You are on page 1of 2

Talumpati sa Pagtatapos

Magandang umaga po sa lahat ng naririto, ako poy nag papasalamat sa inyong pagdalo. Alam ko
pong mayroon tayong kanya-kanyang gawain subalit mas inuna pa rin ang pag dating sa ating
pagtitipon. Ang pagdiriwang na ito ay isa sa pinaka importanteng pangyayari sa buhay ng isang
batang ordinaryo lamang noon at ngayo’y ganap ng “graduate”. Ang bawat kabanata ng pagtatapos
ay hindi ibig sabihin na hanggang dito na ka na lang, bagamat ito ay hudyat sa panibagong
pakikipagsapalaran at umpisa pa lamamng ng mas malaking hamon na kahaharapin sa tnay na buhay.

Kaya sa lahat ng aking kamag-aral na naririto ngayon, nawa’y magpatuloy tayo sa pagkamit ng
ating malalaki at mumunting pangarap upang ating masuklian ang lahat ng sakripisyo at hirap ng
ating mga magulang. Dahil hindi lang lahat para sa akin,sa inyo ang araw na ito, sapagkat kung
masaya kayo mas masaya ang naghihirap at nag-aruga sa inyo. Wag din nating kalimutan ang mga
minamahal nating guro na naging daan upang ating makamtan ang ating kinalalagyan. Sila ang
gumabay at kasama natin sa bawat araw na tayo ay papasok sa eskwela, sila ang nagssilbing
pangalawang ina sa ating lahat sa loob ng silid-aralan at sila rin ang mga gurong matataas ang
pasensiya na tayo ay kumbinsihingwag sumuko sa pag-aaral. Higit sa lahat wag din nating kalimutan
ang Diyos na naging sandalan natin sa lahat.

Sa ating lahat, bilang pagtatapos tumatak sana sa ating isipan na narating man natin ngayon ang
tuktok nang bundok, marami pa ring tinik ang haharang sa mga panibagong bundok na ating
dadaanan. Muli ako po’y nag papasalamat sa parangal na aking batanggap, sa lahat ng magulang at
guro nanaririto ako poy lubos na napapasalamat sa inyong pagdalo. Hanggang dito na lamang at
maraming salamat. M abuhay ang lahat ng “GRADUATES!”.

You might also like