Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 1
Paghihinuha sa mga Mangyayari
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Paghihinuha sa mga Mangyayari
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-ari ng mga iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
FILIPINO
Ikalawang Kwarter – Modyul 1
Paghihinuha sa mga Mangyayari
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghihinuha sa
mga Mangyayari
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
iv
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
v
vi
Alamin
Tingnan ang nasa larawan. Ano kaya ang ginagawa ni Lita at
ng kanyang alagang si Muning? Sa palagay mo, bakit hinahabol ni
Lita ang kanyang alaga?
Baka naglalaro
sila ng habul -habulan.
1
Subukin
2
A. Nangutang siya sa kanyang tiyahin
B. Binili ni Jose ng bigas ang naipong pera
C. Binili ni Jose ng laruan ang naipong pera
D. Tiniis niya ang gutom dahil walang makain
Aralin
3
Balikan
Panuto: Basahin nang mabuti ang kuwento at sagutin
ang mga tanong. Ibigay ang iyong hinuha batay
sa kuwentong binasa o batay sa iyong
karanasan.
Maging Malusog
Dapat panatilihing malusog, masigla at maligaya upang
maiwasan at ligtas sa sakit.
Paano ba ang maging malusog? Kailangang kumain ng wastong
pagkain. Nagpapalusog ng katawan ang masustansiyang pagkain.
Dapat din nating panatilihing malinis ang katawan sa pamamagitan ng
pagliligo araw-araw. Mag-ehersisyo upang lumakas ang ating
katawan. Nararapat din ang sapat na pahinga. Magsuot ng
maginhawang pananamit. Ugaliin din natin ang pagsusuot ng
facemask upang hindi tayo mahawaan sa anumang sakit. Dapat nating
sundin ang mga paalala upang katawan ay manatiling malusog at
masigla.
4
B. marahil palagi siyang umiinom ng kape at gatas
C. marahil kumakain siya ng mga de latang pagkain
D. marahil kumakain siya ng masustansiyang pagkain
3. Nakabubuti sa lahat ang pag-eehersisyo araw-araw.
A. Ito’y nagpapakinis ng kutis.
B. Ito’y nakapapagod ng katawan.
C. Ito’y nagpapalakas ng katawan.
D. Ito’y nagpapataba ng katawan.
Tuklasin
5
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento
at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Mabait na Kapitbahay
Malamig ang gabi kaya mahimbing ang tulog ng mga tao.
Biglang may malakas na putok at may sumigaw. Naglalabasan ang
mga tao at nakita nila na nasusunog ang isang bahay. Dali-daling
kumilos ang bawat isa. May tumawag ng bumbero at halos lahat ay
nagtutulungan sa pagkuha ng tubig upang maisalba ang bahay. Unti-
unting napatay ang apoy dahil sa pagtutulungan ng mga tao.
Dumating ang bumbero upang tiyakin na ligtas na sa sunog ang
bahay.
“Malaki ang bahay namin. Doon muna kayo titira
pansamantala”, sabi ni Mang Floro. “Kami naman ang bahala sa
iyong pagkain habang inaayos pa ang mga kailangan ninyo”, sabi
naman ng mag-asawang Dela Cruz. “Bukas magpapatawag ako ng
pulong upang planuhin ang pagsasaayos sa inyong bahay”,sabi ng
Punong Barangay. Luhaang nagpapasalamat ang pamilya ni Mang
Ambo. ( source: LM Filipino 2, 2013)
6
C. dahil nagtulungan ang mga tao
D. dahil nag-agawan ang mga tao
4. May bumberong dumating sa lugar ng nasunugan.
A. upang hulihin ang mga nasunugan
B. upang pagalitan ang mga nasunugan
C. upang makiusyuso sa mga taong lumabas
D. upang tumulong at tiyakin na ligtas na ang lugar
5. Luhaang nagpasalamat ang pamilya ni Mang Ambo
sa tulong ng kanilang kapitbahay.
