You are on page 1of 62

10

Filipino

Unang Markahan – Modyul 6

Nobela mula sa France
Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas
Filipino-Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Nobela mula sa France
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jocylene R. Cahutay

Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa

Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III

Direktor ng Rehiyon

Mga Katuwang na Tagapangulo:

Victor G. De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD

ii
Katuwang na Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD EPS-ADM
Tagapamanihala, Sangay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, Chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Amelia L. Tortola, EdD Filipino
Katuwang ng Tagapamanihala, Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon

Office Address: Fortich street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph.

10
Filipino
Unang Markahan – Modyul 6

Nobela mula sa France

Ang modyul na ito ay magkakatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro

sa Filipino ng Sangay ng Bukidnon. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
nasa larangan ng edukasyon na magpadala ng
kanilang puna at mungjkahi sa bukidnon@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

iii
Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy,
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO-10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Nobela mula sa France!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong
tagapagdaloy ay handang tumulong ng mag-aa upang matulungang makamit ng
mgaaaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
magaaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral

iv
Malugod na pagtanggap sa FILIPINO-10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Nobela at Mga Panandang Pandiskurso!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Para sa magulang

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng

ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid- aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pangunawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa

v
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay
mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka
o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutuhan ang tungkol sa nobela, gramatika, retorika at suring-basa. .

Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong

pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Gayunpaman, ang
pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng
teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Ang modyul 6 ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:
Aralin 1 – Ang Kuba ng Notre Dame
Aralin 2 – Dekada 70
Aralin 3 – Pagsasadula

vi
Aralin 4 – Mga Panandang Pandiskurso
Aralin 5 – Lingguhang Pagtataya
Mga kompetensing Lilinangin:
• Nagagamit ang mga angkop na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. (F10-Ig-h-62)
• Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan
sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw. (F10PB-Ig-h-68)
• Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa kabanata
(F10PS-Ig-h-69)
• Naisasadula ang isang pangyayari sa buhay na may pagkakatulad sa mga
piling pangyayari sa kabanata ng nobela. (F10PU-Ig-h-69).
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito.

vii
TALAAN NG
NILALAMAN

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG ARI
PAHINA NG PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1: Ang Kuba ng Notre Dame
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang Gawain
Aralin 2: Dekada’70
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin

viii
Karagdagang Gawain

Aralin 3: Makabutuhanang Pangyayari

Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang Gawain
Aralin 4: Mga Panandang Pandiskurso
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang Gawain
Lingguhang Pagtataya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

ix
x
Aralin
Ang Kuba ng Notre Dame
1

Sa araling ito inaasahang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa

nobela na pinamagatang “Ang Kuba ng Notre Dame”. Buod lamang ito na isinalin
sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang ito ay isinulat ni Victor Hugo na
itinuring na isa sa mahusay na manunulat sa mundo.

Alamin

Kompetensing Lilinangin.

 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang

pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.
(F10PB-Ig-h-68)

Subukin

Panuto: Pilin at isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa
ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa C. Pagdiriwang ng kapistahan
B. Pagpapasaya sa sambayanan D. Pagbabayad ng utang

2. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod

ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito
ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
1
B. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.

3. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang

ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan
4. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala
nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad dito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa D. Isang lalaking nagkamali sa
pagpili ng asawa.

5. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may

sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.

6. Tinatawag siyang babaeng “hamak na mananayaw” at anak ng magnanakaw.

A. La Esmeralda C.Quasimodo
B. Sister Gadule D.Phoebus

7. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

8. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binibitiwang

linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

9. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa

mga tauhan sa iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

2
10. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang
pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

11. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

12. Dumating si La Esmeralda at lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na

isang basong tubig.Pinainum siya.Paano inilarawan si La Esmeralda sa
pahayag?
A. may malasakit sa kapwa C. may kabutihang loob
B. may malaking pagkagusto D. may pagmamahal
13. Sino ang sumulat ng akdang Ang Kuba ng Notre Dame?
A. Guy de Maupassant C. Lualhati Bautista
B. Victor Hugo D. Eros Atalia

14. Sino ang pinananiwalaan na dating mayaman subalit nawalan ng bait nang
mawala ang anak na babae?
A. La Esmeralda C. Claude Frollo
B. Sister Gudule D. Phoebus

15. Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian?

A. Pierre Gringoire C. Phoebus
B. Claude Frollo D. Quasimodo

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa Maikling Kuwento na

nag mula sa bansang France na kung saan napag-aralan natin ang kanilang
kultura, kaugalian at tradisyon. Ngayon ay inaasahang maipamalas mo ang
pagunawa at pagpapahalaga sa nobela na pinamagatang “Ang Kuba ng Notre
Dame”. Pero, bago ‘yan basahin mo muna at unawain ang isang Tips para sa
Pagbasa.

3
Tips sa Pagbabasa

S para saSurvey
 Ang una mong gawin ay buklatin muna ang mga pahina ng iyong babasahin upang
makita ang nilalamanat ang haba nito
R para sa Read
 Kung na-survey mo na ang buong nilalaman ay maaari mo nang umpisahan ang
pagbabasa.
H para sa Highlight
 Kulayan mo gamit ang highlighter penang mga mahahalagang ideya o opinyon na
iyong nabasa.
R para sa Review
 Sa pagbabalik-aral, ituon mo na lang ang pagbabasa sa mga naka
-highlight.
Paalala.Ipa-photocopyang pahinang gusto mong kulay
ng highlighter pen.

Tuklasin

4
Gawain 1: Lagyan ng / ang kahon kung ang pangungusap ay may kaugnayan sa
nobela at X naman kung walang kaugnayan sa nobela.

1. isang kwento o kasaysayan

2. binubuo ng sukat at mga talata
3. binubuo ng mga kabanata
4. bungang-isip /katha na nasa anyong prosa
5. tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaring kapulutan
ng mga impormasyon.

6. tumutugon sa mga katanungang Sino,ano,kalian saan?

7. isang pag-aaral
8. naglalahad ng isang kawil ng kawili-wiling mga pangyayari na
pinaghahabi-habi sa isang mahusay na pagbabalangkas.

