You are on page 1of 5

Isa sa hinahangad nating mga estudyante ay ang araw ng pagtatapos sa pag-

aaral. Ito ay isang araw kung saan hindi lamang natin hinihintay na makuha ang ating
mga diploma, kundi pati na rin ang ating mga mahal sa buhay na nagpa-aral sa atin ay
sabik na makita ang ating pagma-marcha sa entablado at makuha ang pinaka-inaasam
na diploma. Sa aking mga iginagalang na guro, sa aming mga magulang at sa aking mga
kapwa mag-aaral. Magandang hapon!
Ngayon na ang huling araw bago ang ating “graduation”, malayo na ang narating
natin. Parang kailan lang, tayo ngayon ay makakatapos na sa ating kahirapan sa pag-
aaral at naghihintay na mapatibay natin ang ating pagtatapos, siyempre masaya diba
dahil sa wakas, matatapos na natin ang isang yugto ng ating pagsisikap at paghihirap at
may maipagmamalaki na ang ating magulang dahil nairaos na nila tayo sa kanilang
paghihirap para pang-gastos natin sa pang araw-araw na gastusin sa pag-aaral. Pero
gaya ng lahat ng pagtatapos, may mga lungkot na maaring makapaghiwalay sa mga
magkakaibigan at lalong-lalo na mamimiss ang isa’t-isa at mga masasayang sandali
kasama ang mga mahal nating guro. Naalala niyo rin ba mga kapwa ko estudyante?
Sabay tayong dumaan sa hirap at pagsubok, sabay tayong umiiyak at tumatawa tuwing
makakapasa tayo sa pagsusulit. Pero heto na, malayo-layo na ang narating natin at
palapit na tayo sa ating pangarap. Ito ang pinakahihintay na araw nating lahat para
makuha ang nararapat na pagkilala sa ating pasensya, pagtitiyaga at pagsusumikap sa
ating pag-aaral. Ito ang tamang araw para ipagdiwang natin ang matagumpay na
pagkumpleto ng pagsusunog ng ating kilay para sa ating magandang kinabukasan.
Nandito tayong lahat ngayon upang ipagdiwang ang isang magandang kaganapan sa
ating buhay estudyante. Ito ang araw na pinakahihintay natin, ang katuparan ng ating
matibay na pangarap na makumpleto ang lahat ng pagsisikap sa edukasyon. Ang hirap
na dinanas natin para makapagtapos sa apat na taong kurso na ito kasama ang ating
kaibigan, kaklase at guro ay nagbunga rin sa wakas. Una sa lahat ay nagpapasalamat ako
sa lahat ng ating mga guro na naging pangalawang magulang natin sa loob ng apat na
mahabang taon, dahil sa kanila narito tayo ngayon at gayundin sa unibersadad na ito na
naging pangalawang tahanan natin sa loob ng apat na taon at higit sa lahat ang aking
mga magulang na sumusuporta sa akin kahit nahihirapan kami ngayong taon. At
sobrang nagpapasalamat din ako sa Panginoon sa patnubay na binigay niya. Nawa'y
gabayan mo kami Panginoon sa aming bagong hamon. Maraming salamat sa aking mga
kaibigan at kaklase nagbigay aliw at kasama ko sa hirap at masayang pinagdaanan sa
unibersidad. Lumaban tayo para matupad ang ating mga pangarap. at sa pagtatapos ng
aking talumpati nais kung hikayatin ang aking mga kapwa magsisipagtapos na, na
gamitin natin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral. Isa puso natin lahat ng
ating nalalaman at natutunan.
