You are on page 1of 54

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 5


Ang Matanda at Ang Dagat(Nobela)

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ang Matanda at Ang Dagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Cherry Pink R. Namoc
Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Direktor ng Rehiyon
Mga Katuwang na Tagapangulo:
Victor G. De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang ng Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD EPS-ADM
Tagapamanihala, Sangay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, Chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Amelia L. Tortola PhD, EPS Math
Katuwang ng Tagapamanihala, Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich St., Sunpong, Malaybalay City, 8700 Bukidnon
Telefax: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Ang Matanda at Ang Dagat(Nobela)

AAn

Ang modyul na ito ay magkakatuwang na inihanda at sinuri ng


mga guro sa Filipino ng Sangay ng Bukidnon. Hinihikayat namin ang
mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na magpadala ng
kanilang puna at mungkahi sa email na bukidnon@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO-10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Matanda at Ang Dagat.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong
tagapagdaloy ay handang tumulong ng mag-aa upang matulungang makamit ng
mga-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa mag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang


magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
sariling pagkatuto. Bukod ditto, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral
Malugod na pagtanggap sa FILIPINO-10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ang Matanda at Ang Dagat.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Para sa magulang
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap
ng ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang
limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga
mag-aaral upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutuhan ang tungkol sa nobela, gramatika, retorika at suring-basa. .
Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong
pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng
talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang
makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Gayunpaman, ang
pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng
teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Ang modyul 7 ay hinati sa limang aralin gaya ng nakasaad sa ibaba:

 Aralin 1 – Mga Mahahalagang Elemento ng Nobela


 Aralin 2 –Nobela: Ang Matanda at ang Dagat
 Aralin 3 –Gramatika at Retorika
 Aralin 4 – Panunuri o Suring-Basa
 Aralin 5 – Lingguhang Pagtataya
Mga kompetensing Lilinangin sa Modyul 7
1. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na
elemento nito.(F10PB-IIf-78)
2. Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa
buhay ng mga Pilipino. (F10-If-g-68) .
3. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita, kabilang ang mga
terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan (F10PT-IIf-74)
4. Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw ng realismo o
alinmang angkop na pananaw/teoryang pampanitikan. (F10PB-IIf-77)
5. Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring-basa o panunuring pampanitikan. (F10WG-IIf-69)
6. Nnagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa
mga teoryang pampanitikan. (F10 EP-IIf-69)
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo it

v
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 – Ang Mahahalagang Elemento ng Nobela
Alamin 6
Subukin 6
Balikan 10
Tuklasin 10
Suriin 11
Pagyamanin 12
Isaisip 12
Isagawa 13
Tayahin 14
Karagdagang Gawain 15
Aralin 2 - Nobela: Ang Matanda at Ang Dagat
Alamin 16
Subukin 16
Balikan 18
Tuklasin 19
Suriin 21
Pagyamanin 22
Isaisip 23
Isagawa 24
Tayahin 24
Karagdagang Gawain 27
Aralin 3 – Gramatika at Retorika:Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at
Pagtutol sa pagbibigay puna o Panunuring Pampanitikan.
Alamin 28
Subukin 28
Balikan 30
Tuklasin 30
Suriin 31
Pagyamanin 32
Isaisip 32
Isagawa 34
Tayahin 34
Karagdagang Gawain 35
Aralin 4 – Panunuri o Suring Basa
Alamin 36
Subukin 36
Balikan 38
Tuklasin 38

6
Suriin 39
Pagyamanin 42
Isaisip 44
Isagawa 44
Tayahin 45
Karagdagang Gawain 47
Lingguhang Pagtataya 49
Susi sa Pagwawasto 50
Sanggunian 51

7
Arali
Ang Mahahalagang Elemento
n
ng Nobela
1
Ang araling ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa puso at isip ng may-
akda ang matuto ang mga mag-aaral. Ito ay tungkol sa nobela at mahahalagang
elemento nito. Kalakip na rin sa nilalaman ng modyul na ito ang dito ang
paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o
panunuring pampanitikan at suring-basa.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na
elemento nito.(F10PB-IIf-78)

Subukin

Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang


tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay- aliw ay nagpapakilos
at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
A. Dula B. Sanaysay
C. Nobela D. Tula

2. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?


A. Banghay B. Tauhan
C. Tagpuan D. Tema

3.Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,bagay at


pangyayari.
A.Damdamin B. Pananalita
C. Pamamaraan D. Simbolo

4. Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.


A. Pamamaraan C. Tagpuan

8
B. Tauhan D. Tema
5. Ito ay ang diyalogong ginamit sa akda.
A. Pananalita B. Pamamaraan
C. Tagpuan D. Tema

6. Estilo ng manunulat o awtor.


A. Pamamaraan B. Tagpuan
C. Tema D. Tunggalian

7. Ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan.


A. Tagpuan B. Tema
C. Tunggalian D. Ugnayan

8. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


A. Banghay B. Damdamin
C. Pamamaraan D. Simbolismo

9. Ito ay ang mga panauhang ginamit ng may-akda.


A. Banghay B. Damdamin
C. Pananaw D. Pananalita

10. Ito ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari.


A. Banghay B. Damdamin
C. Pananalita D, Pananaw

Para sa bilang 11-15.


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga pahayag na nabibilang sa katangian na
dapat taglayin ng isang nobela.
__________11. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
__________12. Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan.
__________13. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin.
__________14. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspeto ng
lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon.
__________15. Malikhain at dapat maging maguniguning paglalahad at
nag-iiwan ng kakintalan.

Paalaala ng Guro

Iwasto ang iyong mga sagot. Nasa likod ng modyul na ito ang Susi ng
Pagwawasto. Kung ang iskor mo ay:
14-15 Ikaw ay magaling na magaling.
12-13 Ikaw ay magaling din.
10-11 Ikaw ay may alam na.
9 pababa Huwag kang mag-alala at matututo ka rin

9
Balikan

Balikan muna natin ang nakaraang paksa tungkol sa, “Ang Aguinaldo ng
mga Mago”, na hango mula sa Bibliya. Ito ay patungkol sa tatlong haring mago
na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo,(Mateo 2:1-12). Ang mga Mago ang
nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang
sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem. Sila ang sinasabing nagpasimula sa
pagbibigayan ng mga regalo.
Masasalamin sa maikling kuwentong natalakay at sa nobelang tatalakayin
ang tunay na pag-ibig at pagpapakasakit. Datapwat ang sinumang nagmahal
nang tunay at tapat ay handang ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa
kasiyahan ng taong minamahal.

Tuklasin

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng


mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani at ng
katunggali sa isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod-sunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may kani-kaniyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at
pangyayari na kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan. Ang nobela bilang
panitikan ay may mga elementong kagaya ng mga sumusunod:
Mahahalagang Elemento ng Nobela:
1. Tagpuan. Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan. Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw. Panauhang ginagamit ng may-akda
a. Una kapag kasali ang may-akda sa kuwento

10
b. Pangalawa kapag ang may-akda ay nakikipag-usap
c. Pangatlo kung batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema. Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin. Nagbibigay- kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan. Istilo ng manunulat
8. Pananalita Diyalogong ginagamit sa nobela

9. Simbolismo. Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay


at pangyayari.

Suriin

Ang layunin ng nobela ay gumising sa diwa at damdamin, nanawagan sa


talino ng guniguni, upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay
aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan at nagbibigay din ito ng inspirasyon
sa mambabasa at napupukaw nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela.
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo
ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw
ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga
mambabasa.
Sa nobela, maraming mga pangyayari ang inilahad, samantalang sa
maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas
ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil
ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang
ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang
pinanggalingan nito.
Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng nobela:
a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan,
b) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c) kawili-wili at pumupukaw ng
damdamin, d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng
lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e) malikhain at may dapat maging
maguniguning paglalahad, at f) nag-iiwan ng kakintalan.

