You are on page 1of 2

TALUMPATI PARA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

Isinulat ni Krister Pereyra

Isang magandang hapon po sa inyong lahat. Sa ating iginagalang na punong barangay at ang
akin ding kaibigan na si G. Neo Angelo Suarez, sa kanyang mga kagawad, sa ating masipag napunong
guro na si Bb. Kyla Sebastian, sa lahat po ng mga guro, sa mga PTA Officers, sa mga panauhin, sa mga
magulang, at lalong lalo na sa ating mga magsisipagtapos ngayong araw. Isang mapagpalang hapon po
sa inyong lahat.

Lubos po akong nagpapasalamat dahil hindi lang ako binigyan ng pagkakataon ng Roosevelt
Elementary School ng karangalan makapagsalita sa harap na ito kundi binigyan din ako ng pagkakataon
na pasalamatan ang mga taong tumulong, at humubog sa akin upang marating ko ang aking tagumpay.

Maraming salamat din sa aking kapatid, sa aking mabubuting magulang, sa kanilang walang
sawang pag gabay kung hindi dahil sa kanilang pagsisikap ay wala ako dito sa entabladong ito upang
magbigay ng mensahe at inspirasyon na babaunin ng mga magsisipagtapos sa kanilang pakikibaka sa
buhay, at higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa Diyos sa kalooban niyang marating ko ang pangarap
kong maging isang inhinyero.

AKo po si Krister Pereyra, isang ganap na inhinyero na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas


taong 2026 at nagtapos na may mataas na karangalan. Lumaki at naninirahan din sa napakagandang
lugar ng Roosevelt DInalupihan Bataan.

Naalala ko pa noong ako ay isa ring tulad niyong tatanggap ng diploma sa paaralang ito, 12 taon
na ang nakakaraan. Katulad ninyo ngayon na nakakaramdam ng mga samut saring emosyon,
saya ,tuwa, lungkot at pangamba. Saya o tuwa sapagkat nalagpasan niyo na ang unang hakbang sa pag
abot ng inyong mga pangarap. Lungkot sapagkat iiwan niyo na ang inyong mahal na paaralan, mga
mapagmahal ninyong guro, mga kaklase, mga nalalapit ninyong kaibigan, maging ang mga matatalik
ninyong kaibigan na karamay niyo sa araw araw sa gitna ngmga mga pagsubok na nararanasan ng
inyong kamusmusan at pangamba sapagkat haharapin niyo na ang panibagong yugto ng inyong buhay.

Hindi lang kayo mga magsisipagtapos ang nakakaranas ng pakiramdam na yan, mas higit ang
saya at galak ng mga magulang niyo. Sapagkat nakikita na nila ang bunga ng kanilang pagsisikap. Sa
pamamagitan ng munting diploma na tatangapin niyo ngayon, ay iyan ang nagsisilbing pag asa para sa
kanila, yan din ay isang senyales na unti unti niyo nang nakakamtan ang inyong mga minimithing
pangarap sa buhay.

Marahil sa murang edad niyo pa lamang ay meron na kayong mga pangarap sa buhay, marahil
ang ilan sa inyo ay nangangarap na maging doctor, inhinyero , piloto, dentista, pulis , maging isang guro
balang araw at iba pa.

LIBRE ANG MAGARAP! Katulad din ninyo ako noon na punong puno ng mga pangarap at pag asa
sa buhay, pangarap na makapagtapos ng pag aaral, at maging isang ganapna inhinyero at makaahon sa
kahirapan ng buhay, ngunit tinatanong ko ang sarili ko noon kaya ko kayang abutin ang libre kong
pangarap? Paano?

May kaya naman kami ngunit di tulad ng iba na nakukuha pang makabili ng mga iba pang bagay
na hindi masyadong kinakailangan. Upang makabili ka ay kailangan mo munang matutong mag-ipon
yan ang sabi nila sa akin. Hindi rin kami madalas makagala di tulad ng iba sapagkat sapat lang ang
aming pera para sa pang isang buwan naming budyet. Isang taong bahay ang aking ina na siyang
nagaalaga sa aming dalawang magkapatid, samantalang OFW pa non ang aking ama ngunit hindi rin
kataasan ang suweldo kaya mtiyagang pinagkakasya ito ng aking ina. Dahil sa sipag at tiyaga nila kahit
hindi nagamit ni mama ang napagtapos niyang kurso na pagtuturo at si papa na di nakapagtapos ay
naglaan sila at sinuportahan ang napili kong pangarap sa buhay.

At nang tumungtong na ako sa sekondarya kahit walang kasiguraduhan ay ipinasok parin nila
ako sa pribadong paaralan .Kahit na walang kasiguraduhan na matustusan ang aking pag aaral sa
pribadong paaralan ay nagpatuloy pa rin sa paglakbay at ang tanging pinanghahawakan ay lakas ng
loob, determinasyon, kasipagan at pananampalataya sa poong maykapal ng aking pamilya. Para lang
makatapos ng sekondarya ay nagtiyaga at nagsipag akong pumasok araw araw, kahit iba ang katayuan
ko sa buhay kaysa sa aking mga naging kaklase. Dahil sa pagtitipid ay nakaipon din ako ng malaking
pera para may maitabi ako at magamit din pagdating ng araw. At alam niyo bang sa apat na taon kong
pagtitiis ay nakakamit ako ng unang pinakamataas na karangalan sa aming klase at ang sakripisyong
aking ginawa ang nagsilbing lakas ko para maabot ang aking nakuhang karangalan.

Mga magsisipagtapos, alam ko karamihan sa inyo ay katulad ng buhay ko. Alam ko kaya niyo
ring abutin ang mga pangarap niyo sakabila ng iyong kahinaan. Kung kinaya ko, makakaya niyo rin. Lagi
niyong tatandaan na ang kahirapan ay kailanman ay hindi magiging hadlang sa pag abot niyo ng
tagumpay , kundi itoy magsisilbing lakas at tanglaw para sa inyong pangarap. Wag kayong susuko sa
buhay. kahit anong pagsubok ang dumating, tibayan natin ang ating loob,maging matatag tayo wag
tayong magpadaig sa hamon ng buhay sa halip ay magkaroon tayo ng positibong pananaw .

Ang kailangan niyo lang gawin ay “mangarap” ngunit hindi lang basta pangarap, kailangan niyo
rin magsikap, magtiyaga, maging masipag , magtiwala sa sarili, magkaroon ng determinasyon, higit sa
lahat ay ang pananalig sa Diyos, at marami pang katangian upang makamit ang mas magandang
kinabukasan. Marahil sinasabi niyo, andami namang kailangang gawin, ngunit yan ang nararapat
niyong taglayin. Ganun talaga, hindi ito madaling abutin.Pagsikapan niyo. Nasa inyo pong mga kamay
ang inyong ikauunlad wag po ninyong hayaan na umasa tayo sa mga negatibong komento ng ibang tao.

Kaya naman ngayong hapong ito mga magsisipagtapos at mga magulang ay sabay sabay nating
yakapin ng may tuwa ang bukas. harapin ang bawat hamon nang buong tatag at tapang. Magsikap!
Paghandaan ang panibagong hakbang sa pag abot ng inyong mga pangarap. At Ilang taon mula ngayon,
nakasisiguro ako, babalik kayo, dito saating paaralan at kayo naman ang tatayo sa entabladong ito
upang magbigay ng inspirasyon sa mga susunod pang mga magsisipagtapos.

Mga minamahal kong magsisipagtapos, muli binabati ko kayo sa nakamit niyong tagumpay
ngayong araw. Maligayang pagtatapos. Muli, ako si Krister Pereyra anak ng Roosevelt at patuloy na
magpapasalamat sa tulong n gating pinakamamahal na paaralan.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Engr. Krister Pereyra

Roosevelt Dinalupihan Bataan

You might also like