You are on page 1of 25

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 4


Maikling K uwento
( Aginaldo ng mga Mago )

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 4: Maikling Kuwento (Aginaldo ng mga Mago)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
mayakda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Shirley B. Estabillo
Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Direktor ng Rehiyon
Mga Katuwang na Tagapangulo
Victor G. De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang na Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD EPS-ADM
Tagapamanihala, Sangay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, Chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Amelia L. Tortola, EdD, EPS- Filpino
Katuwang ng Tagapamanihala, Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Maikling Kwento
(Aginaldo ng mga Mago)
Ang modyul na ito ay magkakatuwang na inihanda at sinuri

ng mga guro sa Filipino ng Sangay ng Bukidnon.


Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na magpadala ng kanilang punaDepED Bukidnon na may Tel. Fax Blg.
0888 -at mungkahi sa 813-364.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Maikling Kuwento-Aginaldo ng mga Mago !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino-10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Maikling Kwento: Aginaldo ng mga Mago !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

iii

Para sa magulang
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap
ng ating mga mag-aaral. Ang kanilang kaalaman ay hindi limitado sa silid-aralan
lamang kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
v
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong
sa iyo na matutuhan ang tungkol sa nobela, gramatika, retorika at suring-basa. .

Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong


pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Gayunpaman,
ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri
ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Ang modyul 4 ay hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba:

• Aralin 1 – Diyalogo ng mga Tauhan


• Aralin 2 –Mga Salitang Magkatulad at Magkaugnay ang Kahulugan
• Aralin 3 –Pakikipag-ugnayang Pandaigdig
• Aralin 4 – Masining na Pagpapahayag ng Maikling Kuwento
• Aralin 5 – Lingguhang Pagtataya
Mga kompetensing Lilinangin sa Modyul 4
1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda.
(F10PN-IIe-73)
2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
(F10PT-IIe-73)
3. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kwento. (F10PS-IIe-75)
4. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.
(F10PD-IIe-71)

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 2.4.1: Aginaldo ng Mga Mago: Diyalogo ng mga Tauhan
Alamin 1
Tuklasin 1
Suriin 4
Pagyamanin 4
Isaisip 5
Isagawa 5
Tayahin 6
Aralin 2.4.2: Salitang Magkatulad at Magkaugnay ang
Kahulugan
Alamin 7
Tuklasin 8
Suriin 8
Pagyamanin 9
Isaisip 10
Isagawa 10
Tayahin 11
Aralin 2.4.3: Pakikipag-ugnayang Pandaigdig
Alamin 12
Tuklasin 12
Suriin 13
Pagyamanin 13
Isaisip 14
Isagawa 14
Tayahin 14
Aralin 2.4.4: Masining na Pagsasalaysay ng Maikling Kuwento
Alamin 16
vii
Tuklasin 16
Suriin 16
Pagyamanin 17
Isaisip 17
Isagawa 18
Tayahin 18
Aralin 2.4.5: Lingguhang Pagtataya
Pangwakas na Pagtataya 19
Susi sa Pagwawasto 20
Sanggunian 22

viii

Aralin Diyalogo ng mga Tauhan


1
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat ayon sa kakayahan mo. Ito ay ginawa
upang tulungan kang masanay sa larangan ng Maikling Kuwento. Ang saklaw ng modyul
na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa ibat-ibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang wikang
ginamit ay kumikilala sa ibat-ibang antas ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Ang mga
aralin ay isinaayos para masundan ang mga pamantayang inihanay ng kurso. Ang
tekstong ginamit ay matatagpuan sa aklat na ating ginamit Filipino 10-Panitikang
Pandaigdig.