11
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Ihanay ang mga kahulugan sa bawat elemento ng nobela. Piliin sa


kahon ang tamang sagot at magbigay ng sariling paliwanag hinggil sa bawat
elemento.(2 puntos bawat bilang)

Pagpipilian
Paksang diwang Nagbibigay kulay sa mga Estilo ng
binibigyang diin sa nobela pangyayari manunulat/awtor
diyalogong ginamit nagbibigay ng masmalalim lugar at panahon ng
na kahulugan sa tao,bagay mga pinangyarihan
at pangyayari
nagpapagalaw at pagkakasunod sunod ng Panauhang
nagbibigay buhay sa mga pangyayari ginagamit ng may-
nobela akda

Elemento ng Nobela Kahulugan Paliwanag

1 Banghay
2. Damdamin
3. Pananalita
4. Pananaw
5. Pamamaraan
6.Simbolismo
7.Tagpuan
8.Tauhan
9.Tema

Isaisip

Gawain 2
12
Panuto: Balikan ang natalakay na mga nobela noong ikaw ay nasa Baitang 7,8
at 9. Pumili ng isa at talakayin ito ayon sa mga elemento ng isang nobela.

Pagsusuri
Pamagat
Tagpuan
Tauhan
Banghay
Pananaw
Tema
Damdamin
Pamamaraan
Pananalita
Simbolismo

Isagawa

Sa paglinang ng kasaysayan sa paghahambing lalo na ng mga akda,


ginagawang batayan ang mga elemento o salik nito. Sinusuri muna ang
pagkakatulad at pagkatapos ay ang pagkakaiba nito. Maaaring nakahihigit o
nakalalamang ang isa. Dapat na obhetibo ang pagsusuri at walang kinikilingan.
Panuto: Sumulat ng isang maayos na paghahambing ng nilalaman ng akda sa
iba pang katulad na genre batay sa tiyak na elemento nito tungkol sa mga
akdang nabasa at napag-aralan na. Gamitin ang Venn Diagram sa
paghahambing. (15 puntos)

PAGHAHAMBING

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

13
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang


tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay- aliw ay nagpapakilos
at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
A. Dula B. Sanaysay
C. Nobela D. Tula

2. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?


A. Banghay B. Tauhan
C. Tagpuan D. Tema

3. Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao,bagay at pangyayari.


A.Damdamin B. Pananalita
C. Pamamaraan D. Simbolismo

4. Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.


A Pamamaraan B. Tauhan
C.Tagpuan D. Tema

5. Ito ay ang diyalogong ginamit sa akda.


A. Pananalita B. Pamamaraan
C.Tagpuan D. Tema

6. Estilo ng manunulat o awtor.


A.Pamamaraan B. Tagpuan
C.Tema D.Tungalian

7. Ang lugar at panahon ng mga pinangyarihan ng akda.


A.Tagpuan B.Tema
C.Tungalian C.Ugnayan

8. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


A.Banghay B.Damdamin
C.Pamamaraan D. Simbolismo

9. Ito ay ang mga panauhang ginagamit ng may-akda.


A.Banghay B.Damdamin
C.Pananaw D. Pananalita

10. Ito ang nagbibigay- kulay sa mga pangyayari.


A.Banghay B.Damdamin

14
C.Pananalita D. Pananaw

Para sa bilang 11-15.


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga pahayag na nabibilang sa katangian na
dapat taglayin ng isang nobela at ekis (X) kung hindi.

__________11. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.


__________12. Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan.
__________13. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin.
__________14. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng
lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon.
__________15. Malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad at
nag-iiwan ng kakintalan.

Karagdagang Gawain

Gawain 4
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay at itala ang mga kaalamang iyong
natutuhan mula sa araling natalakay.Isulat ang sagot sa ribbon award chart.

Aralin:______
Petsa:_______
Pagninilay sa araling
natalakay
_____________

Aralin
Nobela: Ang Matanda at Ang
2 Dagat
Ang araling ito ay tungkol sa nobela at ang mga katangiang taglay nito. Inilahad
nang payak at simple upang madaling maintindihan sa tulong ng mga Gawain na iyong
sasagutin habang ito’y iyong pinag-aaralan. Matututuhan mo rin dito ang tungkol sa
panunuring pampanitikan sa pananaw ng realismo.

Alamin
15
Mga Kompetensing Lilinangin
1. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita, kabilang ang mga
terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan (F10PT-IIf-74)
2. Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw ng realismo o
alinmang angkop na pananaw/teoryang pampanitikan. (F10PB-IIf-77)

Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel..

1. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng


panitikang tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay- aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at
kamalayan ng mga mambabasa.
A. Dula B. Sanaysay
C. Nobela D. Tula

2. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?


A. Banghay B. Tauhan
C. Tagpuan D. Tema

2. Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.


A.Damdamin B. Pananalita
C. Pamamaraan D. Simbolismo

4. Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.


A.Pamamaraan B. Tauhan
C.Tagpuan D. Tema

5. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “ Ang Matanda at Ang


Dagat?”
A. 1950 B. 1951
C.1952 D. 1953
Para sa bilang 6-8
“Bahala na!” Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong
wala nang magawa o mapagpipilian sa isang pangyayari. May maganda at di
magandang naidudulot ang ugaling ito. Isa sa hindi magandang idinudulot nito ay
ang pagiging palaasa ng isang tao kaya’t madalas ay ipinagpapasa-Diyos na
lamang niya ang pangyayari sa kanyang buhay. Samantala, ang magandang
idinudulot nito ay hindi nagiging aburido
16 ang isang tao na may matinding
problema sa buhay. Isa itong matapang na pagharap sa katotohanan. Sa isang
banda ang hindi mahusay na pagpapasya ay nangingibabaw dahil sa masamang
pag-uugaling ito.
7. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na “Bahala na?”
A. Alaswerte B. lakas ng loob
C.kawalan ng pag-asa D. walang tiyak na patutungohan

7-8. Ang dalawang kaisipang itinuturo ng teksto ay_____ at_____


A. matapang na pagharap sa katotohanan
B. pagkapit sa patalim kapag nagigiit
C. pagkilos kaagad sa harap ng pagsubok
D. pananalig sa Diyos pagkapit sa patalim kapag nagigiit

8. Ang salawikaing angkop na iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang


kanyang mga problema ay______
A. Diyos ang nakakaalam ng lahat
B. hindi tayo pababayaan ng Diyos
C. mahal ng Panginoon
D. nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

9. Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang


paulit-ulit na ninanais ni Santiago?
A. Sana siya ay bata pa.
B. Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.
C. Sana ang lahat ng mangingisda na nag-aalipusta sa kanya ay
naroon para maging saksi sa kanyang tagumpay
D. Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.

10. Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa


paglalayag at harapin ang anumang dumating” tinutukoy dito na ang
matanda ay may isipang _____
A. alipin C. kolonyal
B. negatibo D. positibo

Para sa bilang 11

Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng


lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan,
bagkus ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa
makatotohanan nitong pagkakasulat,16wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin.

11. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng


pahayag na nagbibigay ng opinyon o reaksyon mula sa suring-basa?
A. Tunay na C. sa makatotohanan
B. bagkus D. totoo

12. Sumalagpak siya sa malambot na sopa. Ang kasingkahulugan ng salitang

17
sumalagpak ay ____
A. napaupo C. napahandusay
B. natumba D. napahiga

13-14. Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil (13). nagkagutay-gutay na ito.
Nang (14). sagpangin ang isda, para na rin siyang nasagpang. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagkasiraan C. nasugatan
B. namatay D. sunggaban

15. Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binabasang teksto o akda tulad
ng nobela, maikling kuwento, tula,sanaysay, o iba pang gawa/uri ng
panitikan.
A. dagli C. Talumpati
B. maikling kuwento o Suring Basa D. Suring Basa

Balikan

Balikan muna natin ang nakaraang paksa sa Aralin 1 tungkol sa


mahahalagang elemento ng nobela: tauhan, tagpuan, banghay, pananaw, tema,
damdamin, pamamaraan, pananalita at simbolismo na napakahalaga upang
mabuo ang isang nobela. Ang mga elementong ito ay mga sangkap upang
maging kawili-wili, makulay, mayaman, at makabuluhan ang anyo ng panitikan.
Balikan mo rin ang nobelang isinulat ni Ernest Hemingway sa Cuba (1951) at
inilabas sa taong 1952. Nanalo ng Pulitzer Prize for Fiction (1953) at Nobel Prize
(1954). Ito ang kahuli-hulihang nobela na nailimbag ni Hemingway.
Suriin ang mga elementong taglay nito. Nailahad ba nang tiyak ang mga
pangyayari sa nasabing nobela? Tuklasin sa bahaging ito ng nobela kung ano
ang pakikipagsapalarang pinagdadaanan ng matandang si Santiago.

Tuklasin

Ang Nobela
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo
ng panitikang tuluyan.Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw
ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga
mambabasa.

18
Sa nobela maraming mga pangyayari ang inilalahad, samantalang sa
maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas
ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil
ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang
ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang
pinanggalingan nito.

Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang
sumusunod: a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.)
pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c) kawili-wili at pumupukaw ng
damdamin, d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng
lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e) malikhain at may dapat maging
maguniguning paglalahad, at f) nag-iiwan ng kakintalan.

Nobelang “Ang Matanda at Ang dagat”


Mapapansin sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ang pananaw
realismo. Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginawa ng panitikan para
higit nitong mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang
matapat nitong paggagad sa lipunan.

Inilalarawan din sa linyang ito ang karanasan at lipunan na parang sa tunay


na buhay. Ninais na ilarawan ang ugali at gawi ng tao at ng kanyang kapaligiran
na pareho ng kanilang anyo sa buhay.Naniniwala ang may-akda na hindi dapat
pigilin ang katotohanan na mas dapat bigyang pansin ang tauhan hindi ang
banghay.
Basahin mo at unawain ang nobelang isinalin sa Filipino ni Jesus Manuel
Santiago mula sa “The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway.

19
Ang Matanda at ang Dagat

B
uod

Sa loob ng 84 na araw ng pagpalaot ni Santiago ay wala siyang nahuling


isda. Itinuring niya itong “Salao” o ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
sa pagpalaot sa dagat. Pinagbawalan ng mga magulang ni Manolin na kanyang
aprentis na sumama sa kanya.

Sa ika-85 na araw ng Salao ay tumungo siya sa Gulf Stream. Nakahuli siya


ng isang marlin gamit ang mga pamain niya sa pangingisda. Ngunit sa lubhang
laki nito ay hindi niya maiakyat sa kanyang bangka. Patuloy siyang nakipagbuno
sa isdang Marlin sa loob ng tatlong araw hanggang sa napatay niya ito.
Nakatawag ngpansin sa mga pating ang dugo ng Marlin. Napatay ni Santiago
ang mga pating pero naubos na ang marlin. Nakarating si Santiago sa baybayin
at agad umuwi. Mabilis siyang nakatulog nang mahimbing.

Nagkagulo ang mga mangingisda sa nakita nilang Marlin na nahuli ni


Santiago. Inakala ng mga turista ng Cafe na nakahuli siya ng pating. Nag-aalala
si Manolin sa kanyang amo at pinuntahan niya ang bahay nito. Umiiyak siya nang
makitang siya’y ligtas at nakatulog lamang. Nang magising si Santiago ay nag-
usap ang dalawa at nangako sa isa’t isa na sila ay magkasama na tuwing
mangingisda. Sa muling pagtulog ni Santiago, siya ay nanaginip, ang kanyang
kabataan.

20
Suriin

Pagpapahalaga
Ang layunin ng may-akda ay dapat sa bawat hamon ng buhay ay huwag
tayong sumuko kahit anong mangyari, kahit halos lahat ng tao sa paligid natin ay
tinalikuran na tayo.
Sa buhay natin, kapag tinalikuran na tayo ng mundo ay may isang tao
na nandyan para sayo at hinding-hindi ka iiwan. Mas nalalaman natin ang
tunay na kahulugan ng buhay kapag nasa bingit na tayo ng kamatayan.
Ang bida sa nobela na si Santiago ay isang matandang manginigsda.
Siya ay nakahuli ng isang malaking isdang marlin. Pinatay niya ang
mabangis na pating upang maprotektahan ang kanyang sarili.
Ang pating na isang mabangis na lamang dagat ay pinatay ni
Santiago na kumain sa malaking marlin.
Kaibigan ni Santiago si Manolin, isang batang lalaki. Siya ay tapat na
tagapaglingkod ni Santiago. Siya rin ang pinakamalapit na kaibigan ni
Santigao. Si Manolin ay nagmamalasakit sa matanda at pinapalakas nito ang
loob ng matanda.
Ang tema ng nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay nagpapakita ng
pakikibaka ng isang tao laban sa kalikasan at sa hamong dumarating sa
buhay natin. Kung tutuusi’y naipakikita sa nobela ang relasyon ng tao at ng
hayop. Nagpapakita rin ito ng Christian allegory kung saan
inihahalintulad ang pinagdaanan ni Hesus at Santiago sa nobela.
Ang nobela rin ay nagpapakita ng pagkakaibigan na hindi
e d a d a n g n a g i n g b a s e h a n k u n g s a a n s i S a n t i a g o a y kumakatawan
sa matanda at si Manolin naman ay kumakatawan sa bata. At ipinapakita ang
isang magandang relasyon na namagitan sa kanila. Ang kakulangan ng isa
ay pinupunuan ng isa.

Pagyamanin

Gawain 1
21
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Bigyang ng kahulugan ang sumusunod na salitang may salungguhit.

Salitang may salungguhit Kahulugan

1.inihanda niya ang salapang ______________________

2.at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko ______________________

3. hindi nilikha ang tao para mag-api ______________________

4. magkabilang gilid ng kanyang prowa ____________________

5. nagpapahinga sa popa ____________________

6. lumalagutok ang mga panga ____________________

7. tinangay nito ang salapang ____________________

8. sagpangin nito ang isda ____________________

9. maayos silang naglayag ____________________

10. asul na palikpik sa likod ____________________

11.maayos siyang naglayag ____________________

12. lahat ng bagay na kinasasangkuta ____________________

13. nginuya niya ito ____________________

14. hindi ito huhupa ____________________

15. iniligpit ng matanda ang tela ____________________

Isaisip

Gawain 2
22
Panuto: Basahin at unawain ang tanong na nakasulat sa ibaba at ilahad ang
iyong sariling kuro-kuro o opinyon hinggil dito.(5 puntos bawat bilang)

Tanong Paliwanag

1.
1.Masasabi mo ba na ang Nobelang:
“Ang Matanda at Ang Dagat ay isang
kuwentong
Nahahanay sa pananaw Realismo?

2.

2. Ano anong kalupitan at karahasan


sa lipunan ang malinaw na inilalarawan
sa nobela?

3.

3. Nangyayari ba ito sa kasalukuyang


Sistema ng ating lipunan?

Isagawa

Gawain 3

23
Panuto: Gumawa ng maikling balangkas mula sa nobelang
”Ang Matanda at Ang Dagat “ na nabasa. Sundan ang dayagram sa ibaba.

Kasukdulan

Tunggalian Kakalasan

Papataas na Pangyayari Wakas

Suliranin

Simula

Tayahin

Panuto : Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang


tuluyan. Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at
pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
A. Dula B. Sanaysay
C. Nobela D. Tula

2. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?


