You are on page 1of 2

AKING PASASALAMAT

(Talumpating Pasasalamat)
Ni: JINKY M. RAMOS
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naging tagumpay tayo sa ating minimithi sa buhay.Hindi rin sa lahat ng
pagkakataon ay naging atin kung ano ang gusto natin .Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naging matagumpay tayo sa
ating mga pangarap sa buhay .Lagi nating tatandaan na meron ding kabigoan na darating sa ating buhay.Ang
kaalaman ay huwag madaliin tulad ng isang sinaing matiris at hilaw kapag kinain.Mahirap mag-aral ngunit mas
mahirap kung walang pinag-aralan.
Sa mga mag-aaral ,sa ating mahal na Guro Bb. ILUMINADA F. NINGAL ,sa mga magulang,bisita at sa lahat ng
nandito ngayon, magandang hapon sa inyong lahat.
Sinasabing ang edukasyon ay ang solusyon sa lahat ng problema lalung-lalo na sa ating bayan. Sa buhay ng
isang mag-aaral, isang napaka-laking karangalan ang makapagtapos sa pag-aaral. Bilang isang mag-aaral, ako ay
nagpapasalamat na ako ay nakarating sa ganitong estado ng aking buhay- ang makapagtapos sa pag-aaral. Ngunit,
hindi ako makapagtatapos sa aking pag-aaral kung hindi dahil sa mga tao na naging inspirasyon ko upang
ipagpatuloy at makapag-tapos.
Unang-una, akoy nagpapasalamat sa aking pamilya na laging andyan sa aking tabi lalung-lalo na sa mga
panahong akoy maraming problema. Maraming salamat sa aking mga magulang na wala sawang nagbibigay ng
kanilang pagmamahal at walang sawang pagsusuporta sa aking mga desisyon sa buhay. K ahit minsan akoy naging
pasaway sa inyo pero na jan parin kayo nagmamahal sa akin.
Pangalawa, akoy nagpapasalamat sa aking mga naging pangalawang magulang- ang aking mga guro. Kayo
ang nagsilbing instrumento ng ating Panginoon upang akoy bigyan ng sapat na karunungan at katalinuhan upang
magamit ko para ako ay magtagumpay sa aking buhay. Kayo ang siyang tumutulong sa akin sa mga panahong akoy
hirap sa mga leksyon sa aking mga asignatura. Maraming salamat. Dahil sa inyo, ako ay may mga bagong kaalaman
na maaari kong magamit sa darating na mga panahon. Mabuhay kayong mga Guro.
Pangatlo, sa mga kamag-aral ko. Kayo ang ginamit ng Panginoon upang akoy maging masaya kahit pa sa
mga panahon na akoy puno na ng mga problema. Maraming salamat sa mga oras na inyong ginugol na kasama ako,
sa mga tawanan, sa mga pang-aasar at higit sa lahat, sa pagmamahal na inyong ipinadama sa akin.
At higit sa lahat, maraming maraming salamat sa Panginoon na siyang nagbigay ng buhay sa akin. Kung
hindi dahil sa kanya, wala ako sa inyong harapan. Siya ang nagsilbing ilaw sa akin lalung-lalo na sa panahong puno
ng kadiliman ang aking buhay. Siya ang nagsilbing pag-asa sa aking puso sa mga panahong nahihirapan ako sa pag-

aaral. At higit sa lahat, siya ang nagsilbing katulong ko sa aking paggawa ng mga desisyon na nakatulong sa akin
upang magtagumpay at makatapos ng pag-aaral.
Ito ang nagsisilbing simula ng mas mahirap na kabanata sa ating buhay. Ngunit, mapagtatagumpayan natin
ito kung tayo ay hindi makakalimot na may mga taong handang tulungan tayo sa mga problema natin. Lagi nating
tatandaan, wala nang iba pang makatutulong sa atin kundi tayo lamang at ang mga taong walang sawang
nagmamahal sa atin. At kung tayo man ay dumating sa puntong hirap na hirap na sa buhay, huwag tayong
magdalawang isip na humingi ng tulong sa Maykapal. Dahil walang ibang makakatulong sa atin kundi ang
Panginoon lamang.
Sa muli mapagpalang hapon at mabuhay tayong lahat!!!!

You might also like