You are on page 1of 23

Pahina |1

Panimula

Ang pag-aaral ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang


mabago ang takbo ng ating buhay at ng lipunan. Ito’y nagiging daan tungo sa ating
tagumpay at sa likod ng bawat tagumpay ay an gating mga minamahal na magulang na
nagsasakripisyo at dugo’t pawis ay inaalay mapagtapos lamang tayo sa ating pag-aaral
at sa mga guro natin na naging pangalawang magulang natin sa paaralan, bawat
tagumpay ay ating inaalay para sa kanila. Dahil sa mga ito ay tayo ay nagpupursige na
magtapos ng pag-aaral at abutin ang ating mga pangarap sa buhay. Totoo na
edukasyon ang sandata ng mga kabataan ngayon tungo sa magandang kinabukasan.
Huwag nating hahayaan na ang kahirapan ang pumigil sa ating mga pinaghirapan.

Anumang dagok sa buhay at pagsubok ang dumating sa ating buhay ay manatili


tayong metatag. Sipag at tiyaga ang susi sa ating pangarap upang magtagumpay sa
ating buhay.
Pahina |2

Pasasalamat

Malaki ang aming pasasalamat, unang una sa Dios sa paggabay saamin sa


paggawa at matapos ang proyektong ito. Pangalawa sa aming mga Magulang at
Kaibigan sa walang sawang suporta na ibinigay sa amin sa lahat ng hakbang na
ginagawa namin, sa pinansyal at moral na suporta upang mapagtagumpayan naming
ang proyektong ito. Sa aming Guro na si Bb. Araceli B. Bilan na gumabay at tumulong
saamin sa tuwing may mga katanungan na hindi naming masagot.

At huli an gaming mga sarili, sa pagiging masipag at responsible upang


magampanan naming ang mga gawain na naiatas saamin, ang lahat ng pagod at hirap
na aming nararanasan ay matutumbasan ng saya para sa aming mga mambabasa.
Hindi rin matatapos ang Literary Folio na ito kung hindi dahil sa pagtutulungan naming
magkakagrupo. Salamat at sana magustuhan ninyo ang aming ginawang akda.
Pahina |3

Paghahandog

Buong puso at pagmamahal na inahahandog ng aming grupo ang Literary Folio


na ito sa mga taong nais tumangkilik o bumasa ng aming likha, at para narin ito sa mga
taong naging inspirasyon namin upang magtagumpay na maisagawa ang Literary Folio
na ito.

Nais naming magbigay inspirasyon sa mga taong may pangarap sa buhay ngunit
pinanghihinaan ng loob, lalo na sa mga estudyanteng maraming pinagdadaanan sa
buhay. Naway ang Literary Folio na ito ay magbigay ng inspirasyon sa mga taong
babasa upang makamtan ang pangarap sa buhay.
Pahina |4

MGA
KOLEKSYON
Pahina |5

MGA TULA
Pahina |6

“Hirap tungo sa sarap”


Ni: Jadel Magracia

Mga paghihirap ni ina’y at ita’y


Sila’y palaging naka alalay
Parting andyan para gumabay
Kahit kalusugan nila ay nakasalalay

Hirap patungo sa sarap


Pangarap na maging guro din sa hinaharap
Ako ay magsusumikap
Kahit na ito’y mahirap

Mga gabi’y na ginagawang umaga


Sa mga gawain na mahahalaga
Tila hindi nagpapahinga
Kahit katawan ay gusto ng mamahinga

Kahit na sa pera ay kapos


At tila ba’y nagapos
Sa isip ko ito’y saakin ang tatapos
Ngunit pangako sap ag-aaral ay ako’y magtatapos.
Pahina |7

“Tagumpay ay hangad“
Ni: Romelyn Buenaflor

Lahat tayo ay naghihirap sa ngayon


Para sa sarili at sa kapwa ay may mapatunayan
Lahat gagawin at kakayanin
Anumang pagsubok ang harapin

Ginhawa sa buhay ay abutin mo,


Mag-aral ng mabuti ang katapat nito
Magsumikap ka’t magsakripisyo
Nang sa gayon maginhawang buhay ay makamit mo