A. Banghay B. Tauhan
C. Tagpuan D. Tema

3. Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.


A.Damdamin B. Pananalita
C. Pamamaraan D. Simbolismo

24
4. Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
A.Pamamaraan B. Tauhan
C.Tagpuan D. Tema

5. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat?”


A.1950 B. 1951
C.1952 D. 1953

Para sa mga bilang 6-8


“Bahala na!” Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong
wala nang magawa o mapagpipilian sa isang pangyayari. May maganda at di
magandang naidudulot ang ugaling ito. Isa sa hindi magandang idinudulot nito ay
ang pagiging palaasa ng isang tao kaya’t madalas ay ipinagpapasa-Diyos na
lamang niya ang pangyayari sa kaniyang buhay. Samantala, ang magandang
idinudulot nito ay hindi nagiging aburido ang isang tao na may matinding
problema sa buhay. Isa itong matapang na pangararap sa katotohanan. Sa isang
banda ang hindi mahusay na pagpapasya ay nangingibabaw dahil sa masamang
ugaling ito.
Hango mula sa Manwal ng Guro (Wika at Panitikan IV)

6. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na “Bahala na?”


A. Alaswerte B. lakas ng loob
C. kawalan ng pag-asa D. walang tiyak na patutunguhan

7. Ang dalawang kaisipang itinuturo ng teksto ay______ at _____.


A. matapang na pagharap sa katotohanan
B. pagkapit sa patalim kapag nagigiit
C.pagkilos kaagad sa harap ng pagsubok
D.pananalig sa Diyos

8. Ang salawikaing angkop iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang


kaniyang mga problema ay______.
A. Diyos ang nakakaalam ng lahat
B. hindi tayo pababayaan ng Diyos
C. mahal ng Panginoon
D. nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

9. Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulit-


ulit na ninanais ni Santiago?
A. Sana siya ay bata pa.
B. Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.
C. Sana ang lahat ng mangingisda na nag-aalipusta sa kanya ay
naroon para maging saksi sa kanyang tagumpay
D.Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.

25
10. Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag
at harapin ang anumang dumating.” ay tinutukoy dito na ang matanda ay may
isipang___
A. alipin B. kolonyal
C. negatibo D. positibo
Para sa mga bilang 11

Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng


lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan,bagkus
ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa
makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin.

11. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng pahayag


na nagbibigay ng opinion o reaksyon mula sa suring-basa?
A. tunay na C. sa makatotohanan
B. bagkus D. totoo

12. Sumalagpak siya sa malambot na sopa. Ang kasingkahulugan ng salitang


sumalagpak ay ______.
C. napaupo C. napahandusay
D. natumba D. napahiga

13 -14. Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil (13). nagkagutay-gutay na ito.
Nang (14). sagpangin ang isda, parang siya rin ang nasagpang. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagkasiraan B. nasugatan
C. namatay D. sunggaban

15. Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng
nobela, maikling kuwento, tula,sanaysay, o iba pang gawa/uri ng panitikan.
B. Dagli B. Talumpati
C. Maikling kuwento o Suring Basa D. Suring Basa

Karagdagang Gawain

Gawain 4

26
Panuto:Suriin ang mga salita mula sa nobelang “ Ang Matanda at Ang Dagat” at
ibigay ang maaaring sinisimbolo ng mga salitang ito.

Salita Sinisimbolo

Isda Paliwanag:

_____________________________

_____________________________

Matandang Lalaki Paliwanag:

_____________________________

_____________________________

Dagat Paliwanag:

_____________________________

_____________________________

Mga Pating Paliwanag:

_____________________________

_____________________________

Bangka Paliwanag:

_____________________________

_____________________________

Aralin Gramatika at Retorika:


Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon o Pagtutol sa
3 Pagbibigay ng puna o Panunuring Pampanitikan

27
Ang araling ito ay tungkol sa gramatika at retorika na ginagamit sa pagsang-
ayon o pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan. Ang
gramatika ay ang tamang paggamit ng mga salita na pinapaganda ng tamang
pagpili ng mga salita upang maging maganda at mas kaakit-akit ang gagawing
panunuri, iyan ang pinagsanib na gramatika at retorika.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring-basa o panunuring pampanitikan. (F10WG-IIf-69)

Subukin

Panuto: Piliin ang mga salitang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at uriin


kung ito ba’y pagsang-ayon o pagtutol.

1. Talagang mahusay maglaro ng basketball si Itay.


Pang-ugnay:_______________Uri:________________

2. Sa tingin ko, hindi siya karapat dapat na maging opisyal ng barangay.


Pang-ugnay:_______________Uri:________________

3. Tunay talaga kitang kaibigan.


Pang-ugnay_______________Uri:________________

4. Maganda kang sumayaw ngunit kulang sa insayo.


Pang-ugnay:______________Uri:________________

5. Pero, hindi iyon ang sinabi m okay Inay,nagsinungaling ka!


Pang-ugnay:______________Uri:________________

6. Subalit iyan ang sabi niya sa akin.


Pang-ugnay:______________Uri:________________

7. Totoo naman na kaunti lang ang kanyang pagkain.


Pang-ugnay:______________Uri:_______________

8. Talagang mahusay magsipagganap ang mga artista sa pelikula.

28
Pang-ugnay:______________Uri:_______________

9. Sadyang tunay kang pinagpala ng Maykapal.


Pang-ugnay:______________Uri:_______________

10. Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa.


Pang-ugnay:______________Uri:_______________

Para sa bilang 11-15: Punan ng pang-ugnay na pagsang-ayon o pagtutol ang


pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot. (Kopyahin ito sa iyong papel)

11.___________ na isang mabisa, walang kupas at makatutuhanang salamin ng


lipunan ang nobela.

12. __________na nag-iiwan ng aral ang bawat nobela sa mambabasa.

13.___________ higit sa lahat,ipinakita ang pagkamakatotohanang pagganap ng


mga tauhan sa nobela.

14.___________ malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa


pakikipagkapwa.

15.___________ nagpakita parin ng kahusayan sa pagganap bilang dalagang


katutubo si Angel Aquino.

Nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang


maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito sa pamamagitan ng pagpapakita ng
relasyon sa bawat pangungusap. Ito ay nagbibigay katiyakan sa mga tiyak na
mensahe, nagbibigay linaw, nagsasaad ng kadahilanan, sumasalungat sa
anomang ideya sa nauna at nagsasaad ng pagtatapos. Ang pang-ugnay ay ang
salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit sa
pangungusap.

Balikan

29
Balikan muna natin ang nakaraang paksa sa Aralin 2, tungkol sa
mahahalagang elemento ng nobela: tauhan, tagpuan, banghay, pananaw, tema,
damdamin, pamamaraan, pananalita at simbolismo na napakahalaga upang
mabuo ang isang nobela. Ang mga elementong ito ay mga sangkap upang
maging kawili- wili, makulay, mayaman at makabuluhan ang anyo ng panitikan.

Tuklasin

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagtutol o pagsang-


ayon sa nilalaman ng binabasa. Bawat isa ay may kanya-kanyang opinyong
dapat nating igalang o irespeto, ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan
maging magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang
maiwasan ang makapanakit ng damdamin. Pag-aaralan natin sa araling ito ang
mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa pagpapahayag ng
opinyon.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao ang pagbibigay ng sariling opinyon


o reaksiyon hinggil sa kanyang karanasan, nakita o napanood, narinig at nabasa
ay natural lamang. Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang
humahantong sa pagsang-ayon o pagtutol. Gayunpaman, ang konsepto ng
pagtutol o pagsang-ayon ay maaari ring mapagsama sa isang pangungusap.
Maaari ring maipahayag ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon o pagtutol
sa tulong ng mga pang-ugnay. Suriin ang mga halimbawa sa ibaba:

 Totoo/Tinanggap ko/Tama ka/Talaga/ Tunay pero/ subalit/


ngunit/Datapwat
Halimbawa:
Talagang mahusay ang pagkaganap ng mga tauhan sa nobela.
 Tama ka/Totoo ang sinabi mo,pero/ngunit/subalit
Halimbawa:
Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena, ngunit
nagpakita parin ng kahusayan sa pagganap bilang dalagang katutubo si
Angel Aquino.

