You are on page 1of 8

Pasay City East High School

E. Rodriguez St. Malibay, Pasay City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
S.Y. 2018 – 2019

PORTFOLIO
NG AKING PANGARAP

Sam Brandon Zarandin


9 – gumamela

Ipinasa kay:

Mrs. Christina H. Globio

Guro sa ESP
I.

Ako si SAM BRANDON ZARANDIN ang aking magulang ay nasa ibang bansa siya ay tahimik
at masayang nag tatrabaho para sa amin. Ang kapatid ko ay si Sebastian magtira at kami
ngayon ay naninirahan sa Malibay, Pasay City sa aming tiyahin na si marilou Zarandin
Unilongo at sa aking tiyuhin na si Arthur Unilongo. Ako ngayon ay nasa katayuan ng ika
siyam na baiting sa pasay city east high school (PCEHS) at Masaya akong nag aaaral para
sa aking kinabukasan.

Mahaba haba ang daan na aking ngayoy tinatahak kaya madaming suporta at saya pa
ang aking pagdadaanan at ang pangarap ko sa buhay ay maka ahon sa kahirapan at
matulungan ang aking ina at balang araw ako na ang magpapa aral sa aking kapatid sa
kanyang kolehiyo at ang balak kong kunin na kurso ay HRM, ARCHITECHTURAL,
AERONOTICS. Atbp.

Nagpapasalamat ako sa mga tao na gumagabay at mga taong dadating pa lang at


handing gumabay sa akin hanggang sa dulo dahil sa kanila lalo kong mamumulat ang sarili
ko sa katotohanan at malalaman ang bawat ideya sa iba kung ano ang mali at kailangan
baguhin sa akin

Inaalay ko ito sa aking ESP teacher na si maam globio dahil pinagawa niya ito sa amin para
matulungan kami na maiangat an gaming grado sa kanya, ang proyektong inabot niya sa
amin ay aking pahahalagahan dahil ditto gaganda ang aking marka at ang marka kong
magaganda ang magdadala sa akin sa buhay na mapayapa at maayos at syempre sa
aking ina na naghihirap at sa mga tao na lagging nandiyan para sa akin para lagi akong
itama at gabayan.
II.

PANALANGIN

Aking panginoon na kay taas ako ay kalooban ninyo ng magandang pamumuhay at mga
maayos na makakasama sa aking daan na ngayon ay aking tinatahak ang panalangin ko
po ay sana bigyan mo po ako ng tibay,lakas at magandang tindig ng katayuan para ako
ay hindi bumagsak sa aking tinatawiran na daanan nananalangin ako sa ngalan ng aking
panginoong ama at kanyang anak na si jesus AMEN.

Para sa aking trabaho at kinabukasan:

Panginoon dinggin mo sana ang aking panalangin na sana ako ay may magandang buhay
at may maayos na katayuan sa aking makukuhang trabaho tulungan po ninyo ako na
makatapos para sa aking kinabukasan at gabayan po ninyo ako sa aking daan at ilayo
niyo po ako sa tukso ng kapalaran na magpapababa ng aking pangarap AMEN.
III. Ang aking pangarap

Ang pangarap ko ay makatapos sa aeronotics at maging isang piloto o kaya stewardess

Dahil hilig ko magpalipad ng mga bagay na maaari kong paliparin at maging ako sa
pagsasalita at pakikipag usap gamit ang ingles at may angking talino ako sa pag bibilang
at pagsusukat marunong din ako sa agham. Kung di ito ang aking kapalaran ay magiging
isa naman akong artista o director sa bawat peikula para ako ay makilala at mabigyan ng
karangalan sa sining.

Ang mga hakbang na gagawin ko para matupad ito ay mag aral lang ng mabuti at
pagandahin ang mga marka kung maaari ay pataaasin ang marka para sa mas posibleng
pagkakatupad nmg aking pangarap balang araw. Ako ay magsasanay sa maliit na sector
ng kurso hanggang sa kursong aking pinapangarap at magiging matalim ang aking utak sa
pagtitipid ng pera upang mas gumanda ang takbo ng buhay ko habang ako ay nag aaral
at palagi kong susundin ang palatuntunan ng aking guro para sa ikabubuti ng pag aaral ko.

Lagi din ako makikinig at matututo dahil ang gantong paraan ay aahon sa akin sa
kahirapan.