Alamin
Kompetensing Lilinangin

 Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng


akda.
(F10PN-IIe-73)

Tuklasin

Aginaldo ng mga Mago


Sinulat ni O. Henry
Isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay barya.
Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos.
At kinabukasan noon ay Pasko.Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa
munting gusgusing sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kanyang pag-iyak at hinarap ang kanyang mga pisngi. Siya’y
nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang
abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.
Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t
pitong sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan
siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kanyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng
kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kanyang mga gastos kaysa
kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos
lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kanyang Jim.
Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay

1
Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang
sabihing karapat-dapat ariin ni Jim.
Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning ang
kanyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang kanyang
pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kanyang buhok. Ang mag-asawang
James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang
labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kanyang ama at sa ama ng
kanyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.At ngayo’y nakalugay ang magandang
buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang
talon. Abot hanggang sa ibaba ng kanyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At
pagkatapos ay maliksing pinusod niyang muli na nangangatog pa ang kanyang mga
kamay. Minsan siyang natigilan samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa
gasgas na pulang karpet sa sahig.
Isinuot ang kanyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kanyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kanyang saya at nagkikinang ang kanyang
mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas sa
lansangan. Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme.
Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa
unang hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kanyang paghingal.
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.“Bumibili ako ng buhok,”
sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura niyan.” ni
Della ang alon-alon niyang buhok.
“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang makapal na
buhok. “Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.
O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob
ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga
tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya.
Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang
disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang
mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitangpagkakita niya sa kadenang
iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon kay Jim.
Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kanya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t
pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kanyang relos ay
pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.
Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang
tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pagiingat.
Kinuha niya ang kanyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang
nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpiprituhan ng karne.Si Jim ay hindi
kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kanyang palad at naupo sa
sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim.
Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali.
Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari
sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong
sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kanyang pamilya!
Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang guwantes.

2
Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay
Della at ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni
pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della.
Basta’t nakatitig si Jim sa kanya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang damdaming
hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim.
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan.
Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa
hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y
hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon.
Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko, Jim
at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko
para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol
ang aking buhok?” Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa
mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango,
o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit
ako nagkagayon noong bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili ng
galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang
luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kanya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay na
malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang
bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kanyang dibdib, at sa
wakas ay naitaas niya ang kanyang paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas
humaba ang buhok ko, Jim.”
Suriin

At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!” Hindi pa
nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kanya. Iniabot iyon ni Della sabay
pagbubukas ng kanyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy ng
kanyang kaluluwa.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan.
Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akin
na ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang
kadena.”
Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang kanyang ulo sa
kanyang mga palad, at saka ngumiti.
“Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang
na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga
suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong –
napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may
imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong
ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong
maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-inutan kong
isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa
isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala
ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan. Ngunit parang
huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito na sa lahat ng
nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng
nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong
sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.
3
Pansinin ang mga salitang nakasulat nang pahilig. Ang mga iyan ay mga halimbawa ng
tinawag nating diyalogo, diyalogo ng mga tauhan sa kuwento.

Ang diyalogo ang nagsisilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng
ugnayan. Ito ang tumutulong sa atin para maibahagi natin ang mga bagay-bagay o
kaalaman na gusto nating iparating sa ating kapwa. Sa pamamagitan nito, madali nating
naipararating sa ating kapwa ang mga gusto nating ipahiwatig at mga nararamdaman.

Sa kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”, mapapansin natin ang kasiningan sa


pagpapahayag ng diyalogo ng mga tauhan. Ito ang nagpapaganda sa usapan at daloy ng
mga pangyayari sa kuwento. Kaya mahalaga ito sa bawat kuwento.

Pagyamanin

Gawain 1: Punan mo!


Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na nasa diyalogo nina Jolo at Xia.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.
Pramis, Huli na “To

Xia: Jolo,1. _____________ kong 2.___________ ang 3.___________ mo ng madaling araw.

Jolo: Ha? Uhh, ano kasi, marami kasing 4. __________ na binigay ang 5._________ namin.

Xia: Ganun ba? Bakit si Stephen, hindi naman 6.____________ at inaabot ng


7.____________?
Jolo: (Namumutla at halatang kabado) Xia, ang 8.___________, inaabot ako ng madaling
araw sa café sa 9._______________ ng computer.

Xia: Naku Jolo, 10.______________ ka niyan sa 11.___________ mo.

Jolo: Wag mo naman akong 12. ______________ Xia. Pramis, huli na ‘to. Di na ako uulit.
Xia: Pramis? Sige basta 13._____________ ka na diyan sa 14.
_________________ mo.

Jolo: OO Xia, 15.____________ ka. Hinding-hindi na talaga.

