You are on page 1of 4

“HINDI NATITINAG ANG PUSONG PILIPINO”

Maraming salamat mam, sa inyong magandang pagpapakilala.Isang magandang hapon po sa inyong


lahat. Sa ating iginagalang na punong barangay, Brgy. Captain LuisMistica, sa kanyang mga kagawad, sa
ating tagamasid pampurok Dr. Immaculada V. Misola, sa ating masipag napunong guro mam Lani
Miraflor, sa lahat po ng mga guro, sa mga PTA Officers, sa mga panauhin, sa mga magulang,lalong lalo na
sa ating mga magsisipagtapos ngaung araw. Isang mapagpalang hapon po sa inyong lahat.Lubos po
akong nagpapasalamat dahil hindi lang ako binigyan ng pagkakataon ng Lupa Elem. Sch.
ngKARANGALAN, kundi binigyan din ako ng pagkakataon na pasalamatan ang mga taong tumulong, at
humubog sa akinupang marating ko ang aking tagumpay. Maraming salamat sa lahat ng mga naging
guro ko dito sa paaralang ito naluminang at nagtiwala sa aking mga kakayahan, katulad na lamang po ni
Mam Luzviminda Villanueva. Salamat pomam! Maraming salamat sa aking mga kaibigan,kamag anak at
mga kakilala na nagbigay ng kanilang suporta.Maraming salamat din sa aking mga kapatid, sa
mabubuting magulang, sa kanilang walang sawang paggabaykung hindi dahil sa kanilang pagsisikap ay
wla ako dito sa entabladong ito upang magbigay ng mensahe atinspirasyon na babaunin ng mga
magsisipagtapos sa sa kanilang pakikibaka sa buhay, at higit sa lahatnagpapasalamat ako sa Diyos sa
kalooban niyang marating ko ang pangarap kong maging isang

GURO

.Naalala ko pa noong ako ay isa ring tulad niyong tatanggap ng diploma sa paaralang ito, 12 taon na
angnakakaraan. Katulad ninyo ngayon na nakakaramdam ng mga samut saring emosyon, SAYA ,TUWA,
LUNGKOT atpangamba. Saya o tuwa sapagkat nalagpasan niyo na ang unang hakbang sa pag abot ng
inyong mga pangarap.Lungkot sapagkat iiwan niyo na ang inyong mahal na paaralan, mga mapagmahal
ninyong guro, mga kaklase, mganalalapit ninyong kaibigan, maging ang mga matatalik ninyong kaibigan
na karamay niyo sa araw araw sa gitna ngmga mga pagsubok na nararanasan ng inyong kamusmusan.
Pangamba sapagkat haharapin niyo ang panibagongyugto ng inyong buhay.Hindi lang kayo mga
magsisipagtapos ang nakakaranas ng pakiramdam na yan, mas higit ang saya at galakng mga magulang
niyo. Sapagkat nakikita na nila ang bunga ng kanilang pagsisikap. Sa pamamagitan ng muntingdiploma
na tatangapin niyo ngaun, iyan ay nagsisilbing pag asa para sa kanila, yan din ay isang senyales na unti
untiniyo nang nakakamtan ang inyong mga minimithing pangarap sa buhay.Marahil sa murang edad niyo
pa lamang ay meron na kayong mga pangarap sa buhay, marahil ang ilan sa inyoay nangangarap na
maging doctor, engineer, piloto, dentista, pulis , maging isang guro balang araw at iba pa.LIBRE ANG
MAGARAP! Katulad din ninyo ako noon na punong puno ng mga pangarap at pag asa sabuhay,pangarap
na makapagtapos ng pag aaral, at maging isang guro at makaahon sa kahirapan ng buhay,
ngunittinatanong ko ang sarili ko noon kaya ko kayang abutin ang libre kong pangarap? Paano?Mahirap
lang kami, salat sa maraming bagay. Kulang pa sa pantustus sa pangunahing pangangailangannaming
tatlong magkakapatid, ang kita ng aking mga magulang. Ang tatay at nanay ko ay magbubukid, tinitiis
anginit ng araw sa gitna ng bukid habang nagtatanim ng gulay katulad ng talong, ampalaya , sitaw,
kamatis at marami pasiguro 50 porsyento ng halaman sa bahay kubo nasubukan na nilang itinanim, para
lang matustusan angpangangailangan namin, para makapag aral. Matiyagang silang gumising ng maaga
para anihin ang mga bunga ngmga halaman, at ibebenta naman ng nanay ko sa palengke at ipambili ng
aming mga pangangailangan at gamit saskwelahan. Sa kagustuhan nilang mabigyan ako ng magandang
kinabukasan. Hindi lamang po yun, halos lahat ngtrabaho sa bukid ay nasubukan na nilang gawin,
makipag upa sa pagtatanim ng palay ,magbunot, magapas ng palay,

mag araro sa mga bukirin, “mangaryada”, pati pangunguling sinubukan din.