Ito ang isa sa maraming pangarap


Kahit na ito man ay napakahirap
Patuloy parin akong mag susumikap
Hanggang sa makamit ang aking pangarap.
Pahina |8

“Pangarap”
Ni: Kay Armenta

Ang aking pangarap nais kong makamit


Pagiging isang estudyante ay tanging solusyon
Sa pag-aaral ay hindi magkukulang
Pangarap ay maging isang guro

Ipagmamalaki ko to sa aking mga magulang


Upang sila’y aking mapasaya
Sila’y nagsislbing gabay at katuwang
Sa mga pangarap

Sa bawat oras, bawat minute, bawat panahon ang lumipas


Pangarap ay hinding hindi mawawala sa isipan
Gagawin ang lahat ng aking makakaya
Kahit hirap at pagod ang pagdaanan ay hindi susuko.

Isang pangarap na matupad sa mukha ang ligaya


Tamis at ginhawa pamilya’y mapapasaya
Pangarap sa hirap man o ginhawa’y magagawa
Upang pangarap ay matupad sa pagpupursige.
Pahina |9

“Patuloy ang pangarap”


NI: Jowee Marie Cristy Million

Handa akong lumuha,


Handa akong madapa,
Pero pinapangako ko, lahat ng ito ay malalagpasan ko
Lahat ng ito ay tatawirin ko.

Walang bitwin ang hindi mapapasakin, pati ang buwan


ay aking sasakupin
Lahat ng pangarap ko,
Lahat ng pagsisikap ko.

Nahihirapan ako, oo
Nasasaktan ako, oo
Pero inisip ko nalang ng lahat ng ito ay pagsubok
Oh kaysarap sa pakiramdam kapag ikaw na ay nasa tuktok

Sigurado ako na balang araw ay makakakuha ko ang pwestong ninananis ko


Ayana ng pangarap ko,
Magpursige kayo at sabay-sabay
Mangarap tayo
P a h i n a | 10

“Ako bilang nangangarap”


Ni: Raquel Radaza

Panulat at papel ang sandata at panlaban


Upang sa bawat pagsusulit lagging may kasagutan
Kung sa oras ng klase ay mahuli man,
Aming guro pakiusap iyo muling pagbuksan ng pintuan

Buhay mag-aaral kahalintulad ay nagsisipag-mina


Na tila bumubungkal, humuhukay ng gintong pamana
Kung ang pawis,pagod, tiyaga ay ginugol panaho’y lilipas gaganda yaong buhay na
buhol-buhol

Sa pagsisikap nakasentro
Hangad pagtatapos ay matamo
Sa diyos ito’y ipagkakatiwala
Pangakong ito’y lalakipan ng gawa

Edukasyon tunay na mahalaga


Ito lamang ang tanging solusyong nakikita
Nang guminhawa sa mala kanser na buhay
Gumaling sa sakit na kahirapan
P a h i n a | 11
P a h i n a | 12

MGA
SANAYSAY
P a h i n a | 13

“Hirap para sa pangarap”