Guro Lagot Maniwala


Proyekto Kalalaro Kinahihiligan
Pag -uwi Totoo Tumigil
Medaling araw Isumbong
Napapadalas
ginagabi mama
napanasin

Isaisip

Gawain 2. Buuin mo!

Panuto: Pag-aralan mo ang paksa sa sumusunod na usapan at pagkatapos ay bumuo ka


ng sariling pangungusap upang mabuo ang diyalogo. Sikapin mong gumamit ng masining
na mga salita. (5 puntos bawat usapan)

Usapan

Egay: Nabalitaan mo ba ang napipintong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine?


Evelyn: __________________________________________________________ Egay:
Sana ay makinig sila sa pakiusap ng United Nations.
Evelyn: __________________________________________________________

Isagawa

Gawain 3: Gawin mo!

Panuto: Kung ikaw ang nasa sitawasyon ni Jim at naabutan mong maigsi na ang buhok
ng iyong asawang si Della, ano ang magiging reaksyon mo? Mabibigla ka ba? Magagalit?
Paano mo siya kakausapin?

Sa gawaing ito, gagawa ka ng diyalogo ng dalawang tauhan. Ikaw bilang si Jim at asawa
mong si Della.

Ikaw: ____________________________________________________________

Della: ___________________________________________________________
Ikaw: ____________________________________________________________

Della: ___________________________________________________________
Ikaw: ____________________________________________________________

Della: ___________________________________________5 ________________

Ikaw: ____________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng papel at doon isulat ang iyong mga
kasagutan.

1. Ito ang nagsilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng ugnayan.
A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika
2. Sila ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago.
A. Baltazar, Gaspar at Melchor B. Hilga at Jim
C. Della at Jim D. Jim at Jane
3. Bakit mo naman pinapatay ang ilaw kanina? Ano ang mali sa pangungusap na
ito?
A. bakit B. pinapatay
C. ilaw D. wala
4. Sina Elsa, Fiona at Gwen ay __________________.
A. kapatid B. magkakapatid
C. magkapatid D. magpinsan
5. Kaibigan ko ang ________________ na sina Fiona at Gwen.
A. kapatid B. magkakapatid
C. magkapatid D. magpipinsan
6. ________________ namin ang bukid kahapon.
A. Pasyalan B. Pinasyalan
C. Papasyalan D. Pinapasyalan
7. Ito ang bumubuo sa isang pangungusap na ginagamit sa pakikipagdiyalogo.
A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika
8. Nabili ko ang relos na ito dahil _______________ ko ang aking buhok.
A. binenta B. ibebenta
C. binibenta D. ibinibenta
9. Sa pamamagitan nito, madali nating naipararating sa ating kapwa ang mga gusto nating
ipahiwatig at mga nararamdaman.
A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika
10. Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang
na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga
suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.” Sa sinabing ito ni Jim, anong
damdamin ang namayani sa kanayang puso.
A. galit B. kasiyahan
C. inis D. pagkalungkot
11. “Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko 6 iyan.
Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina
ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.”
Sa linyang ito ni Della, anong emosyon ang nagingibabaw?
A. pagkagalit B. pagkasabik C. pagkalungkot
D. wala sa nabanggit
12. “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.” Anong
damdamin ang namayani?
A. pag-alala B. pagkasabik
C. pagkalungkot D. wala sa nabanggit
13. “Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap sa pagsasalita.
Ano ang damdaming ipinahiwatig?
A. pagkabigla B. pagkasabik
C. pagkagalit D. wala sa nabanggit
14. Ito ang tumutulong sa atin para maibahagi natin ang mga bagay-bagay o kaalaman na
gusto nating iparating sa ating kapwa.
A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika
15. Magkanong halaga nabenta ni Della ang kanyang buhok?
A. 10.00 B. 30.00
C. 20.00 D. 40.00

Aralin Mga Salitang Magkatulad


2 at Magkaugnay ang
Kahulugan
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat ayon sa kakayahan mo. Ito ay
ginawa upang tulungan kang masanay sa larangan ng Maikling Kuwento. Ang
saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa ibat- ibang sitwasyon
ng pagkatuto. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa ibat-ibang antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral. Ang aralin ay isinaayos para masundan ang
pamantayang inihanay ng kurso. Ang tekstong ginamit ay matatagpuan sa aklat
na ating ginamit Filipino 10-Panitikang Pandaigdig.

