You are on page 1of 32

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 3


Ang Aking Pag-ibig
(Tulang Pandamdamin mula sa England
)

Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas


Filipino- Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Modyul 3: Ang Aking Pag-ibig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
mayakda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Charisse Ann C. Pelarmo
Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa

Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III


Direktor ng Rehiyon
Mga Katuwang na Tagapangulo:
Victor G. De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang ng Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD EPS-ADM
Tagapamanihala, Sangay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, Chief CIDG
Shambaeh A. Usman, PhD Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Katuwang ng Tagapamanihala, Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

10
Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 3
Ang Aking Pag-ibig
(Tulang Pandamdamin mula sa
England)

Ang modyul na ito ay magkakatuwang na inihanda at sinuri


ng mga guro sa Filipino ng Sangay ng Bukidnon. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na magpadala ng
kanilang puna at mungkahi sa DepED Bukidnon na may email address
na bukidnon@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga
puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO-10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Ang Aking Pag-ibig (Tulang Pandamdamin Mula sa
England)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong ng mag-aa upang matulungang makamit ng mga-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa mag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa p inakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalamanng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay-aaral.
sa mag
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag -aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pagunlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO-10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Ang Aking Pag-ibig (Tulang Pandamdamin mula sa England)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Para sa magulang

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng ating
mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado sa
silid- aralan kundi maging sa inyong tahanan.

Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga magaaral


upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka
o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong


pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Gayunpaman,
ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri
ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Ang modyul 4 ay hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba:
Aralin 1 – Ang Aking Pag-ibig
Aralin 2- Elemento ng Tula
Aralin 3 -Matalinghagang Pananalita sa Tula
Aralin 4- Paksa ng Tula
Aralin 5- Lingguhang Pagtataya

Mga kompetensing Lilinangin sa Modyul 3


1. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)
2. Nasusuri ang mga elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
tula (F10PT-IIc-d-70) 1.

4.Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay


(F10PU-IIc-d-72)
5. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-
d-65)

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 – Ang Aking Pag-ibig Tula
Alamin 1
Tuklasin 1
Suriin 2
Pagyamanin 2
Isaisip 3
Isagawa 3
Tayahin 4
Aralin 2 - ELEMENTO NG TULA
Alamin 6
Tuklasin 6
Suriin 7
Pagyamanin 7
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 8
Aralin 3 – MATATALINGHAGANG PANANALITA SA TULA
Alamin 10
Tuklasin 10
Suriin 11
Pagyamanin 11
Isaisip 12
Isagawa 12
Tayahin 13
Aralin 4 – PAKSA NG TULA
Alamin 14
Tuklasin 14
Suriin 15
Pagyamanin 16
Isaisip 16
Isagawa 16
Tayahin 16
Lingguhang Pagtataya 17

Susi sa Pagwawasto
Sanggunian 23

Aralin Ang Aking Pag-ibig


1
Ang aralin 1 ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italy na
isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
kahalagahan ng angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita
sa pag-unawa mo sa tula na tatalakayin gayon din ang paraan ng paglalarawan
nito. Sa araling ito matatagpo mo ang isang uri ng panitikang ikalalawak ng iyong
kaalaman at kaugalian sa lipunan, sa bayan, sa pamilya at sa iyong kabuuan
bilang
isang tao.

Alamin

Kompetensing Lilinangin Naibibigay ang puna sa estilo ng


napakinggang tula
(F10PN-IIc-d-70)

Tuklasin
Sa bahaging ito ay pakinggan/ basahin ang isang awitin. Pansinin
ang estilo ng makata sa tulang ito.

Awit Kay Inay


Mula sa awit ni Carol Banawa

May hihigit pa ba sa isang katulad Ganyan lagi ikaw sa anak


mo mo
Inang mapagmahal na Lahat nang buti nya ang
totoo laging hangad mo
Lahat nang buti ay naroon sa Patawad ay lagi sa puso
puso mo....
Buhay man ay handang ialay Walang inang matitiis ang
isang anak
mo
Ika'y dakila at higit k a sa
Walang inang matitiis ang isang lahat
anak
Ika'y dakila at higit ka sa Ang awit na ito
lahat Ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay
Ang awit na ito ay alay ko sa pagibig sa puso ko
iyo Ikay nagiisa ikaw lang sa
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso mundo
ko Ang may pusong wagas
Ika'y nag-iisa Ikaw lang sa ganyan ang tulad mo
mundo
A ng may pusong wagas ganyan
ang
tulad
mo

Lahat ibibigay lahat gagawin


mo

1
Tunghayan ang kasunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth
Barret Browning ng England (hango sa Sonnet 43).

ANG AKING PAG-IBIG


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Marunong umingos sa mga papuri.
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa- Pag-ibig ko’y isang matinding
isahin, ikaw ang bumilang. damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang
Iniibig kita nang buong taimtim, bathin
Sa tayog at saklaw ay walang Noong ako’y isang musmos pa sa turing
kahambing, Na ang pananalig ay di masusupil.
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Na nang mangawala ay parang
Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nanamlay
nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
liwanag, maging sa karimlan.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Kasinlaya ito ng mga lalaking Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Kasingwagas ito ng mga bayaning Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Suriin
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.
May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang
pasalaysay, tulang padula at patnigan.
Ang soneto na iyong binasa ay nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang
liriko. Ito ay may tiyak na sukat at tugma na kailangang isaalang-alang. Binubuo
ito ng labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.

Pagyamanin

Gawain 1.1 Lantad-Damdamin

Panuto: Ilahad ang damdaming naghahari sa Awit Kay Inay at Ang Aking Pag-
ibig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
2
Awitin Kay Inay Ang Aking Pag -ibig
1. 4.
Damdamin

2. 5.

6.
3.

Sagutin ang sumusunod na mga gabay na tanong.


7. Anong konklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong
mapakinggan ang nasabing awit?
8. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tulang Ang Aking Pag-ibig?
9. Anong paraan ang ginamit ng makata upang maging mabisa ang kanyang
tula?
10. Ayon sa Bibliya may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya,
ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli,
ang pag-ibig. Ipaliwanag kung bakit itinuturing na pinakadakila sa lahat ang
pag-ibig?

Isaisip
Sa araling ating tinalakay, Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang
ano ang pinagkaiba ng matutuhan at maunawaan ang araling ito. Bilang
soneto sa ibang uri ng pagsubok sa iyong pag-unawa ng aralin, punan
tula? ang mga sumusunod na diyalogo batay sa iyong
natutuhan sa aralin.
Ano-ano ang dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng isang Ang pinagkaiba ng soneto ay ___________
tulang liriko? ____________________

Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula


Isagawa ang____________________

Panuto:Pumili ng isang tula/awiting paborito mo at paghambingin ito sa mga


akdang ating natalakay sa araling ito. Suriin ang estilo ng tula at awit
gamit ang talahanayan.
Estilo ng Tula Awit kay Inay Ang Aking Pag- Paboritong awit/tula
ibig
Paksa
Mga gamit na salita
3
Pagpapalutang ng
damdamin/saloobin
Dating sa
mambabasa
Sukat
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na
papel.
1. Isang uri ng tula na ipinahahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan
C. tulang liriko D. tulang padula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na
taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku
C. soneto D. tanaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan
C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig a kasintahan/ asawa
4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin liban
sa______.
A. elehiya B. epiko
C. oda D. soneto
Para sa bilang 5 at 6
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang
dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
-Ang Aking Pag-ibig
5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?
A. mapagtiis B. mapagkumbaba
C. masayahin D. mapagmalasakit
6. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta
sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng _______
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
7. Alin sa sumusunod ang di-nagpapakahulugan sa tula?
A. Ang tula ay isang panitikan na may matatalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin.
4
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan.
C.Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng
wika sa ibat- ibang anyo at estilo. D. Maitutulad sa awit ang isang tula.
8. Alin sa mga sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?
A. oda B. elehiya
C. awit D. soneto
9. Sa awit na “Awit Kay Inay” anong damdamin ang lumulutang para sa mga ina?
A. pagdadalamhati B. pangungulila
C. pagkabigo D. pagmamahal
10. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig sa huling taludtod
ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
11. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing” Ano
ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
12. “Walang inang matitiis ang isang anak; Ika'y dakila at higit ka sa lahat”
Ito ay nagpapahiwatig ng___
A. tunay na pag-ibig B. pag-ibig na walang kapantay
C. wagas na pag-ibig D. kadakilaan ng pag-ibig 13.
Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat?
A. kayamanan B. pamilya
C. buhay D. pag-ibig
14. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang
pandamdamin/ liriko liban sa isa. Alin dito ang di-kasali?
A. Puno ng masisidhing damdamin ng tao ang tulang liriko.
B. Itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan sa tulang liriko.
C. Nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tulang liriko.
D. Nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda sa tula. 15. Alin sa
mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto?
A. Tulang damdamin na may labing-apat na taludtod
B. Tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. Tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. Tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan

5
Aralin Elemento ng Tula
2

Ang Aralin 2 ay tungkol sa mga elemento ng tula. Nailalantad ang kagandahan ng isang
tula dahil sa mga elementong taglay nito..
Mahalaga sa isang makata na ang kanyang tula ay may magandang kaanyuan dahil
naipakikita rito ang kanyang pagiging malikhain at matiyaga. Mababasa sa araling ito ang
tulang nakapalooban ng mga elemento.

Alamin

Kompetensing Lilinangin: Nasusuri ang mga elemento ng tula (F10PB-IIc-


d-72)

Tuklasin Panuto: Bigkasing

mabuti at unawain ang halimbawa ng elehiya.

Babang-Luksa
Salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante sa
isang “Pabanud” ni Diosdado Macapagal
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;
6
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Marahil tinubos ka ni Bathala
Mga alaalang di malilimutan. Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa Ay
manatiling maganda at bata
Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko ang ating paggiliw;
Sa paraang ito kung nagkaedad na
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Ang puting buhok ko’y di mo makikita
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.
At ang larawan kong tandang tanda mo
pa
Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Yaong kabataan taglay na tuwina.
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar
At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw
Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay laging buhay,
Sa matandang bahay napuno ng saya
Lalaging sariwa sa kawalang hanggan
Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa Ang
Kaya, aking mahal , sa iyong pagpanaw
ipapalit ko’y ang aking hininga.
Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan At
Hindi mamamatay, walang katapusan
iniwan akong sawing kapalaran Hindi mo
ba talos , kab'yak ka ng buhay
Ang kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong nagluluksa mandin Ngunit Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling
ang puso ko’y sadyang maninimdim;

Suriin

Elemento ng Tula
Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Tugma. Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat
saknong.
Tono. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
Simbolismo. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga
mambabasa.
Talinghaga.Ito’y matatayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang elemento ng tulang Ang Aking Pag-ibig at Babang-Luksa


gamit ang talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. (2 puntos bawat sagot)
1. Ang Aking Pag-ibig

Sukat Tugma Tono Simbolo

2. Babang-Luksa
Sukat Tugma Tono Simbolo

Isaisip
Panuto: Tapusin ang mga pahayag na nasa kahon.

Ang mga bagong kaalamang natutuhan ko ay________________________


Magagamit ko ang kaalamang ito sa__________________________________
Nais ko pang matutunan ang_______________________________________

Isagawa
Panuto: Lumikha ng tulang elehiya na may tatlong saknong. Suriin din ang mga
elemento ng nabuong tula. (15 puntos)

Pamagat ng Tula
(Elehiya )

Elemento: Sukat:_______Tugma:_______Tono:_______Simbolo:_______

Tayahin

Panuto : Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na
papel.
1. Elemento ng tula na tumutukoy sa matatalinghagang salita, mga salitang may
malalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay
A. kariktan B. taludtod
C. sukat D. tugma
2. Ang sumusunod ay mga elemento ng tula liban sa________.
A. kariktan B. sukat
C. taludtod D. tugma
3. Anong elemento ng tula ang pagkakapareho ng tunog sa huling salita ng bawat
taludtod?
A. kariktan B. taludtod
C. sukat D. tugma
4. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay___
A. digmaan B. kalayaan
C.pangarap D. pag-Ibig
5. Dinatnan ng sigwa. Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy nito ay__
A. bagyo B. pag-Asa
C umaga D. problema
6. Ano ang sukat ng mga taludtod sa bahagi ng tula ni Baltazar?
” Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad Sa
bait at muni, sa hatol ay salat”
A. lalabindalawahin B. wawaluhin C. lalabing-animin D.
walang tiyak na sukat
7. Ano ang sukat ng tulang Babang-luksa?
A. lalabindalawahin B. wawaluhin C lalabing-Animin
D. walang tiyak na sukat
8. Tungkol saan ang tulang Babang-luksa? A. pag-iibigan ng magkasintahan
8
B. tungkol sa pagiging makabayan
C. pagbabalik-tanaw sa alaala ng isang mahal sa buhay
D. sakripisyo ng isang magulang
9. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa.
A. Simbolismo B. Tono
C. Sukat D. Tugma
10. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
A. Simbolismo B. Sukat
C. Tono D. Tugma
11. Ano ang namamayaning damdamin sa loob ng tula?
“Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan At
iniwan akong sawing kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?”
A. kabiguan B. kalungkutan
C. pangungulila D. pagkahinayang
12. Ano ang simbolismong makikita sa saknong ng tula: “Kung minsan sadya kong
dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ;
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.”
A. dalawin B. bahay
C. nag-ibigan D. kaluluwa
13. Ano ang pagpapakahulugan ng simbolong sinalungguhitan?
“Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buhok ko’y di mo makikita”
A. pagganda B. pagkakasakit
C. pagtanda D. pagpanaw
14. Anong uri ng tulang pandamdamin/ liriko ang Babang-luksa?
A. Awit B. Elehiya
C. Oda D. Soneto
15. Ano ang pagpapakahulugan ng salitang sinalungguhitan?
“Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
A. paglalakbay B. pagluluksa
C. pagpupuri D. pagpanaw
9

Aralin Matalinghagang Pananalita sa


Tula
3
Nakadaragdag ng kapamigatan at kagandahan ng isang katha ang paggamit
ng pananagisag at mga matatalinghagang pananalita. Alamin sa araling ito kung
paano ginamit na sangkap ang mga ito sa pagpapaganda ng
isang tula.
Alamin

Kompetensing Lilinangin

Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa


tula(F10PT-IIc-d-70)

Tala para sa Guro

Ayon kay A. Abadilla, tugmaat hindi tulaang binasa kapag as


unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitagong
kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o
matatalinghagang mga pahayag.

Tuklasin

Panuto: Suriin ang halaw na bahagitulang


ng “Ang Aking Pag-ibig” at “Pamana.”
Itala ang mga matatalinghagang pananalitang ginamit.
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Ang Pamana ni: Jose


Corazon de Jesus

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas
ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Ang Aking Pag-ibig
Mula sa Ingles na “How Do I Love Thee” Sonnet 43 ni Elizabeth Barret Brownin
10

Suriin
Ang Kariktan ng Tula
Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa
paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at
mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad at iba pa.
Pagsanib ng Gramatika at Retorika
Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula. Isa sa
madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag nang patayutay o tayutay.
Ang tayutay ay nagbibigay ng mabisang kahulugan upang maging maganda at
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag sa isang tula. Kaya’t mainam na magsanib ang
gramatika at retorika. Tamang gamit ng mga salita at pagkakabuo ng mga pangungusap
na sasabayan ng matatalinghagang pahayag na magpapaganda sa isang tula. Mga Uri
ng Tayutay
1. Pagtutulad o simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao,
bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng,
katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora. Ito ay katulad ng pagtutulad, naghahambing ng
dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o hyperbole. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan
ang nais ipahayag.
4. Pagtatao o personipikasyon. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang
buhay.

Pagyamanin

Panuto: Pumili ng isang matalinghagang pananalita na ginamit sa bawat


saknong ng tulang Ang Aking Pag-ibig. Ibigay ang kahulugan at
halimbawang sitwasyon na maaaring maiugnay mo dito. Gawin ito gamit
ang H tsart.
1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

2. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

K ahulugan S itwasyon
Matalinghagang 1.
1.
pahayag
2. 2.

3. 3.

Isaisip

Panuto : Gumawa ng sarili ng kahulugan ng salitang talinghaga gamit ang

3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At
kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin ka.
11
concept map.

TALINGHAGA

Isagawa

Panuto: Salungguhitanang matalinghagang pananalita/tayutay na makikita sa


bawat saknong ng tula at tukuyin ang uri at ang kahulugan nito. (5
puntos bawat bilang)
1. Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Uri ng Tayutay____________________
Kasingwagas ito ng mga bayaning Kahulugan_______________________
Marunong umingos sa mga papuri.
(Ang Aking Pag-ibig)
2. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Uri ng Tayutay____________________
Daho’y nalanta munting di madilig, Kahulugan_______________________
Ikinaluluoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig.
(Florante at Laura) 3.
Lumuha ang langit
at ang mundo ay nanliit Uri ng Tayutay____________________
kumakaway sa bakod Kahulugan_______________________ ang anghel na
nakatanod.
(Saranggola ni Pepe)

12
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa
pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
2. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay ang
ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
3. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri ng tayutay ang
ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
4. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
A. Pagwawangis B. Pagtutulad
C. Pagtatao D. Pagmamalabis
5. Anong uri ng tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay ngunit
tuwiran ang ginagawang paghahambing?
A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao
6. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging maganda,
makulay at kaakit-akit
A. Sukat B. Tagpuan
C. Tayutay D. Tugma
7. Anong uri ng tayutay ang paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
walang buhay?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis
D. Pagtatao
8. Anong elemento ng tula ang nagtataglay ng malalim o hindi tiyak na kahulugan at
sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula?
A. Sukat B. Tono
C. Talinghaga D. Tugma
9. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang,
kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
10. Anong tayutay ang gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis
D. Pagtatao
Para sa bilang 11-15. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa
mga pangungusap.
11. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C.
Pagmamalabis D. Pagtatao
12. Ang awa ng Panginoon ay kuta laban sa mga dalita ng buhay.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao

13
13. O buhay! Kay hirap mong unawain.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C.
Pagwawangis D. Pagtatao
14. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
15. Naku! Kalungkutan mo ay di matapos-tapos.
A. Pagtutulad C. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao

Aralin
Paksa ng Tula
4 Ang Pamana ni: Jose
Corazon de Jesus

Magagandang damdamin at larawan ang mapupukaw sa mambabasa ng tula


kung marangal at makabuluhan ang paksa. Ang mga mararangal na tema ng tula
ang maikikintal sa isipan ng mambabasa na maaaring magsilbing tanglaw at sulo
sa kanilang buhay na tinatahak.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
1.Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72)
2.Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-
IIc-d-65)

Paalaala ni Titser
Pag-ibig sa puso ang higit na mahalaga sa buhay lalo na kung ito ay
alay sa pamilya. Patunay dito ang tulang Ang Pamana na obra ni Jose
Corazon de Jesus na tinaguriang isang “makata ng pag pag-ibig” dahil sa kanyang
mga tulang may paksang tagos sa puso. Namnamin ang mensahe
at diwa ng tula na siguradong aantig sa iyo .

Tuklasin

Basahin ang isang elehiya at pansinin ang paksang ginamit ng makata.

14

Ang Pamana
ni: Jose Corazon de Jesus
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip
ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa
At sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin at


huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin, O,
Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti
nang malaman mo ang habilin!
Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang


lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay At
hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagka’t di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat,
ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.

Suriin

PAKSA
Ito ang tema ng tula tumutukoy kung tungkol saan ang isang tula/ kaisipan
ng buong tula.Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan,
15
kalayaan, katarungan , pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at
marami pang iba.

Mga sakripisyo ng isang Pagyamanin


magulang Panuto : Bumuo ng isang tula na may kahawig sa
tulang tinalakay na “Ang Aking Pag-ibig”. Ang nasa kahon ang magsisilbi mong
gabay upang mamayani ang damdamin ng iyong tula.

___________________________________
___________________________________

___________________________________
___________________________________
___________________________________

___________________________________

Paglalarawan ng pag-ibig ng
isang anak

Ang tunay na Pamana para ___________________________________


sa’yo ___________________________________
___________________________________

Isagawa

Pagninilay
Panuto: Bilang isang anak, ano ang iyong sagot/tugon sa ikinikilos at sinasabi ng

16
isang ina sa tulang “Ang Pamana”. Isulat ito sa pamam agitan ng isang liham.

Tayahin

Tama o Mali Panuto: Isulat sa saguta ng papel ang letrang T kung ang pahayag
ay tama at M naman kung ito ay mali.
_____1. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_____2. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita akariktan ng
tula. _____3. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na
karanasan ng may-akda sa pag-ibig. _____4. Ang Babang-luksa ay may temang kawili-
wili.
_____5. Ipinapakita sa tulang pamana na lahat ay gagawin ng isang magulang
para sa ikabubuti ng kanyang anak.
_____6. Nasaalamin sa tula na ang tanging naitugon ng kanyang anak sa
kanyang magulang ay ang pagiging ganid at materyalestiko. _____7. Ang
paksa ng tula ay kinakailangang hango sa buhay o sariling
karanasan ng makata.
_____8. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na ipinapahayag
sa kakaunting mga salita.
_____9. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga paksang halaw lamang sa
imahinasyon o guniguni ng makata, kinakailangang batay sa namasid o
naranasan ng makata.
_____10. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng tulang liriko o
pandamdamin.
_____11. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng Soneto.
_____12. Ang damdaming namamayani sa tulang Pamana ay kabiguan. _____13.
Ayon sa tula walang yaman ang magiging katumbas na halaga sa
pagkakaroon ng isang ina.
_____14. Nagtataglay ng kariktan at talinghaga ang tulang Pamana.
_____15. Binubuo ng lalabindalawahing pantig ang tulang Pamana.

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO

• Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong


maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
• May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang
liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at patnigan.

17
• May apat na uri ng tayutay ang tinalakay sa modyul na ito; pagtutulad o
simile, pagwawangis o metapora, pagmamalabis o hyperbole at
pagtatao o personipikasyon.
• Sa pagsulat ng tula ay dapat magsanib ang gramatika at retorika upang
maging maganda ang isang katha.

5 Lingguhang Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. Isang uri ng tula na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan
C. tulang liriko D. tulang padula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung
pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku
C. soneto D. tanaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan
C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig a kasintahan/ asawa 4.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin liban
sa______.
A. elehiya B. epiko
C. oda D. soneto
Para sa bilang 5 at 6

Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at


saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan .
-Ang Aking
Pag-
ibig
5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?
A. mapagtiis B. mapagkumbaba
C. masayahin D. mapagmalasakit
6. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa
taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng ___________.
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay

18
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
7. Ang sumusunod ay ang papgpapakahulugan ng tula liban sa____ A. Ang tula
ay isang panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin.
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan
C.Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. D. Maitutulad
sa awit ang isang tula.
8. Alin sa sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?
A. oda B. elehiya
C. awit D. soneto
9. Sa awit na “Awit Kay Inay” anong damdamin ang lumulutang para sa mga
ina?
A. pagdadalamhati B. pangungulila
C. pagkabigo D. pagmamahal
10. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig sa huling taludtod
ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
11. “Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing”
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig

19
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
12. “Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat”
A. Tunay na pag-ibig B. Pag-ibig na walang kapantay
C. Wagas na pag-ibig D. Kadakilaan ng pag-ibig
13. Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat?
A. kayamanan B. pamilya
C. buhay D. pag-ibig
14. Ang sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang pandamdamin/ liriko
liban sa________.
A. puno ng masisidhing damdamin ng tao
B. itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan
C. nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tula
D. nasasalamin ang karanasan at guni-guni ng may-akda 15. Alin sa
sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto?
A. tulang damdamin na may labing-apat na taludtod
B. tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan
16. Isang elemento ng tula na tumutukoy sa matatalinghagang salita, mga salitang
may malalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay
A. kariktan B. taludtod
C. sukat D. tugma
17. Ang sumusunod ay mga elemento ng tula liban sa________.
A. kariktan B. sukat
C. taludtod D. tugma
18. Anong elemento ng tula ang pagkakapareho ng tunog sa huling salita bawat
taludtod?
A. kariktan B. taludtod
C. sukat D. tugma
19. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay___
A. digmaan B. kalayaan
C. pangarap D. pag-Ibig
20. Dinatnan ng sigwa.Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy nito ay__
A. bagyo B. pag-Asa
C. umaga D. problema
21. Ano ang sukat ng mga taludtod sa bahagi ng tula ni Baltazar?
” Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat”
A. Lalabindalawahin B. Wawaluhin C.
Lalabing-animin D. Walang tiyak na sukat 22. Ano
ang sukat ng tulang Babang-luksa?
A. Lalabindalawahin B. Wawaluhin
C. Lalabing-animin D. Walang tiyak na sukat
23. Tungkol saan ang tulang Babang-luksa?
A. pag-iibigan ng magkasintahan
B. tungkol sa pagiging makabayan
C. pagbabalik tanaw sa alaala ng isang mahal sa buhay
D. sakripisyo ng isang magulang
24. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guniguni ng mga

19
mambabasa.
A. Simbolismo B. Tono
C. Sukat D. Tugma
25. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
A. Simbolismo B. Sukat
C. Tono D. Tugma
26. Ano ang namamayaning damdamin sa loob ng tula?
“Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan
At iniwan akong sawing kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?”
A. Kabiguan B. Kalungkutan C. Pangungulila
D. Pagkahinayang
27. Ano ang simbolismong makikita sa saknong ng tula:
“Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ;
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.”
A. dalawin B. bahay
C. nag-ibigan D. kaluluwa
28. Ano ang pagpapakahulugan ng simbolong sinalungguhitan?
“Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buhok ko’y di mo makikita”
A. pagganda B. pagkakasakit
C. pagtanda D. pagpanaw
29. Anong uri ng tulang pandamdamin/ liriko ang Babang-luksa?
A. Awit B. Elehiya
C. Oda D. Soneto
30. Ano ang pagpapakahulugan ng salitang sinalungguhitan?
“Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
A. paglalakbay B. pagluluksa
C. pagpupuri D. pagpanaw
31. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa
pangungusap?
A.Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
32. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay ang
ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
33. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri ng tayutay
ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
34. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
A. Pagwawangis B. Pagtutulad
C. Pagtatao D. Pagmamalabis
20
35. Anong uri ng tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay ngunit
tuwiran ang ginagawang paghahambing?
A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao
36. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging maganda,
makulay at kaakit-akit
A. Sukat B. Tagpuan
C. Tayutay D. Tugma
37. Anong uri ng tayutay ang paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
walang buhay?
A. Pagtutulad B.
Pagmamalabis C. Pagwawangis D.
Pagtatao
38. Anong elemento ng tula ang nagtataglay ng malalim o hindi tiyak na kahulugan at
sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula?
A. Sukat B. Tono
C. Talinghaga D. Tugma
39. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
40. Anong tayutay ang gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula.
A. Pagtutulad B.
Pagwawangis C. Pagmamalabis D.
Pagtatao
Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga pangungusap.
41. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
A. Pagtutulad B.
Pagwawangis C. Pagmamalabis D.
Pagtatao
42. Ang awa ng Panginoon ay kuta laban sa mga dalita ng buhay.
A. Pagtutulad B.
Pagwawangis C. Pagmamalabis D.
Pagtatao
43. O buhay! Kay hirap mong unawain.
A. Pagtutulad B.
Pagmamalabis C. Pagwawangis D.
Pagtatao
44. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao
45. Naku! Kalungkutan mo ay di matapos-tapos.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao
Tama o Mali
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito
ay mali.
_____46. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula. _____47.
Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita at
kariktan ng tula.
_____48. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na
karanasan ng may-akda sa pag-ibig.
_____49. Ang Babang-luksa ay may temang kawiliwili.
_____50. Ipinapakita sa tulang pamana na lahat ay gagawin ng isang magulang
para sa ikabubuti ng kanyang anak.

You might also like