Ni: Jadel Magracia

“ Pag-aaral ang tatapos sa akin” ang kadalasan na nasa isipan ngayon ng mga
estudyante sa henerasyon ngayon, Itong mga katagang dapat nating ialis sa ating mga
isipan bagkus na isipin na ang pag-aaral ay mahirap dapat ay isipin natin na ang pag-
aaral ay katabi ang pangarap.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayahan at talent, hindi lahat ng oras at araw-
araw ay masaya, dumarating talaga ang pagsubok sa ating buhay. Ngayon na ako’y
dalawampung taon gulang na nasaksihan ko kung gaano kahirap ang ang aking
pangarap nang dahil sa mga problema’y na di matapos tapos. Oo alam kong hindi lamang
ako ang nakakaranas nito. Mga problema’y na di matapos tapos at mukhang ito’y sa atin
ang tatapos. Mga kadalasan na kinakaharap ngayon ng mga kabataan ay ang
kakulangan sa pang matrikula dahil sa dulot ng kahirapan. Dama ko ang hirap ng mga
ama’t ina na naghihirap at nagkanda kuba matustusan lamang ang mga ating mga
pangangailangan at lalong lalo na ang ating pag-aaral. Oo! Mahirap abutin ang pangarap
pero mas mahirap ang walang pangarap sa buhay. Madami parin ngayon ang mga
kabataan na hindi makapag-aral dulo’t ng kahirapan kaya’t sana’y pamahalaan ay bigyan
ng aksyon ang mga ito. Mayroong iba’t-ibang uri ng mga estudyante, mayroong papasok
na hindi pa nag aalmusal, papasok ng walang bao, papasok ng naka paa at tanging bitbit
lamang ang mga pangarap na patuloy na pinanghahawakan para sa pamilya.
Mga kabataan ngayon ay hindi makuntento sa kung ano ang mayroon sila,
kailangan kumpleto ang gamit, kailangan mataas ang baon. Ang mga kabataan ngayon
ay hindi iniisip kung gaano kahirap ang ginagawa ng kanilang mga magulang upang
mabigyan lamang sila ng magandang buhay.Lakwatsa, pag-inom ng alak, paninigarilyo
at puro gimik lamang ang nasa isip, sila ay puro pasarap at habang ang kanilang mga
magulang naman ay naghihirap. Magising na sana tayong mga kabataan na ang pag-
aaral ay daan sa ating tagumpay, hindi para sa kahirapan.

Sipag at tiyaga lamang ang kailangan upang tayo ay magtagumpay para sa ating
pangarap. Makisalamuha tayo sa mga kaibigan na dadadalhin tayo sa katinuan hindi sa
kamalian.
P a h i n a | 14

“Paglalakbay”
Ni: Romelyn Buenaflor

Isang pangarap ang hirap abutin. Saan nga ang daan patungo dito? Ilang byahe
pa ang aking sasakyan para makarating doon? Magkana kaya ang pamasahe papunta
doon? Ilang baoy pa ang ipagbibili ni ina’y.

Kay daming katanungan ang sa aking isip ang gumugulo, pangamba at takot ang
minsan nasa puso’y bumabalot. Paano? Bakit? Kailan? Ang sakit sa ulo sa dami ng
katanungan.

Sa murang edad ay kailangang pinaplano na ang kinabukasan. Kailangan alam


mo kung ano ang nais mong makamit upang hindi nasasayang ang oras. Ang tagumpay
ay isang paglalakbay at tulad ng lahat ng mga paglalakbay ikaw ay maaring maglalayag
sa mahinahong tubig at susuungin ang mga bagyo. Kung manantili ka sa iyong
paglalayag maaabot moa ng iyong pagdadaungan. Ang bawat tao ay may karanasan ng
pagkawasak at pagkalunod. Ang tanging pangarap na minsan mo nang pinangarap ay
kailangan mong mag pursige sa buhay na mayroon ka at dahil itong inspirasyon ng
mainga. Ipakita mo sa sarili mo na kaya mo at magsisikap pa ng husto para sa munting
pangarap na hinangad.

Walang bagay na na mahirap gawin, basta umpisahan mo lang kung ikaw mismo
sa sarili mo ay talagang desidido. Hindi sapat na sabihin mo na ikaw ay desidido sa iyong
buhay para sa pangarap nararapat lamang na gumawa ng aksyon huwag puro salita.
Magsumikap kahit na maliit na paraan upang maitaas ang antas ng pamumuhay upang
maabot ang mga mumunting pangarap.
P a h i n a | 15

