You are on page 1of 2

Pangalan: Jaymark C.

Hisona
STEM-127

TALUMPATI

Sa ating kagalang-galang na mga guro lalong lalo na sa ating butihing punongguro na si


Dr. Dennis M. Lucas, katuwang ng punongguro ng Departmento ng Senior Highschool
G. Marcelino Porcal, pinuno ng departmento ng STEM, Gng. Geraldine Dangan, , sa
aming pinakamamahal na gurong tagapayo, Gng. Razzel V. Atrero, sa ating panauhing
pandangal, Engr. Claudio Gonzales, sa aming minamahal na magulang, sa aking mga
kapwa mag-aaral na magtatapos sa araw na ito, isa pong mabunyi at mapagpalang
araw sa inyong lahat.

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalita sa


harapan ninyong lahat.
Narito tayong lahat upang ipagdiwang ang isang makasaysayang pangyayari sa ating
buhay bilang isang mag-aaral. Ito ang araw na ating pinakahihintay, araw na kung saan
makakamit natin ang tagumpay na ating pinaghirapan—ang pagtatapos ng SHS. Bago
ko simulan ang aking pagsasalita, balikan muna natin ang mga araw na hinding-hindi
natin makakalimutan. Maalala niyo nong unang papasok natin sa eskwelahan para
tayong mga pusa sa sobrang tahimik dahil wala tayong mga kilala? Hindi natin alam
kung sino-sino ang magiging kaibigan natin, magiging kasama sa pagkain sa tuwing
tanghali at hanggang sa pag uwi. Ngunit pagdating ng ilang linggo nariyan na ang mga
taong magiging kasama mo sa lahat: sa pagkain, sa pag-uwi, hanggang sa pagsagot sa
academic works. Hinding hindi rin mawawala ang pagtatampuhan ng mga
magkakaibigan dahil lang sa pinagtalunan niyong sagot sa math dahil ang sagot niya ay
0.678 at sa iyo naman ay 0.689. Sumunod pa riyan ang HINDING HINDI talaga natin
makakalimutan—ang pagkokopyahan. Hinding hindi talaga natin makakalimutan ang
lahat ng mga alala-ala tungkol dito. Yong pasahan na pero ikaw nasa activity 2 palang
tapos ang mga kaklase mo ay nakapasa na. Lahat ng mga ito ay isa sa mga bagay na
hinding hindi natin makakalimutan bilang estudyante. Lahat ng mga alaala at mga
pangyayari ay mananatili sa atin hanggang tayo ay maging kolehiyo na.

Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral ay mahirap, maraming pagkakataon


na napapatanong nalang tayo sa ating mga sarili na "kakayanin ko pa kaya ito?",
"Pasok kaya ako sa honors?", "may bagsak kaya ako?". Ngunit narito tayong lahat,
nakikinig, at nagdiriwang dahil tayong lahat ay magsisipagtapos na.

Nais kong magpasalamat sa walang sawang pagtuturo ng mga guro sa atin dahil kung
ano ang hirap ng estudyante upang mag-aral ay siya ring hirap ng mga guro sa
pagtuturo lalo na sa mga estudyanteng laging late o absent. Lahat ng mga iyon ay
aking babauinin hangggang sa aking pagkolehiyo. Madalas sa ating mga estudyante ay
kina-iinisan naten ang mga gurong laging pumupuna ng ating mga marka at pag-uugali,
ngunit ito ay ilan lamang sa mga patotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro
sa propesyon, kundi guro din sa kanilang mga puso bagkus ang tunay na guro ay
nagmamahal ng kanyang mga estudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming
maraming salamat po sa walang sawang pagga-gabay sa amin sa tamang daan.

Marami ang nagsasabi na ang buhay high school ay siyang pinaka-masayang bahagi
ng buhay estudyante. Ako ay naniniwala sa kasabihang ito dahil lubos akong nagalak
sa anim na taon kong pag-aaral sa high school. Anjan ang aking mga kaklase na
walong oras ko nakakasama limang beses sa isang linggo. Bagamat
maghihiwa-hiwalay na tayo ng landas, dapat tayong matuwa dahil may babalik- balikan
tayong masasayang alaala sa ating buhay high school. Isa kayo sa mga tumulong sa
akin upang mahubog ang aking personalidad. Sa pagtungtong ko ng kolehiyo, tiyak na
hindi na ako mahihirapang makisama sa aking mga bagong makikilala bagkus
tinulungan niyo akong mahubog ang aking kagalingang panlipunan. Naway
magtagumpay tayo sa anumang landas na ating tatahakin.

Sa aming mga magulang at pamilya na laging nariyan, maraming maraming salamat


po. Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa tamang landas. Sa aking mga magulang at
pamilya, nais kong magpasalamat sa lahat ng sakripisiyo at pagmamahal na ibinigay
niyo sa akin. Ang mabigyan ng pagkakaton upang mag-aral ay isa sa mga
pinakakananais ng bawat Pilipino, at ako ay nabigyan ng pagkakataon upang matupad
ko ang aking mga pangarap. Alam kong, responsibilidad ng isang magulang ang
mapag-aral ang kanyang mga anak, ngunit naniniwala akong ito ay mas higit pa sa
responsibilidad, ito ay pagmamahal nila sa atin. Pagmamahal na higit pa sa ating
inaasahan. Kaya sa mga estudyanteng katulad ko, wag po natin ipa-sa walang bahala
ang pag-aaral na ibinibigay ng ating mga magulang.

At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa'y wag nating kalimutan ang lahat ng ating
natutunan. Sa pagtatapos nating ito, isang pinto naman ang magbubukas para sa ating
hinaharap ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa ating buhay.
Kung ano man ang nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha o makamit natin
agad ito, ang importante ay matutunan nating magsumikap upang makamit ang mga ito.
Muli maraming maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

You might also like