You are on page 1of 3

Pangalan:_____________ ______________________ Baitang/Pangkat:

____________________

Gumawa ng sariling bersiyon ng tula na


binubuo ng 2-3 saknong tungkol sa
pagmamahal ng anak sa kanyang magulang
base sa sariling karanasan. Gawing gabay ang
nabasang tula tungkol sa “Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay” na salin ni Mary Grace A.
Tabora.

KRAYTERYA NG PAGMAMARKA
Naaayon ang tema sa nabuong tula – 10
Orihinalidad/binubuo ng 2-3 saknong- 10
Naipasa sa tamang oras na ibinigay – 5
25 puntos
Walang Kang Kapares

CARL JANSENN RAYMUNDO

Di ko man kayang banggitin sa salita,

Binabawi ko nalang gawa

Dala marahil nang aking edad at di panatag na kalooban

May hiya na sa katawan akong tagalay

Dahil sa kat’wiran kong binata na

At Malaki ang anak dati’y kalong ng iyong bisig.

II

Mapalad na ata ako sa lahat ng batang kilala ko

Sapagkat sa aking kabataan hindi mo hinayaang ako’y mawalan

Sa aking paglaki hindi rin naman nahuhuli sa uso

Pero pinili mong maging simple at payak lang ang trato ko

Tinuran mo akong maging masaya sa maliit na meron ako

At makuntento sa bagay na meron ako

III

Sa paglipas ng panahon hindi nawala ang pagiging gabay mo

Kaya naman siguro dala ng kabataan nahihiya na rin ako

Ngunit laging nasa alaala ko ang panahon kalong ako ng bisig mo

At ang awit na naririnig ko mula sa mga labi mo

Salamat sa lahat ng sakripisyo mo

Sapagkat kung hindi dahil sayo malamang wala ako sa kinalalagyan ko

IV

Munting man na handog ito

Alam kong mapapasaya ko ikaw sa ginawa ko

Di sa salita ngunit makikita mo sa gawa


Tunay kang walang kapares, Pinakamamahal kong Mama

You might also like