30
 Sadyang/Totoong/Talaga/pero/ngunit
Halimbawa:
Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa.

Suriin

Natapos mo na at natuklasan ang panibagong kaalaman na may


kaugnayan sa Gramatika at Retorika: Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon o
Pagtutol sa Pagbibigay ng puna o Panunuring Pampanitikan. Ikaw ay handa na
sa ating talakayan.

Ang mga tao ay nagkakaiba-iba sa kanilang paniniwala, oryentasyon at


prinsipiyo. Sa ganitong paraan, sila ay hindi nagsasang-ayunan (disagree) at
nagkakatugma (agree) sa kanilang mga opinyon at paniniwala at kung minsan din
ay may pag-aalinlangan (doubt) sila sa bawat kakayahan (ability) o pahayag
(statement) na siyang likas (natural) sa tao. Para maipahayag ang pagkakatulad
(similarity) o pagkakaiba (difference) sa mga opinyong gamit ang wikang
Filipino.Pag-aralan ang sumusunod:

 Totoo/Tinanggapko/Tamaka/Talaga/Tunay-----pero/subalit/ngunit/
Datapwat.
 Tama ka/Totoo ang sinabi mo----pero/ngunit/subalit
 Sadyang/Totoong/Talaga/pero----ngunit

Mas madaling makuha ang mensahe ng manunulat kung ang mambabasa


ay may malalim na pag-unawa sa gramatika at retorika. Hindi maaaring
maghiwalay ang gramatika at retorika sa kahit ano mang akda. Ang gramatika
ang maayos na paggamit ng mga salita at ang retorika ang nagpapaganda sa
daloy ng isang akda. Gaya na lang halimbawa ng pahayag na;
Apoy na pinainit o yelong pinalamig. Ang pahayag ay tama sa gramatika
subalit mali sa retorika. Pag sinabi nating apoy ay talagang mainit na iyan at at
pag sinabi nating yelo ay malamig. Ito’y halimbawa ng maling pagkakagamit ng
retorika.

Pagyamanin

31
Gawain 1
Panuto: Balikang muli ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat”. Suriin at
itala sa talahanayan sa ibaba ang pagsang-ayon at pagtutol na ginamit.
Pagkatapos gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap.(3 puntos bawat bilang)

Pagsang-ayon o Pagtutol Pangungusap

1.

2.

3.

4.

5.

Isaisip

Tandaan mo!

Gawain 2

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Iguhit ang mukhang nakangiti

kung itoy nagpapahayag ng pagsang-ayon at mukhang malungkot ☹ kung


pagtutol.
_______1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa
mundo.
______2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda
ang buhay ngayon sa noon
.______3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan,napakahirap ang buhay sa mundo.
______4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
Huwag natin silang tularan
______5. Maling mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na
iyan.
______6. Kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa
mundo.

32
______7. Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan
sa ating pag-uugali at kultura.
______8. Maling mali talaga ang mga pagbabago kung itoy hindi makabubuti
sa lahat.
_______9. Ganoon rin ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.
_______10.Totoong kailangan ng pagbabago kayat gawin natin ito sa tamang
paraan.
_______11. Sapagkat hindi ito maisakatuparan kung masama ang ating paraan
na gagamitin.
_______12. Sadyang mas mainam kung mabuting paraan at pag-iisip ang siyang
ipapairal natin
_______13. Ngunit sadyang may mga tao dito sa mundo na pinapahalagahan pa
nila nga kasamaan kaysa kabutihan.
_______14.Tunay na nakikita ng Diyos ang mga maling gawi natin
_______15.talagang dapat na nating magbago pra sa ikakabuti ng lahat.

Isagawa

Gawain 3

Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na pang-


ugnay na pagsang-ayon at pagtutol.(tatlong puntos bawat bilang)

1. Tunay
___________________________________________________________

2. Talaga
__________________________________________________________

3. Totoo
__________________________________________________________

4. Bagkus
__________________________________________________________

5. Datapwat
__________________________________________________________

33
Tayahin

Panuto: Salungguhitan ang mga salitang pang-ugnay na pagsang-ayon o


pagtutol na ginamit sa pangungusap. Matapos mong masalungguhitan ang mga
salita ay isulat sa patlang kung ito ba ay pang-ugnay na pagsang-ayon o
pagtutol. (Gawin ito sa sagutang papel)

__________1. Talagang mahusay maglaro ng basketball si Itay.

__________2. Sa tingin ko, hindi siya karapat- dapat na maging opisyal ng

barangay.

__________3. Tunay talaga kitang kaibigan.

__________4. Maganda kang sumayaw ngunit kulang sa ensayo.

__________5. Pero, hindi iyon ang sinabi m okay Inay,nagsinungaling ka!

__________6. Subalit iyan ang sabi niya sa akin.

__________7. Totoo naman na kaunti lang ang kanyang pagkain.

__________8. Talagang mahusay magsipagganap ang mga artista sa pelikula.

__________9. Sadyang tunay kang pinagpala ng Maykapal.

_________10. Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa

pakikipagkapwa.

Para sa bilang 11-15: Punan ng pang-ugnay na pagsang-ayon o pagtutol ang


pangungusap.Isulat sa patlang ang sagot.

11.___________ na isang mabisa, walang kupas at makatutuhanang salamin ng

lipunan ang nobela.

12. __________na nag-iiwan ng aral ang bawat nobela sa mambabasa.

13.___________ higit sa lahat,ipinakita ang pagkamakatotohanang pagganap ng

mga tauhan sa nobela.

14.___________ malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa

pakikipagkapwa.

34
15.___________ nagpakita parin ng kahusayan sa pagganap bilang dalagang
katutubo si Angel Aquino.

Karagdagang Gawain

Matapos mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa Aralin 1 ng modyul na ito,


magkaroon muna tayo ng pagninilay at pagtala sa iyong nalikom na kaalaman
sa buong Aralin 3.

Gawain 4

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay at itala ang mga kaalamang iyong


natutuhan mula sa araling natalakay. Isulat ang sagot sa hugis puso.
(15 puntos)

Aralin:_________ Petsa:_______
Ang Aking Pagninilay sa Araling Natalakay

35
Aralin
Panunuri o Suring-Basa
4
Ang araling ito ay tungkol sa suring-basa na natalakay na rin sa mga nakaraang
aralin. Ang pagkakalahad ng araling ito ay mas pinasimple upang mas madali mong
maintindihan. Sa panunuri ay gagamit ka ng mga pagsang-ayon, pagtanggi o kung
minsan ay pag-aalinlangan.
May mga akda kang susuriin ayon sa iyong paniniwala o ideya subalit huwag
kalilimutang pagsanibin ang gramatika at retorika; ang tamang paggamit ng mga salita at
tamang pagpili ng mga ito.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Nnagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol
sa mga teoryang pampanitikan. (F10 EP-IIf-69)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang at isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-
aaral ng panitikan.
A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

_____2. Isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto.


A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

_____3. Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang pansin ang kakayahan o
katagian ng tao sa maraming bagay.
A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

36
_____4. Sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginagamit
pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapalobb sa
akda.
A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