Tricycle driver din ang tatay ko, pagkatapos niyang asikasuhin ang mga gulayan niya, nagmamaneho na
siyang tricycle para may pandagdag, at kadalasan aabot siya ng gabi sa pamamasada.At nung nsa
kolehiyo na ako dahilmas malaki ang gastusin, pati pagkakarpintero pinasok niya na. At siyempre andyan
din ang dalawang kuya ko nakahit sa murang edad pa lamang ay naranasan ng sumabak sa mga
trabahong bukid, hindi man sila pinalad namakatapos ng kolehiyo , nagsikap din sila at sumuporta para
mapagtagumpayan ko ang pinili kong Pangarap.Nakita ko ang kanilang mga pagsisikap, nakita ko ang
pagsasakripisyo, at nakita ko ang kanilang paghihirappara maibigay sa akin ang magandang kinabukasan,
at higit sa lahat naramdaman ko ang kanilang suporta atpagmamahal. Kaya naman binigyan ko ng halaga
at hindi ko po inaksaya ang panahon sa pagkamit ko ng mgapangarap ko. Namulat ako na kailangan
pahalagahan ang Edukasyon. sapagkat katulad ng palaging sinasabi ng lahatng mga magulang, na
tanging Edukasyon lang, ang kanilang maipamamana na hindi kailanman mananakaw ninuman.Kya
naman kahit nag iisa lang akong babae at bunso ay nasubukan kong tumulong sa gawaing bukid sa
abotng aking makakaya, kahit na magbantay ako ng maya o layno sa aming palayan sa gitna ng bukid.
nagtiis ako atnagsikap sa kagustuhan kong maabot ang aking mga ambisyon.Marahil ilan sa mga
magulang niyo ay nakita nila na tumira kami sa munting kubo sa gitna ng bukid, malapitpo sa bahay ng
ating mahal kapitan, na ang bubong ay yari sa kugon o yabot, ang dingding ay yari sa buho at angsahig
na yari sa kawayan. Kung sakaling mapatanaw po kayo nandoon pa po hanggang sa ngaun ang aming
nagingmunting tahanan.Sa gitna ng bukid na walang kuryente at nagtitiyaga sa kapirasong liwanag ng
lampara. Kahit ganun paman sakabila ng kahirapan sa buhay, hindi naging hadlang na abutin ang
minimithi kong pangarap, bagkus ito ay nagsilbinghamon sa akin na lalo pang magsumikap upang kahit
paano ay umaangat sa buhay .At nang nasa HS na kami, khit na walang kasiguraduhan na matustusan
ang aming pag aaral sa sa pribadongpaaralan ay nagpatuloy pa rin sa paglakbay, Ang tanging
pinanghahawakan ay lakas ng loob, determinasyon, kasipagan at pananampalataya sa poong maykapal
ng aking pamilya. Para lang makatapos ng HS nagtiyaga atnagsipag akong pumasok araw araw, kahit na
nahihiya na ako dahil sa butas butas ko ng sapatos at medyas namadalang na mapalitan. Pati bag ko
pinagtitiyagaan ko pa ring dalhin kahit na nakasilip na ang mga laman dahil sapunit. Naranasan ko ring
humanay sa mga kaklase kong ampuputi ng damit, samantalang ako suot suot angpinaglumaan ng
pinsan ko, khit manilaw nilaw na sa kalumaan. Dahil din sa pagtitipid sa baong pera minsanpagdating ng
tanghalian tig limang peso kami ng aking kaibigan para makabili ng isang order na ulam na halagang
10peso.Pero alam niyo bang ang mga sitwasyon kong yon ay siyang nkapag palakas sa akin, humubug sa
dati kongpagkatao upang harapin ang katotohanan ng buhay. At sa wakas nakatapos ako ng HS na taglay
ang aking mganatutuhan sa paaralan, natuto din akong maging mapamaraan ,natutong magtipid,
magkaroon ng matibay na loob atnagtaglay ng malakas na paniniwala sa sariling kakayahan at talento,
na nagamit ko sa pagtuntung ko ng koliheyo. Atsa yugto na ito ng aking buhay, masasabi ko na hindi lng
kahirapan ang naranasan ko, kundi pati na rin ang mgapagsubok na sumukat sa aking katatagan at sa
katatagan din ng pamilya ko. Ngunit nanatili kaming nagpatuloy tuladnga ng .Mga magsisipagtapos, alam
ko karamihan sa inyo ay katulad ng buhay ko. Buhay Mahirap. Huawg niyongikahihiya, KAhit na ano pa
man ang ikinabubuhay ng pamilya ninyo, kahit magbubukid, pagkakarpentero,pagunguling, pagmimina,
at iba pa basta ito ay marangal . Alam ko kaya niyo ring abutin ang mga pangarap niyo sakabila ng iyong
kahinaan at kahirapan. Kung kinaya ko, makakaya niyo rin. Lagi niyong tatandaan na ang kahirapanay
kailanman ay hindi magiging hadlang sa pag abot niyo ng tagumpay , kundi itoy magsisilbing lakas at
tanglawpara sa inyong pangarap. Wag kayong susuko sa buhay. kahit anong pagsubok ang dumating,
tibayan natin ang atingloob,maging matatag tayo wag tayong magpadaig sa hamon ng buhay sa halip ay
magkaroon tayo ng positibongpananaw .Ang kailangan niyo lang gawin ay