9. naglalarawan ng isang kakintalan

10. paggamit ng malikhaing guniguni
11. maraming pangyayari ang inilalahad
12. itinuturing na makulay,mayaman at makabuluhang anyo ng
Panitikan
13. tungkol ito sa mga diyos at diyosa
14. naglalahad ito ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na
paksa.

15. maliwanag at maayos ang mga tagpo at kaisipan

Suriin

NOBELA
Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga
pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas. Bukod rito, ang
pangunahing layunin ng isang nobela ay ang paglahad ng hangarin ng bida at
kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng
pangyayari.

5
Elemento ng Nobela
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa- ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari.
Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na “Ang kuba ng Notre
Dame” Alamin kung makikita ba ang magagandang mukha ng bansang France
sa kanilang panitikan mula sa akda. Gayundin bigyang pansin mo rin kung paano
naiiba ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at
kaugalian.

Ang Kuba ng Notre Dame

Ni Victor Hugo

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na si

Quasimodo na nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang
mananayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda,
maging ang paring kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan
ng tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin. Labis ang
pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't sinunggaban niya ito isang
araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre
Gringoire. Dinakip si Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La
Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo.

Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La

Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang
katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't pinagdesisyunan
siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw
na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si
Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o
mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa
mahalin si Frollo.

Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang

nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang
kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

6
Pagyamanin

Gawain 2: Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na masasalamin sa

nobela. Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot.

QUASIMODO CLAUDE FROLLO

HINAHARAP NG MGA TAUHAN SA NOBELA

LA ESMERALDA PHOEBUS

Isaisip

Gawain 3. Pag-isipan mo!

Panuto: Bumuo ng mahalagang konsepto na natutuhan mula sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.

1. Paano nakatulong ang mga pangyayari at tauhan sa pagpapakilala ng

kultura o bansang kanilang pinagmulan?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

7
________________________________________________________________

2. Anong mga katangian ng mga tauhan ang nagpapakilala sa kultura o

bansang kanyang pinagmulan?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 4: Suring Tauhan

Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano
ipinakilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kanyang pinagmulan.
Gayahin ang pormat sa pagsagot.

Paano ipinakita
ang kakaibang
Tauhan Paano mag-isip o Ano ang kanyang katangian mula sa
kumilos saloobin bansang
pinagmulan
La Esmeralda

Claude Frollo

8
Quasimodo

Phoebus

Tayahin

Panuto: Pilin at isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa

ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa C. Pagdiriwang ng kapistahan
B. Pagpapasaya sa sambayanan D. Pagbabayad ng utang
2. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito
ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
B. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.

3. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang

ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan

4. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala

nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad dito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa D. Isang lalaking nagkamali sa
pagpili ng asawa.

5. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may

sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
9
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.

6. Tinatawag siyang babaeng “hamak na mananayaw” at anak ng magnanakaw.

A. La Esmeralda C. Quasimodo
B. Sister Gadule D. Phoebus

7. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

8. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binibitiwang

linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

9. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa

mga tauhan sa iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
10. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang
pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

11. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

12. Dumating si La Esmeralda at lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na

isang basong tubig.Pinainum siya.Paano inilarawan si La Esmeralda sa
pahayag?
A. may malasakit sa kapwa C. may kabutihang loob
B. may malaking pagkagusto D. may pagmamahal

13. Sino ang sumulat ng akdang Ang Kuban g Notre Dame?

A. Guy de Maupassant C. Lualhati Bautista
B. Victor Hugo D. Eros Atalia

14. Sino ang pinananiwalaan na dating mayaman subalit nawalan ng bait nang
mawala ang anak na babae?
A. La Esmeralda C. Claude Frollo
10
B. Sister Gudule D. Phoebus

15. Sino ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian?

A. Pierre Gringoire C. Phoebus
B. Claude Frollo D. Quasimodo

Karagdagang Gawain

Gawain 5: Ihambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga

pangyayari sa binasang nobela. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Pangyayari Ang kuba ng Notre Dame Napanood na dula

(Pamagat)

Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3

Aralin
2
Dekada 70

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isa pang halimbawa ng Nobela na isinulat

ni Lualhati Bautista. Bahagi ng araling ito ang pag-aaral ng mga pang-ugnay o
pangatnig na ginagamit bilang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
o mga salita na magbibigay-linaw sa mga mahihirap na bahagi ng akda.

11
Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa kabanata

(F10PS-Ig-h-69)
..

Subukin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto
at Mali naman kung ang pahayag ay di-wasto..

1. Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang

Pilipino
2. Laganap sa bansa noong Martial law ang ibat-ibang klase ng krimen gaya ng
salvaging.
3. Magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga
estudyante imbes na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang
kalayaan.
4. Si Amanda Bartolome isa sa mga tauhan ng nobelang dekada “70.
5. Nagkaroon ng apat (4) na anak ang mag-asawang Amanda at Julian.
6. Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng
kanyang mga anak.
7. Hindi sinuportahan ni Julian ang adhikain ng kanyang mga anak.
8. Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina sa kanyang palagay hindi siya
ganap na umuunlad bilang tao.

9. Ang mga pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagawa

niyang isisi sa kanyang asawa na si Julian.
10. Magiting na nanindigan Si Amanda hanggang sa huli.
11. Ang dekada’70 ay isang maikling kwento.
12. Binibigyang-diin ng Dekada “70 ang mahalagang papel na ginagampanan ng
mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad
ng kalayaan o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba.
13. Simbolismo ang tawag sa pamamaraan 0 istilo ng manunulat.

12
14. Banghay ang tawag sa nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay at pangyayari.
15. Damdamin ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa Nobelang “Ang Kuba ng

Notre Dame” Ngayon ay pag-aaralan mo ang isa pang halimbawa ng nobelang
isinulat ni Lualhati Bautista ang dekada “70. Ngayon inaasahan na maunawaan
at mabibigyang pansin ang pagkakaiba ng nobela sa iba pang uri akdang
paampanitikan upang makilala ang kultura at kaugalian ng isang bansa.

Tuklasin

Gawain 1: Pamilya mo, hahanapin ko!

