You are on page 1of 18

3 FILIPINO 3

Unang Markahan - Modyul 1:


Paggamit ng Pangngalan sa
Pagsasalaysay.

FILIPINO – Ikatlong Baitang


Unang Markahan - Module 1 – Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
Competency Code: F3WG-la-d-2,F3WG-lla-c-2 . Quarter 1 Week
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Digna Cadiz Estrada
Editor: Chita B. Penuliar
Tagasuri : Division Quality Assurance Team
Tagaguhit: Jhonrey T. Espinosa
Tagapamahala: CID and LRMS Unit of SDO Cauayan City

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
3

FILIPINO
Unang Markahan
Modyul 1- Paggamit ng Pangngalan
sa Pagsasalaysay

An g m o d yul n a ito a y m a g ka tuw a n g n a in ih a n d a a t


sin u ri n g m g a e d uka d o r n g Sc h o o ls Divisio n O ffic e o f
C a u a ya n C ity. Hin ih ika ya t n a m in a n g m g a g u ro a t ib a p a n g
n a sa la ra n g a n n g e d uka syo n n a m a g - e m a il n g ka n ila n g
p u n a a t m un g ka h i sa Ka g a w a ra n n g Ed u ka syo n sa
a c tio n @d e p e d .g o v.p h .

Ma h a la g a sa a m in a n g in yo n g m g a p u n a a t m u n g ka h i.
Panimulang Salita

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mag-aaral ng Ikatlong


Baitang batay sa K to 12 Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon ng Republika
ng Pilipinas. Layunin ng modyul na magabayan ang mga bata sa wastong
paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay.

DIGNA C. ESTRADA

2
Para sa mag- aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 3 Modyul ukol sa paggamit ng


pangngalan sa pagsasalaysay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng
silid- aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot ( 100% ),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik- aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
Tuklasin isang sitwasyon, pambukas na suliranin o
gawain.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Unawain matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawain at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari

3
mong iwasto ang mga sagot sa pagsasanay
Pagyamanin gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ng patlang ng pangungsap o talata upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
Tayahin natutuhang kompitensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Gawain aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Modyul 1- Paggamit ng Pangngalan sa


Pagsasalaysay

Alamin

4
Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang katulad mo na nasa ikatlong
baitang upang matukoy ang paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay. Ang
mga gawaing matatagpuan sa modyul na ito ay inaasahang makatulong sa iyo
upang matukoy ang paggamit ng mga pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa
mga tao, lugar, at bagay sa paligid .

Ang modyul na ito ay tumutugon sa:

 Wastong Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay.

Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, Ikaw ay inaasahang:

 Magamit ang wastong pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao,


lugar, bagay sa paligid.

Subukin

Panuto :Basahin at umawain ang kwento at sagutin ang mga katanungan


pagkatapos basahin .
Pista sa Aming Bayan
Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa paghahanda sa
nalalapit na kapistahan. May kabataan na nagtutulong-tulong sa paggawa at
paglalagay ng mga banderitas .
May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak sa mga sasakyan
na gagamitin sa prusisyon. Ang mga lalaki naman ay nag-aayos ng mga ilaw.
Ang mga Nanay naman ay abala na sa paghahanda ng mga pagkain tulad
ng suman, halaya, atsara at iba pang kakanin. Ang mga Tatay naman ay nag-
aayos ng kanilang mga bakuran.
Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay katulong sa
paglilinis ng aming bahay.

5
Ano ang nagaganap sa bayan? Sagot:

Ano-ano ang ginagawang paghahanda Sagot:


ng mga tao?

Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong Sagot:


pamayanan tuwing sasapit ang
kapistahan?

Anong kaugalian ang ipinakita sa Sagot:


talata?

Ano ang katangian ng mga tao na Sagot:


binanggit sa talata?

Dapat ba silang tularan? Paano mo Sagot:


sila tutularan?

Paano ka makatutulong kapag may Sagot:


okasyon sa inyong bahay?

Balikan
Panuto :Ibigay ang mga ngalan ng tao, bagay, lugar, pangyayari mula sa
kwentong binasa na ang pamagat “Pista sa Aming Bayan".

TAO BAGAY LUGAR PANGYAYARI


6
Tuklasin
Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay
ngalan ng tao, hayop, bagay, o pook.

_______________1. Gumising nang maaga si Juan.


_______________2. Hindi ako magkakalat ng maling balita .
_______________3. Katulong niya ang alaga naming kalabaw.
_______________4. Pumapasok siya sa pabrikang malapit sa amin.
_______________5. Si Nanay ay pupunta sa bangko mamaya.

Suriin

Gawain 1
Panuto :Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang mga salitang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar at


pangyayari.

7
A. Panghalip B. PangalanC. Pangngalan D.Klaster

2. Aling pangngalan ang hindi kasali sa pangkat?


A. kalabaw B.manok C. puno D. kabayo

3. Kami ay namasyal sa parke.


Alin ang pangngalan sa pangungusap?
A. Kami B.parke C.namasyal D. nagpunta

4. Lapis, pantasa , papel at aklat


Ang mga ito ay?
A. tao B. lugar C. bagay D. pangyayari

5. Dumating ang lolo ko kaninang hapon. Ang lolo ay?

A. lugar B. pangyayari C. bagay D. tao

Gawain 2

Panuto :Bilugan ang tamang pangalan ang mga sumusunod na larawan.

damo simbahan lapis


damit silid-aralan lamok
daga paaralan leon

magsasaka dentista
mag-anak manggagamot
mag-aaral magsasaka

8
Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao,bagay, hayop,
lugar, at pangyayari.
Pagyamanin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, bagay,
at lugar sa paligid.

