakay
9. pumalakpak, sumasayaw, paaralan
10. bata, tumatawa, naglalaro

V. Takdang Aralin
Maglista ng mga ginagawa bago pumasok sa paaralan.

Prepared by:
ARLENE F. VALDEZ
Teacher II
Checked by:
LY MARIE O. GAMBOA

You might also like