Panuto: Hanapin at piliin sa loob ng kahon ang mga tauhan ng nobelang Dekada
“70. Isulat ang mga ito sa loob ng concept organizer na nasa ibaba.

Amanda Atarah Julian Gani Bingo

Gani Em Yen Jason Jules
Amarah

Mga Tauhan: Dekada ‘70

Gawain 2: Karanasan Ko, Pinagdaanan Mo

Panuto: Magbigay ng halimbawang pangyayaring maiuugnay sa kasalukuyan
batay sa inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat sa ibaba

1. Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa

kakulangan nadarama ng kaniyang asawa, naging walang kibot sa mga
1. 2.
13
3. 4. 5.
Pagbati ni Titser

6. 7.
Binabati kit at natapos mo na ang mga naunang aralin. Ipagpatuloy mo lang
ang iyong pag-aaral at ikaw ay matututo rin. Mahal ka ni titser at ng buong
kagawaran kaya’t kayo ay pinaghandaan ng modyul na gaya nito upang ang - pag
problemang kinakaharap ng kanilang pamilya. Kaugnay na pangyayari
aaral ninyo ay di mahinto. Kung di mo naintindihan ang modyul na ito ay maaari sa
kasalukuyan
mong balikan ang mga aralin. Puwede ka ring tumawagiyong
sa guro.
Mabuhay ka!

2. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawang

isisi ni Amanda sa kanyang sarili,Iniisip niya marahil mayroon siyang
pagkakamali sa pagpapalaki sa mga ito. Kaugnay na pangyayari sa
kasalukuyan.

Suriin

Dekada’70 (buod)
Ni Lualhati Bautista

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa

mamamayang Pilipino. Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na
nagbibingi-bingihan sa daing ng mamamayan. Laganap sa bansa noong Martial
law ang ibat-ibang klase ng krimen gaya ng salvaging. Magkabila ang rallies at
iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga estudyante imbes na nag-
aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito ang lubhang
bumabagabag kay Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay, ina ng 5 anak
na pulos lalaki. Ang kanyang buhay ay umikot na lang sa pagiging ina at asawa
at nakuntento na siya sa pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama niya
para sa sarili. May mga pangarap siyang ninais din niyang matupad, itinuring niya
na lang na ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay katuparin
niya na rin.

Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang

komunista, di-man matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya
natagpuan ang katuparan ng kanyang pangarap para sa anak nila ni Mara at iba
pang kabataan naghahangad ng mabuting kinabukassan.

14
Sumunod si Gani, maagang nag–asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din silang
nagkahiwalay ni Evelyn. Ang pangatlo ay si Em, pinakamatalino sa
magkakapatidnaging isang magaling na manunulatsa isang lingguhang
pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law.

Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyante

ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang anak. Pagkatapos,
ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at walang
katiyakan, ngayo’y magtatapos nang kolehiyo.

Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak,
lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng
pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa
katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala
lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa
inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw
siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin
nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-
uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling
mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo
Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang
ginagawa ng mga sundalo.

Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong

pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may
tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana.
Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit
hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga
anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si
Jason. Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang
kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya
umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon
ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules.

Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain.

Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial law,
sabaysabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal. May
kanikanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay
Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan
na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa
mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa
mga gawaing para sa kapwa at bayan.

15
Pagyamanin

Gawain 3: Suring Tauhan

Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano
ipinakilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kanyang pinagmulan.
Gayahin ang pormat sa pagsagot.

Paano ipinakita ang

Tauhan Paano mag-isip o Ano ang kanyang kakaibang katangian mula
kumilos saloobin sa bansang pinagmulan
Amanda
Julian
Jules
Gani
Jason
Bingo
Mara

Isaisip

Gawain 4. Pag-isipan mo!

Panuto: Sagutin nang buong husay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakatulong ang paglalapat ng teoryang humanism sa pagpapakilala ng

kultura o kaugalian ng bansa?

2. Ilarawan ang kaugalian o kultura na masasalamin sa binasang buod.

16
Isagawa

Gawain 5: Panuto: Ihambing ang pagkakaiba o pagkakapareho ng pananaw ng

may-akda tungkol sa Pamilya? Pag-ibig? Magbigay ng patunay.

Ang Kuba ng Notre Dame Dekada ‘70

Pamilya

Pag-ibig

Patunay

17
Tayahin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto
at Mali naman kung ang pahayag ay di-wasto.

1. Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang

Pilipino.
2. Laganap sa bansa noong Martial law ang ibat-ibang klase ng krimen gaya ng
salvaging.
3. Magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga
estudyante imbes na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang
kalayaan.
4. Si Amanda Bartolome isa sa mga tauhan ng nobelang dekada “70.
5. Nagkaroon ng apat (4) na anak ang mag-asawang Amanda at Julian.
6. Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng
kanyang mga anak.
7. Hindi sinuportahan ni Julian ang adhikain ng kanyang mga anak.
8. Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina sa kanyang palagay hindi siya
ganap na umuunlad bilang tao.
9. Ang mga pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagawa
niyang isisi sa kanyang asawa na si Julian.
10. Magiting na nanindigan Si Amanda hanggang sa huli.
11. Ang dekada’70 ay isang maikling kwento.
12. Binibigyang-diin ng Dekada “70 ang mahalagang papel na ginagampanan ng
mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad
ng kalayaan o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba.
13. Simbolismo ang tawag sa pamamaraan o istilo ng manunulat.
14. Banghay ang tawag sa nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay at pangyayari.
15. Damdamin ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Isulat ang aral na natutunan mula sa nobelang nabasa.

18
Ang aral na natutunan ko ay…

Aralin
3 Pagsasadula

Pag-aaralan mo sa araling ito ang tungkol sa dula bilang sining na may

layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa mga manonood sa
pamamagitan ng kilos, diyalogo ng mga tauhan at iba pang aspeto nito.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Naisasadula ang isang pangyayari sa buhay na may pagkakatulad sa mga

piling pangyayari sa kabanata ng nobela. (F10PU-Ig-h-69).