Alamin
Kompetensing Lilinangin
 Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
(F10PT-IIe-73)

7
Tuklasin

Aginaldo ng mga Mago


Sinulat ni O. Henry
Isnalin sa Filipino ni Rufino Alejandro
Si Jim Dillingham Young at ang kanyang kasama sa buhay na babaeng si Della ay mag-
asawang may labis na pag-ibig sa bawat isa, subalit hindi nila halos maabot ang halaga
ng arkila para sa kanilang apartamentong may iisang silid lamang dahil sa labis na
kalagayang pangkabuhayan. Isa itong tirahang katabi ng nakaangat na riles ng tren. Para
sa Pasko, nagpasya si Della na ibili si Jim ng isang tanikala para sa pinahahalagan
nitong orasang pambulsa na bigay pa ng ama nito. Nagkakahalaga ng dalamwampung
dolyar ang tanikala. Para makalikom ng salaping may ganoong halaga, ipinaputol ni Della
at ipinagbili ang kanyang pinahahalagahang mahabang buhok na umaabot sa kanyang
tuhod. Ibinenta niya ito sa tagagupit para magawang peluka ng ibang tao. Samantala,
nagpasya naman si Jim na ipagbili ang kanyang orasan para maibili si Della ng
magandang mga pangkat ng suklay na yari pa sa mga kabibe ng pawikan, para magamit
ni Della sa kaniyang mahabang kayumangging buhok. Bagaman kapwa sila nalungkot
dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga alay para sa isa't isa, nakuntento namang
ang bawat isa sa mga natanggap nilang mga handog, dahil kumakatawan ang mga ito
sa kanilang pagmamahalan bilang mag-asawa. Mas nakahihigit ang kanilang
dimakasariling pag-ibig sa isa't isa kaysa kanilang mga ari-arian.

Suriin

Katulad ng kuwento sa Bibliya, kung saan ang tatlong taong maalam ay sinundan ang
direksyon ng bituin para mahanap ang sanggol na si Hesus at isang mahabang
paglalakbay ang kanilang isinakripisyo para lamang masilayan at mahandugan ng regalo
ang batang Hesus.

Dito sa maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”, binigyang- diin ang sakripisyong
ginawa ng mag-asawang Jim at Della para lamang mabigyan ng regalo ang isa’t isa. Ang
mahaba at magandang buhok ni Della ay kanyang ipinaputol at binenta para lamang
mabilhan ng isang magandang kadenang platino ang relos ng asawang si Jim dahil
lumang katad lamang ang nakakabit sa relos nito.

Sa isang banda naman, ibinenta ni Jim ang kanyang minanang relos mula sa ama
upang mabili ang isang huwego ng mga suklay na matagal ng inaasam-asam ng
asawang si Della.

Isinakripisyo nila ang tanging yaman na meron sila para lamang mapasaya ang isa’t isa
ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi na magagamit ni Jim ang regalo ni Della sa
kanya dahil wala na sa kanya ang relos at hindi na rin magagamit ni Della ang regalo ni
Jim sapagkat maigsi na ang kanyang buhok.
8
Ipinakita sa kuwento ang simpleng kasaysayan ng dalawang taong nagsakripisyo para
sa isa’t isa kahit na mawala sa kanila ang mahalagang pag-aari nila. Kaya naman, sila
ang maituturing na marurunong na mga mago sa lahat ng nagbibigay ng mga regalo.

MAGKAKATULAD AT MAGKAKAUGNAY NA KAHULUGAN


Pansinin ang mga salitang nakasulat nang pahilig. Ang salitang ipinagbili at ibinenta,
alay at handog ay mga salitang magkatulad at magkaugnay ang kahulugan. Maraming
mga salita sa Filipino ang may pagkakapareho ng kahulugan. Ngunit kahit magkatulad at
magkaugnay ang kahulugan ng mga ito, naaayos naman nito ang antas o tindi ng
kahulugan.

Halimbawa nito ay ang mga salitang pag-ibig, pag-irog, pagsinta at pagmamahal.


Ang mga salitang ito ay magkakaugnay ang kahulugan ngunit kapag mas inayos sa tindi
ng kahulugan, nagsisimula ito sa pinakamagaan hanggang sa pinakamatinding
kahulugan. Kung gagamitin ang bilang 1-4, ito ang magiging ayos: 1. pagsinta, 2. pag-
Pagyamanin

irog, 3. pagmamahal at 4. pag-ibig.


Gawain 1: Gamitin mo!

Panuto: Piliin sa loob ng mga bilohaba ang angkop na kahulugan ng mga salita.
Pagkatapos, gamitin ito sa pangungusap. ( 3 puntos bawat bilang)

abubot dekorasyon
1. palamuti
________________________________________________________________

ipinaalam isinangguni
2. ipinabatid
________________________________________________________________

napagtagumpayan nalampasan
3. napagwagihan
________________________________________________________________

4. nagpatirintas nagpasalapid nagpapusod

____________________________________________ __________________

kagulat-gulat Kataka -taka

9
Isaisip

5. kagimbal -gimbal

Gawain 2: Ayusin mo !

Panuto: Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Gamitin ang teknik ng
pagkiklino. A.

Kagunggungan
Kahangalan
Kabaliwan
B. kalokohan
Galit
Muhi poot
ngitngit
Isagawa

Gawain 3: Iantas mo! Panuto: Iantas mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng
damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang
tsar
t
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng
Damdamin upa
ng
A.Kagalakan
doo
Katuwaan
Kaluwalhatian n isul
Kaligayahan at
Kasiyahan ang
sag ot.
(10
pun
Paliwanag sa Pag-aantas tos
bawat
kahon)

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng papel at doon10 isulat ang iyong mga
kasagutan.

1. Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang
isakripisyo para maibili ng regalo ang bawat isa?
A. diyamnteng kuwintas B. gintong relos
C. buhok D. mamahaling suklay
2. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na “ipinaputol ko at ipinagbili,” wika
ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
A. pag-alala B. pagkainis
C. pagtataka D. pagkatampo
3. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng
damdamin?
A. pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog
B. pagsinta, pag-irog, pag-ibig, pagmamahal
C. pag-irog, pag-ibig, pagmamahal, pagsinta
D. pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig
4. Bakit itinuturing na marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della Young? A.
Isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-arian g pinakaiingatan nila.
B. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang
pagkakamali.
C. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.
D. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang
kahirapan.
5. Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kwento “Aginaldo ng mga Mago”? A. Mas
mainam magbigay kaysa tumanggap
B. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit
C. Ang Diyos ay pag-ibig
D. Ang Pasko ay para sa mga bata
6. Saang Ebanghelyo matatagpuan ang kaugnay na salaysay ng kwentong
“Aginaldo ng mga Mago”?
A. Mateo B. Marcos
C. Lukas D. Juan
7. Sino ang nagsalin sa Filipino ng kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”?
A. Bob Ong B. Rufino Alejandro
C. O. Henry D. Vergilio Almario
8. Ako ay may ibibigay na handog sa nanay ko. Ano ang ibig sabihin ng salitang handog
sa pangungusap?
A. pagdiriwang B. regalo
C. kasiyahan D. surpresa
9. Alin sa sumusunod na salita ang may pagkakatulad ang kahulugan?
A. tampo at galit B. sarap at tamis
C. singhal at sigaw D. sinta at mahal
10. Anong pagdiriwang ang pinanabikang dumating ni Della?
A. binyag B. pasko
C. kaarawan D. piyesta
11. Siya ang may-akda ng kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”?
A. Bob Ong B. Rufino Alejandro
C. O. Henry D. Vergilio Almario
12. Si Della ang kabiyak sa buhay ni Jim. Ano ang ibig sabihin ng salitang kabiyak? A.
asawa B. hipag C. bayaw D. kapatid
13. simbahan:pananampalataya, paaralan: __________________11 A. estudyante B.
karunungan C. guro D. pag-aaral
14. Sino ang itinuturing na ilaw ng tahanan?
A. anak B. nanay C. lola D. tatay
15. guro: mag-aaral, manggagamot: ________________ A. doktor B. ospital
C. nars D. pasyente

Aralin
Pakikipag-ugnayang
3 Pandaigdig
Ang Aralin 3 ay tungkol sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Sa pakikipag-ugnayan
sa ibat-ibang lugar, napakalaki ng tungkulin ng mass media sa kasalukuyan. Ang
pinakasikat sa ngayon ay ang facebook. Walang pinipiling edad ang gumagamit ng
gadyet na ito. Sa pamamagitan ng facebook ay nakakausap mo ang iyong mga kakilala
at kaibigan kahit anong layo ninyo sa isa’t isa. Ang pag-aaral sa mga panitikan ng ibang
bansa ay isa ring paraan upang malaman natin ang kanilang kultura.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.


(F10PD-IIe-71).
Tuklasin

Karamihan na sa mga tao sa buong mundo ay gumagamit ng Cellular Phone. Parang


kakabit na ito ng buhay ng tao. Ito ang nagkokonekta sa atin sa mga pamilya at kaibigan
natin na sa ibang probinsiya at bansa. Nagsisilbi itong tulay upang mapaabot ang
mensahe ng bawat indibidwal na magkalayo.

Huli ka sa pagbabago kung wala kang Facebook Account. Sa pamamgitan ng facebook,


nakikita natin ang mga kaganapan sa buhay ng mga tao sa iba’t ibang dako ng daigdig. Isa
lamang ito sa mga social media app na ginagamit sa kasalukuyan ng karamihan sa
sandaigdigan.

Suriin

SOCIAL MEDIA
Narito ang ibat- ibang application na ginagamit sa social media:

1. Blog. Pinaikling salita ng weblog na naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa


ilang mga paksa. Para sa ilan, ito ay ginagamit para gawing online diary (talaarawang
nasa internet).
2. Twitter. Ito ay microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit
nito na magpadala at absahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
3. Youtube. Sa pamamagitang ng multimedia sharing na ito, maaari mong ibahagi
ang mga video at nagbibigay-daan para sa mga gagamit (user) nito na mag-upload,
makita at ibahagi ang mga video clips. Ang mga videong ito ay maaari mong husgahan
ayon sa dami ng likes at ang dami ng mga nakanood ay parehong nakalalathala.
4. Friendster. Nakatuon ito sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong
kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga nilalamang midya sa
web. Ginagamit din ang websayt sa pagtatala at pagtuklas ng mga bagong pangyayari,
mga banda, kinagigiliwang libangan at marami pang iba.
5. Facebook. Sa pamamagitan nito, maaaring magdaragdag ng mga kaibigan at
magpadala ng mga mensahe sa kanila at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang
ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Ang mga ito ang ginagamit ng nakararami upang maisagawa ang pakikipaguganayan sa
mga kaibigan at kapamilya saan mang dako ng daigdig.

Pagyamanin

Gawain 1

MENSAHE MO. Panoorin mo sa youtube ang isang dokumentaryo sa I-Witness


na pinamagatang “Minsan sa Isang Taon” ni Kara David. Batay sa naunawaan at
nahinuha mong mensahe sa videong napanood, paano mo ito iuugnay sa
iyong sarili, pamilya, lipunan at daigdig?

Sarili Pamilya
Mensahe

Lipunan Daigdig
13
Isaisip
Gawain 2: I -post mo!

Panuto: Magbigay ng impormasyon tungkol sa bansang pinagmulan ng kuwentong iyong


nabasa sa Aralin 2 na nakabatay sa sumusunod na aspeto: (Relihiyon, Turismo,
Kaligirang Pangkasaysayan, Panitikan/Literatura, Kultura/Tradisyon at Mga Tao). Isulat
sa kahon ang balangkas ng gagawin mong paglalarawan. Pwedeng gawin mo ang
paglalarawan sa pamamagitan ng isang Lathalain, Sanaysay o Travelogue. Pagkatapos

Isagawa

nito, i-post mo ito sa facebook gamit ang iyong facebook account.

Gawain 3. Pag-ugnayin mo!