_____5. Ito ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.


A.Bisa sa isip B. Buod
C.Paksa D. Tema

_____6. Tumutukoy sa gusting sabihin ng teksto sa mga mambabasa.


A.Bisa sa isip B.Buod
C.Paksa D. Tema

_____7. Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo at kabisahan


ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag.
A.Formalismo B. Marxismo
C. Realismo D. Sikolohikal

_____8. Umusbong noong 1900, nagpapatalas sa pandama ng mga


mambabasa, larawang diwa o imahe na ikinaganda ng akda.
A.Imahismo B.Marxismo
C. Realismo Romantisismo

_____9.Ang katotohana ang binbigyan diin at maylayuning ilahad ang tunay na


buhay.
A.Imahismo B.Marxismo
C. Realismo Romantisismo

____10. Ito ay tumutukoy kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon
ng mambabasa.
A.Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip
C. Buod D. Paksa

_____11. Maaaring isulat sa lima hangang anim na mahahalagang


pangungusap.
A.Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip
C. Buod D. Paksa

_____12. Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang element ng akda


ay nangangailanngan ng masusing pag-aaral.
A.Arketipo B. Feminismo
C. Marxismo D. Realismo

_____13. Binibigyang halaga ang indibidwalismo,rebolusyon,imahinasyon o


katotohanan na nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang
kapwa.
A.Arketipo B. Feminismo
C. Realismo D. Romantisismo

37
_____14. Dito pinapahalagahan ang katwiran at pagsusuri na ang layon ay
katotohanan, kabutihan at kagandahan,
malinaw, marangal, payak, matimpi…
A.Klasisismo B. Marxismo
C. Realismo D. Romantisismo
______15. Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.
A.Realismo B.Romantisismo
C.Sikolohikal D.Sosyolohikal

Balikan

Balikan muna natin ang nakaraang paksa tungkol sa Gramatika at


Retorika: Ang paggamit ng pahayag na pagsang-ayon o pagtutol sa pagbibigay
ng puna o panunuring pampanitikan. Ano-ano ang mga pang-ugnay na gagamitin
kapag sumasang-ayon o tumututol?
Sa pagsang-ayon ay mga pang-ugnay na totoo, tunay, talaga at iba pa,
samantala sa pagtutol ay mga pang-ugnay na hindi, ngunit, subalit at iba pa.

Tuklasin

Ang pagbabasa at panonood ay bahagi na ng buhay ng isang indibidwal.


Nalilibang ka sa pagbabasa ng anumang akda o pananonood ng mga palabas o
pelikula na nagtataglay ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Upang
masabing naunawaan mo ito, ang pagbibigay-puna o panunuri ay kailangan.

Sa panunuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga elementong taglay


nito: tauhan, tagpuan, tunggalian, simbolo, pahiwatig, magandang kaisipan o
pahayag at maging ang paraan ng pagsisimula at pagwawakas
.
Sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang pampanitikang
napapalopb sa akda tulad ng elemento ng maikling kuwento. Sa pagsusuri ay
inaalam din ang aspetong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan at
pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang
gagamitin sa pagsusuri. Ang pagsususri ay kaugnay ng pagiging interaktibo ng

38
tao, ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon hinggil sa kanyang
naranasan, nakita o napanood, narinig o nabasa. Dapat isaisip na ang pagsusuri
o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), Kahalagahan(importance), at
ang estilo ng awtor o may-akda ( author’s writing style).
Samantala sa pagsusuri ay mahalaga rin na matutuhan natin ang mga
teoryang ginamit sa akda. Para malaman natin ang sistematikong pag-aaral
ng panitikan at ang kagandahang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino o ano
mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda,
totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng kayamanan.
Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang
katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal
na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Suriin

Pag-isipan mo!

Panunuri at Suring Basa

Ang pagbasa ay may malaking ambag sa pangangalap ng kaalaman


hinggil sa mga konsepto at kabatiran sa ibat-ibang bagay na dapat matutuhan.
May layon sa pagbasa ang anomang akda o teksto. Nagiging makahulugan ang
pagbasa kung pahahalagahan ito tulad ng pagsusuri sa kabuuan ng isang akda.

Ang panunuri ay isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa


sa isang likhang sining. Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi
ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao- ang kanyang anyo, ugali,
kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya.

Ang suring- basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto


o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay,o iba pang uri ng
panitikan.

Ang pagsusuri o rebyu ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan at ang


estilo ng awtor o may-akda. Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang
balangkas ng isang suring- basa tulad ng sumusunod.

I. Pamagat, may-akda, genre


II. Buod (kung maikling kuwento,sanaysay,nobela)
III. Paksa
IV. Bisa(sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe

39
VI. Teoryang ginamit ( Naturalismo, Eksistensiyalismo,Realismo at iba
pa)
Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang
pangungusap. Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan
ang binasa. Ang bisa sa damdamin naman ay kung ano ang nadama at paano
napukaw ang emosyon ng mambabasa. Ang bisa sa isip ay kung paano
naimpluwensiyahan ang pag-iisip ng mambabasa.
Ang mensahe ay kung ano ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa.
Ang teoryang ginamit ay ang kahalagahan ng panitikan sa lipunan lalo na kung
ang teksto ay nasusulat sa isang mahalagang panahon ng kasaysayan.

Mga Teoryang Pampanitikan

Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng


panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong ibat -ibang
teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan at kagandahan ang mababakas sa
teoryang ito. Kahit sino o ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan
ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa
ginhawang maibibigay ng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari
subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili.
Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa
tao. Ang teoryang pampanitikan ay nakatutulong din upang maging mabisa ang
iyong pagsusuri sa akdang binasa at mas lalawak pa ang iyong pag-unawa sa
akdang iyong binasa hinggil sa lipunan, moralidad, kahirapan, katiwalian,
gobyerno at iba pa.

Uri ng Teoryang Pampanitikan

1. Moralistiko
Sumusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit, pinahahalagahan ang
moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda
2. Sosyolohikal
Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan

3. Sikolohikal
Makikita ang takbo ng isip ng may-akda; antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng
may-akda.
4. Formalismo
Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo, kabisaan ng
pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga
bahagi at teknik ng pagkakabuo ng akda

5. Imahismo
Umusbong noong 1900. Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa
larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda ng mga salitang kapag binanggit
sa akda ay nag-iiwan nang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa

40
6. Humanismo
Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian
ng tao sa maraming bagay

7. Marxismo
Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na
puwersa; malakas at mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at naaapi

8. Arkepto/ Arkitaypal
Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda at
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang
binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda

9. Feminismo
Maaaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga
babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen
ng mga babae sa akda. Layon nitong labanan ang anomang deskriminasyon,
exploitation, at operasyon sa kababaihan gaya nina Lualhati Bautista, Genoveva
Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo

10. Eksistensyalismo
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at
gawi ng tauhan. Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kanyang sarili
upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa
lipunan

11. Klasisismo
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri na ang layon ay katotohanan,
kabutihan at kagandahan. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo,
magkakasunod-sunod at may hangganan ang teoryang ito.

12. Romantisismo
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon, pagtakas mula
sa realidad o katotohanan. Nagpapakita din ito ng pagmamahal ng tao sa
kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga
kaisipan sa pamamaraang di- tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang
nakatatawa ngunit kung ito'y titingnan nang mabuti ay makikita nating may iba
itong kahulugan at kaisipan

13. Realismo
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay
na ang pinapaksa ay ang kalagayang nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon,
katiwalian, kahirapan at deskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan
at gobyerno.

41
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Basahin ang kasunod na mga akda. Unawain ang mga ito at gawan ng
pagsusuri.

