You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Aurora
Maria Aurora District
Maria Aurora Central School

Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 2


Quarter 3: Week 2

PT: Hannah Grace V. Bautista CT: Aileen L. Afos Principal: Gliceria Geneta
Learning Area: Araling Time: Sec: 2-FL SAMPAGUITA
Panlipunan 3:30-5:00
Grade Level: 2 Date : April 30, 2021

II. OBJECTIVES

B. Content Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga


Standards namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at
pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad

D. Performance Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting


Standards paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad

F. Learning Nailalarawan ang kalagayan at suliraning pangkapaligiran ng


Competencies/ komunidad.
Objectives
Nasasabi ang sanhi at bunga ng pagkasira ng kapaligiran.

Natatalakay ang kahalagahan ng pangangalaga ng kapaligiran.


Values Integration Mapahalagahan ang kapaligiran at kalusugan.
III. CONTENT Kalagayan at Suliraning Pangkapaligiran ng Komunidad
(Subject
Matter/Lesson)
IV. LEARNING
RESOURCES
A. REFERENCES
1. Curriculum Guide p.49
Pages
Teacher’s Guide MELC IN Araling Panlipunan p.31
K-12
2. Textbook Pages Araling Panlipunan 2
3. Additional Ikatlong Markahan- Module 2
Materials from
Learning Unang Edisyon, 2020
Resources Portal
4. Other Learning Laptop, Powerpoint presentations
Resources
Preparatory Activities
a. Prayer and Teacher: Mga bata, tayo ay tumahimik at manalangin.
Greetings
Magandang umaga mga bata!

All: Magandang umaga din po Ma’am!

b. Checking of Teacher: Mga bata, tatawagin ko isa-isa ang inyong pangalan. Maaari
Attendance bang magsabi ng “present Ma’am” kung kayo ay narito?

All: Opo Ma’am!


IV.PROCEDURES
A. Reviewing Panimulang Gawain
previous lesson or 1. Preparasyon
presenting the new Magandang umaga mga bata. Kumusta kayong lahat?
Tayo ngayon ay nasa New Normal na paraan ng pag-aaral.
lesson
Bago tayo magsimula ay mga alituntunin tayong dapat
sundin upang lalo ninyong maintindihan ang inyong aralin
sa araw na ito. Tandaan natin ang 4 na M.

Una, Mute o paki-off ang inyong audio or speaker sa inyong gamit na


gadget para hindi natin marinig ang anumang hindi kanaisnais na
ingay sa inyong kinaroroonan. Kapag tinawag kayo ay saka lang
ninyo ibukas o i-open ang inyong speaker.

Pangalawa, Magbukas o paki-on ang inyong camera kung


kinakailangan.

Pangatlo, Manood sa presentasyon at dapat ay may hawak kayong


lapis at notebook para maisulat ninyo ang mga importanteng bagay
mula sa ating aralin.

Pang-apat, Makinig habang may nagsasalita.

Handa na ba kayong making sa ating aralin ngayon?

2. Balik-aral

Teacher: Mga bata, tignan mabuti ang mga larawan sa inyong


harapan at tukuyin kung anong klaseng hanapbuhay ang mga ito.
1. Pangingisda
2. Pagsasaka
3. Pagkakarpintero
4. Pagtuturo
5. Pananahi

Teacher: Magaling. Ilan lamang iyan sa mga hanapbuhay sa ating


komunidad.
A. Establishing a Paglinang na Gawain
purpose for the 1. Paghawan ng balakid
lesson/ Motivation Covid-19(Corona Virus) - ay isang tipo ng mga viruses na
nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging sanhi ng ng malalang
sakit sa baga o paghinga.
Gamitin sa pangungusap ang COVID-19.

Mag-aaral: ang pamilya ni Mario ay isa sa mga pamilyang


naapektuhan ng COVID-19.

Habilin – ay pagbabantay ng bagay na inutos ng isang tao.


Gamitin sa pangungusap ang habilin.

Mag-aaral: naalala niya ang habilin ng kanyang nanay tungkol sa


paghihiwalay ng basura..

Junk Shop- Dito natin binebenta ang mga basura natin kagaya
nalang ng mga bote at plastic.
Gamitin sa pangungusap ang Junk Shop.