Ang tanging sagabal lamang sa aking pangarap ay ang sobrang pagiging makatropa at di
maiwasang sumubok ng ibat ibang uri ng bisyo. Upang ito ay maiwasan ako na mismo ang
iiwas para hindi masira ng aking pinapangarap na adhikain sa buhay
IV. Awit ng aking pangarap

Kabataan Para Sa Kinabukasan


Francis Magalona
Kapag ang tao'y masipag, tumatatag ang buhay,
nagsusumikap kahit mahirap, ialay
Ang pawis sa kinabukasan,
at nang tayong lahat ma-biyayaan, huwag kalilimutan
At laging tandaan ang hagdang
paitaas ang siyang laging tahakin
Anuman ang iyong gawin,
kahit yun at yun din, gawin mong magaling at sa
puso'y manggaling
Nasa palad mo ang kapalaran,
kabataan para sa kinabukasan
Oras ay ginto, gamitin ng mahusay,
dahil and oras ay walang hinihintay
Peace-Kapayapaan
Nature-Kalikasan
Children-Kabataan
Kabataan, kalikasan para sa kinabukasan,
iwasan ang pagkakamaling ating naranasan
Oras nang magtubos, daig natin 'wag sayangin,
'wag hayaang maubos
Oras na para kumilos (Make a stand)
Magkapit bisig para sa daigdig (Hand in hand)
Mulat na kabataan ang sagot,
'wag masasangkot sa ipinagbabawal na gamot
Kundi'y gamitin ang talino,
maging tunay na bayani, makabagong Pilipino
Sulong kabataan, ipakita ang lakas,
tunay at wagas na pag-asa ng bukas
Nasa palad mo ang kapalaran
,
kabataan para sa kinabukasan
Oras ay ginto, gamitin ng mahusay,
dahil and oras ay walang hinihintay
v. INTERPRETASYON SA KANTANG NAPILI

Napili ko ito dahil sa kanta na ito napapaisip ako lagi sa sarili ko na habang ako ay bata pa
dapat walang humadlang sa kinabukasan ko dahil sa kantang ito sinasabi ni francis
magalona na ang kabataan ay ang kinabukasan ng bayan at gusto ko maging parte ng
magandang kinabuksan at ako ay may magandang hinaharap para makatulong ako sa
sarili ko sa kapwa ko at sa aking lipunan at bayan para nararamdaman ko sa sarili ko na
nakatutulong ako sa pag unlad ng aking baying sinilangan.

Maganda ang teksto ng kanta dahil pag narinig mo ito lagi mong iisipin na ganto pala
dapat ang kapalaran ng kabataan dapat mga kabataan mismo ang mag papaunlad sa
bayan balang araw at ganun pala yun kahit na mga busabos at makukulit ang mga
kabataan dapat pag dating ng araw responsible na kami at dapat pala ganto mismo ang
manyare dahil pa gang mga kabataan ang napariwara lalong masisira ng lipunan ng
pilipinas dahil ang mga napariwara kapag di nagbago magiging dagdag na salot sa
lipunan .
VI.

Ako ay magiging isang ganap na piloto pag laki dahil ito ang aking pangarap tutulungan
ko ang mga tao na makalibot ng mas madali sa ibang bansa at gagalinga ko ang aking
pag eensayo sa pagpapalipad ng eroplano walang makaka awat sa akin

Handa ako magsugal ng ibang layunin matupad lang ang pinaka pinapangarap kong
mithiin sa buhay dahil alam ko na ang trabahong ito ay gusto ko at hilig ko at din a
magbabago iyon ang pangarap kong magpalipad ng eroplano ay nasa aking puso at
isipan at ito ay di magbabago hanggang sa aking pagtanda dahil ang trabahong ito ang
aahon sa akin sa kabila ng matinding paghihirap ng aking ina at mga taojng gumagabay
sa akin.
VII. MENSAHE SA GURO

MAAM globio maraming salamat po sa mga payo at kwento na inyong naibahagi sa amin sana
manatili ka pa din sa ganda ng iyong buhay dahil balang araw meron ka ding mga estudyante na
magiging tulad mo

Maam globio maraming salamat sa mga araw na tiniis niyo kami maraming salamat dahil simula
nang makilala niyo kaming buong gumamela natututo kayo magtimpi at magpasensya sa aming
klase

Kahit na di ka gaano nakakapunta sa amin saludo pa rin ako sa inyo dahil nagagawa ninyong
magbigay ng gawain sa amin upang ito ay aming pagka abalahan at nakakapagbigay ka ng
maayos na ipapaproyekto sa aming klase

Maam globio pagpasensyahan niyo na po ako kung simula unang markahan ay di ko magawa
makumpleto ang mga gawain na inyong ipinagagawa pasensya na din po dahil may mga
pagsasama tayo na nagiging abala ako at nagiging makulit sa inyo

Hindi rin ako madalas nakikinig sa inyo kaya sa mensaheng ito makikilala niyo talaga ako na isang
makulit maharot may katyabangan at medyo hambog mong estudyante pero maam sa buong
markahan ay hindi ka nakakarinig ng kahit anong sumbat mula sa akin dahil naiintindihan kita dahil
bilang isang guro at guidance teacher marami kang hinahawakan na tungkulin kaya di mo kami
magawang pagsabayin

Maam maraming salamat po sa mga araw at patak ng oras na inyong naibigay sa amin wala
akong msabing naging mali sa inyo dahil kahit minsan wala naman kayong ginawang mali ang
tanging ginawa nyo lang ay maglingkod sa amin at magturo para kami ay matuto at maging
gabay ka din sa amin sa aming mga hakbang sa aming pagtatapos at magiging kapalaran balang
araw. PAALAM  <3

Nagmamahal mong estudyante

Sam Brandon Zarandin

You might also like