A. nagalit sila sa nangyari
B. nahiya sila sa nangyari
C. nalungkot sila sa nangyari
D. natuwa sa mga tulong na natanggap
Suriin
Panuto: Basahin nang mabuti at ibigay ang angkop na hinuha o
palagay. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Tuwang-tuwa ang iyong kaklase nang siya’y dumating
sa paaralan.
A. marahil siya ay nadapa
B. marahil umiiyak siya sa tuwa
C. marahil nakatanggap ng regalo
D. marahil sumakit ang kanyang tiyan
2. Masayang–masaya si Ramon na lumapit sa kanyang
ina sabay halik sa mukha nito.
A. siguro nagpapansin lang siya
B. siguro humihingi siya ng baon
C. siguro masakit ang kanyang tiyan
D. siguro binabati niya dahil kaarawan ng nanay niya
3. Umiiyak nang malakas ang sanggol na bagong gising.
A. dahil inagawan siya ng laruan
B. dahil gusto na niyang lumakad
C. dahil kinarga siya ng kanyang nanay
D. dahil nagugutom siya at gustong umiinom ng gatas
7
4. Umulan nang malakas at may kasamang malakas na
hangin. Nabuwal ang mga puno at nagliparan ang mga bubong ng
bahay.
A. may baha
B. may lindol
C. may sunog
D. may bagyo
Pagyamanin
Ginabayang Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
Butas Pala!
Sabado ng umaga, maagang gumising
si Katrina. Kumain siya ng almusal at inihanda
ang sarili dahil pupunta siya sa palengke upang
magtinda ng mga mangga na nakuha ng
kanyang tatay sa kanilang likod-bahay.
Hapon na nang maubos ang paninda ni Katrina.
Dali- dali siyang umuwi dala niya ang pera.
Lumakad siya buong sigla sabay ang pagkanta.
Pagdating niya sa bahay dali-dali niyang
dinukot ang pera sa kanyang bulsa. Bigla na lang
siyang namangha at pinapawisan dahil wala na ang
laman nito. Butas8 pala ang kanyang bulsa.
Panuto: Ibigay ang iyong hinuha sa kalabasan ng pangyayari batay sa
kuwentong iyong binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Maagang gumising si Katrina, kumain ng almusal at
nagbihis.
A. pupunta siya sa parti
B. pupunta siya sa paaralan
C. pupunta siya sa palengke
D. pupunta siya sa simbahan
2. Ang mga manggang itinitinda ni Katrina ay nakuha ng
kanyang tatay sa likod-bahay.
A. marahil bumili ng mangga ang kanyang tatay
B. marahil binigyan ng mangga ang kanyang tatay
C. marahil nagtanim ng mangga ang kanyang tatay
D. marahil nanghingi ng mangga ang kanyang tatay
3. Dali-daling umuwi si Katrina at lumakad nang buong
sigla sabay ang pagkanta.
A. masaya siya dahil nakabili siya ng laruan
B. masaya siya dahil pinauwi na siya sa bahay
C. masaya siya dahil kinain niya ang mga manga
D. masaya siya dahil naubos ang lahat ng kanyang paninda
4. Pagdating sa bahay dali-daling dinukot ni Katrina ang
pera sa bulsa.
A. baka pinagalitan na siya ng tatay
B. baka sabik na niyang ibili ang pera ng pagkain
C. baka gusto na niyang ihulog ang pera sa alkansiya
D. baka sabik na niyang ibigay ang pera sa kanyang
tatay
5. Bigla nalang namangha at pinapawisan si Katrina nang
nalaman niyang wala na ang kanyang pera sa
kanyang bulsa.
A. marahil nadapa siya at nasaktan
B. marahil biglang sumakit ang kanyang tiyan
C. marahil bigla siyang pinagalitan ng kanyang tatay
D. marahil nanghihinayang siya sa perang nawala dahil sa butas
niyang bulsa
9
Malayang Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.
Si Mang Nardo
10
pangyayari o sitwasyon batay sa kuwentong iyong binasa.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat sitwasyon sa
Hanay A at ibigay ang iyong hinuha sa pamamagitan ng pagpili
ng sagot sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
11
HANAY A HANAY B
1. Maraming tao sa loob, lahat ay abala sa a. sa simbahan
pamimili. May bumaba at paakyat sa escalator.