Mag-aaral: ibinenta nila sa junk shop ang mga bagay na maaari pang
pakinabangan.

2. Pagganyak:

Mga bata, aawit muna tayo tungkol sa kapaligiran. Sino ang


nakakaalam ng awit na “Batang Bibo sa Kapaligiran”?
Handa na ba kayong umawit? Sundan ang kantang makikita ninyo sa
screen.

Naaliw ba kayo sa kanta? Sana ay nahikayat ko ang inyong interes na


making sa ating aralin sa araw na ito.

3. Pangganyak na Tanong:

1. Ano ang naisipang gawin ni Mario upang makatulong sa


pamilya sa panahon ng krisis?
2. Ano ang ginawa ni Mario sa naipon niyang pera?

4. Pamantayan sa pakikinig ng kwento:


Ibigay ang pamantayan sa pakikinig ng kwento.

5. Pakikinig at pagtatanong tungkol sa kwento

Mario, May Pera sa Basura!


Ni: Marivic B. Sanchez

Ang pamilya ni Mario ay isa sa mga pamilyang naapektuhan ng


krisis dulot ng Covid19. Naisipan ni Mario na tumulong sa kanyang
pamilya. Naalala niya ang habilin ng kanyang nanay tungkol sa
paghiwalayin ang mga basura dahil nilalangaw ang mga ito at
nagdudulot ng sakit. Sa tulong ng kanyang ate. Pinaghiwalay niya ang
kanilang basura sa mga nabubulok sa di-nabubulok. Ibinenta nila sa
junk shop ang mga bagay na maaari pang pakinabangan. Marami
ring naipong pera si Mario mula sa mga basurang pwede pang
pakinabangan. Ipinatago niya ang perang naipon sa kanyang mga
magulang upang magamit niya sa kanyang pag-aaral.

6. Pagsagot sa pagganyak na tanong:

1. Sino ang batang nasa kuwentong ating binasa?

Mag-aaral: Ang batang nasa kuwentong ating binasa ay si Mario.

2. Ano ang naisipan ni Mario para makatulong sa kanyang pamilya?

Mag-aaral: Naisipan ni Mario na magkapera mula sa kanilang basura.

3. Sino ang tumulong kay Mario?

Mag-aaral: Si Ate ang tumulong kay Mario.

4. Kanino ibinigay ni Mario ang perang kinita niya mula sa basura?

Mag-aaral: Ibinigay ni Mario sa kanyang mga magulang ang perang


kinita niya mula sa basura.

5. Saan gagamitin ni Mario ang perang iniipon niya?

Mag-aaral: Gagamitin ni Mario ang perang iniipon niya sa kanyang


mga pangangailangan.
During the Lesson
B. Presenting Mahalaga ang ating kalikasan dahil dito tayo kumukuha ng ating mga
examples/ pangangailangan. Kapag hindi natin ito inaalagaan, magkakaroon
instances of the tayo ng mga problemang pangkapaligiran. Ang mga sumusunod ay
ilan sa mga suliraning nangyayari sa ating komunidad. Pag-aralan
new lesson
natin ang mga ito.

1. Pagbaha sa komunidad dahil sa mga basurang nakabara sa


mga kanal.
Ang maling pagtatapon ng basura ay nakakasira sa ating
kapaligiran. Nakababara ito sa daluyan ng mga kanal tuwing umuulan
na dahilan ng pagbaha sa ating komunidad.

2. Nakakalbong kabundukan
Dahil sa sobrang pagputol ng tao sa mga puno, nakakalbo ang
ating kabundukan. Kapag hindi pinapalitan ang mga pinutol na mga
puno, magkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa.

3. Polusyon sa dagat o ilog


Maraming mga isda ang namamatay dahil sa mga basurang
itinatapon dito na nakalalason sa mga lamang tubig.

4. Maruming Kapaligiran
Ang maling pagtatapon ng mga basura ay nagdudulot ng pagdami
ng mga peste tulad ng langaw at daga na nagdudulot ng sakit sa mga
tao.

