You are on page 1of 28

2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Paglalarawan ng mga Bagay, Tao,
Pangyayari, at Lugar
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 9: Paglalarawan ng mga Bagay,Tao,Pangyayari, at Lugar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sarahlly M. Baluyot
Editor: Emelita G. Paguio, Mary Ann S. Valdez
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Cheyser Charrese C. Gatchula
Tagalapat: Jenina Elaine T. Naguit
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Milagros M. Peñaflor PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Paglalarawan ng mga Bagay, Tao,
Pangyayari, at Lugar
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling paglalarawan ng mga bagay, bao, pangyayari, at lugar.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino at Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa paglalarawan ng
mga bagay, tao, pangyayari, at lugar.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
Tayahin
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay masusing binuo at isinulat para


sa isang mag-aaral na katulad mo. Layunin nitong
matulungan ka upang matutuhan mo nang may buong
kaalaman ang kasanayan sa paglalarawan ng mga
pangalan.

Ang kasanayan sa paglalarawan ay lubos na


mapagtatagumpayan ng isang mag-aaral kung ikaw ay
may kaalaman na sa pagtukoy ng mga pangalan kung
ito ay tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul


na ito, inaasahang ikaw ay:

a. nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari,


at lugar (F2WG-IIc-d-4);
b. natutukoy ang mga salitang naglalarawan; at
c. nakikilala ang mga bagay, tao, pangyayari at lugar
batay sa paglalarawan nito.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang salitang tumutukoy sa larawan sa bawat


bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.
mainit

malamig

sorbetes

2.

anim

lima

lobo

2
3.

tahimik

maingay

bahay dalanginan

4.

malungkot

masaya

Araw ng Pagtatapos

5.

bilog

parisukat

plato

3
Aralin
Paglalarawan ng Bagay, Tao,

1 Pangyayari, at Lugar

Sa ating pang-araw-araw na buhay ay nakakikita


tayo ng iba’t ibang bagay, tao, lugar, at pangyayari.
Mahalagang matutuhan ng isang batang katulad mo
ang kasanayan sa paglalarawan ng mga ito upang
maging madali para sa iyo ang matukoy at makilala ang
isang bagay, tao, pangyayari, at lugar.
Ang kasanayang ito may malaking kinalaman sa
iyong pamumuhay dahil ito ay may kaugnayan sa iyong
mga pandama tulad ng panlasa, paningin, pang-amoy,
pandinig, at sa iyong pandamdam.
Halika na at masaya mong simulan ang araling ito.
Sana ay matuwa ka sa mga inihanda kong gawain para
sa iyo.

4
Balikan

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ang mga


sumusunod na larawan ay bagay, tao, hayop, lugar, o
pangyayari.

1.

_________________

2.
_________________

3.

__________________

5
4.

________________

5.

________________

Magaling! Ngayong napagtagumpayan mo na ang


pagsasanay sa balik-aral tungkol sa mga pangalan, alam
kong ikaw ay handa na para sa bagong aralin.
Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa modyul na ito.

6
Mga Tala para sa Guro

Ang paglalarawan ay isang kasanayan na


dapat matutuhan ng isang bata. May mga salitang
ginagamit na maaaring maglarawan sa katangian,
damdamin, anyo, kulay, lasa, amoy, tunog,
kayarian, at hugis ng mga pangalan at panghalip.

Sa kasanayang ito, dapat isaalang-alang ang


wastong pamamaraan sa paglalarawan ng mga
pangalan. Mahalagang maisaisip ng mag-aaral
ang konsepto ng paglalarawan.

7
Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga talata sa ibaba at pag-aralan


ang mga salitang may salungguhit.

Ang Dambana ng Kagitingan


ni Sarahlly M. Baluyot

Ang Dambana ng Kagitingan ay isa sa mga


makasaysayang lugar sa Pilipinas. Ito ay makikita sa
bayan ng Pilar sa lalawigan ng Bataan. Makikita sa tuktok
ng Bundok Samat ang malaking krus nito.

8
Maaring umakyat sa loob ng krus upang makita ang
magandang tanawin ng Bataan, maging ang malawak
na karagatang pumapalibot dito.

Sa bandang ibaba naman ay matatagpuan ang


isang museo. Dito makikita ang kagitingan ng ating mga
kababayan. Tuwing ika – 9 ng Abril ay idinaraos dito ang
Araw ng Kagitingan. Ito ay ginagawa bilang pag-alaala
na rin sa ating matatapang na mga sundalo.
Maganda ang tanawin sa dambana. Sariwa ang
hangin sa paligid nito at luntian ang mga halaman na
nakatanim dito. Maraming tao ang namamasyal sa
dambana. Madalas ay ginagawa itong destinasyon ng
mga paaralan na nagsasagawa ng lakbay-aral.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Ano ang pamagat nang iyong binasa?

2. Saan makikita ang Dambana ng Kagitingan?

9
3. Paano mo mailalarawan ang krus sa tuktok ng
bundok?

4. Bakit binibigyan ng pagkilala at pag-alaala tuwing


ika – 9 ng Abril ang mga sundalong nagbuwis ng
buhay?

5. Nais mo bang makapunta sa Dambana ng


Kagitingan? Bakit?

Suriin

Basahing muli ang mga salitang nakasalungguhit sa


mga talata. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Pang-uri ang tawag sa mga


salitang naglalarawan sa
bagay, tao, pangyayari, at
lugar.

Ito ay tumutukoy sa kulay,


hugis, laki, bilang, o dami,
at katangian ng pangalan
at panghalip. Suriin ang
mga halimbawa.

