You are on page 1of 3

Isang libong butil ng Pasasalamat

Padayon! kahit na napapagod sa dami ng mga proyekto at takdang aralin,

Padayon! sa dami ng bagyong dumadaan na hindi makapasok sa paaralan, Padayon! Sa nagdaang taong pinahirapan
ng pandemya,

Padayon ! sa kahit na anong dagok ng buhay may nanatiling nakatayo para umantabay,

Padayon! kahit na anong ingay ng mga balakit para mag tagumpay ay nantiling wais at matalino sa buhay at Padayon
na kahit pagod na sa problema ng pamilya.

Sa ating respetado at mahal na guest speaker Sir ALLAN G. BARNACHEA, sa ating minamahal at napakagandang
tagamasid pampupurok MAM AMELIA P. NEBRES , sa ating masipag na District OIC SIR JAY B. LAGASCA, sa aming
minamahal na Principal Carlo R. Mañalac at sa aking guro Sir Joshua Marc C. Rapisora, Parents, Teacher's. Isa pong
mapag palang umaga/hapon sa ating lahat.

Alam ko po na tayong lahat ay hinitay ang araw na ito na makapag tapos sa Elementarya dito mababang paaralan ng
Partida-1 tayo po'y nagagalak at natutuwa dahil sa wakas ay may bago po tayong tatahaking landas at haharapin ng
may baong talino at lakas. Hindi parin po ako mmakapniwala na minsan dumating sa buhay natin na pinadapa tayo
ng pandemya, marami po sa atin ang pinanghinayaan ng loob, nawalan ng interes at pag-asa.

Ngayon! May nais po akong ibahagi sa inyo na natutunan ko sa isang kataga ni Einstein,na mag sisilbing payo.

'In the middle of difficulty lies oppurtunity”

Nakakalungkot dahil minsan sa sobrang bigat ng problema ay naliligaw tayo at hindi natin namamalayan ang bawat
pangarap na binuo ng mahabang panahon ay nasira ng pagkakataon. Ang dating ingay sa bawat sulok ng paaralan ay
naging nakakabinging katahimikan, ang mga masasayang naglalarong mga bata ay mistulang nakatali ang mga paa, at
higit sa lahat ang mga libro, lapis at papel na lagi nating dala ay nakatago sa isang sulok dahil hindi na muling
magagamit.

Ang mga ngiti ng ating mga guro at ka-ekwela ay hindi na makikita pa, ang payo at sermon ng ating mga guro ay hindi
na maririnig, ang mga masasayang kwentuhan kasama ang mga guro ay napalitan ng kamustahan sa telepono. Ang
paggising ng umaga upang makapag handa ng uniporme papasok sa paaralan ay napalitan ng pag hahanda para
sa pag kakaabalahan. Paulit ulit na nakakasawang proseso ang bawat araw-araw na nag daan dahil sa limitadong
galaw.
Sa ating mga butihing mga Guro na naging pangalawang mga magulang, hindi po kami makakatungtong sa tagumpay
namin na ito kung wala po ang inyong tulong at mga pag titiyaga na bigyan po kami ng karunungan.

Hindi po kami magkakaroon ng kaalaman na makakatulong na magagamit namin sa susunod namingtatahiking


bagong landas. Alam po namin na ang relasyon niyong ay bilang isang estudyante at guro lamang, ngunit dahil sa
lubos na pag mamahal sa inyong tungkulin ay nagkaroon ng matibay na samahan. Ang nilaan niyo pong panahon
upang kami ay matuto at hindi po namin makikita ang aming mga potensyal na kakayahan.

At sa akin, sa aking kapwa mag aaral ang pag tatapos nating ito ay ang ating tagumpay! Nawa'y wag nating
kalimutan ang lahat ng ating natutunan. Sa pag tatapos nating ito,isang pinto naman ang mag bubukas

para sa atin na kailangan nating kaharapin, ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa ating
buhay. Kaharapin man natin ito ng mgakakasama o mag kawalay ay mananatili ang samahan nahindi mabubura ng
panahon. Kung ano man ang naisin natin sa buhay, sana'y mapag tagumpayan natin ng hindi tayo nakakalimut sa
ating pinag mulan. Hindi importanteng mabilis natin ito makuha, dahil nasa proseso ang lahat ang importante ay may
natutunan tayo sa pagkamit nito.

Muli, Maraming Salamat po. Mabuhay tayong lahat!


Sa ating mga butihing mga Guro na naging pangalawang mga magulang, hindi po kami makakatungtong sa

Tagumpay namin na ito kung wala po ang inyong tulong at mga pag titiyaga na bigyan po kami ng karunungan.

Hindi po kami magkakaroon ng kaalaman na makakatulong na magagamit namin sa susunod naming

tatahiking bagong landas. Alam po namin na ang relasyon niyong ay bilang isang estudyante at guro lamang,

ngunit dahil sa lubos na pag mamahal sa inyong tungkulin ay nagkaroon ng matibay na samahan. Ang

nilaan niyo pong panahon upang kami ay matuto at hindi po namin makikita ang aming mga potensyal na

kakayahan.

At sa akin, sa aking kapwa mag aaral ang pag tatapos nating ito ay ang ating tagumpay! Nawa'y wag nating

kalimutan ang lahat ng ating natutunan. Sa pag tatapos nating ito,isang pinto naman ang mag bubukas

para sa atin na kailangan nating kaharapin, ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat sa

ating buhay. Kaharapin man natin ito ng mgakakasama o mag kawalay ay mananatili ang samahan na
hindi mabubura ng panahon. Kung ano man ang naisin natin sa buhay, sana'y mapag tagumpayan natin

ng hindi tayo nakakalimut sa ating pinag mulan. Hindi importanteng mabilis natin ito makuha, dahil nasa

proseso ang lahat ang importante ay may natutunan tayo sa pagkamit nito.

Muli, Maraming Salamat po. Mabuhay tayong lahat!

You might also like