You are on page 1of 35

Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc.

1
FILIPINO 1 – MODYUL 4

FILIPINO

Grade 1

MODULE 4
Fourth Quarter
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 2
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Our Lady of Divine Grace School de Manila Inc.

Course Outline
4th Quarter
Grade 1
FILIPINO

Aralin 1: Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol.

Aralin 2: Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng

kilos o gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.

Aralin 3: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa

napakinggang kuwento sa tulong ng mga larawan at pamatnubay na

tanong.

Aralin 4: Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may

tamang ugnayan ng simuno at panaguri sa pakikipag-usap.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 3
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Aralin 1

Gamit ng Pang-ukol

Panimula

Magandang araw, Graceans? Napag-aralan natin sa nakaraang


aralin ang tungkol sa mga bahagi ng pangungusap. Natutunan mo
rin ang tamang gamit ng pangngalan, pandiwa at mga pang-uri.
Ngayon naman ay pag-aaralan natin ang isa sa uri ng mga pang-
ugnay. Ang mga pang-ugnay ay kataga o salita na ginagamit upang
ipakita ang kaugnayan ng salita o lipon ng mga salita sa
pangungusap. Sa araling ito malalaman mo ang gamit ng pang-ugnay
na pang-ukol.

Layunin

a. Natutukoy ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap.


b. Nagagamit ng wasto ang mga pang-ukol sa pangungusap.
c. Nakakasulat ng pangungusap gamit ang mga pang-ukol.

Pang-unang Pagsusulit
Panuto: Kahunan ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap.

1. Masayang pinatuloy nina Agnes at Rolly ang mga panauhin.

2. Nakangiting pinaupo ni Susan ang mag-asawa.

3. Sina Tiyo Maning at Tiya Fausta ang ating panauhin.

4. Iniabot kay Samantha ang dala nilang pasalubong.

5. Ang mga regalo ay kina Luis at Amanda.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 4
FILIPINO 1 – MODYUL 4

6. Ang pasalubong para kay Ali ay nasa lamesa.

7. Ang mga pagkain ay inayos nina nanay at tatay.

8. Ayon kay Tiyo Maning ay masarap ang pagkaing inihanda.

9. Mahirap para kina ate at kuya ang makarating ng maaga sa

reunion.

10. Inihatid nina nanay at tatay sa sasakyan ang mga panauhin.

Talakayan

Basahin natin ang maiksing diyalogo sa ibaba.

Tiyak na magugustahan Ang mga handang


nina Bhel at Alfred ang ito ay para kina Tiya
ito. Fausta at Tiyo
Manuel.

Para kanino ang inihahandang pagkain? Para kina Tiya Fausta


at Tiyo Manuel.
Sino ang makakagusto sa mga inihahanda nilang pagkain?
Magugustuhan nina Bhel at Alfred.
Ang para kina at nina ay mga pang-ukol. Ang pang-ukol ay
kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan o panghalip at iba
pang salita sa pangungusap.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 5
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pang-ukol.

ni – nina

Ang pang-ukol na ni ay sinusundan ng isang pantanging


pangngalan o tiyak na pangngalan.

Halimbawa : Masarap ang pasalubong ni Tita Agnes.


Ang pang-ukol na nina ay sinusundan ng dalawa o higit pang mga
pantanging pangngalan.

Halimbawa: Magaganda ang pasalubong nina Ramon at Rina.


Kay – kina

Ang kay ay sinusundan ng isang pantanging pangngalan.

Halimbawa : Kay Ate Rina ang tsokolate na ito.


Ang kina ay sinusundan ng dalawa o higit pang mga pantanging
pangngalan.

Halimbawa : Kina Ate Rina at Kuya Ramon ang mga tsokolate.


Para kay /kina Pangngalang pantangi

Tungkol kay/kina

Ayon kay/kina

ng, sa, para sa, tungkol sa, ayon sa


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 6
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Ang mga pang-ukol na ito ay ginagamit kung ang sinusundang


salita ay pangngalang pambalana.

Gawain 1

A. Panuto: Piliin ang angkop na pang-ukol sa loob ng panaklong upang


mabuo ang pangungusap.

