You are on page 1of 2

Analitikal na Papel sa

CHEd Memorandum Order No. 20


Ang wikang Filipino ba ay dapat bang hindi ituro sa mga unibersidad? Hanggang
sa mataas na paaralan na nga lang ba ituturo ang wika na pinaglaban ng marami?
Kung titignan at pag-iisipan ito ng mabuti, hindi ka sasangayon sa memorandum na ito.
Ang wikang Filipino ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao mula pagkabata
hanggang pagtanda. Sa papel na ito inilagay ko ang mga posibilidad na epekto ng
CHEd order no. 20.
Sa memorandum na ito nagsasabi na sa bagong kurikulum ay hindi na ituturo
ang Filipino sa mga kolehiya at pag-aralan na lamang sa mataas na paaralan at
sinasabing magiging epekto ito sa 2018-2019 taong panuruan. Maraming mga guro ang
maapektado dito. Ang mga guro natin na nagtuturo ng wika at asignaturang Filipino ay
pinagaralan ang kultura at wika ng Filipino ng unang panahon hanggang ngayon. Kung
tatanggalin ang aisgnaturang Filipino, saan pupunta ang mga gurong ito? Hindi sapat
ang sinasabi na itutura na lamang sa kanila ang mga general subjects upang hindi sila
mawalan ng trabaho. Hindi magiging epekto ito sa ibang mga gurong hindi na kaya
magaral pa.
Isa pang epekto ay ang pagkawala o pagkalimot sa kulturang Filipino pagdating
sa kolehiyo pataas. Ang wikang Filipino ay may kasamang kultura ng Pilipinas. Ang
wikang Filpino ay ikinamatay at ipinaglaban ng marami. Hindi tama na itoy itigil nang
ituro sa kolehiyo. Sa kolehiyo dapat mas binibigyan ng pansin ang wikang Filipino dahil
dito mas malawak at mas maiintindihan ng mga Pilipinong mag-aaral ang kultura,
kasaysayan at halaga ng Pilipinas. Itoy nagsisilbing identidad ng bansa. Kung
mawawala ang Filipino na asignatura sa kolehiya, unti-unting mawawala ang wikang
Filipino hanggang maging Ingles na ang wikang sinasalita ng karamihan.
Ang wikang Filipino ay isang nagbibigay sa mga Pilipino ng pagkanasyonalismo.
Kaunti na lamang ang porsyento ng mga Pilipino ay pinagmamalaki ang kultura at
bansa natin. Bihira na rin makikita ang isang Pinoy na mas pinipili ang produkto na
gawa sa bansa kaysa sa produkto ng iba. Kung ipatutupad pa ang CHEd Order No. 20
ay mas lalong bababa ang porsyento ng mga Pilipinong pinagmamalaki ang Pilipinas
bilang bansa.
Marami tayong hinaharap sa panahon ngayon, hindi man natin alam ko
makakabuti man ito o hindi dahil mukhang pantay lamang sila tulad na lamang ng
globalization. Sa halip na palakasin natin ang ating pagkapilipino ay humihina at
nababawasan pa ito. Sa aking paningin, hindi aasenso o hindi mapapabuti ng order ang
bansa natin.

Malapit nang ipatupad ang memorandum no. 20, ilang taon na ring pinaguusapan kung ipagpapatuloy o hindi ang order na ito. Ang ating pagkapilipino ay nasa
ating wika na wikang Filipino. Kung hindi ipagpapatuloy na pagaralan ang asignaturang
Pilipino sa kolehiyo ay mababawasan ang ating identidad bilang bansa.

You might also like