Natapos na rin ang mahirap na yugto ng ating buhay estudyante pero ang bawat
kabanata ng pagtatapos ng isang mag-aaral ay hudyat ng panibagong
pakikipagsapalaran at umipsa ng mas malaking hamon sa tunay na laban sa buhay. Ang
pagtatapos sa ating mga kurso ay ang umpisa ng ating unti-unting pagtayo sa ating mga
sariling mga paa. Umpisa ng pag-abot ng ating mga munti at malalaking pangarap at
paghahanda sa ating mga sarili para sa mapaghamong paglalakbay sa totoong
kahulugan ng buhay. Isang mainit na pagbati para sa mga magtatapos, nawa’y mag
tagumpay ang bawat isa sa atin sa ating buhay. Dito na magtatapos ang aking talumpati.
Maraming salamat sa pakikinig at magandang hapon sa inyong lahat.
Tema: Sulong EduKalidad: Pagtataguyod sa Kinabukasan ng Bayan (Sulong
EduKalidad: Championing the Nation’s Future)

Maligayang araw ng pagtatapos sa inyong lahat, mag-aaral, guro at magulang!


Noong nakaraang buwan lang nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa aking guro, si
Gng. Torrente, na maging panauhing pandangal ngayon. Una sa lahat, ako ay lubos na
nagagalak na maimbitahan dito, kaya't tinanggap ko ang imbitasyon ng aking guro nang
buong puso. Masaya akong masaksihan ang pinakamahalagang kaganapan sa iyong
buhay, ang iyong pagtatapos.
Naalala ko pa noong nag-aaral ako dito, hindi naman ganoon ka rami ang mga
estudyante, konti lang ang klase noong nag-aaral pa kami, pero masaya ngunit ngayon
marami na ang mga klase dahil tagda-dalawang seksyon na ang bawat baiting ang
naging klasrom na rin ang ating HE room at ang canteen. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang makbayan park, kung saan naglalaro kami ng mga kaklase ko, dahil
doon kami nagsasaya pagkatapos ng klase. Lahat ng nandito ay nag-aalala sa akin, dito
ako nahubog bilang isang mabuting mag-aaral.
Ako ay nagging isang estudyante sa paaralang ito kaya sa tuwing nakikita ko
kayo ngayon, naaalala ko rin ang aking kabataan, kung gaano kami kasaya noong
graduating rin kami sa paaralang ito. Ako ay isang estudyante na hindi masyado
matalino pero nag-aral ng mabuti at nagsisikap para makakuha ng matataas na marka at
hanggang nag-kolehiyo ako, sinisikap ko pa rin na makakuha ng matataas na marka
kahit na mahirap. Talagang daig ng masisikap ang mga matatalino sa iba’t ibang paraan.
Hindi biro ang pag-aaral, kailangan ninyong magsumikap kung gusto ninyong
makapagtapos. May kasabihan tayo na “kung mag-aral kang mabuti, aani ka”. Sang-ayon
ba kayo rito? Sa ating temang “Sulong EduKalidad: Pagtataguyod sa Kinabukasan ng
Bayan”, kailangan nating magsumikap upang makamit natin ang ating mga pangarap sa
buhay at magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Kahit nahihirapan ako sa
kolehiyo at hindi ko alam kung makakapagtapos ako pero naniniwala sila na edukasyon
ang tanging pag-asa para sa ating kinabukasan. Hindi ko sinasabi ito para matakot kayo
sa mga haharapin ninyong bagong yugto ng inyong buhay, bagkus sinasabi ko ito para
maihanda ninyo ang inyong sarili at magsikap para sa inyong kinabukasan. Laging
tandaan na ang buhay ay hindi laging masaya, kailangan niyo pang magsumikap at
pagbutihan ang inyong pag-aaral para makuha ang gusto ninyo para sa inyong sarili at
para sa inyong mga pamilya. Natapos niyo na ang pag-aaral sa elementarya at sa
pasukan ay nasa sekondarya na kayo. Palaging tandaan ang mungkahi ni Dr. Jose Rizal
na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” kaya magsikap at magpatuloy sa hinaharap.