1. Ang paksa ng pag-aaral ay (tungkol sa, para sa) sakit na Covid-19.

2. (Kay, kina) Ana iniabot ang mga pagkain.

3. Ang mga damit at sapatos ay (para sa, para kina) mga mag-aaral.

4. Pumasok ka (ng, sa) iyong silid at mag-usap tayo.

5. Kailangan lagging maghugas ng mga kamay (ayon sa, ayon kay) Dr.

Ethan.

6. Nagdala si Trisha (ng,sa) sari-saring gulay mula sa probinsya.

7. (Para kay, Para kina) Luis at Gabriel ang mga pagkain sa mesa.

8. Ang usapan ng mga doktor ay (tungkol sa, tungkol kay) Covid 19.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 7
FILIPINO 1 – MODYUL 4

9. (Ayon kay, Ayon sa) kinauukulan ay dapat na panatiliing magsuot

ng face mask at face shield tuwing lalabas.

10. Ang ayudang inihanda ng pamahalaan ay (para kay, para sa)

mamamayang nawalan ng hanap-buhay.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-ukol na bubuo sa


pangungusap. Gamitin ang pang-ukol na para kay at para kina.

1. Ang mga bulaklak ay ________ Michelle.

2. ________Alfonso at Gabriel ang nakatagong regalo.

3. Nakadalaw ka na ba ________ Tiya Lourdes?

4. Pinadala ________ Abel at Kean ang mga prutas.

5. ______ Mang Bert ang bahay sa kanto.

6. Ang regalo _________ Nelia at Dhel ay nawawala.

7. Bumili ka ng gamot _______ Ali.

8. Dinala ______ Ruel at Liza ang mga sangkap sa lulutuin.

9. Ibinigay ni tatay _______ kuya Sam ang iyong baon.

10. Kunin mo ang mga gulay _______ Beth at Malou.

Tandaan

Ang pang-ukol ay kataga o salitang nag-uugnay sa isang


pangngalan o panghalip at iba pang salita sa pangungusap.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 8
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Mga halimbawa ng pang-ukol:

ng, sa, ni, nina, kay, kina, ayon sa/kay, para sa/kay,

tungkol sa/kay

Panghuling Pagsusulit

A. Panuto: Sumulat ng simpleng pangungusap gamit ang mga


sumusunod na pang-ukol.

1. (kay)

_________________________________
_____

3. (para kina)

______________________________________

3. ( ni)

______________________________________

4. (para kay)

______________________________________
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 9
FILIPINO 1 – MODYUL 4

5. (para kina)

______________________________________

6. (nina)

______________________________________

Sanggunian
A. Mga Aklat
Baisa-Julian, A., Dayag, A., (2018). Pinayamang Pluma: Wika at
Pagbasa para sa Elementarya. Philippines: Phoenix Publishing
House
B. Internet/Mga Pinagkuhanan ng Larawan
 https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/mother-
with-daughter-baking-vector-801429
 https://www.pinterest.ph/pin/405605510170659377/
 https://pngtree.com/freepng/hand-drawn-cartoon-teachers-
day-festival-student-gives-a-gift-to-the-teacher-decorative-
pattern-teachers-day_3848823.html
 https://www.123rf.com/clipart-vector/mother_cooking.html?
sti=oad99jj06l6c8wu6ya|
 https://www.canstockphoto.com/gather-flowers-4398151.html
 https://classroomclipart.com/clipart-search/page-45/all-
phrase/Other/
 https://www.dreamstime.com/illustration/child-donate.html
 https://www.istockphoto.com/illustrations/donating-books
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 10
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Aralin 2

Pang-abay na Pamamaraan
Panimula

Magandang araw, Graceans? Mayroon ka bang karanasang hindi


mo malilimutan? Paano mo pinahahalagahan ang ganitong klase ng
karanasan? Isinusulat mo ba ang mga ito sa iyong diary?

Isang diary o talaarawan ang mababasa niyo ngayon. Ito ay


isang kuwaderno o sulating naglalaman ng mahahalagang karanasan
ng taong nagsulat nito. Makikita rito ang petsa kung kailan ito
isinulat. Magandang magkaroon ng diary pari di makalimutan lalo na
ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay.

Sa araling ito malalaman mo ang mga salitang nagsasabi ng


paraan ng pagsasagawa ng kilos.

Layunin

a. Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng


mga salita gamit ang mga pantig.
b. Nasasagot nang mahusay ang mga tanong.
c. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari.
d. Natutukoy ang salitang nagsasabi ng paraan ng pagsasagawa ng
kilos.
e. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pagsasagawa ng kilos.
f. Nagagamit ang mga salitang kilos sap ag-uusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 11
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Pang-unang Pagsusulit
Panuto: Basahin ang pantig sa loob ng kahon. Bumuo ng salita mula
rito. Gawing gabay ang kahulugan sa pagsulat ng tamang sagot. Ang
unang pantig ay ibinigay na.

(na-ra-ka-san) ka_____________ 1. mga pangyayari sa buhay

(li-tan-mu-ma) ma____________ 2. mawala sa isipan o alaala

_
(nan-am-pu) am____________ 3. lugar o tirahan ng mga

_ walang magulang o

kamag-anak

(lad-ma-pa) ma____________ 4. pinagpala, masuwerte

_
(yan-ka-la-ga) ka_____________ 5. kondisyon o kinalalagyan

Basahin Natin

Karanasang Di Malilimutan

Disyembre 5, 2016

Mahal kong Diary,

Napakasaya ko ngayong araw na ito. Nagkaroon ako ng


karanasang nagturo sa akin ng isang magandang aral. Sobrang saya
kaya ngayon! Alam mo kung bakit, Dear Diary? Dahil sa nangyari
ngayong araw na ito ay nakita ko kung gaano karaming regalo ang
ibinigat ng Diyos sa akin.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 12
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Kaninang umaga ay nagkaroon kami ng outreach program sa


aming paaralan. Maaga nga akong gumising dahil excited akong
pumunta sa lugar na sinasabi ng aking guro. Pumunta kami sa Home
of Joy sa Tayuman, Tondo.

Isa itong bahay-ampunan para sa mga batang walang magulang.


Karamihan ng mga bata ri to ay kasing-edad ko. Mababait na mga
madre ang nag-aalaga sa kanila. Naglaro kami at nagkuwentuhan ng
mga bata roon.

Hinatian ko pa nga sila ng aking mga baon.


Masaya sila roon kahit ganoon ang kanilang
kalagayan. Medyo nalungkot nga ako nang
umuwi na kami, sila man ay nalungkot din. Pero
alam mo nang pauwi na kami ay nagdasal ako.

Nagpasalamat ako sa Diyos dahil malakas at buhay ang aking


magulang. Nagpasalamat ako sa Kaniya dahil may bahay kami at may
pamilyang nagmamahal at nag-aalaga sa akin. Nalaman kong mapalad
akong bata.

Ang dami ko palang dapat na ipagpasalamat sa aking buhay.


Nakaramdam ako ng malaking kapayapaan sa aking puso. Ipinagdasal
ko rin ang mga batang nakilala ko sa ampunan.

Dear Diary, pangako babalik ako ulit doon. Isasama ko sina


Daddy at Mommy. Pupunta kami roon para mapasayang muli ang mga
bata roon.

Nagmamahal,

Donna
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 13
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Talakayan

Basahing mabuti ang sinasabi ni Donna. Tandaan ang paraan


niya sa pagsasagawa ng kilos.

Maraming salamat, Donna.


Ginawa kong masarap ang
Mahusay magluto ang Mommy mo
sandwich na ito para sa atin. Sana
at mukhang nagmana ka rin sa
ay magustuhan mo.
kaniya.

Salitang Nagsasabi ng Paraan ng Pagsasagawa ng Kilos


(Pang-abay na Pamaraan)

May mga salitang nagsasabi kung paano ang pagsasagawa ng


kilos. Pang-abay na pamaraan ang tawag dito. Inilalarawan nito
kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Halimbawa:

o Nagsulat nang mahusay si Donna.


Tanong: Paano nagsulat si Donna?
Sagot: nang mahusay
o Umuwing maligaya ang bata.
o Nagpasalamat nang malaki ang mga madre.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 14
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Gawain 1

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong tungkol sa


binasang kuwento.

