You are on page 1of 2

Sa ating mabait na tagamasid pampurok,__________________,sa

ang ating panauhing tagapagsalita,mga magulang,mga guro,


kaibigan at mga kamag-aral,isang matagumpay na araw sa
inyong lahat!

Ang pagpasok sa paaralan ay nangangahulugang mula Lunes


hanggang Biyernes ,idagdag na rin natin ang sabado para sa
general sciences. kailangan nating gumising ng maaga para sa
pang alas syeteng lectyur. Naalala ko pa noon ,nakakuha pa
ako ng perfect attendance kahit lagi akong late.Naranasan
kong magcutting class makapanood lang netflix .Gayunpaman,
sa pagpasok sa paaralan higit kong nakita ang pangangailan
na makapagaral para sa ating bayan.

At dahil higit kong minatamis ang pakinabang ng pag-


aaral,akoy nagpunyat ngunit nanatili, bumagsak ngunit
nagpunyagi at ngayo’y magtatapos na. Sa aking paglampas sa
isang nakaraan ako’y hahakbang patungo sa kinabukasan,
sapagkat ang pagtatapos kong ito’y isang bagong simula sa
aking pagtahak sa landas ng patuloy pang pag-aaral sa
medical school.Isang mahaba at matagal pang pagaaral. Sa
aking pananaw, mas higit na mahahasa ang ating murang isipan
upang labanan ang kamangmangang nagdudulot ng kahirapan at
pagbutihan ang anumang pagbabagong magaganap sa ating
lipunan. Huwag nating akalaing makakapagpabaya tayo sa ating
pagaaral at kinabukasan ay maaring na tayong makapaglingkod
sa bayan. Mapapanday at mahuhubog ang ating pagkatao mula sa
talinong taglay na nilinang ng mga gintong araw natin sa
paaralan. Kaalamang inimbak at pinagyabong ng mga taong
higit na nagsanay sa iba’tibang larangang may kinalaman sa
edukasyon. Tayo ang mangunguna sa pagtatatag ng isang
makabagong lipunang aangkop sa kabutihan ng lahat ng mga
Pilipino tungo sa pag-unlad.

Lubha akong mapalad kasama kayong lahat na magsisipagtapos


sa araw na ito. Naikintal sa ating puso at isip ang mga
mahahalagang kaalaman at kasanayang maghahanda sa ating
higit pang huhubog at pagkatuto.
Mapalad ang ating mga magulang at kapamilya dahil tayo ay
kasama sa mga nagtagumpay sa pagsulong sa maraming taon ng
tiyaga at pagtitiis sa paaralan.

Mapalad ang lipunan sapagka’t sa kanya’y daragdag tayo


bilang mga bagong mamamayang may malasakit at may
pakinabang.Dahil diyan ay papalaring lubos ang bansa na
magkakaroon ng mga edukadong indibidwal na maglilingkod sa
pamahalaan at mga pribadong institusyon.

Sa pamamgitan ng edukasyong aking tinanggap tulong at gabay


ng lahat na naging bahagi ng aking buhay bilang mag-aaral ng
institusyong ito, ako’y nakarating sa tugatog ng aking
tagumpay at nagkamit ng papuring sa hinawa ko ay higit na
dapat kong igawad sa inyo. Dahil diyan, ang lahat ng bunga
ng mga taon ng aking pagsisikap bilang mag-aaral ay sa inyo
ko rin iniaalay at lubos ko ring ibinabahagi ang karangalang
ito sa aking mga magulang.Talino at pangalan nating taglay
ay nakaukit na at patuloy na lilikha ng magandang halimbawa
sa lahat! Muli, magandang araw!

You might also like