“mangarap” ngunit hindi lang basta pangarap, kailangan niyo rin magsikap,

magtiyaga, maging masipag , magtiwala sa sarili, magkaroon ng dterminasyon, higit sa lahat ay ang
pananalig saDiyos, at marami pang katangian upang makamit ang mas magandang kinabukasan. Marahil
sinasabi niyo, andaminamang kailangang gawin, ngunit yan ang nararapat niyong taglayin. Ganun talaga,
hindi ito madaling abutin.Pagsikapan niyo. Nasa inyo pong mga kamay ang inyong ikauunlad wag po
ninyong hayaan na umasa tayo sa mganegatibong komento ng ibang tao.Ang pagtatapos niyo ngayon ay
simula pa lamang, Marami raming taon pa ang gugulin niyo sa pag aaralngunit kahit kailan wag sana
kayong mapagod at magsawang gawin ang lahat ng inyong makakaya. DAhil ang mgamagulang sa kabila
ng hirap ng buhay, kahit kailan, ay hndi sila nagsawang sumuporta. Kapag napagod kayo atnahihirapan
isipin niyo lang sila, sila na hindi na baling mapagod, o sumakit ang katawan mabigyan ka lang
ngpambaon, sila na titisin na lamang ang nadaramang gutom, upang maisulong lamang ang anak
papuntang eskwela,sila na walang ibang hinangad kundi ang mapabuti ang kinabukasan mo. Isipin sana
ninyo ang mga hirap na dinanas,dinaranas at daranasin pa ng inyong mga magulang para sa inyo.Kya
naman bilang pagpapahalaga sa kanila MAg aral kayong mabuti, at sundin ang kanilang mga aral
atpayo,tumbasan niyo ito ng pagmamahal. Gawin niyong sandata at inspirasyon ang simpleng buhay na
taglay ninyongayon.Kaya mga magulang, isang hamon ang nais kong ipabatid sa inyong lahat. Sikapin
niyo pong itaguyod atigapang ang pag aaral ng inyong mga anak, sabayan ninyo po ang pangangarap
nila. Katulad ng pagsabay ng akingmga magulang sa aking pangarap..sikapin niyo pong bigyan sila ng
mgandang kinabukasan. Dahil nakatitiyak po akona lahat ng kanilang tagumpay ay iaalay nila sa inyo.
kahit magkaroon man sila ng sariling pamilya, Balang araw pokapag nagtagumpay sila, sila naman ang
tutulong sa inyo. Kailangan po kayo ng mga anak niyo, kailangan po nila angsuporta niyo, at kailangan po
nilang madama ang pagmamahal niyo para maging sandata nila, upang malampasanang mga darating na
mga pagsubok sa tatahakin nilang landas.Sa magsisipagtapos, suklian din ninyo ng pagamamahal ang
inyong mga magulang, gawing silang lakas atinspirasyon. Bilang paggalang at pagpapahalaga sa kanila
buong puso niyo silang pasalamatan, pag alayan ng unaniyong tagumpay. Magpasalamat din kayo sa
mga guro niyo na nagsilbing pangalawang magulang niyo at nagtiyagapara matuto kayo. at sa mga
naging bahagi ng inyong tagumpay at higit sa lahat sa Poong Maykapal .Kya naman ngayong hapong ito
mga magsisipagtapos at mga magulang sabay sabay nating yakapin ng maytuwa ang bukas. harapin ang
bawat hamon nang buong tatag at tapang. Magsikap! Paghandaan ang panibagonghakbang sa pag abot
ng inyong mga pangarap. At Ilang taon mula ngayon, nakasisiguro ako, babalik kayo, dito saating
paaralan.Mga minamahal kong magsisipagtapos, muli binabati ko kayo sa nakamit niyong tagumpay
ngayong araw.Maligayang pagtatapos.Muli, magandang hapon po sa inyong lahat.Prepared by :

SHERYL B. DELA CRUZSTA. CRUZ, ZAMBALES

You might also like