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

2. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga

binibitiwang linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo
19
B. tanghalan D. iskrip

3. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa

mga tauhan sa iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

4. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang

pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

5. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

6. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa

ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa
B. Pagpapasaya sa sambayanan C. Pagdiriwang ng kapistahan
D. Pagbabayad ng utang

7. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod

ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito
ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
B. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.

8. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang

ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan

9. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala

nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad dito?
20
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa D. Isang lalaking nagkamali sa
pagpili ng asawa.

10. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may

sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.
11. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangkap ng iskrip sa isang
dula?
A. oras C. diyalogo
B. banghay D. karakter

12. Alin sa sumusunod ang ganap na paglalarawan ng isang iskrip?

A. pinakawakas ng dula C. pinakakatawan ng dula
B. pinakasimula ng dula D. pinakakaluluwa ng dula

13. Sa iskrip, ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan ay tinatawag

na___
A. tagpo C. linya
B. eksena D. pag-arte

14. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung walang
mga ____
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

15. Sino ang nagpapakahulugan sa iskrip, nagpapasya sa hitsura ng tagpuan,

damit ng mga tauhan at paraan ng pagganap?
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

21
Balikan

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang mga Dikada ‘70 na siyang

nagbibigay-linaw o nagbubukas isipan ng mga Pilipino tungkol sa pamamahala
ng bansa. Ngayon naman ay pag-aaralan naman natin ang tungkol sa
Pagsasadula. Ano ba ang pagsasadula? Nakakatulong ba ito sa paglinang ng
ating kaisipan, o sarili? Bago natin tatalakayin may inihanda akong mga gawain
na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

Tuklasin

Gawain 1: Sangkap mo, hahanapin ko!

Panuto: Hanapin at piliin sa loob ng kahon ang mga elemento o sangkap ng
dula. Isulat ang mga ito sa loob ng concept organizer na nasa ibaba.

kuwento o kasaysayan iskrip o banghay tanghalan

gumaganap o aktor malikhaing guniguni tagadirehe pag-
aaral diyalogo manonood

22
1.
2.
6.

ELEMENTO
O SANGKAP NG DULA

3.
5.

4.

Gawain 2: Karanasan Ko, Pinagdaanan Mo

Panuto: Magbigay ng halimbawang pangyayaring maiuugnay sa kasalukuyan
batay sa inilalarawan ng bawat bilang.

1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa

ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Kaugnay na pangyayari sa kasalukuyan

2. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang

ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Kaugnay na pangyayari sa
kasalukuyan

Suriin

23
SANGKAP O ELEMENTO NG DULA

1. Iskrip. Ito ay ang pinakakaluluwa ng isang dula. Lahat ng bagay na

isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip. Walang dula kung
walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang sumusunod:

A. Banghay. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o

sitwasyon.

B. Gumaganap o aktor. Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa

iskrip, nagbibigkas ng diyalogo, nagpapakita ng ibat-ibang damdamin
at sila ang pinanonood na tauhan sa dula.

C. Tagpuan. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang

pangyayaring isinasaad sa dula.

D. Diyalogo. Ito ang mga binibitawang linya ng mga aktor upang

maipakita at maipadama emosyong ipinapahiwatig ng bawat linya.

E. Eksena at Tagpo. Ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga

tauhan at ang pagpapalit ng ibat-ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari.

F. Pag-arte. Dito ipinapakita ng mga aktor ang pagkilos o pag-arte sa

harap ng mga manonood ayon sa katauhan ng karakter na
ginagampanan sa dula.

2. Tanghalan. Pook o lugar na pinagpasyahang pagtatanghalan ng isang dula.

Halimbawa: kalsada; silid-aralan; at iba pa.

3. Tagadirehe o Direktor. Siya ang nagpapakahulugan sa iskrip, nag-iinterpret

sa mga ito, pagpapasya sa hitsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan,
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng ng diyalogo ng mga
tauhan.

4. Manonood. Hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao sapagkat ang layunin ng dula ay maitanghal at
mayroong makasaksi o makapanood.

5. Tema. Ito ang pinakapaksa ng isang dula.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ISKRIP

1. Laging isaisip ang mga sangkap na bumubuo ng isang iskrip; banghay,

tauhan, diyalogo, tagpuan at eksena.
24
2. Ang isusulat na iskrip ay dapat malinaw at madaling maitindihan.
3. Ang manunulat ay dapat gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.
4. Tandaan na ang iskrip ay manuskrito ng isang audio-visual na materyal
kung saan nakasulat ang sumusunod: a) Bersyon ng mga salitang dapat
sabihin; b) Mensahe na dapat ipabatid; c) Gabay ng tagaganap, direktor at
tagaayos ng tunog at musika
5. Gawing maikli at simple ngunit naglalaman ng mahahalagang
impormasyon.

Pagyamanin

Gawain 3
Panuto: Hanapin sa hanay B ang sangkap ng dula na kinabibilangan ng mga
impormasyon o gawain na binanggit sa hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Gabay ng mga tagaganap, direktor, tagaayos ng A. Iskrip

tanghalan, at tagaayos ng tunog at musika.
B. Aktor o Karakter
2. Ang nagpapakahulugan sa iskrip
C. Banghay
3. Paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan o
karakter D.Tagpuan

4. Ang mga sasaksi sa isang pagtatanghal E. Diyalogo

5. Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip

F. Tanghalan

6. Ang mga linyang bibitawan ng mga aktor o tauhan G. Pag-arte

sa isang dula
H. Eksena o
7. Mga pook na pinagtatanghalan ng dula
Tagpo
8. Ang panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayari sa dula I. Direktor

25
9. Ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa J. Manonood
dula
K.Tema
10. Pagganap ng mga aktor sa katauhan ng karakter
na ginagampanan sa dula.
11. Pagpapalit ng ibat- ibang tagpuan na pinangyarihan
ng mga pangyayari sa dula

12. Ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit ng

mga tauhan at sa paraan ng pagganap ng mga
tauhan

13. Ito ang tawag sa mga kalsada, silid-aralan at iba

pang pinagtatanghalan ng mga pangyayari sa dula. Mabuhay ka!