Hindi Pa Dapat Maranasan


Samuel Reneis
Matinding kabog sa dibdib ang nararanasan ni Samuela. Pinagmasdan
niya ang lugar na pinagdalhan sa kanya ng babaeng nangakong bibigyan ng
magandang buhay ang isa sa walo niyang anak.
Naglalaro sa kanyang isip na dapat nasa loob siya ng silid-aralan at nag-
aaral. Sa kahirapan ng kanilang buhay, narito siya ngayon sa lugar na madilim na
pakiramdam niya’y punong-puno ng halimaw na sa anomang oras ay
sasagpangin ang buo niyang katauhan. Mabilis na tinakpan ng kanyang
dalawang palad ang mga mata at takot na nararamdaman.
Nasaan ang tiyahin raw niyang magpapaaral sa kanya? Maraming
katanungang di niya masagot. Nanlalamig siyang sumiksik sa pader na
pansamantalang nagbibigay-lakas sa nanghihina niyang katawan.
May mga tinig siyang naririnig…tulad din niyang bata pa. Mga impit na
tinig na nagmamakaawang di kaya ang ipinagagawa. Sa kabilang silid lamang ito
na malapit sa kanyang kinauupuan.
“Sana di ako pinasama ng aking ina. Paano kaya ako makakaalis sa lugar
na ito? Ano kaya ang ipagagawa na naman sa akin? Patuloy na pagtatanong sa
sariling walang kasagutan sa mga oras na iyon.
Kanina pa niya naaamoy ang usok na nakahihilo. Pabrika ba itong
pinagdalhan sa kanya?
Nabigla si Samuela nang itayo siya ng isang lalaki. Hinimas ang kanyang
mahabang buhok na nakatali. Sinabihang magpakabait at maging masipag sa
mga ipinag-uutos at tiyak na mararanasan ang pag-aalaga nila.
Sinimulan niya ang pagrerepak sa maliliit na plastik na sa tingin niya”y
puting harina. Ngunit nahihiwagaan siya kung bakit sa maliit na plastik.

42
Hindin na rin niya mabilang ang oras sa ginawang pagrerepak. Hapong-
hapo ang kanyang musmos na pangangatawan. Tinapay at tubig lamang ang
nagbibigay ng lakas sa kanyang tapusin ang ipinagagawa.
Waring may nagkakagulo sa labas. May sirena siyang narinig. Muli, siya”y
binalot ng kaba. “Bahala na” ang namutawi sa kanya sabay tingin sa itaas.
-Mula sa Kayumanggi,2015

Panuto: Suriin mo. Ibigay ang hinihingi ng bawat kahon. Gawin ito sa iyong
papel.

Pamagat Buod

Paksa Bisa (sa isip,sa damdamin)

Mensahe Teoryang Pampanitikan

43
Isaisip

Gawain2

Panuto: Sagutin nang may pag-unawa ang mga pokus na tanong.


( limang puntos bawat bilang )

Pokus na Tanong Sagot

1.Paano naiiba ang nobela sa iba pang


uri ng akdang tuluyan ayon sa elemento
nito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng


pahayag na pagsang-ayon at pagtutol sa
pagsasagawa ng suring basa? Ipaliwanag
ang iyong sagot.

3. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa


anumang uri ng panitikan? Ipaliwanag
ang iyong sagot

44
Isagawa

Gawain3

Panuto: Magsaliksik ng isang akdang pampanitikang pandaigdig. Basahin at


lumikha ng sariling ideya, puna at karanasan batay sa piniling akda. Isulat sa
short coupon bond ang pagsusuri. Sundin ang ibinigay na balangkas sa ibaba.

MAPANURING PAGBASA NG AKDANG PAMPANITIKAN


Pamagat ng Akdang Pampanitikan:____________________________________
May Akda: _______________________________________________________
I. Buod
II. Kaisipan ng Akdang Binasa
III. Puna sa Nilalaman ng Binasang Akda
IV. Mensahe
V. Teoryang Pampanitikan
Rubriks ng Inaasahang Pagganap

Lubos na Naisagawa Hindi


Naisagawa Naisagawa
Pamantayan 2
3 1

1.Pinag-uukulan ba ng pansin ang nilalaman


at ang paraan ng pagkakasulat

2. Iniwasan ang pagbibigay ng hatol

3. May batayan ang ginagawang pagsusuri

4. Hindi maligoy ang mga pahayag

5. Madaling maunawaan ang pagsusuri

6.Naging obhetibo ang pagsusuri

KABUUAN

45
Tayahin

Gawain 4

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang at isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-
aaral ng panitikan.
A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

2. Isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto.


A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

3. Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang pansin ang kakayahan o


katagian ng tao sa maraming bagay.
A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

4. Sumusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit


pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapalobb sa
akda.
A.Humanismo B. Moralismo
C.Suring Basa D. Teoryang Pampanitikan

5. Ito ay sumasagot sa tanong na tungkol saa ang binasa.


A.Bisa sa isip B.Buod
C.Paksa D. Tema

6. Tumutukoy sa gustong sabihin ng teksto sa mga mambabasa.


A.Bisa sa isip B.Buod
C.Paksa D. Tema

7. Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng


pagkakagamit ng matalinghagang pahayag.
A.Formalismo B. Marxismo
C. Realismo D. Sikolohikal

8. Umusbong noong 1900. Nagpapatalas sa pandama ng mga


mambabasa, larawang diwa o imahe na ikagaganda ng akda.
A.Imahismo B.Marxismo
C. Realismo Romantisismo

46
9.Ang katotohanan ang binbigyan -diin at may layuning ilahad ang tunay na
buhay.
A.Imahismo B.Marxismo
C. Realismo Romantisismo

10. Ito ay tumutukoy kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon
ng mambabasa.
A.Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip
C. Buod D. Paksa

11. Maaaring isulat sa lima hangang anim na mahahalagang pangungusap.


A.Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip
C. Buod D. Paksa

12. Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda at


nangangailanngan ng masusing pag-aaral.
A.Arketipo B. Feminismo
C. Marxismo D. Realismo

13. Binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon o


katotohanan na nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa.
A.Arketipo B. Feminismo
C. Realismo D. Romantisismo

14. Dito pinapahalagahan ang katwiran at pagsusuri layon ay katotohanan,


kabutihan at kagandahang malinaw, marangal, payak, matimpi…
A.Klasisismo B. Marxismo
C. Realismo D. Romantisismo
15. Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.
A. Realismo B.Romantisismo
C.Sikolohikal D.Sosyolohikal

Karagdagang Gawain

Gawain 5

Panuto: Gamit ang Three-Minute Review, markahan ang naging pag-


unawa sa mga paksang tinalakay sa araling ito nang may pag-aantas. Tsek (/)
lamang ang ilagay sa kahon.
Panitikan
Ganap na Naunawaan Bahagyang naunawaan Kailangan pang pag-
aralan

47
Gramatika at Retorika
Ganap na Naunawaan Bahagyang naunawaan Kailangan pang pag-
aralan

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO


Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
 Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng
mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
 Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang
sumusunod: a.)maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at
kaisipan, b.) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c.) kawili-wili at
pumupukaw ng damdamin, d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay
at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e.) malikhain
at may dapat maging maguniguning paglalahad, at f.) nag-iiwan ng
kariktan.
 Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong
sa pagsang-ayon o pagtutol.
 Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng
panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't
ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
 Ang pagsusuri o rebyu ay pag-alam sa nilalaman,kahalagahan at ang
estilo ng awtor o may-akda.
 Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto
o akda tulad ng nobela, maikling kuwento,tula, sanaysay,o iba pang
gawa / uri ng panitikan.

