Kagalang-galang na mga panauhin sa okasyong ito; sa mga masisipag na
tagapamahala ng Youth Congress sa taong ito; sa mga magigiting na guro ng Paaralan, mga bayani sa makabagong-panahon, na pinangungunahan ng maaasahang ulong-guro, ______________________________; sa inyo, mga mag- aaral na siyang huhubog at uukit ng bagong landas tungo sa mas progresibong pamayanan sa hinaharap; sa ating lahat, isang umagang puno ng pag-asa. Habang minamasdan ko kayo mula dito sa entablado, bumabalik-tanaw sa aking gunita ang mga ala-ala ng nakalipas ng dalawampu’t-limang taon. Binabati ko kayo sa inyong pagpili at pagtahak ng daan tungo sa de-kalidad na edukasyon mula sa paaralang ito. Tulad Ninyo, ako din ay tumahak sa mga pasilyo at karanasan dito sa Holy Spirit Academy na siyang humubog sa akin patungo sa kinatatayuan ko ngayon. Marahil ay nasasabi rin ng inyong mga magulang: “Anak mag-aral kang Mabuti. Ito lang ang maipapamana naming sa iyo.” Napakasarap sigurong paalalahanan at ng mga magulang sa pag-aaral. Marahil pagkagising Ninyo ay nakahain na ang pagkain at plantsado na ang inyong uniporme. Marahil hand ana rin ang sasakyang maghahatid-sundo sa inyo dito sa Paaralan. Siguro pa nga, ang ilan sa inyo ay may katulong pang aalalay at magbabantay. At pag-uwi Ninyo sa bahay, magpapahinga, maglalaro, at magbabasa ng updates sa inyong social media account. Masarap na buhay. Hindi ko naranasan ang mga ito. Ang aming mga magulang ay masisipag. Hindi kami mayaman subalit magtiyagang itinaguyod ng aming ama’t ina ang pang-araw-araw naming pangangailangan. Ito ay ayon sa aking lola. Tandang-tanda ko pa. Buwan ng Marso, 2019. Idineklara ang pandaigdigang restriksiyon dahil sa salot ng kumakalat at kumikitil ng buhay. Tinawag itong Covid-19. Sa mga sumunod na araw, buwan at taon, tumigil ang ikot ng mundo. Bawal lumabas. At ang tanging naririning ay ang alingawngaw ng ambulansyang nagdadala ng mga pasyenteng kinapitan ng sakit at nag- aagaw-buhay. At tatlong salita lamang ang tanging bulalas; Mask, Hugas, Iwas. Milyon-milyon ang kinapitan ng sakit. Milyon din ang namatay. Kabilang ang aking mga magulang. Sampung-taong gulang pa lamang ako nang maulila. Napilitan akong tumigil muna sa pag-aaral. Kaya naman napilitaan akong magbanat ng buto sa murang edad. Natuto akong magtinda ng mga gulay at kakanin. Natuto din akong magkumpuni ng mga gamit, at kung saan saan pang pwedeng pagkakitaan. Sa kabila ng mga pagsubok, lumabo ang pananaw ko sa hinaharap. Subalit hindi kailanman dumilim ang aking pangarap na makapag- aral. Dumaan pa ang mga taon, at ako’y nakabalik sa pag-aaral. Bagamat over-age, matiyaga kong iginapang ang aking pag-aaral habang kumakayod para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ginawa ko ito sa maraming araw at hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon at pagdating ng tagumpay. Sa bawat pasyente na malagaan ko sa ospital kung saan ako nagsisilbi, ay palagi kong naaalala ang aking mga magulang. Lagging may kurot sa aking dibdib tuwing naalala ko ang mag pagsubok na aking pinagdaanan na siya naming humubog sa aking upang maging matatag at matiyaga at porsegido. Minamahal kong mga mag-aaral, ang mga pagsubok ay hindi kailanman balakid upang magtagumpay. Yakapin Ninyo ang mga pagsubok dahil ang mga ito ang huhubog at magpapalakas sa inyong determinsyon na magtagumpay. Palagi din kayong magdasal. Higit sa lahat, palaging gawin ang tama at Mabuti sa inyong sarili at sa kapwa. Maraming salamat po. Mabuhay ang mga mag-aaral ng Holy Spirit.