Professional Documents
Culture Documents
Gureng, sa
ating mga sisters, Mother Divine, sa ating bisita ngayong araw, Mam Marivic Leano, sa ating
mga guro, ating mga pinakamamahal na mga magulang, kapamilya, at sa ating lahat na gra-
graduate ngayong taon, isang magandang umaga po sa inyong lahat.
Isa pong napakahalagang araw ito para sa akin, sa mga kamag-aral ko, sa aking mga
magulang, sa lahat ng magulang na narito ngayon at lalo na din po sa aking mga guro na
hindi nagsawang nagturo upang matuto kami at makatuntong ngayon sa entablado.
Bago po ang lahat. Nais kong magpasalamat sa Diyos na ako, tayo ay nakapagtapos sa
araw na ito, na kahit nakaranas tayo ng pandemya hindi tumigil ang MSFI upang patuloy na
ipaabot ang de kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng “Modular Modality at On line
Classes Napakalaking kasiyahan ang nadama naming ng manumbalik ang “Face to Face
Classes” dahil nakita at nakasama po namin ang mga classmates, kaibigan lalong lalo na po
ang aming mga guro. Sa F2F lalo po naming naipakita ang aming kagalingan sa klase at
maaayos na nalbabahagi namin ang aming mga ideya at talento.
Huwag natin kalimutan ang papel natin bilang mga kabataan. Pinagsumikapan nating
magkaisa sa kabila ng mga pagsubok, nabuo tayo bilang mas matatag at makadiyos na
indibidual.
Ngayon sa aking mga kaklase, tapos na natin ang elementarya at tayo ay mapupunta
na sa bagong kabanata, ang sekondarya. Sa ating pagpasok sa sekondarya, tayo ay umasa sa
marami pang mga karangalan at kasiyahan na darating
Bago ko po tapusin ang aking mensahe, nais ko pong ipahatid sa lahat na……
“SA MGA BATANG KATULAD KO, ANG KAHIRAPAN AY HINDI HADLANG UPANG
MAKAMIT NATIN ANG ATING PANGARAP SA BUHAY.” MAGTIYAGA, MAGSIKAP AT
MAGTAGUMPAY.