48
Lingguhang Pagtataya

Panuto: Suriin ang buod ng Impeng Negro gamit ang balangkas na nasa ibaba
ng buod na ito. (50 puntos)

Buod ng Impeng Negro


na orihinal na isinulat ni Rogelio Sicat

"Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na pina-


ngangaralan na naman siya. "Hindi ho" saad ni Impen" bayaan mo nga yung mga
yon huwag mo na lang pansinin para di ka mapaaway" muling tugon ng ina. May
iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito pinansin. Paulit ulit na
niyang naririnig ito kaya't naririndi na ang kanyang tenga. Pagkatapos mag-
hilamos ay agad nang kumilos si Impen para magpalit ng damit. Kahit antok pa
ay kailangan na niyang lumakad para di tanghaliin at makasalok ng tubig. Naroon
na naman siguro si Ogor kahit siya ang nauna sa pila ay lagi pa rin siyang
inuunahan ni Ogor para sumalok ng tubig."Si Ogor Impen, h’wag mo nang
papansinin" pahabol na banggit ng ina bago sya umalis. Tuwing umaga ay
umaalis si Impen para umigib at laging pinaaalalahanan ng ina na huwag nang
pansinin si Ogor dahil talagang basagulero raw ito.

Si Ogor na kamakailan lang ay umaway sa kanya. "Ang itim mo Impen"


laging tukso nito
"Kapatid mo ba si Kano?" saad ng isa pang naroroon (Si Kano ay kapatid
ni Impen sa ama, maputi ito kaya't nabansagang kano)"Sino ba talagang tatay
mo?" muling hirit nito "Sino pa eh di si Dikyam" sagot naman ni Ogor (Si Dikyam
ay isang karakter sa komik strip ni Tony Velasquez, ito'y sundalong
maitim)Tawanan ang mga naroroon. Si Ogor ang itinuturing na hari ng gripo na
kanilang pinagsasalukan "Eh ano kung maitim?" saad naman ni Impen. Sa
katagalan ay natanggap na ni Impen ang panunuksong iyon sapagkat ito ay
totoo. Ang kanyang ama ay isang negrong sundalo na iniwan ang kanyang ina
pagkapanganak pa lamang sa kanya. "Sari- sari ang mga kapatid ni Negro, baka
makatatlo pa nanay nya" muling panunukso ni Ogor.

Natatandaan niya ang mga panunuksong iyon at mula noon ay naging


mitsa na iyon ng kanyang paghihimagsik sa pook na iyon na ayaw magbigay sa
kanya ng katahimikan.
Halos kasinggulang ni Impen si Ogor ngunit hamak na mas matipuno ang
pangangatawan nito. Malakas si Ogor at hindi ito yumuyuko kahit may pasang
balde ng tubig. Nang marating na ni Impen ang hulihan ng pila ay ibinaba na nya
ang kargang timba na walang lamang tubig, saad sa sarili na sana ay huwag siya
ang maging paksa na naman ng mga agwador (taga-igib ng tubig). Nakaanim na

49
karga na ng tubig si Impen. Ngunit may isa pang nagpapaigib sa kanya. Kapag
tag-araw ay malakas ang kita ng mga agwador sapagkat mahina ang tulo ng
tubig sa kanilang pook at bihira ang may poso.
"Negro!" nagulat sya nang marinig iyon. Nasa likuran niya lamang si Ogor.
"H’wag ka nang magbibilad doon ka sa lamig" saad nito at isinahod na ang
dalang balde sa gripo.
Napakatagal ng oras para sa kanya ang pagpuno ng balde ni Ogor.
Napabuntung- hininga na lamang siya nang malapit nang mapuno ang mga ito.
Katwiran niya sa wakas makakaalis na ito at huwag na sanang bumalik. Tuwang-
tuwa si Impen nang mapuno na rin ang isa pang balde ni Ogor. "Makakasahod
na rin ako" sabi niya sa sarili. Daraan pa pala sya sa tindahan ni Taba at bibili ng
gatas para sa bunso niyang kapatid.
Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay isang
makapangyarihang kamay ang pumatong sa kanyang balikat. si Ogor ito. "Gutom
na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor "Kadarating mo lamang Ogor" Mariing
tutol ni Impen,"Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor. Agad na itinabi ni Impen ang
balde na nakatingin pa rin kay Ogor at itinapon niya ang konting laman nito.
"Uuwi na ako" bulong ni Impen sa sarili "Anong ibinubulong mo?" saad ni Ogor.
Maya-maya pa ay nabuwal si Impen at tumama ang pisngi sa labi ng nabiyak na
timba. Napasigaw ito sa sakit. Hinipo ni Impen ang pisngi, basa
ito...mapula...dugo. "O-ogor..O-ogor...Ogor!!!!" sa wakas ay naisigaw ni Impen.
Hindi nagustuhan ni Ogor ang pagsigaw nito kaya't sinipa niya si Impen at
nagtauban ang mga balde. Bumaliktad si Impen at tumawa nang malakas si
Ogor. Humihingal at lumuluha si Impen sa tinamo nya kay Ogor. Muli ay sinipa
sya ni Ogor sa kanyang pigi at namilipit sya sa basang semento. Matagal din
bago napawi ang kirot sa pigi ni Impen, maya-maya lamang ay bumangon at
itinukod niya ang kamay sa semento.
Si Ogor, simula noon ay inituring na siyang kaaway. Bakit siya inaapi nito.
Nanginginig sa galit ang katawan ni Impen. Nang muli siyang sipain ni Ogor at
parang asong sinunggaban ni Impen ang kanang paa nito. Nawalan ng balanse
si Ogor at silang dalawa ay nagpagulong-gulong. Nang mapaibabaw si Impen ay
walang tigil niyang pinagsusuntok si Ogor. Sinunod-sunod nya ito na wari ay
papatay ng tao. Papatayin niya si Ogor. Sunod-sunod na suntok ang
pinakawalan ni Impen at si Ogor naman ay tila asong nagpupumilit umibabaw. Sa
isang iglap naman ay siya ang napailaliman. Tinanggap niya ang mga suntok ni
Ogor. Hindi niya nailagan ang mga suntok nito sapagkat nasisilaw siya sa araw.
Tila manhid na si Impen, wala siyang maramdamang sakit. Sa mga suntok ni
Ogor ay tila nasalinan pa siya ng lakas. Buong puwersang umigtad at
napailaliman muli si Ogor. Natadtad ng suntok si Ogor sa mukha at sa dibdib.
Mahina na si Ogor, lupaypay na. Humihingal na rin si Impen sa walang tigil na
suntok.
Ang sabog na labi ni Ogor ang nagsasabing,"I-Impen...."Muli ay itinaas ni
Impen ang kamay upang suntukin pa si Ogor,"I-Impen...su-suko nako...su-suko
na..a-ako..."Ibinaba na ni Impen ang kanyang kamay. Napasuko niya si Ogor.
Ilang sandali lamang ay dahan- dahan nang tumayo si Impen habang nakatingin
pa rin kay Ogor. Wasak ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa ng
dugo ang kanyang mga labi. Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon.
Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay paghanga. May luha man sa
mata ay may galak ding nadama si Impen. Sa matinding sikat ng araw, tila isang
sugatang mandirigma si Impen. Nakatayo sa pinagwagihang laban..

50
Balangkas o format ng suring-basa:
● I.Pamagat, may-akda, genre
● II.Buod
● III.Paksa
● IV. Bisa ( sa isip, sa damdamin)
● V. Mensahe
● VI. Teoryang Ginamit

51
Sanggunian

Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Teresa B., Cariño, Eric O., Dasig, Mary Jane R.,
Enrijo, Willita A., Molina, Shiela C., Rivera, Julieta U, Sayson, Roselyn S.,
Tabora, Mary Grace A., Urgelles, Roderic P. "Panitikang Pandaigdig 10
Modyul para sa mga Mag-aaral." Meralco Avenue, Pasig City, Philippines:
Vibal Group, Inc, 2015.
Jocson, Magdalena O., Tolosa, Marites I.. "Hiyas ng Lahi 10 (Panitikan,
Gramatika at Retorika)." Meralco Avenue, Pasig City, Philippines: Vibal
Group, Inc, 2016.

52

You might also like