Panuto: Tukuyin mo ang pamumuhay ng lugar na pinagmulan ng videong iyong


napanood at ang pagkakahawig nito sa inyong lugar. Pagkatapos, ibigay ang mga
bagay na ang dalawang lugar ay magkaugnay.
Pamumuhay sa Sarangani Pamumuhay sa inyong Lugar

Tayahin

Panuto: Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng papel
at doon isulat ang iyong mga kasagutan.

1. Ito ang pinaikling salita para sa weblog na naglalaman ng mga komentaryo o


balita ukol sa ilang mga paksa.
A. blog B. facebook C. twitter D.
youtube
2. Anong mahalagang okasyon ang ipinagdiriwang natin kung saan may maraming
bilog na prutas sa mesa at nagpapaputok ng paputok pagsapit ng hating gabi?
A. Bagong Taon B. kaarawan C. Pasko D. piyesta
3. Ito ay microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit
nito na 14 magpadala at absahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube 4. Ang
salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inuulit ay magiging mabutibuti na
ang ibig sabihin ay _______________ .
A. maayos B. katamtamang ayos C. magaling D. magaling-galing 5. Sa
pamamagitang ng multimedia sharing na ito, maaari mong ibahagi ang mga video at
nagbibigay-daan para sa mga gagamit (user) nito na mag-upload, makita at ibahagi ang
mga video clips.
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube
6. Saang bansa hango ang kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”?
A. Brazil B. Estados Unidos C. Italya D. Europa
7. Nakatuon ito sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong kaibigan,
makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga nilalamang midya sa
web. A. blog B. Friendster C. twitter D. youtube
8. Anong uri ng kuwento ang “Aginaldo ng mga Mago”?
A. alamat B. maikling kuwento C. pabula D. nobela
9. Sa pamamagitan nito, maaaring magdaragdag ng mga kaibigan at magpadala ng
mga mensahe sa kanila at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang
ipagbigayalam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube
10. Anong mahalagang yaman ang pinakaiingatan ni Della?
A. buhok B. ginto C. kwintas D. relos
11. Ang mga video dito ay maaari mong husgahan ayon sa dami ng likes at ang
dami ng mga nakanood ay parehong nakalalathala.
A. blog B. Friendster C. twitter D. youtube
12. Ito ang minanang yaman ni Jim na kanyang pinakaiingatan.
A. buhok B. ginto C. kwintas D. relo
13. Para sa ilan, ito ay ginagamit para gawing online diary (talaarawang nasa internet).
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube
14. Ilang oras na naghanap si Della ng panregalo niya kay Jim? A. dalawa B. lima
C. isa D. pito 15. Ginagamit din ang websayt sa
pagtatala at pagtuklas ng mga bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang
libangan at marami pang iba.
A. blog B. friendster C. twitter D. youtube

Masining na Pagsasalaysay ng
Aralin
Maikling Kuwento

15

4
Nabubuhay tayo sa mga maiikling kuwento ng buhay. Bawat isa sa ay may sariling
kuwentong pinakaiingat-ingatan. Ang mga kuwentong ito ang siyang gagabay sa
pakikipagtahak natin sa buhay.

Bilang isang mag-aaral, ano-ano na ba ang mga kuwentong iyong nabasa? Sa araling
ito ay mababasa mo ang kuwentong kapupulutan ng aral.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling


kwento. (F10PS-IIe-75)

Tuklasin

Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang
mga Kastila sa ating kapuluan. Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang
tagpuan, upuan at nakapupukaw ng damdamin. May kapayakan at kakaunting mga
tauhan.
Suriin

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

1. Panimula. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa, dito rin kadalasang
pinakikilala ang mga tauhan.
2. Saglit na Kasiglahan. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin. Problemang haharapin ng tauhan.
4. Kasukdulan. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang pinaglalaban.
5. Kakalasan. Tulay sa wakas.
6. Wakas. Resolusyon o kahihinatnan ng kuwento

16
Pagyamanin

Gawain 1: Ano ang reaksyon mo?