Malaking suliranin sa ating komunidad ang pagkasira ng ating


kapaligiran. Dapat na makikibahagi o tumulong tayo para mapigilan
natin ang mga suliraning dulot ng maling gawain ng mga tao sa ating
komunidad.

C. Discussing new Individual Guided Activity:


concepts and Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
practicing new
skills # 1 1. Dinadapuan ng mga ___________ ang mga basurang
nakatambak sa kapaligiran.
a. Bubuyog
b. Langaw
c. Paru-paro
d. Gagamba

2. Ano ang mangyayari sa isang komunidad kapag maraming


nakatambak na basura sa kapaligiran?
a. Dadami ang junk shop
b. Magiging presko ang kapaligiran
c. Maraming pamilya ang magkakasakit
d. Lalago ang mga halaman sa ating komunidad

3. Maraming basyo ng bote sa inyong basurahan. Ano ang


pinakamagandang gawin sa mga ito?
a. Sunugin sa bakuran
b. Ipunin para maibenta
c. Itapon s nabubulok na basurahan
d. Ipaayos sa nakakatandang kapatid.

4. Napansin mong nakasanayan nang nakababata mong kapatid


na magtapon ng basura kahit saan sa loob ng inyong bahay.
Ano ang maaari mong maipayo sa kanya?
a. Gagaya ako sa aking nakababatang kapatid.
b. Isusumbong ko siya sa aking mga magulang.
c. Sasabihin ko sa kanya na tama ang kanyang ginagawa.
d. Papayuhan ko siyang magtapon ng tama sa basurahan.

5. Matapos hiwain ni nanay ang mga gulay ay tinwag ka niya para


itapon ang pinagbalatan niya. Saan mo itatapon ang mga ito?
a. Itatapon ang blat ng gulay sa basurahan par sa di-
nabubulok na basura.
b. Ilalagay ang mga balat ng gulay sa plastic at itatapon sa
mga halaman.
c. Itapon ang mga balat ng gulay sa bakuran.
d. Itapon ang mga balat ng gulay sa basurahan para sa
nabubulok na basura.

D. Discussing new Group Activities:


concepts and
processing new Unang Grupo: Malinis Kami!
skills # 2 Tsek o Ekis?
Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang
pangungusap at ekis (X) kung hindi ang mga patlang bago ang bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Ang pagtatapon ng basura sa mga ilog o dagat ay


nakalalason sa mga isda at iba pang mga lamang-dagat.
_______2. Ibulsa muna ang mga munting basura kapag walang
makitang basurahan.
_______3. Nagiging dahilan ng pagbaha ang mga basurang nakabara
sa mga kanal.
_______4. Linisin natin an gating kapaligiran para makaiwas sa sakit.
_______5. Nakatutulong ang mg basura sa ating kapaligiran.

Ikalawang Grupo: Masinop Kami!

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa bunga ng manga


sa loob ng puno ang letra ng mga pangungusap na dahilan ng
pagkasira sa ating kapaligiran. Gawin ito sa sagutang papel.

a. Pagtatapon ng basura sa mga kanal


b. Paglilinis sa loob ng bahay
c. Pagpuputol ng mga puno sa kabundukan
d. Pagtatanim ng punla mula sa mga basyong bote
e. Pagsusunog sa mga plastic na basura
f. Pagtatapon ng mga basura sa dagat o ilog
g. Pagpulot sa mga basurang nasa paligid ng tahanan
h. Pagtatambak ng mga basura sa paligid ng bahay

Ikatlong Grupo: Masipag Kami!

Nabubulok o Di-Nabubulok

Isulat sa tamang hanay kung Nabubulok o Di-nabubulok ang mga


patapong bagay na nakasulat sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Basyong bote Mga gamit na papel


Dahon ng saging Sirang upuan
Mga kahon ng sapatos Diaper
Balat ng mga gulay Plastic ng shampoo
Lata ng sardinas Balat ng prutas

Nabubulok Di- Nabubulok

__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________

E. Developing Malayang Pagtatanong


Mastery
Panuto:
Ibigay ang nawawalang titik upang mabuo ang mga salitang tinutukoy
sa bawat bilang.