Gawain 1
Panuto: Bilugan ang hindi kabilang sa bawat pangkat.

Tao Hayop Bagay


Lola kambing aklat
Lolo Gatas lapis
kalabaw kalabaw papel
magsasaka Baka mag-aaral
Lugar Pangyayari
kabukiran Regalo
kagubatan Pasko
mangangaso Kaarawan
kabundukan Piyesta

Gawain 2
Panuto: Punan ng tamang pangngalan ang mga patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap.Hanapin sa kahon ang tamang sagot.

9
lugar babae sakit tulong tao

1 .Ang bawat tao ay may karapatan ,lalaki man o ________.


2. Karapatan nating tumira sa ligtas na ________ at malayo sa panganib.
3. Bawat __________ ay may tungkulin ding dapat isagawa.
4. Tungkulin nating tumulong sa sinumang nangangailangan ng _________.
5. Iwasan din nating magdulot ng ________ sa damdamin ng ating kapwa para
maging maayos lagi ang samahan.

Isaisip

Ano ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari?


Ang Pangngalan ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Ginagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao,
bagay,,lugar , at pangyayari sa paligid..

Isagawa

Panuto: Punan ang mga patlang ng wastong pangngalan na angkop sa


pangungusap.

1. Ang sariwang __________ ay mahal.

10
a. gulay b. bato c. kambing d. pista
2. Ang __________ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.
a. Pista b. Araw ng Mga Pusopasko c. Kaarawan d.Pasko
3. Isinama ni Mang Pedro si Allan sa __________ upang kumain.
a. restaurant b. paaralan c. gubat d. ilog
4. Ang mga _________ ay sabay-sabay na bumati sa kanilang guro.
a. dalaga b. mag-aaral c. matanda d. binata
5. Malakas ang hangin kaya’t tuwang-tuwang nagpalipad ng _______________
si Pepe.
a. eroplano b. saranggola c. tsinelas d. trumpo

Tayahin

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa kabuuan ng iyong natutunan


upang malaman kung ikaw ay magpapatuloy sa susunod na modyul o hindi.
Kapag nakakuha ka ng 3-5, magpatuloy, 0-2, ulitin ang Modyul.

Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga pangungusap ayon sa sariling


karanasan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Dumalo ako sa kaarawan ng aking kamag-aral . Marami akong kinain


tulad ng , ___________, at ________.
2. Tuwing buwan ng ___________, nagdiriwang ang aming baryo ng
kapistahan.
3.Tuwing araw ng Pasko, masaya kami sa aming ___________.
4.Naghahanda ang aking ina ng masarap na ______________.
5. Sabay –sabay kaming nagtutungo sa _____________ upang magpasalamat sa
Dakilang lumikha.

11
Karagdagang Gawain

Bumuo ng pangungusap tungkol sa paggalang sa kapwa gamit ang mga


pangngalan na nakasulat nang madiin.

1. Gamitin ang salitang ina at ama sa pangungusap na nagpapakita ng


pagmamahal sa magulang.

2.Gamitin ang pangngalang alaga sa pangungusap na nagpapakita ng


pagmamahal sa mga hayop.

3.Gamitin ang pangngalang bata sa pangungusap na nagsasabi ng dapat gawin


ng bawat bata para maipakitang mabuti siyang Pilipino.

4. Gamitin ang pangngalang bansa sa pangungusap na nagpapakita ng


pagmamahal sa Pilipinas.

5. Gamitin ang pangngalang guro sa pangungusap na nagsasabi ng kahalagahan


ng salitang ito.

12
Susi sa Pagwawasto
BALIKAN
TAO BAGAY LUGAR/POOK PANGYAYARI
1. Bata 1. Banderitas 1. Bakuran 1. Kapistahan
2. Lalaki 2. Bulaklak 2. Bayan
3. Tatay 3. Saakyan 3. Bahay
4. Nanay 4. Ilaw

SUBUKIN TUKLASIN
1. Kapistahan 1. Tao
2. Nagtutulong-tulong sa paggawa at 2. Bagay
paglalagay ng mga banderitas.
3. Hayop
3. Oo
4. Pook
4. Pagtutulungan 13
5. Pook
5. Matulungin
ISAGAWA
1. a
2. d
3. a
4. b
5. b

TAYAHIN SURIIN
1. Pansit at lechon. GAWAIN 1 GAWAIN 2
2. June 1. c 1. Damit
3. Tahanan 2. c 2. Simbahan
4. Pagkain 3. a 3. Leon
5. Simbahan 4. c 4. Mag-aaral
5. d 5. Manggagamot

KARAGDAGANG GAWAIN
1. Nag-aaral akong mabuti para hindi masayang ang pagod ng aking ina at ama.
2. Pinapaliguan ko an gaming alagang aso at pinapakain an gaming alaga.
3. Pgkamasunurin ay isang katangian ng mabuting bata.
4. Ang paggamit ng sariling wika ay tanda ng pagmamahal sa ating bansa.
5. An gaming guro ay masipag magturo.

14
3. mag-aaral Pagyamanin
2. gatas Gawain 2
1.kalabaw 1. babae
2. lugar
3. tao
5.regalo Gawain 1
4. tulong
4.mangangaso Pagyamanin
5. sakit

Sanggunian
1. Kagawaran ng Edukasyon : k- 12 Curriculum Guide
2. Kagawaran ng Edukasyon : Filipino 3 –Kagamitan ng Mag-aaral pahina 3-8
3. Kagawaran ng Edukasyon : Filipino 3 –Teacher’s Guide pahina 6
4. Mojica, B. & Pranada, A. Sanayang Aklat SA Filipino 3 pahina 141-143

15

You might also like