“Hagdan ng tagumpay: Isang hamon sa


buhay”
Ni: Raquel Radaza

Sa pagmulat ng mga mata, sa pagsimula ng bagong umaga at pagsikat ng araw


may isang nangarap ang bumabangon mula sa kanyang hinihigaan na sumisimbolo sa
sandal lamang na pahinga hindi dahil sa ayaw niya na kundi para tumipon muli ng lakas
para harapin muli ang mala sapalarang buhay. Walang anumang kagamitan ang maaring
magamit sa sapalarang ito, tanging tatag ng loob, tiwala sa sarili, pagmamahal sa pamilya
at ang pinakahigit ay tiwala sa may lalang. Ang buhay ay parang bahaghari, kay sari sari
din ng kulay madalas maganda, malungkot, masaya, mahirap,madrama, mabigat,
masuliranin at maraming pagsubok. Ika nga may bagyo at ulan ang buhay ngunit sa
kabila ng bagyo at ulan ay mayroon paring araw sa buhay natin na sisikat dahil ang buhay
ay hindi laging bagyo.
Ang mga pagsubok na ito ay isa sa daan upang makita natin ang kagandahan ng
buhay para manatili tayong nakatayo at lumalaban. Dahil dito tayo ay nabubuo bilang
isang indibidwal, nagkakaroon tayo ng lakas at motibasyon para tumayo sa sariling mga
paa. Gaya ng isang mahinang bahay na sinira ng hangin at bagyo na muling binuo at
itinayo na mas metatag kaysa sa dati at hindi na muling masisira, Gayunpaman nasa sa
atin parin kung gagawin nating metatag an gating mga sarili para sa muling laban natin
sa buhay. Gaya ng pag-abot ng pangarap at pagkamit ng pangarap at pagkamit ng
tagumpay magsisimula ka sa pinaka simula bago mo marating ang tagumpay sa dulo
nito. Ang sikreto ay pagsusumikap dahil ang bawat hakbang natin papunta sa dulo ay
may mga hamon na naghihintay at ang susi lamang ay ang handing pagsasakripisyo.
Ang mga suliranin, hirap, pagod, pagsubok na naghihintay at nagbabadya ay maaring
ikalugmok kung hindi ito mapagtagumpayan na nagiging dahilan ng hindi pagpatuloy.
Ang mga hamon sa buhay ang nagiging daan natin at sangkap sa pag-abot ng isang
pangarap ito ang nagsisilbing leksyon kung paano natin matatamasa ang tagumpay sa
likod ng pagsusumikap. Dito sa mundong ibabaw antg matinding katunggali ng ating mga
sarili ay kung paano natin gagawing makulay, maganda at may silbi ang pagkalalang sa
atin. Kung paano natin papaptamisin ang mapait na kapalaran na mayroon tayo, Lalong
lalo na pagdating sap ag-aaral na pinaniniwalaan nating “ Ang edukasyo ay susi sa
magandang kinabukasan” lalo na sa panahon ngayon na diploma na ang
pinagbabatayan, maari kung wala nito ay isa tayo sa ibibilang ng lipunan sa kaawa-awang
indibidwal. Kaya ang pagkahulma sa ating pagsubok ay isang magandang panlaban at
sandata.
P a h i n a | 16

“Edukasyon”
Ni: Kay Armenta

Edukasyon ay mahalaga sa ating lipunan, Bakit? Dahil ito ay pundasyon ng bawat


tao upang maging matagumpay at matupad ang mga pangarap ng isang estudyante. Ang
pag-aaral ay sumisimbolo sa matagumpay na mga pangarap. Ang paaralan ay
nagsisilbing bahay ng mga estudyante sa pang araw-araw na pagpunta sa paaralan
upang magkaroon ng kaalaman sa bawat anong mga bagay sa loob ng paaralan. Ito ang
nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa, kung wala ang
edukasyon, walang magsisilbing guro at nagkakaroon ng iba pang propesyon sa ating
lipunan at kung walang edukasyon sa ating lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at metatag na pundasyon ng Edukasyon. Sa paaralan ay nagkakaroon tayo ng
kaalamanan tungkol sa iba’t-ibang bagay na nararanasan ng bawat tao.

Ang edukasyon ay araw-araw natin itong dala-dala dahil sa bawat oras at panahon
ang dumaan marami tayong kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay at impormasyon ang
ating nalalaman sa kasalukuyan at sa hinaharap ng bawat tao. Ang edukasyon ay siyang
humuhubog sa kaisipan tungo sa isang matagumpay na mga pangarap. Bakit tayo nag-
aaral upang mapakinabangan ang mga pinaghihirapan ng bawat tao sa ating mundo? At
kahit sino mang mga tao ay puwedeng makapag-aral at makapagtapos at magkaroon ng
magandang kinabukasan. May mga taong binibigyan ng pagkakataon na makapag-aral
at makapagtapos ng pag-aaral subalit sinasayang lamang ito ng mga kabataan,
nawawalan ng oras upang mag-aral dahil sa mga makabagong teknolohiyang
nakapalibot sa isang lipunan, sa mga teknolohiyang nakapalibot sa atin ngayon at tila sa
makabagong teknolohiya na nabaling ang kanilang atensyon hindi sa edukasyon. Minsan
naiisip ng bawat tao na makapagtapos ng pag-aaral pero hindi nagagwa dahil sa tuksong
nangyayari at nagaganap sa mga sarili.