14. Itinuturing na pinakakaluluwa ng dula

15. Ang bumibigkas sa mga diyalogo ng isang dula

Isaisip

Gawain 4: Iniisip ko, isusulat ko!

Panuto: Sagutin nang buong husay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paano mabisang nailalapit sa mga mambabasa ang kuwento o salaysay
na nakapaloob sa buod ng isang nobela?

2. Ano-ano ang mga hakbang na nararapat sundin sa pagsasadula ng buod

ng isang nobela?

26
Isagawa

Kaakibat sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa inyong paaralan ay

magsasagawa ang Samahan ng Mag-aaral sa Asignaturang Filipino (SMAF) ng
tagisan ng talino sa paglikha ng dalawang minutong movie trailer na
magtatampok sa pagsasadula ng alinmang buod ng nobela mula sa mga
bansang
Mediterranean.
Ang dalawang minutong movie trailer ay nakabatay at tatayahin sa sumusunod
na pamantayan:

Pamantayan 4 3 2 1

A. Orihinalidad ng iskrip
B. Pagganap ng mga tauhan
C. Produksiyon
D. Daloy ng pangyayari
E. Paglalapat ng musika o tunog
KABUUAN

INTERPRETASYON

(4) Napakahusay: 20-15 puntos (2) Mahusay-husay: 10-6 puntos

(3) Mahusay : 14-11 puntos (1) Nagsisismula: 5-1 puntos

27
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang
pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

2. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

3. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binitiwang

linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
4. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa
mga tauhan sa iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

5. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

6. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa

ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa B. Pagpapasaya sa sambayanan
C. Pagdiriwang ng kapistahan D. Pagbabayad ng utang

7. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod

ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito
ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
C. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.

28
8. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang
ng kahit kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang
larawang maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan.
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak.
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan.
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan.

9. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala

nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito ng mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad nito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan.
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW.
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa.
D. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.

10. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may

sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.
11. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangkap ng iskrip sa isang
dula?
A. Oras C. Dayalogo
B. Banghay D. Karakter

12. Alin sa sumusunod ang ganap na paglalarawan ng isang iskrip?

A. Pinakawakas ng dula C. Pinakatawan ng dula
B. Pinakasimula ng dula D. Pinakakaluluwa ng dula

13. Sa iskrip, ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan ay tinatawag

na___
A. tagpo C. linya
B. eksena D. pag-arte

14. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung walang
mga ____
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

15. Sino ang nagpapakahulugan sa iskrip, nagpapasya sa itsura ng tagpuan,

damit ng mga tauhan at paraan ng pagganap?
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

29
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang yugtong iskrip na may eksenang nagpapakita ng

pang-aalipusta at pang-aapi sa kapwa dahil sa taglay nitong kapansanan sa
pisikal na katangian. Ang pamantayang nasa ibaba ay ang gagamitin sa
pagmamarka

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka

Pamantayan Bahagdan (%)

Pagsunod sa pamantayan sa pagsulat 50%

ng iskrip

Kaangkupan sa tema o paksa 25%

Wastong gamit ng wika 25%

KABUUAN 100%

Aralin
Mga Panandang Pandiskurso
4
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga panandang pandiskurso. Bahagi ng
araling ito ang pag-aaral ng mga pang-ugnay o pangatnig na ginagamit bilang
hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o mga salita na
magbibigaylinaw sa mga mahihirap na bahagi ng akda.

Alamin

Kompetensing Lilinangin

 Nagagamit ang mga angkop na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari. (F10-Ig-h-62)

30
Subukin

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga panandang pandiskursong angkop

na ipuno sa patlang upang mabuo ang salaysay.

A. Dahil D. huwag lang

B. Bukod sa E. kaya
C. Maliban F. kung

1. Sobra-sobra ang kanyang pag-aalala _______ nabuo niya ang desisyong

iyon.
2. __________ sa taglay niyang kapangitan, siya ay itinanghal na” Papa ng
Kahangalan”.
3. _________ sakit na nararamdaman sa bawat latay ng latigong dumapo sa
katawan, may matinding kirot pang dulot sa kanyang puso ang bawat
pangungutya at panghahamak sa kanya ng mga taong nakapaligid.
4. Kayang gawin ni La Esmeralda ang anumang bagay ___________ matuloy
ang pagbitay kay Gringoire.
5. ______ pagiging mabait, si La Esmeralda ay isa ring napakagandang dalaga.
Para sa bilang 6-15
Panuto: Kilalanin ang gamit ng mga panandang pandiskursong nakasulat nang
italisado at sinalungguhitan sa loob ng mga pangungusap. Hanapin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
.

A. Pagdaragdag ng impormasyon C. Kinalabasan o kinahinatnan

B. Pagbubukod o paghihiwalay D. Kondisyon o pasubali

___6. Kapag sinunod mo ang lahat ng gusto ko, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
karangyaan sa buhay mo.
___7. Maliban sa kanyang pagiging api, hinahamak din siya ng mga tao dahil sa
pangit niyang hitsura.
___8. Kayang magsakripisyo ni Quasimodo huwag lang matuloy ang pagbitay
kay La Esmeralda.
___9. Sinuway ni La Esmeralda ang lahat ng kagustuhan ng paring si Frollo,
bunga nito ay pinatawan siya ng parusang kamatayan.
___10. Sa sobrang galit ni Quasimodo nagkagulo ang buong Paris pati mga
inosente ay nadadamay.
___11. Siya’y sumasayaw sa harap ng Notre Dame at pinagkakaguluhan siya ng
mga tao.

31
___12. Sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa
saka pinatawan siya ng napakabigat na parusa.
___13. Inakala ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda
kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
___14. Bukod kay Quasimodo, marami pa sa buong paris ang may lihim na
pagtingin kay La Esmeralda.
___15. Nabubuo sa isipan ni Quasimodo na siya’y magpapakamatay rin sakaling
matuloy ang pagbitay kay La Esmeralda.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa nobela.

Matatandaan na ito ay binubuo ng mga kawing-kawing na pangyayari na
inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo at hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas. Sa pagsasalaysay ng isang kuwento o nobela
ay nakatutulong nang malaki ang mga panandang pandiskurso. Ito ang
susunod na paksang iyong pag-aaralan. Subalit, bago mo ipagpatuloy ay iwasto
mo muna ang paunang pasulit na sinagot mo.