1. Bunga ng maling pagtatapon ng basura na nakababara sa


daluyan ng mga kanal tuwing umuulan.
Pa__ba__a sa ko__un__d__d

2. Bunga ng sobrang pagputol ng tao sa mga puno.


N__ ___akalb__ng k__bu__duk__n

3. Maraming mga isda ang namamatay dahil sa mga basurang


itinatapon dito na nakalalason sa mga lamang tubig.
P__lusy__n sa d__g__t o il__g

4. Ang maling pagtatapon ng mga basura ay nagdudulot ng


pagdami ng mga peste tulad ng langaw at daga na nagdudulot
ng sakit sa mga tao.
M__rum__ng K__pal__gir__n

F. Making Pagbaha sa komunidad dahil sa mga basurang nakabara sa


generalization and mga kanal.
abstractions about Ang maling pagtatapon ng basura ay nakakasira sa ating
kapaligiran. Nakababara ito sa daluyan ng mga kanal tuwing umuulan
the lesson
na dahilan ng pagbaha sa ating komunidad.

Nakakalbong kabundukan
Dahil sa sobrang pagputol ng tao sa mga puno, nakakalbo ang
ating kabundukan. Kapag hindi pinapalitan ang mga pinutol na mga
puno, magkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Polusyon sa dagat o ilog


Maraming mga isda ang namamatay dahil sa mga basurang
itinatapon dito na nakalalason sa mga lamang tubig.

Maruming Kapaligiran
Ang maling pagtatapon ng mga basura ay nagdudulot ng pagdami
ng mga peste tulad ng langaw at daga na nagdudulot ng sakit sa mga
tao.

G. Finding practical Mahalaga ang ating kalikasan dahil dito tayo kumukuha ng ating
applications of mga pangangailangan. Kapag hindi natin ito inaalagaan,
concepts and skills magkakaroon tayo ng mga problemang pangkapaligiran.
in daily living Malaking suliranin sa ating komunidad ang pagkasira ng ating
kapaligiran. Dapat na makikibahagi o tumulong tayo para mapigilan
natin ang mga suliraning dulot ng maling gawain ng mga tao sa ating
komunidad.

H. Evaluating Panuto:
Learning Sanhi at Bunga

Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. isulat ang sagot sa patlang.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Pagtatapon ng mga a. Pagkalbo ng kagubatan
basura sa dagat
_____ 2. Baradong mga kanal b. Pagkakasakit ng pamilya
_____ 3. Pagputol ng mga puno c. Pagbaha sa komunidad
sa kabundukan
_____ 4. Hindi paghihiwalay sa d. Pagkamatay ng mga isda
mga nabubulok at di-nabubulok
na basura
_____ 5. Nilalangaw na e. Pagbaho ng kapaligiran
kapaligiran

I. Additional activities Panuto:


for application or Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel. Isulat sa loob ng
remediation bilog ang mga suliraning pangkapaligiran sa komunidad.

Mga Suliraning Kapaligiran sa ating Komunidad

Mga Suliranin ng
Kapaligiran sa ating
Komunidad
V. Remarks
VI. REFLECTION
A. No. of learners ___ of learners who earned 80% above
who earned 80%
in the evaluation
B. No. of learners ___ of learners who require additional activities for remediation
who require
additional activities
for remediation
C. Did the lesson ___ yes ___no
work? No. of ___ of learners who caught up the lesson
learners who have
caught up w/ the
lesson
D. No. of learners ___ of students who continue to require remediation
who continue to
require
remediation
E. Which of my ___ group collaboration
teaching strategies ___ games
worked well? Why ___ solving puzzles/Jigsaw
did these work? ___ Answering preliminary activities/exercises
___ Rereading of paragraphs
___ Discovery Method
___ Lecture Method
___ Complete IMs
___ Availability of Materials
___ Pupil’s eagerness to learn
___ Group member’s cooperation in doing their tasks

F. What difficulties
did I encounter
which my principal
or supervisor can
help me solve?
G. What innovation or
localized materials
did I use/discover
which I wish to
share with other
teachers?

Prepared by: Checked by: Noted:

HANNAH GRACE V. BAUTISTA AILEEN L. AFOS GLICERIA C. GENETA


Practice Teacher Teacher-III Principal-II

You might also like