Ang mga kabataan ay kailangan tangkilikin ang edukasyon dahil sila ang pag-asa
ng ating bayan at magiging gabay sa kanilang matagumpay at metatag na mga pangarap.
Edukasyon ay pag-asa ng bawat kabataan.
P a h i n a | 17

“Bituin na patuloy na inaabot”


Ni: Jowee Marie Cristy Million

Ang pangarap ay hindi basta basta nakukuha agad. Ito ay nagsisimula sa isang
pagpaplano tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay. Hindi
madaling abutin ang pangarap, Marami kang pagdadaanan at marami kang pagsubok na
haharapin. Diyan natin masusukat an gating mga katatagan at pagtitibayin ang mga
pananampalataya. Madali lang mangarap. Isip at imahinasyon ang ginagamit upang
makita natin kung anong mga posibleng mangyari bukas, sa isang lingo, sa isang buwan
o sa isang taon. Lahat ng kagustuhan natin ay lumalabas at yun ang nagiging dahilan
upang makabuo ng isang pangarap.

Huwag kang susuko sa iyong pangarap, kahit gaano man ito kahirap abutin basta gusto
mong maisakatuparan ang lahat, gagawin moa ng sinisigaw ng iyong puso’t isipan. Kung
pursigido kang abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang mangyayari sa taong tamad.
Ang pangarap ay kaakibat ng hiling, Ito ay sinasama natin sa ating mga panalangin. Kung
positibo kang mag-isip, alam mo at panatag ka sa sarili mong matutupad lahat ng iyong
mga pinapangarap. Ang mga oportunidad na dumarating sa inyo ay wag ninyong
tatalikuran. Kunin niyo ito, malay niyo ito ang maging susi para mas mapalapit ka sap ag-
abot mo ng pangarap. Manatiling positibo. Unahan mo ng magandang pagiisip ang mga
bagay-bagay na gusto mong mangyari.

Alam nating mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot an gating mga
pangarap. Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot, kaba, pagsuko at
kawalan ng tiwala sa sarili. Pag nangarap ka ngayon ay matutupad ito ng paunti-unti
depende sa sitwasyong iyong tinatahak. Sa pag-aaral dapat mayroon kang diskarte,
diskarte sa pagsisikap. Sa dami ng ating mga pangarap ay hindi yan matutupad ng sabay-
sabay. Wag kayong magpadala samga negatibong sinasabi ng mga taong nasa paligid
mo. Sabihin man nilang impossible ang iyong mga pangarap ay nararapat na maging
metatag tayo na kakayanin natin ang bawat pagsubok sa atin g buhay. Magkaroon ng
mabuting puso, lahat ay darating sayo sa tamang panahon.
P a h i n a | 18

MGA
BUGTONG
P a h i n a | 19

Kulay luntian Mahaba at matulis

May apat na kanto Gamit sa pang digma

gaya ng papel na may Mga pagkakamali ay


maari pang mabura
linya
Sagot: Pisara
Sagot: Lapis

May isang kamay


Nagsilbing pangalawang
Nagsisilbing taga salo magulang
satin
Lahat ay ginagalang

Sagot: Armchair
Sagot: Guro
P a h i n a | 20

MGA
KASABIHAN
P a h i n a | 21

“Kung mananatili ka sa kinauupuan mo, hindi ka uusad sa kinalalagyan mo“

“Kung hindi ka makaranas ng hirap ay hindi mo matatamasa ang sarap “

“Walang propesyon na mahirap kung dumaan sa hirap”


P a h i n a | 22

Inihandog ng ikaapat na pangkat apat

Million, Jowee Marie Cristy Magracia, Jadel A.

Armenta, Kay Radaza, Raquel Buenaflor, Romelyn


P a h i n a | 23

You might also like