1. Bakit maagang gumising si Donna?

2. Ano ang kalagayan ng mga batang binisita ni Donna?

3. Paano tinulungan ng klase ni Donna ang mga madre sa bahay-


ampunan?

4. Ano ang napag-isipan ni Donna sa kaniyang karanasan nang


bumisita sa Home for Joy?

5. Ano-ano ang mga aral na kaniyang natutuhan sa karanasang iyon?


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 15
FILIPINO 1 – MODYUL 4

6. Bakit kaya nangako sa sarili si Donna na babalik silang mag-anak


sa bahay-ampunan?

7. Bakit may hatid na kapayapaan at saya sa sarili ang pagtulong sa


kapwa?

B. Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang pangungusap para


mapagsunod-sunod ang nangyari sa binasa.

____ Maagang gumising si Donna.


____ Nangako si Donna na babalik silang mag-anak sa bahay-

ampunan.
____ Nakipaglaro at nakipagkuwentuhan ang mga mag-aaral sa

mga bata sa ampunan.


____ Parehong nalungkot nang maghiwalay ang mga bata at ang

mga mag-aaral.
____ Pumunta ang klase ni Donna sa Home for Joy.

Gawain 2

A. Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa bilog kung


nagsasabi ang pangungusap ng saya at kapayapaan kapag
nakatutulong. Gumuhit ng mukhang malungkot ( ) kung hindi.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 16
FILIPINO 1 – MODYUL 4

1. Hindi mawala sa iyong puso at isip ang saya nang ikaw ay


may matulungan.

2. Masama ang loob mo nang ibigay moa ng isa mong baon sa


kaklaseng nakaiwan ng kaniyang baon sa bahay.

3. Masaya ang buong pamilya noong magbigay kayo ng


canned goods para sa mga nasunugan.

4. Inisa-isa mo ang mga gamit mong maayos at


mapapakinabangan pa para ibigay sa mga nasunugan.

5. Nagbibigay kayo ng donasyon sa tamang samahan para


makarating ang mga ito sa mga nangangailangan.

B. Panuto: Bilugan ang salitang nagsasabi kung paano ginawa,


ginagawa, o gagawin ang kilos.

1. Ang mag-aaral ay ginagabayang mabuti sa paaralan.


2. Isa sa mga itinuturo nang mabuti sa klase ang pagpapahalaga

sa kapwa.
3. “Magbigay nang maligaya sa kapwa,” ang sabi ng guro.
4. Babalik nang mabilis ang saya sa pagbibigay.
5. Ang kapayapaan ay mararamdaman nang mabuti.
6. Hindi mabilisang nakukuha ang kaligayahan.
7. Mabilis tumakbo ang paahon.
8. Ang bata ay nagdasal nang taimtim.
9. Masayang nagpaalam ang mga nasa ampunan.
10. Umalis nang masaya ang nagbigyan ng regalo.

Tandaan
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 17
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Pang-abay na pamaraan ang salitang nagsasabi kung paano


ang pagsasagawa ng kilos.

Halimbawa: Mahusay umawit si Clara.

Mabilis tumakbo ang kabayo.

Maayos akong magsulat sa aking kuwaderno.

Panghuling Pagsusulit

A. Panuto: Sagutin ang mga tanong na ginagamitan ng saan, kailan, o


paano sa pagsasagawa ng kilos batay sa pangungusap na nasa kahon.

Maingat na inihanda ni Ina yang pagkain sa mesa kaninang umaga.

1. Paano inihanda ang pagkain? ________________________


2. Saan inihanda ang pagkain? ________________________
3. Kailan inihanda ang pagkain? ________________________

Nagmamadaling pumasok sa paaralan si Donna.

4. Saan pumasok si Donna? ________________________


5. Paano pumasok si Donna? ________________________

B. Panuto: Buoin ang usapan tungkol sa iyong ginagawa sa bahay, sa


paaralan, o sa inyong komunidad. Ilagay kung paano, kailan, o saan
ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos na may diin sa pangungusap.

1. Bata 1: Kailan ka nagligpit ng iyong gamit?


Ikaw: _________________________________________
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 18
FILIPINO 1 – MODYUL 4

2. Bata 1: Paano ka mag-aral ng iyong leksiyon?


Ikaw: _________________________________________
3. Bata 1: Saan ka palaging naglalaro?
Ikaw: _________________________________________
4. Bata 1: Saan ka madalas magbasa sa paaralan?
Ikaw: _________________________________________
5. Bata 1: Tuwing kailan ka nagsisimba?
Ikaw: _________________________________________

6. Bata 1: Paano kayo sumuporta sa proyekto sa iyong barangay?


Ikaw: _________________________________________

Sanggunian
A. Mga Aklat
Baisa-Julian, A., Dayag, A., (2018). Pinayamang Pluma: Wika at
Pagbasa para sa Elementarya. Philippines: Phoenix Publishing
House
B. Internet/Mga Pinagkuhanan ng Larawan
 https://www.shutterstock.com/image-vector/illustration-kid-
girl-sharing-sandwich-friend-1141127003

Aralin 3
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 19
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayari sa Kuwento

Panimula

Magandang araw, Graceans? Mahilig ka bang magbasa?


Magaling! Dahil sa ating pagbabasa ay marami tayong matututunan
at matutuklasan na mga kaalaman na maaring hindi mo pa alam o
napag-aaralan. Sa nakaraan nating aralin ay natutunan natin sa
kasanayan sa pagbasa ang pagtatala ng mga mahahalagang detalye
sa kuwento. Ngayon naman ay ating aalamin ang pag-aayos ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

Sa araling ito ay matutunan mo ang tamang pag-aayos ng mga


pangyayari mula sa kuwentong binasa. Dito mo rin malalaman kung
lubusan mong naunawaan ang iyong binasang kuwento.

Layunin

a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwento o akdang


binasa.

b. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong


napakinggan sa tulong ng mga patnubay na tanong.

c. Naisasalaysay na muli ang napakinggan o nabasang kuwento.

Pang-unang Pagsusulit
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 20
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Suriin ang larawan. Lagyan ng bilang 1-4 upang ipakita sa


tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Basahin Natin

Basahin ang pabula.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 21
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo.


Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik na hitik sa hinog na
bunga. “Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng
ubas.” Ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog


na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga . Lumundag siyang muli,
at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko na rin sa


wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo
sa puno. “Hindi na bale, tiyak na maasim
naman ang bunga ng ubas na iyon.” Ang sabi
niya sa sarili.

1. Saan naglalakad si lobo ng magkaramdam ng gutom?

_________________________________________________

2. Ano ang nakita ni lobo habang naglalakad sa gubat?

_________________________________________________

3. Ano ang naisip niyang gawin upang makain ang ubas?

_________________________________________________

4. Nagtagumpay ba siya sa pagkuha ng ubas?


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 22
FILIPINO 1 – MODYUL 4

_________________________________________________

5. Ano ang nasabi na lamang sa sarili ni lobo ng hindi makakuha ng


ubas?

_________________________________________________

Talakayan

Suriin ang mga gawain ng isang ng isang mag-aaral bago


pumasok sa eskwela.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 23
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Babangon, maliligo, kakain,magsisipilyo, papasok ito ay ang


pagkakasunod-sunod ng iyong mga gawain pagkagising mo sa umaga
bago pumasok sa eskwela. Sa pag-aayos ng mga pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari ay kailangan malaman mo kung ano ang
unang pangyayari o naganap na detalye mula sa kuwento hanggang sa
pinakahuli. Sa ganitong paraan ay maiaayos mo ang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

Balikan natin ang kuwento ng “Ang lobo at ang ubas” subukan


mong ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa
kuwento. Lagyan mo letrang a hanggang e ang patlang.

____1. Nakakita siya ng puno ng ubas na hitik sa hinog na bunga.

____2. Lumundag ng lumundag ang lobo ngunit wala siya nakuhang


ubas.

____3. Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.

____4. Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang


bunga ng ubas.

____5. Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno


ng ubas.

Kung nasagutan mo ng tama ang maikling pagsasanay ay


binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa pagsagot ng mga
gawain at pagsasanay

Gawain 1
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 24
FILIPINO 1 – MODYUL 4

A. Panuto: Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat larawan upang


maipakita ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

B. Panuto: Lagyan ng letrang a-d ang bawat larawan upang


maipakita ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 25
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Gawain 2

Panuto: Basahin mo ng maayos ang maikling talata at


sagutin ang mga sumusunod.