Tuklasin

Gawain 1. Gawin mo!

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga pangungusap na may angkop na
panandang pandiskursong ginamit at ekis (X) naman kung mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

____1. Nagmamadali si Quasimodo dahil gusto niyang mailigtas si La

Esmeralda.
____2. Hindi matanggap ni Frollo na hindi siya kayang mahalin ni La Esmeralda,
bunga nito ay nakabuo siya ng isang masamang balak para sa babae. ____3.
Ang kanyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa
kanya na talikuran ang Panginoon kaya napagpasyahan niyang pag-
aralan ang itim na mahika.
____4. Kung sa pagiging kuba siya rin ang pinakapangit sa buong Paris.

32
____5. Kapag pakasalan mo ako, ililigtas kita sa parusang kamatayan.

Gawain 2: Word Concept

Panuto: Ibigay ang apat na mga pangkat at gamit ng mga Panandang
Pandiskurso. Gumuhit ng word concept organizer sa iyong papel at
ipaloob dito ang iyong sagot.

PANGKAT AT GAMIT
NG PANANDANG
PANDISKURSO

Suriin

Suriin

Ang Panandang Diskurso

Ang mga panandang pandiskurso ay mga salita o mga parirala na karaniwang
kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig. Ito ay maaring maghudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton o magbibigay-
linaw sa mahihirap na bahagi ng babasahin.
May apat na pangkat at gamit ang mga panandang pandiskurso. Tunghayan
ang mga sumusunod:
• at, saka, pati – ang mga ito ay nagsasaad ng pagdaragdag ng mga
impormasyon
Halimbawa:
33
1) Tanggap niya ang kanyang sariling kaanyuan at tinanggap
din niyang siya’y itanghal na “Papa ng Kahangalan”.
2) Ginawa niyang maghigante para kay La Esmerald, saka siya
nagpatiwakal.

• maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – ang mga ito ay nagsasaad
ng pagbubukod o paghihiwalay ng dalawang kaisipan o pangyayari.
Halimbawa:
1) Maliban sa sakit na nararamdaman mula sa mga latay ng latigo,
matinding kirot pa sa kanyang puso ang mga pangungutya’t
panghahamak sa kanya ng mga taong naroon.
2) Kaya niyang gawin ang lahat, huwag lang maparusahan si La
Esmeralda.

• tuloy, bunga nito, kaya naman – ang mga ito ay nagsasaad ng

kinalabasan o kinahinatnan ng mga pangyayari.
Halimbawa:
1) Naghahari ang maling paniniwala sa kanyang puso, bunga nito
ay nagkagulo ang buong palasyo.

• kapag, sakali, kung – ang mga ito ay nagsasaad ng mga kondisyon o mga
pasubali.
Halimbawa:
1) Maaring hindi matuloy ang parusang bitay sa iyo sakaling
papayag kang pakasalan ako.

Pagyamanin

Gawain 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

____ 1. Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit sa___

A. pagsisimula ng akda

34
B. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
C. pagtukoy ng mga pang-uri
D. pagtatapos ng isang akda

____ 2. Ang panandang pandiskurso na “maliban” ay nagpapahayag ng___

A. impormasyon C. kalalabasan
B. pagbubukod D. pasubali

____ 3. Natutuwa ako kapag nakikita kitang masaya. Ang salitang kapag ay
isang___
A. pang-abay C. pangatnig
B. panghalip D. pang-uri

____ 4. Kinikilalang hudyad sa pagsusunod-sunod sa mga pangyayari ang___

A. pang-abay C. pang-uri at Pang-ukol
B. pandiwa at Panuring D. pangatnig at Pang-ugnay

_____5. Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit sa___

A. paghiwa-hiwalay ng mga pangyayari
B. pagsanib ng mga kababalaghan
C. pagsususnod-sunod sa mga pangyayari
D. pagtugon sa mga katanungan

Para sa bilang 6-10.

A. Dahil C. Maliban E. kaya

B. Bukod sa D. huwag lang F. Kung

_____6. Sobra-sobra ang kanyang pag-aalala ____nabuo niya ang desisyong

iyon.
_____7. _______ sa taglay niyang kapangitan, siya ay itinanghal na” Papa ng
Kahangalan”.
_____8. _______sakit ng bawat latay ng latigong ipinapalo sa kanyang katawan,
may matinding kirot pang dulot sa kanyang puso ang bawat
pangungutya at panghahamak ng mga taong nakapaligid sa kanya. ____9.
Kayang gawin ni La Esmeralda ang anumang bagay ___________
matuloy ang pagbitay kay Gringoire.
____10. _____________ pagiging mabait, si La Esmeralda ay isa ring
napakagan-dang dalaga.

____11. Ang hudyat na ito ay nagpapahayag ng pagdaragdag ng mga

impormasyon.
A. at C. maliban
B. kaya D. tuloy

____12. Ang panandang ito ay nagsasaad ng kondisyon o pasubali.

35
A. kaya C. kung
B. pati D. bukod sa

____13. Ito ay nagsasaad ng kinalabasan o kahihinatnan.

A. huwag lang C. bukod kay
B. bunga nito D. saka

____14. Ito ay maghimaton sa pagkakabuo ng diskurso.

A. pang-abay C. pang-ukol
B. panghalip D. pananda

____15. Ito ay nilalayong buuin kaya ginagamit ang hudyat sa pagsusunod-

sunod nito.
A. pangungusap C. karanasan
B. pangyayari D. kakintalan

Isaisip

Gawain 4. Pag-isipan mo!