10
Halimbawa:
1. Makikita ang malaking krus sa tuktok ng Bundok Samat.
Ano ang masasabi mo sa krus? ________________
Ang salitang nakakahon ay ang salitang inilalarawan.
Ang salitang nakasalungguhit naman ay ang salitang
naglalarawan sa krus.
2. Luntian ang mga halaman na nakatanim dito.
Ano ang kulay ng mga halamang nakatanim?__________
Ang halaman ay ang salitang inilalarawan. Luntian
naman ang salitang naglalarawan dito.

Pagyamanin

Panuto: Pillin sa loob ng panaklong ang angkop na


salitang tumutukoy sa larawan. Gawin ito sa papel.

1. Ang kape sa tasa ay ______________.


(malamig, mainit)

2. ______________ ang damit ni Kiko.


(Malaki, Masikip)

11
3. Parehong ____________ ang patis
at bagoong.
(maalat , matamis)

4. _____________ ang kulay ng hinog na


manga.
(Dilaw , Berde)

5. Ang mga mata ni Ara ay ___________.


(malinaw , malabo)

12
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng


mga pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
Ang ________________ ay isang mahalagang
kasanayan na dapat matutuhan ng isang bata upang
makilala ang mga bagay, tao, pangyayari, at lugar. Ang
mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng mga
pangngalan o panghalip ay tinatawag na ______________.
Ito ay maaring tumukoy sa hugis, kulay, amoy, anyo,
katangian, damdamin at bilang.

Isagawa

Panuto: Tukuyin ang pambansang sagisag na


inilalarawan sa bawat tugma. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ako ang pambansang bulaklak,


Mabango kapag humalimuyak.
Puti ang aking kulay,
Madalas ay gamit sa alay.

a. gumamela
b. sampaguita
c. rosas
d. ilang-ilang

13
2. Ako ang pambansang prutas,
Berde ang kulay kapag pinitas,
Dilaw naman kapag nahinog,
Masarap isawsaw sa bagoong.

a. saging
b. atis
c. mangga
d. pinya

3. Ako ang pambansang hayop,


Makapal na balat hindi matatalop,
Bagay na bagay ang itim na kulay,
Sa pagsasaka ng tanim na palay.

a. kalabaw
b. aso
c. pusa
d. kabayo

4. Ako ang pambansang isda,


Sa palengke ay itinitinda.
Kaliskis ko ay puti at makintab,
Masarap iihaw sa apoy na nag-aalab.

a. dilis
b. galunggong
c. tilapia
d. bangus

14
5. Ako ang pambansang bayani,
Sa Pilipinas, kilala ng marami.
Pagsulat aking gamit sa pakikipaglaban,
Upang ipagtanggol ang ating bayan.

a. Andres Bonifacio
b. Jose Rizal
c. Emilio Aguinaldo
d. Antonio Luna

Mahusay! Binabati kita at nalampasan mo na ang mga


pagsasanay at gawain sa mga naunang pahina.

Tingnan naman natin at alamin kung lubos mo nang


natutuhan ang aralin na ito. Sagutan ang susunod na
gawain.

15
Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang


naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Ang orasan sa aming bahay ay hugis parisukat.

2. Mapupula ang mga rosas sa aming bakuran.

3. Masarap ang bagoong na produkto ng Bataan.

4. Ang kapistahan ni Santo Domingo ay masayang


ipinagdiriwang ng mga taga Abucay.

5. Magaganda ang mga pasyalan sa lalawigan ng


Bataan.

Napakahusay! Ngayon ay alam kong natutuhan mo


na ang kasanayan sa paglalarawan. Binabati kita at
malapit mo nang matapos ang modyul na ito.

Sa puntong ito, may inihanda akong huling gawain


para sa iyo upang mapagyaman pa ang iyong
natutuhan sa araling ito. Sagutan ang karagdagang
gawain.

16
Karagdagang Gawain

Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba. Sumulat ng


limang parirala na naglalarawan dito. Gamitin ang
halimbawa bilang gabay.

Halimbawa: masarap na pagkain

17
18
Subukin Balikan Suriin Tuklasin
1. malamig 1. tao 1. Ang krus ay 1. Ang Dambana
2. lima 2. lugar ng Kagitingan
malaki.
3. tahimik 3. hayop 2. Sa Pilar Bataan
4. masaya 4. pangyayari 2. Ang halaman 3. malaki
5. bilog 5. bagay ay luntian. 4. Sila ay
matatapang
5. (Ang sagot ay
magkakaiba
depende sa
magiging sagot
ng bata)
Isaisip
Pagyamanin Isagawa Tayahin
Ang paglalarawan
1. mainit ay isang mahalagang 1. b 1. parisukat
2. Malaki kasanayan na dapat 2. c 2. mapupula
3. maalat matutunan ng isang 3. a 3. masarap
4. Dilaw bata upang makilala 4. d 4. masaya
5. malabo ang mga bagay, tao, 5. b
5. magaganda
pangyayari, at lugar.
Ang mga salitang
ginagamit sa
paglalarawan ng
mga pangalan o
panghalip ay
tinatawag na pang-
uri.
Ito ay maaring
tumukoy sa hugis,
kulay, katangian,
anyo, amoy,
damdamin at, bilang
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alma, Dayag, and Marasigan Emily. 2018. Pinagyamang Pluma 2


(Teachers Wraparound Edition). 2nd ed. Quezon Avenue,
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Flores, Ester. 2006. Bagong Binhi Filipino...Wika At Pagbasa. 1st ed.


Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig
City: Rex Book Store, Inc.

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Teacher’s Guide). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig City: Rex
Book Store, Inc.

Updates, N., Materials, T., Articles, R. and Contributor, B., 2020. Most
Essential Learning Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY
2020-2021. [online] DepEd Click. Available at:
<https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-
learning-competencies.html>

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like