You are on page 1of 27

2

FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 2
Pagbigkas nang Wastong Tunog ng
Patinig, Katinig, Kambal-Katinig,
Diptonggo at Klaster
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Kwarter – Modyul 2: Pagbigkas nang Wastong Tunog ng Patinig , Katinig,
Kambal-Katinig, Diptonggo at Klaster
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: May Ann Y. Ajon
Tagasuri : Delia D. Acle, Mariebel S. Galo, Aida P. Gales, Brigette R. Aranas,
Susana T. Pabillore, Annette A. Cadeliña, Rafunzel C. Jamero,
May Ann Y. Ajon, Isabelo N. Jagape Jr., Jeselyn T. Mandihanon
Tagalapat: May Ann Y. Ajon
Tagaguhit: Jan Neil U. Acero, Juan Paolo A. Galua, Rey Ann G. Lagunay
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III, Regional Director
Dr. Edgardo V. Abanil, CESO VI, SDS
Dr. Lanila M. Palapar, ASDS
Dr. Linda D. Saab, Division EPS-LRMS
Dr. Emelia G. Aclan, CID Chief
Delia D. Acle, EPS – Filipino
Lucita B. King, PSDS Designate
Roy S. Estrobo, Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng Camiguin


Department of Education – Region X

Office Address : B. Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin


Website : www.depedcamiguin.com
E-mail Address : depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph
2

FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 2
Pagbigkas nang Wastong Tunog
ng Patinig, Katinig, Kambal-Katinig,
Diptonggo at Klaster

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino - Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Pagbigkas nang Wastong Tunog ng Patinig,
Katinig,Kambal -Katinig, Diptonggo at Klaster.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan


ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Filipino - Ikalawang Baitang) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagbigkas nang
Wastong Tunog ng Patinig, Katinig, Kambal-Katinig, Diptonggo at
Klaster.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

3
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong masuri


Tayahin at masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

4
Naglalaman ito ng mga tamang sagot
sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutan lahat ng pagsasanay.

5
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga
magulang, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ala
min
Ang Alpabetong Filipino ay may dalawampu’t walong (28) titik.
Ang bawat isang titik ay may iba - ibang tunog. Ang limang (5) titik
na a, e , i, o, u ay tinatawag na mga patinig. Ang b, c, d, f, g, h, j, k,
l, m, n, ñ, ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z ay tinatawag na mga katinig.
Sa araling ito, malalaman natin kung ano ang alam mo tungkol sa
wastong pagbigkas ng mga tunog na patinig, katinig, kambal-katinig,
diptonggo at klaster. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng mga
salitang ginagamit natin araw-araw. Ito rin ay palagi nating ginagamit
sa pagbigkas habang tayo ay nakikipag- usap.

6
Subukin

Bigkasin ang mga pangalan ng bawat larawan sa ibaba.


Pansinin ang mga sinalungguhitang letra ng mga salita sa bawat
bilang. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng wastong sagot at isulat sa
iyong sagutang papel .

A. patinig C. diptonggo
B. katinig D. kambal katinig o klaster

1. dram

2. plasa

3. Popay

4. orasan

7
5. telebisyon

Pagbigkas nang Wastong


Aralin Tunog ng Patinig, Katinig,
1 Kambal-Katinig, Diptonggo at
Klaster

Ang wastong pagbigkas ng mga tunog na patinig, katinig,


kambal-katinig, diptonggo at klaster ay dapat nating matutunan sa
pagpapahayag at pakikipagtalastasan. Basahing mabuti at unawain
ang bawat pagsasanay upang masagot ang mga katanungan.

Balikan

Panuto: Narito ang ilang sitwasyon. Ibigay ang iyong


hinuha sa kalalabasang pangyayari. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Malalim na ang gabi. Maya’t maya ay nagtahulan ang mga aso


sa tapat ng aming bahay. May narinig kaming sumigaw.
A. may bisita
B. may nag-uusap
C. may magnanakaw
D. may nagsusuntukan

8
2. Nag-uumaga na nang magkagulo sa kabilang kalye. Inilabas nila
ang kanilang mga gamit.
A. may sunog
B. may nag - aaway
C. may nag - iinuman
D. may naghahabulan
3. May makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Maya’t maya,
lumalakas ang hangin.
A. uulan
B. aaraw
C. sisikat ang araw
D. makulimlim ang paligid

4. Nakapag-ipon si Sheila mula sa kanyang baon. Binili lang niya,


ang kaya niyang ubusin. Isang araw nagkasakit ang kanyang
nanay at wala silang pambili ng bigas.
A. Pinabayaan niya ang kanyang ina.
B. Umutang siya ng pera sa kanyang tiyahin.
C. Umutang siya ng pera at binili niya ng damit.
D. Kinuha ni Sheila ang kanyang ipon at
ginamit pambili ng bigas.
5. Mahusay sumayaw si Ana. Nagkaroon ng paligsahan sa
pagsayaw sa kanilang paaralan na may papremyo.
A. Hindi siya sumali sa paligsahan.
B. Sinubukan ni Ana ang pagsali sa awit.
C. Gusto ni Ana na sumali sa paligsahang
sayaw.
D. Malungkot si Ana dahil hindi siya marunong
sumayaw.

9
Mga tala ng guro para sa mga mag-aaral
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento o teksto sa bawat
pagsasanay upang masagot ang mga katanungan.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga


katanungan. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel
.
Si Pipay
Mabait na bata si Pipay.
Palagi siyang sumusunod sa utos
ng kanyang Tatay Islaw at
Nanay Titay. Isang araw
namalengke si Nanay Titay.
Nasorpresa si Pipay nang
binilhan siya ng kanyang ina ng
tsokolate at bagong blusa.
Tsokolatee Tuwang-tuwa si Pipay.

1. Sino ang mabait na bata?


2. Sino ang tatay at nanay ni Pipay?
3. Ano-ano ang binili ni nanay kay Pipay?

10
Basahin ang mga sumusunod na salita.

A B C D
mabait utos blusa nanay
bata ina tsokolate araw

A. Ang mabait at bata ay mga salitang nagsisimula sa


katinig.

B. Ang utos at ina ay mga salitang nagsisimula sa patinig.

C. Ang tsokolate at blusa ay mga salitang may kambal-


katinig.

D. Ang nanay at araw ay mga salitang may diptonggo.

Gawin Mo
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Alin sa mga larawan ang nagsisimula sa patinig?

11
A. C.
gunting regalo

B. D.
apat tatlo

2. Alin sa mga larawan ang nagsisimula sa katinig?

A. C.
oso lapis

B. D.
ilong isa

3. Alin sa mga larawan ang may kambal-katinig?

A. C.
gitara pusa

12
B. D.
plantsa gagamba

4. Alin sa mga larawan ang may diptonggo?

A. C.
suklay dahon

B. D.
ibon lobo

5. Alin sa larawan ang may tunog na aw?

A. C.
robot aklat

13
B. D.

araw baso

Suriin
Ang titik na a, e, i, o,u ay tinatawag na mga patinig. Narito
sa ibaba ang mga halimbawa ng mga salitang nagsisimula sa patinig.

araw elise itlog otso ulan

Ang titik na b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ, ng, p, q, r, s, t, v,


w, x, y, z ay tinatawag na mga katinig. Ito naman ang mga
halimbawa sa mga salitang nagsisimula sa katinig.

bag lapis gunting

Kapag magkasunod ang dalawa o tatlong katinig sa isang salita,


ito ay tinatawag na kambal katinig o klaster. Ang mga halimbawa
nito ay makikita sa loob ng kahon.

blusa nars gripo

Ang mga salitang may tunog na ay,oy, aw at iw ay tinatawag


na diptonggo. Sa loob ng kahon makikita ang mga halimbawa nito.

14
bahay baboy araw sisiw
Ang mga patinig, katinig , kambal katinig, diptonggo ay
maaaring makikita sa unahan, gitna at hulihan ng mga salita.

Pagyamanin

Panuto A: Subukan mong gamitin ang mga


natutunan sa bawat gawain. Bigkasin ang
pangalanng mga larawan. Punan ng mga
nawawalang kambal - katinig upang
mabuo ang salita. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon at isulat sa sagutan papel.

br kl gr gl bl

1. __ip

2. __ipo

3. __obo

15
4. __aso

5. __usa

Panuto B: Sabihin ang pangalan ng mga larawan. Isulat


sa sagutang papel ang aw, oy at ay
upang mabuo ang salita.

1. tul___

2. uh___

3. ___to

16
4. anah___

5. bab___

Panuto C. Bigkasin ang mga unang tunog ng bawat


larawan. Sa iyong sagutang papel, isulat ang P
kung patinig at K kung katinig ang simulang
tunog ng mga larawan.

1. isda

2. palaka

3. baka

17
4. sasakyan

5. eroplano

Isaisip

Ang mga salita ay binubuo ng katinig at patinig.

Ang mga salitang may tunog na aw, iw, ay at oy ay tinatawag na

diptonggo.

Ang kambal - katinig ay binubuo ng dalawang magkasunod na

katinig.

Ang mga tunog a, e, i , o ,u ay tinatawag na patinig.

Ang mga tunog na b, k , l, m, s, t , w, d, n, r ay tinatawag na


Isagawa
katinig.

18
Panuto: Bigkasin at tukuyin ang mga salitang may
patinig, katinig, diptonggo at kambal katinig.
Iguhit sa iyong sagutang papel ang bilog ( )
kung patinig tatsulok ( ) kung katinig, buwan
( )kung kambal katinig o klaster at ( )bituin
kung diptonggo ang sinalungguhitang titik sa
bawat larawan.

1. aso

2. sipilyo

3.
kilay

4.
krayola

5. kalabaw

Tayahin (Assessment)
Panuto A: Tingnan at bigkasin ang unang tunog ng mga
sumusunod na larawan. Isulat ang P kung
patinig at K kung katinig sa iyong sagutang

19
papel.

1. damit

2. okra

3. ibon

4. ulap

5.
sapatos

20
5. plato

21
Susi ng Pagwawasto

Subukin Balikan Tuklasin


1. D 1. C 1. Pipay
2. D 2. A 2. Tatay Islaw at
3. C 3. A Nanay Titay
4. A 4. D 3. blusa at tsokolate
5. B 5. C

Tuklasin Pagyamanin A Pagyamanin B


Gawin Mo 1. kl 1. ay
2. gr 2. aw
1. B 3. gl 3. aw
2. C 4. br 4. aw
3. B 5. bl 5. oy
4. A
5. B

Pagyamanin C Isagawa A Tayahin A


1. P 1. K
1. 2. P
2. K
3. K 2. 3. P
4. K 4. P
5. P 3. 5. K
Tayahin B
4.
1. D
5. 2. D
3. KK
4. D
5. KK

22
Sanggunian

Garcia, Nida S. D. et al (2013) . Ang Bagong Batang Pinoy, Rex


Book Store Inc.,

ISBN : 987- 971- 9990-66-6

23
Para sa katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Camiguin

B. Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin Province

Email Address: depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph

Cellphone no: 09057284681

You might also like