Panuto: Suriin ang pangyayari sa bawat bilang. Isulat sa patlang bago ang bilang ang
salitang MAKATOTOHANAN kung sa tingin mo ay totoo ang pahayag at
DIMAKATOTOHANAN naman kung walang katotohanan sa pahayag. Pangatwiranan mo
bakit makatotohanan at di-makatotohanan ang pahayag. (3 puntos bawat bilang)

______________1. Ugali na niyang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na


nangyayri sa araw-araw.
Reaksyon:
______________________________________________________________________

______________2. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako


makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo.
Reaksyon:
______________________________________________________________________

______________3. At isang malakas na tili ng galak, at pagkatapos ay isang hagulhol na


sinasabayan ng pagdaloy ng luha.
Reaksyon:
______________________________________________________________________

______________4. Pihong matitingnan mo na ang oras kahit makasandaang beses


maghapon.
Reaksyon:
______________________________________________________________________

______________5. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang


pinakamarunong.
Reaksyon:
______________________________________________________________________
Isaisip

Gawain 3: Isulat mo!


Panuto: Sumulat ka ng sarili mong maikling kuwento. Nasa iyo na kung ano ang
magiging paksa ng iyong kuwento. Maaari mong paghugutan ang mga mga
pangyayari sa kasalukuyan. (15 puntos)

Isagawa
17

Gawain 3: Ikuwento mo!

Panuto: Pag-aralan mo ang iyong sinulat na maikling kuwento. Pagkatapos mong


mapag-aralan ang kuwento, isalaysay mo ito nang masining at may damdamin.
Maari mong i-record sa iyong cellphone ang gagawin mong pagkukuwento. (15
puntos)

Narito ang pamantayan, paano kita bibigyan ng marka sa gagawin mong


pagsasalaysay:

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Pamantayan Puntos

Kasiningan- orihinalidad at estilo ng pagsasalaysay 9 puntos


Kawastuan- wasto at angkop na gamit ng mga salita 3 puntos
Kawilihan- hikayat sa mga manonood o tagapakinig/ na 3 puntos
KABUUAN 15 puntos

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng papel at doon isulat ang iyong mga
kasagutan.

1. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na “ipinaputol ko at ipinagbili,” wika


ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
A. pag-alala B. pagtataka C. pagkainis D. pagkatampo Ang mga
sumusunod na bilang ay dalawa lamang ang iyong pagpipilian. Ang pahayag ba ay
totoo o hindi totoo.

2. Tayo ay sinakop ng mga kastila sa loob ng 333 na taon.


A. hindi totoo B. totoo
3. Nagalit si Jim kay Della dahil pinaputol nito ang kanyang buhok.
A. hindi totoo B. totoo
4. Mayroong 48 na oras na dalawang araw.
A. hindi totoo B. totoo
5. Si O. Henry ang sumulat sa kuwentong “Aginaldo ng mga Mago.
A. hindi totoo B. totoo
6. Nagtampo si Della kay Jim dahil hindi nito nagustuhan ang regalong natanggap.
A. hindi totoo B. totoo
7. Sina Melchor, Baltazar at Gaspar ang tatlong mago na nag-alay ng mga regalo sa 18
batang Hesus.
A. hindi totoo B. totoo
8. Ang mga yapak na nasa disyerto ang sinundan ng mga mago para matunton ang
kinaroroonan ng sanggol.
A. hindi totoo B. totoo
9. Ang Pilipinas ay may siyam na pangunahing wika.
A. hindi totoo B. totoo
10. Nag-away sina Della at Jim dahil sa nangyari.
A. hindi totoo B. totoo
11. Mira, ginto at insenso ang inaalay ng tatlong mago sa batang si Hesus.
A. hindi totoo B. totoo
12. Si Della at Jim ay magkapatid.
A. hindi totoo B. totoo
13. Ang kwentong “Aginaldo ng mga Mago ay nagmula sa bansang Italya.
A. hindi totoo B. totoo
14. Kaarawan ni Della kaya siya binigyan ng regalo ni Jim.
A. hindi totoo B. totoo
15. Maraming ipit sa buhok ang niregalo ni Jim kay Della.
A. hindi totoo B. totoo

5 Lingguhang Pagtataya

Tayahin

Gaano ka natuto?
BUUIN MO. Bumuo ng grapikong presentasyon tungkol sa maikling kuwentong
“Aginaldo ng mga Mago”. Ibigay ang mga hinihingi. (50 puntos)

Wakas
Tauhan/
Panimula Damdamin
Tagpuan Suliranin

You might also like