Mga hakbang sa paghahanda sa Pagdating ng Bagyo

Unang-una ay sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang


balita sa pagsama ng panahon. Pangalawa ay mag-imbak ng mga
pagkain sa bahay lalong-lalo iyong mga delata upang hindi magutom.
Pagkatapos ay mag-imbak din ng mga posporo, kandila, flashlight, at
baterya na maaring magamit kung kinakailangan. Pinakamahalaga sa
lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa
dagdag na sakuna. At panghuli, kailangang making sa mga balita
tungkol sa pagbabago ng panahon.

____1. Mag-imbak din ng mga posporo, kandila, flashlight, at


baterya na maaring magamit kung kinakailangan

____2. Sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balita sa


pagsama ng panahon.

____3. Mag-imbak ng mga pagkain sa bahay.

____4. Panghuli, kailangang making sa mga balita tungkol sa


pagbabago ng panahon.

____5. Manatiling mahinahon sa lahat ng sandal upang makaiwas sa


dagdag na sakuna.

Kamusta ang pagsagot mo ng mga gawain? Kung nasagot mo ng


buong husay ay binabati kita. Magaling!

Tandaan
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 26
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Ang mga pangayayari sa isang kuwento ay may tamang


pagkakasunod-sunod. Upang maiayos ang mga pangyayari, makikita
ang mga panandang una, sumunod, bago, pagkatapos, sa wakas at iba
pang salita na makapagsasabi ng pagkakasunod-sunod.

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Isulat sa ibaba ang pagkakasunod-sunod ng iyong


mga gawain mula umaga hanggang hapon.

Hal. 1. Naliligo

2. kumakain ng almusal

3. nagkaklse atbp.

Sanggunian

A. Mga Aklat
Baisa-Julian, A., Dayag, A., (2018). Pinayamang Pluma: Wika at
Pagbasa para sa Elementarya. Philippines: Phoenix Publishing
House
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 27
FILIPINO 1 – MODYUL 4

B. Internet/Mga Pinagkuhanan ng Larawan


 http://www.katig.com/pabula_05.html
 https://www.scribd.com/doc/316333256/Filipino-1-
Pangyayari-sa-Kwento-edited-pdf
 https://cute766.info/ang-lobo-at-ang-ubas/
 https://www.freepik.com/free-vector/daily-routine-child-is-
boy-going-back-school_4015698.htm
 https://www.pinterest.ph/pin/439875088614149343/
 https://www.pinterest.ph/pin/679832506223889949/

Aralin 4
Pangungusap
At
Bahagi ng Pangungusap

Panimula

Magandang araw, Graceans? Ang salita ay mahalaga dahil ito


ang ginagamit natin upang makipag-ugnayan sa ating kapwa.
Naipapahayag natin ang ating iniisip at damdamin sa pamamagitan ng
salita. Upang maging mabisa ang komunikasyon sa pamamagitan ng
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 28
FILIPINO 1 – MODYUL 4

salita ay bumubuo tayo ng pangungusap upang ipahayag ng malinaw


ang nais nating ipahayag o nais sabihin.

Sa araling ito ay matutunan mo kung ano ang pangungusap.


Paano ito binubuo at ang dalawang bahagi nito.

Layunin

a. Nasusuri ang pangkat ng mga salita kung pangungusap.

b. Natutukoy ang paksa at ang panaguri sa loob ng pangungusap.

c. Nakakabuo ng wasto at payak na pangungusap na may tamang


ugnayan ng simuno at panaguri.

Pang-unang Pagsusulit
Panuto: Lagyan ng tsek ( ⁄) ang bilog kung pangungusap ang
lipon ng mga salita at (x) hindi.

1. Mag-aaral akong mabuti.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 29
FILIPINO 1 – MODYUL 4

2. Ang pag-aaral ng mabuti.

3. Gagawin ko ang bilin ng aking doktor.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 30
FILIPINO 1 – MODYUL 4

4.Ang pagsunod sa bilin ay makabubuti.

5. Sumusunod sa mga nakatatanda

6. Ang mabubuting halimbawa


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 31
FILIPINO 1 – MODYUL 4

7. Gagayahin ko ang mabubuting turo at gawa.

8. Ang pinuno ng aming simbahan

9. Ang kabutihan ng mga tao

10. Magiging mabuti ang aking buhay.

Talakayan

Pansinin natin ang mga lipon ng salitang ipinapahayag sa tabi ng


mga larawan. Ang tawag dito ay pangungusap. Ang
pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na
nagpapahayag ng buong diwa.

Ang guro ay nagtuturo sa paaralan.


Paksa Panaguri

Ang duktor ay gumagamot ng may mga sakit


Paksa Panaguri
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 32
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay.


Paksa Panaguri

Pansinin ang unang mga nakasalungguhit na salita sa bawat


larawan. Ito ay ang bahaging pinag-uusapan o paksa sa
pangungusap. Paksa o simuno ang tawag sa bahaging pinag-
uusapan sa pangungusap.
Samantalang ang ikalawang bahagi na nakadiing
nakasalungguhit ay ang bahaging panaguri. Panaguri naman ang
tawag sa bahaging nagsasabi, nagkukuwento o naglalahad
tungkol sa paksa.

Paksa Panaguri

Ang guro ay nagtuturo sa paaralan

Ang duktor ay gumagamot ng may mga sakit

Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay

Gawain 1

Panuto: Bilugan ang simuno at salunggihitan ang panaguri.

1. Ang mga tao ay nagtatakbuhan.

2. Sina ate at kuya ay naglilinis sa labas ng bahay.

3. Nagluluto ng masarap na ulam si Aiza.

4. Kumakanta ng magandang awitin ang mang-aawit.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 33
FILIPINO 1 – MODYUL 4

5. Malakas sumigaw ang bata.

6. Si Mang Jose ay nagpatawag ng pulong.

7. Si Ailah ay naghuhugas ng pinggan.

8. Ang bag ay may magandang disenyo.

9. Mabilis tumakbo ang aso.

10. Ang guro ay mabait.

Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung ang nakasalunguhit na lipon ng mga salita


ay simuno o panaguri.

__________1. Si ate ay nagluluto ng masarap na hapunan.

__________2. Mahilig sumayaw at kumanta si Cassie.

__________3. Nag-aaral mabuti si Eunice.

__________4. Si Rohan ay nagbabasa ng aklat.

__________5. Ang pusa ay malambing.

__________6. Masarap at malutong ang mansanas.

__________7. Kami ay mamamasyal sa parke.

__________8. Masayang naglalaro sa palaruan sina Eliot.

__________9. Ang magsasaka ay nagtanim ng gulay.

_________10. Ang prinsesa ay maganda.

Tandaan
Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 34
FILIPINO 1 – MODYUL 4

Ang simuno ay isang tao, bagay, hayop o pangyayari na pinag-


uusapan sa pangungusap.

Ang panaguri naman ay ang naglalarawan sa simuno.

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Lagyan ng angkop na simuno o panaguri ang mga


sumusunod na lipon ng mga salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. ______________ ay kumakain ng prutas.

2. Ang guro ay _____________________.

3. Malinis at maganda ang ______________.

4. _____________ ay mabait at masayahin.

5. Makukulay at mabango ______________.

6. Ang Covid-19_____________________.

7. Ang aming bahay ____________________.

8. ______________ ay magaling mag-alaga ng mga pasyante.

9. Ang aking mga kaklase________________.


Our Lady of Divine Grace School de Manila, Inc. 35
FILIPINO 1 – MODYUL 4

10. Ang aking paaralan___________________.

Sanggunian

A. Mga Aklat
Baisa-Julian, A., Dayag, A., (2018). Pinayamang Pluma: Wika at
Pagbasa para sa Elementarya. Philippines: Phoenix Publishing
House

 http://clipart-library.com/clipart/teacher-cliparts_1.htm
 https://webstockreview.net/explore/clipart-png-doctor/
 https://imgbin.com/png/ZZptukQh/farmer-rice-
agriculture-harvest-png
 https://pngtree.com/so/farmer-clipart

You might also like