You are on page 1of 1

Ang Simula Patungong Tagumpay

Isang napakagandang araw ang ipinagkaloob ng ating mahal na Panginoon sa atin. Sa


mapagmahal na ina ng ating paaralan Gng. Irene M. Caringal, sa ating nag-gagandahan at
nag-gwagwapuhang mga panauhin, sa ating mga butihing guro, sa ating mga magulang na
nagsuot pa ng kanilang pandiinang mga damit, sa mga kapwa ko magsisipagtapos taong
2018-2019. Magandang umaga po sa ating lahat,
Ang buhay mag-aaral ng Senior High ay hindi biro, parang pagkasawi langyan sa pag-
ibig mahirap man tanggapin pero kailangan para sa future natin. Alam kong maraming balakid
ang humahadlang sa atin bago tayo makarating sa puntong ito tulad ng kakulangan ng
pinansyal para sa araw-araw na pagpasok problema din ang distansya ng bahay sa paaralan.
Alam kong maraming mag-aaral ang naglalakad mula sa kanilang bahay hanggang sa
paaralan, dagdag isipin parin ang pag-uwi. Hinding-hindi ko makakalimutan at alam ko ng ilan
sa inyo ang thesis, thesis na nagpahirap at nagpakomplikado bilang isang mag-aaral ng
Senior High, ilang rejection at revision ng topic. Hindi masamang indahin ang ganitong
pagkakaton peo lagi nating iisipin kung bakit na ito ginagawa, para ba ito sa sarili ko? para ba
ito sa pamilya ko? malaki ba ng magiging epekto nito sa future ko?
Ang araw na ito ay natatangi sa mga araw naming bilang isang mag-aaral, ang araw ng
pagkilala sa mga mag-aaral na magsisipagtapos, sa mga mag-aaral na nagkamit ng
karangalan nhindi lamang sa larangan ng akademiko pati narin sa larangan ng sports.
Nais kong kuhanin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang ating mga guro na
umagapay sa atin mula ng tayo’y tumungtong sa ating mahal na paaralan- Agoncillo Senior
High School. Saludo po ako sa inyong sipag, tiyaga, at diterminasyon. Sipag – na kahit pagod
na kayo sa pagtuturo at pagsasalita maghapon kinakaya nyo parin. Tiyaga – na kahit may
matigas ang ulo sa klase, kahit na paulit-ulit kaming nagtatanong sa inyo pilit nyo parin kaming
iniintindi. Diterminisayon – na kahit ang hirap hirap naming pakisamahan pilit parin kayong
lumalapit sa amin para punan ang pagiging ikalawang magulang namin.
Nagpapasalamat din ako sa mga kamag-aral ko na hindi lamang naging kaibigan ko
naging kapatid ko narin. Salamat sa lahat ng lungkot, saya, hiya at sari-saring mga emosyon
na aking naramdaman nung kayo’y aking kasama. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan.
Nais ko din mag-pasalamat sa ting mga magulang sa kanilang pagtyatyaga,
pagmamahal, at mga sakripisyong nagawa para makarating tayo sa puntong ito, Nais kung
humingi ng isang pabor sa mga kapwa ko magsisipagtapos na tumayo, humarap sa magulang
natin at sabihin “Nanay, Tatay maraming salamat po, hindi pa dito natatapos ang lahat
nagsisimula pa lamang po ako”
Sa pagtatapos ng aking talumpati nais ibahagi ang isang aral na tumatak sa aking
puso’t isipan. Huwag tayong matakot na magkamali, kung madapa man tayo bangon lang,
kung matalo man tayo laban lang, huwag nating isipin na sumuko dahil ang pagsuko ay
sumisimbolo sa pagiging duwag at pagkatalo. At naniniwala ako na ang tunay na tagumpay ay
paghawak na natin ang ating College Diploma na handang magtrabaho at subukin ang
panahon para sa ika-aangat ng ating buhay at pamilya. Hindi pa dito natatapos ang lahat, ito
ay simula pa lamang ng atign paglalakbay patungo sa tagumpay. Muli, magandang umaga po
at maraming salamat.

You might also like