Ngayon ay nais kong pasalamatan ang aking guro na si Gng. Torrente at iba pang
punong-guro, guro at mga magulang. Maraming salamat sa iyong tiwala at sa pag-imbita
sa akin dito. Laking tuwa ko na naibahagi ko ang aking mga aral at karanasan bago ako
naging isa matagumpay na mga tao, nawa'y magsumikap din kayo at mag-isip tungkol sa
hinaharap. Hindi madali pero tiyaga lang. Salamat muli at maligayang araw ng
pagtatapos sa inyong lahat!
Noong Biyernes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 500
bagong pagkamatay mula sa COVID-19. Ito ang pinakamataas na bilang ng namamatay
sa Pilipinas sa loob lamang ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya. Tayo,
ako at ikaw din ay mabibiktima ng nakamamatay na sakit na ito kung hindi tayo mag-
iingat. Kaya naman narito ako para ibahagi sa inyo kung paano makaiwas sa sakit na ito.
Nang magsimula ang pandemya, maraming kabuhayan at buhay ang nawala.
Hindi natin alam kung kailan ito matatapos o kung may gamot pa ba para ditto na
makakasugpo ng tuluyan sa nakakamatay na sakit na ito. Ngayon mga ka-baryo,
mahalaga ang ating kalusugan. Mahalagang maging malusog sa panahong ito at maging
maingat, lalo na ang ating pamilya sa panahon ng COVID-19. Kung hindi tayo iiwas ng
sakit na ito, hindi lang tayo ang maghihirap, kundi ang ating mga pamilya ang
magdurusa dahil sa mga bayarin at hindi tiyak na pag-galing. Ang sakit na ito ay hindi
lamang isang bihirang sakit. Dahil ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang
nakakahawang sakit na dulot ng bagong baryasyon ng virus. Karamihan sa mga taong
nahawahan ng impeksyon ay makakaranas ng banayad na sintomas at gagaling din
kinalaunan kung mapapalikas nila ang kanilang mga resistensya. Ngunit ang iba naman
ay makakaranas ng malubhang karamdaman, lalo na ang mga matatanda at mga may
ini-indang karamdaman. Maraming buhay ang nawawala araw-araw, hindi lamang ang
ating mga kabuhayan, kundi pati na rin tayo. Kaya mahalagang pangalagaan ang ating
kalusugan. Mahalaga ngayon na sundin natin ang ating alituntunin para makaiwas tayo
sa sakit na ito. Narito ang pitong simpleng hakbang upang maprotektahan muna ang
iyong sarili at ang iba mula sa COVID-19. Una na rito ang paghuhugas ng kamay ng
madalas at maglagay ng alcohol. Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong at bibig.
Takpan ang iyong mga bibig kung uubo at kung babahing. Iwasan ang mga matataong
lugar at iwasang lumapit sa mga taong may lagnat o ubo. Manatili sa bahay kung ikaw ay
may sakit. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at nahihirapang huminga, magpatingin kaagad
sa iyong doktor, ngunit tawagan muna ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang
pangkalusugan at ang pang-huli ay kumuha ng impormasyon tungkol sa maaasahang
awtoridad. Sa panonood nito, makatitiyak tayo na tayo at ang ating mga pamilya ay
mapoprotektahan mula sa nakakahawang sakit na ito.
Mga kabarangay ko, gusto ko lang sabihin nav tayo ay mag-ingat at sundin ang
mga alintuntuning itinalaga ng Department of Health (DOH) at ng pamahalaan. Hindi
lang ito para sa atin kundi para sa ating mga mahal sa buhay at mga taong nasa ating
mga paligid. Maging malusog at malakas sa pamamagitan ng pagsunod dito. AKO, IKAW
at TAYO ang makakapag-pigil sa paglaganap nito kaya magkaroon tayo ng disiplina sa
ating mga sarili at mahigpit na sundin ang mga hakbang na tiyak makakatulong sa atin
upang makaiwas sa nakakamatay na sakit dulot ng COVID-19. Inaasahan kong susunod
kayo sa mga patakaran at. Tayo lang ang makakasalba sa ating buhay, kaya palakasin
natin ang ating mga resistensya sa pagkain ng mga prutas at gulay. Palaging mag-ingat
sa nakakahawang sakit na ito. Huwag din natin kalimutang mag-dasal at tatandaan natin
na matatapos din ang pandemyang ito. Iyon lamang at magandang umaga sa ating lahat!
Tema: “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa
Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya

Magandang araw sa inyong lahat! Sa araw na ito, nais kong batiin kayo sa Buwan
ng Wika na may temang "Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika" Ang mga
Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya. Ang tema ng Buwan
ng Wika 2020 ay nakatuon sa kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika
ng bansa na isa sa mga mabisang sandata sa digmaan laban sa pandemya dahil ang wika
ay ating ginagamit sa komunikasyon upang magka-unawaan at magka-isa tayong lahat
sa pagsugpo ng pandemyang ating kinakaharap. Layunin nitong hikayatin ang mga tao
na magpaka-tapang na pigilan ang higit pang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng impormasyon o pampublikong mensahe sa Filipino at mga katutubong
wika.
Ngayon ay gagamitin ko ang sandaling ito para magpa-salamat sa mga guro.
Maraming salamat po sa inyong sa imbitasyon. Ngayon sa panahon ng pandemya,
marami tayong pagsubok na kinakaharap. Sa ating ekonomiya, edukasyon at may
malaking dagok na kinakaharap ang pamilya, ngunit dahil sa ating pagkakaisa bilang
mamamayang Pilipino maipapakita natin dito ang tunay na pagmamahal sa ating bayan
o ang tinatawag nating patriotismo. Mag-tulungan tayong lahat upang masugpo ang
pandemya sa pamamagitan ng pag-gamit ng ating wika sa pagbibigay ng babala, paalala
at mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pandemya. Tayong mga Pilipino ay mag-
pakumbaba at magtulungan sa lahat ng bagay. Ang pagkakaisa na ito ay nasa ating dugo.
Ngayon sa paksang "Wika ng kasaysayan, kasaysayan ng wika" Ang mga Katutubong
Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya ay nangangahulugan lamang na
sa panahon ng pandemyang ito ay kailangan nating magtulungan at magkaisa dahil iyon
lamang ang ating pag-asa. Ang wika ang nag-uugnay sa atin sa lahat ng mga uri ng
kalamidad tulad ng mga bagyo, lindol, sakit, digmaang sibil at iba pa. Sa kabila ng mga
sakuna ay nagkakaisa pa rin tayo dahil naniniwala tayo na ang pagkaka-isa ang susi sa
ating pag-unlad bilang isang mamamayang Pilipino. Gamitin natin ang oras na ito para
mapatatag natin ang ating ekonomiya dahil hindi naman natin hahayaan ang
pandemyang ito na maging dahilan upang magkawatak-watak ang mga mamamayan ng
Pilipinas. Dapat tayong magsumikap para sa ating bansa upang lalo pang umunlad ang
ating minamahal na Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na ating kinakaharap.
Kaya naman kailangan nating mahalin ang ating Inang-bayan pati narin ang ating
sariling wika. Ating pagtibayin ang bayanihan sa pamamagitan ng pagtulong sa ating
kapwa upang maging mas maunlad ang ating minamahal na bansa. Sa taong
kasalukuyan, tayo ay nahaharap sa isang malaking problema sa gitna ng pandemya at
ang tanging pag-asa nating lahat ay magkaisa sa pamamagitan ng ating wika dahil ang
wika ang siyang mag-uugnay sa atin. At sa pagkakataong ito ay lalo tayong magtulungan
at magkaisa dahil bilang mga Pilipino ay dapat din nating mahalin ang ating kapwa
Pilipino. Maraming salamat sa inyong lahat, nawa'y patuloy nating mahalin ang ating
bansa at ipagmalaki ang ating sariling wika. Magandang umaga sa ating lahat!

You might also like