Panuto: Bumuo ng mahalagang konsepto na natutuhan mula sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:

1. Paano nakatutulong ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari sa pagkakaroon ng isang mabisang kuwento o salaysay na
nakapaloob sa nobela?
___________________________________________________________

36
Isagawa

Panuto: Sumulat ng dalawang talatang pagsasalaysay ng ilang pangyayaring

kahalintulad sa isa sa mga nabasa mong nobela. Isaalang-alang ang paggamit
ng mga panandang pandiskurso.
Salungguhitan ang mga ito at tukuyin kung alin sa sumusunod ang isinasaad
a) pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon; b) pagbubukod o
paghihiwalay; c) kinalabasan o kinahinatnan; o kaya ‘y d) kondisyon o

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman 40 %

Organisasyon o maayos na pagkakasunod-sunod 30 %

Gramatika at Retorika 30 %

Kabuuan 100 %

37
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga panandang pandiskurso na

nakasulat nang italisado sa mga pangungusap o pahayag. Piliin sa loob
ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

A. Pagdaragdag ng C. Kalalabasan o kahihinatnan

impormasyon D. Kondisyon o pasubali
B. Pagbubukod o paghihiwalay

_____ 1. Siya’y sumasayaw sa harap ng Notre Dame at pinagkakaguluhan siya

ng mga tao.
_____ 2. Sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa
saka pinatawan pa siya ng napakabigat na parusa.
______3. Sa sobrang galit ni Quasimodo ginulo niya ang buong Paris pati mga
inosente ay nadamay.
_____ 4. Kayang magsakripisyo ni Quasimodo huwag lang matuloy ang pagbitay
kay La Esmeralda.
_____ 5. Sinuway ni La Esmeralda ang lahat ng kagustuhan ng paring si Frollo
bunga nito ay pinatawan siya ng parusang kamatayan.
_____ 6. Nabuo sa isipan ni Quasimodo na siya’y magpapakamatay rin sakaling
matuloy ang pagbitay kay La Esmeralda.
_____ 7. Inakala ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda
Kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
_____ 8. Kapag sinunod mo ang lahat ng gusto ko, ibibigay ko sa iyo ang lahat
ng karangyaan sa buhay.
_____ 9. Maliban sa kanyang pagiging api, hinahamak din siya ng mga tao dahil
sa pangit niyang hitsura.
_____ 10. Bukod kay Quasimodo, marami pa sa buong paris ang may lihim na
pagtingin kay La Esmeralda.

Para sa bilang 11-15

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pagkakagamit ng mga panandang
pandiskurso ay angkop na gamitin at MALI naman kung hindi.

_____11. Nagmamadali si Quasimodo dahil gusto niyang mailigtas si La

Esmeralda.
_____12. Hindi matanggap ni Frollo na hindi siya kayang mahalin ni La
Esmeralda, bunga nito ay nakabuo siya ng isang masamang balak
para sa babae.
_____13. Ang kanyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok
sa kanya na talikuran ang Panginoon, kaya ay napagpasyahan
niyang pag-aralan ang itim na mahika.
_____14. Kung sa pagiging kuba siya rin ang pinakapangit sa buong Paris.
_____15. Kapag pakasalan mo ako, ililigtas kita sa parusang kamatayan.
38
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamitin sa pangungusp ang sumusunod na panandang pandiskurso o

hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay
ng isa sa mga napanood mong palabas.

1. bukod sa
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. huwag lang
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. bunga nito
__________________________________________________________
__________________________________________________________

4. sakali
__________________________________________________________
__________________________________________________________

5. sa ibang salita
___________________________________________________________
___________________________________________________________

39
LINGGUHANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang hudyat na nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag
ng mga impormasyon?
A. at C. maliban
B. kaya D. tuloy

2. Alin ang panandang nagsasaad ng kondisyon o pasubali?

A. kaya C. kung
B. pati D. bukod sa

3. Alin sa sumusunod ang panandang nagsasaad ng kalalabasan o

kahihinatnan ng isang pangyayari?
A. huwag lang C. bukod kay
B. bunga nito D. saka

4. Alin ang panandang nagsasaad ng pahimaton tungkol sa pagkakabuo ng

diskurso?
A. pang –abay C. pang-ukol
B. panghalip D. pananda

5. Alin sa sumusunod ang nilalayong buuin kaya gumagamit ng hudyat ng

pagkakasunod-sunod?
A. pangungusap C. karanasan
B. pangyayari D. kakintalan

6. Alin ang nagsasabi tungkol sa mga panandang pandiskurso?

A. Hudyat sa pagsisimula ng akda
B. Hudyat ng pagtatapos ng isang akda
C. Pagtukoy o palatandaan ng mga pang-uri
D. Hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

7. Ano ang isinasaad ng panandang “maliban”? A. impormasyon C.

kalalabasan
B. pagbubukod D. pasubali

8. Natutuwa ako kapag nakikita kitang masaya. Anong bahagi ng pananlita

nabibilang ang salitang kapag?
A. pang-abay C. pangatnig
B. panghalip D. pang-uri

9. Alin sa sumusunod ang kumakatawan bilang mga panandang pandiskurso?

A. pang-uri at pang-abay C. pandiwa at panuring
B. padamdam at pang-ukol D. pangatnig at pang-ugnay

10. Ano ang pangkalahatang gamit ng mga panandang pandiskurso?

A. Pagtugon sa mga katanungan
B. Paghiwa-hiwalay ng mga pangyayari
40
C. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
D. Pagsaboy ng mga kababalaghan
Para sa bilang 11-20
Panuto: Kilalanin kung ano ang isinasaad ng mga panandang pandiskursong
ginamit sa mga pangungusap. Nasa kahon ang sagot. Titik lamang nito
ang isulat sa sagutang papel.

A. Pagdaragdag ng E. Kinalabasan o kinahinatnan

impormasyon F. Kondisyon o pasubali
B. Pagbubukod o paghihiwalay

11. Kapag sinunod mo ang lahat ng gusto ko, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
karangyaan mo sa buhay.

12. Maliban sa kanyang pagiging api, hinahamak din siya ng mga tao dahil sa
pangit niyang hitsura.

13. Kayang magsakripisyo ni Quasimodo huwag lang matuloy ang pagbitay

kay La Esmeralda.

14. Sinuway ni La Esmeralda ang lahat ng kagustuhan ng paring si Frollo,

bunga nito ay pinatawan siya ng parusang kamatayan.

15. Sa sobrang galit ni Quasimodo ay nagkagulo ang buong Paris pati mga
inosente ay nadamay.

16. Siya’y sumasayaw sa harap ng Notre Dame at pinagkakaguluhan siya ng

mga tao.

17. Sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa saka
pinatawan ng napakabigat na parusa.

18. Inakala ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda

kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.

19. Bukod kay Quasimodo, marami pa sa buong Paris ang may lihim na
pagtingin kay La Esmeralda.

20. Nabuo sa isipan ni Quasimodo na siya’y magpapakamatay rin sakaling

matuloy ang pagbitay kay La Esmeralda.

21. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

22. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binitiwang

linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo

41
B. tanghalan D. iskrip

23. Anong sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa

iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip

24. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang

pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

25. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?

A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

26. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa

ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinapakita sa pangyayari?
A. Pagsasaboy ng kahihiyan sa kapwa
B. Pagpapasaya sa sambayanan C. Pagdiriwang ng kapistahan
D. Pagbabayad ng utang

27. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito
ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
C. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.

28. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang
ng kahit kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang
larawang maiuugnay sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan.
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak.
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan.
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan.

29. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala

nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad dito?
A. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa.
B. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.

42
C. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan.
D. Isang lalaking di-matanggap ang sinapit ng asawang OFW

30. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may

sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.

31. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangkap ng iskrip sa dula?
A. oras C. diyalogo
B. banghay D. karakter

32. Alin sa sumusunod ang ganap na paglalarawan ng isang iskrip?

A. Pinakawakas ng dula C. Pinakasimula ng dula
B. Pinakatawan ng dula D. Pinakakaluluwa ng dula

33. Ano ang tawag sa paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan?

A. tagpo C. linya
B. eksena D. pag-arte

34. Hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung walang mga___
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

35. Sino ang nagpapakahulugan sa iskrip, nagpapasya sa hitsura ng tagpuan,

damit ng mga tauhan at paraan ng pagganap?
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

36. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa gawain ng isang direktor?

A. namamahala sa pagsulat ng iskrip
B. nagpapakahulugan sa iskrip
C. nagpapasya sa hitsura ng tagpuan
D. tagapanood ng mga palabas

37. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga matatagpuan sa iskrip?

A. banghay C. diyalogo
B. karakter D. manonood

38. Sa mga pagpipilian, alin ang magandang katangian ng isang iskrip sa dula?
A. Kailangang batay sa mga alamat ang isusulat
B. Ang manunulat ay dapat gumamit ng mga salitang malinaw at madaling
maintindihan.
C. Maraming impormasyon ang ibabahagi kahit hindi masyadong mahalaga
43
D. Ang isang iskrip ay hindi naman masyadong mahalaga para sa mga tauhan
basta’t may direktor.

39. Alin sa mga pagpipilian ang hindi kabilang sa mga dapat pag-aralan sa
pagsasadula?
A. iskrip C. kabanata
B. tauhan D. tagpo

40. Alin sa sumusunod ang hindi maaring gawing isang tanghalan?

A. Loob ng tahanan C. Simbahan
B. Silid-aralan D. Bahay-pukyutan

Para sa bilang 40-50 (10 puntos)

Panuto: Sumulat ng isang iskrip na may isang yugto na nagpapakita ng
eksenang nagmamakaawa ang isang manliligaw sa babaeng hindi kailanman
nagkagusto sa kanya na humantong sa isang pagbabanta. Isaalang-alang ang
sumusunod na bahagi ng iskrip.

44
A. Tagpuan D. Eksena o Tagpo
B. Tauhan/Karakter E. Pag -arte
C. Di yalogo

45
46
Pagwawasto (Aralin 1)
Subukin Tuklasin
1 ./
2 .B 2 .X
3 .C 3 ./
4 .B 4 ./
5 .A 5 .X
6 .A 6 ./
7 .D 7 ./
8 .B 8 ./
9 .A 9 .X
10 .C 10 ./
11 .D 11 ./
12 .A 12 .X
13 .B 13 .X
14 .B 14 .X
15 .C 15 ./
Susi sa
47
48
Subukin
1. D
2. B
3. A
4. C
5. D
6. A
7. B
8. C
9. B
10.A
11.A
12.D
13.B
14.C
15.A
Pagyamanin Tayahin
1. A 1 .C
2. I 2 .D
3. H 3 .B
4. J 4 .A
5. B 5 .D
6. E 6 .A
7. F 7 .B
8. D 8 .C
9. C 9 .B
10.G 10 .A
11.H 11 .A
12.I 12 .D
13.F 13 .B
14.A 14 .C
15.B 15 .A
Susi sa Pagwawasto (Aralin 2)
49
Subukin
1. E
2. A
3. B
4. D
5. B
6. D
7. B
8. B
9. C
10.A
11.A
12.A
13.C
14.B
15.D
Pagyamanin Tayahin
1. C 1. A
2. B 2. A
3. C 3. A
4. D 4. B
5. C 5. C
6. E 6. D
7. A 7. C
8. B 8. D
9. D 9. B
10.B 10.B
11.A 11.TAMA
12.C 12.TAMA
13.B 13.MALI
14.D 14.MALI
15.B 15.TAMA
(Aralin4-Panandang Pandiskurso)
Susi sa Pagwawasto
50
16. A 31. A
17. A 32. D
18. C 33. B
19. B 34. C
20. D 35. A
21. D 36. D
22. B 37. D
23. A 38. B
24. C 39. C
25. D 40. D
26. A 41 -50
27. B
28. C
29. D
30. A
Pangwakas na Pagtataya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Filipino 10: Modyul sa mga Mag-aaral: Panitikang Pandaigdig

Filipino 10: Gabay ng Guro: Panitikang Pandaigdig
Filipino 9: Modyul ng Mag-aaral: Panitikang Asyano Wika at
Panitikan IV: Batayang Aklat
http://rosiefilipino10.webly.com/dula.html#/
https://www.scrib.com/doc/34412025/Dula
https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento -ng-
dula/ https://www.slideshare.net/mobile/ladychu08/dula -
155156...

51
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region X, Division of Bukidnon

Sumpong, Malaybalay City

Email Address: bukidnon@deped.gov.ph

52

You might also like