Saang lugar kaya sila?
2. Nakabihis nang maayos si Mateo paglabas sa b. may parada
kwarto. Tuwang-tuwa ang mga bisitang nasa
hapag kainan. Paglapit niya sa mesa hinipan niya
ang kandila sa gitna ng keyk. Ano sa inyong
palagay ang okasyon?
3. Araw ng Linggo, maagang gumising ang buong c. kakain ng
pamilya. Nagbihis nang maayos ang lahat. Saan pananghalian
kaya ang lakad nila?
4. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. d. kaarawan
Tinawag ng nanay ang lahat sa hapag kainan. Ano
sa inyong palagay ang kanilang gagawin?
5. Maraming tao ang nasa paligid ng daan. May e. sa mall
pinatutugtog na musika gamit ang drum at
xylophone na instrumento. Mayroon ding
sumasayaw na mga batang babae na may hawak na
baton. Masaya ang paligid.
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:
1. Bakit kailangang unawain nang mabuti ang teksto o kuwentong
iyong binasa?
2. Paano mo maibigay ang iyong hinuha sa kalabasan ng pangyayari
o sitwasyon sa teksto o kuwentong iyong binasa o napakinggan?
3. Ano ang ibig sabihin ng hinuha?
Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang teksto. Magagawa
mo kaya na mabigyang kahulugan ang pamagat nito? Sa anong paraan?
12
Makabubuo ka ng maraming hinuha habang nagbabasa batay sa iyong
sariling karanasan.
Paghihinuha o Pagpapalagay (Inferencing)
Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay ng maaaring mangyari sa
nabasa o napakinggang teksto o kuwento, ikaw ay gumagawa ng
paghihinuha o pagpapalagay. Ang pag-unawa sa diwa ng isang pahayag
ay nagagawa sa iba’t-ibang paraan. Di ba’t minsa’y napaliwanag mo
ang kahulugan ng isang di-tuwirang pahayag sa teksto? Nasasagawa mo
ito sa tulong ng mga pahiwatig at ng iyong sariling kaalaman sa paksa.
Isagawa
Panuto: Ibigay ang iyong hinuha sa mga sumusunod na
pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kung ang isang bata ay masunurin sa kanyang mga magulang,
A. magagalit sila
B. malulungkot sila
C. magyayabang sila
D. magiging masaya sila
2. Kung tumutulong ang mga bata sa paglilinis ng silid aralan marahil
ang guro nila ay…
A. matutuwa
B. magagalit
C. matatakot
D. magugulat
13
3. Pauwi na si Peter galing sa paaralan, habang naglalakad sa kalsada
sinunod niya ang batas trapiko.
A. masagasaan siya
B. pagtawanan siya
C. huhulihin siya ng pulis
D. maayos ang kanyang pagtawid
4. Sinusunod ni Rey ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
A. sasakit ang kanyang ngipin
B. masisira ang kanyang ngipin
C. magiging marumi ang kanyang ngipin
D. magiging matibay ang kanyang ngipin
5. Sinasabi ng nanay na hindi magbababad sa celpon sa paglalaro ng
mga online games.
A. maaari itong makasira ng mata
B. maaari itong makapagpagaling
C. maaari itong makapagpaganda
D. maaari itong magpapalinaw ng paningin
Tayahin (Assessment)
Panuto: Ibigay ang iyong hinuha sa kalabasan ng mga pangyayari sa
mga sumusunod na pahayag o teksto. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel
1. Nakabihis itim ang Pamilya Reyes. Malungkot at nag-iiyakan ang
iba. May nagdadasal at nagbibigay ng abuloy.
A. may pista
B. may burol
C. may kasalan
D. may binyagan
14
A. marahil may parada
B. marahil may kasalan
C. marahil may paligsahan
D. marahil may palatuntunan
Yeheey!
Tapos na ako!
15
Susi sa Wastong Sagot
Sanggunian
17
Dir. Lydia B. Liwanag 1999. Landas sa Wika at Pagbasa
2.
Dane Publishing House, Inc.
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: