You are on page 1of 3

MONTES, TRACY LIANNE MARIE P.

PANITIKANG
FILIPINO
BA History 2-3 SETYEMBRE 1, 2022

Ang Takbo ng buhay

Lahat ng mga tao na nabubuhay sa mundong ibabaw ay may iba’t-ibang karanasan na


nagdudulot ng matinding kaligayahan o kalungkutan. Mga karanasan na nagbibigay sa atin ng
lakas ng loob, mga aral, at inspirasyon sa buhay. Habang lumilipas ang panahon, ang mga
karanasan ay nag-iiwan sa atin ng bakas na nagpapatibay at nagpapatuloy sa pagharap ng mga
problemang dumarating sa ating buhay. Parang gulong na patuloy na umiikot kahit ito ay
madumihan, Sa dalawampu’t-isang taon na nabubuhay sa mundong ito, marami ako naging
karanasan na nangyari sa aking buhay. Malungkot man ngunit mayroong nagbibigay ng kaunting
liwanag na maaaring may kapupulutan ng aral sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap ko sa
araw-araw. Hayaan niyo pong isalaysay ang naging karanasan ko.

Lahat tayo ay may iba’t-ibang pangarap na gusto nating abutin balang araw. Katulad ko
na bilang isang estudyante at panganay na anak sa aming pamilya, nais kong makatapos ng pag-
aaral upang matulungan ang aking pamilya at mapabuti ang aming pamumuhay. Ngunit sa pag-
abot ng aking mga pangarap sa buhay, hindi maiiwasang may mga mapagsamantalang tao na
alam nila kung ano mangyayari sa aking buhay. Ito ay masasabi kong malungkot na karanasan na
naramdaman ko bago ang pagtunton sa panibagong yugto ng buhay, ang pagpasok sa kolehiyo.

Nakarinig ako ng mga masasakit na salita mula sa aking mga insensitibong kamag-anak
na minsan, ikinukumpara pa ako sa mga anak nilang maganda ang naging kinabukasan dahil sa
magandang kurso na kanilang kinuha. Isa na rito ay ang katagang “wala kang mararating sa
buhay kung ganyan ang kurso ko” o kaya naman, sinasabi rin nila na wala akong makukuhang
magandang trabaho. Bat di mo gayahin yung pinsan mo? Engineer na ngayon, Yung isa naman
ay doctor na.” Tila’y minamaliit ang kursong kinukuha ko.

Bukod pa rito, nakaranas din ako ng malungkot na pangyayari noong ako’y nasa
sekundarya pa lamang. Wala akong masyadong naranasang masasayang ala-ala at hindi gaanong
naging makulay ang aking karanasan noong tumuntong ako ng junior high school. Isa sa mga
naging karanasan ko ay ang ma-bully ng mga kapwang mag-aaral dahil weird daw ako at iba pa.
Lahat ng mga masasakit na salita mula sa aking mga kaklase ay narinig ko na. Hindi ko alam
kung paanong nasisikmura ang ganitong panghuhusga at pangungutya na mismong sa kanila pa
nanggaling. Parang hindi sila pinalaki nang maayos ng kanilang magulang. At minsan,
nawawalan ako ng ganang pumasok sa eskwela makikita ko na naman sila araw-araw. Sa bawat
salitang binabato sa akin ay nasasaktan ako. Kaya dahil sa ganoong problema, nahirapan akong
makahanap ng kaibigan na totoo. Kaibigan na magsisilbing sandata upang lakasan ng aking loob.
Hindi ako naghahangad ng marami, ang mahalaga ay totoo ay paki-alam sa akin. Hanggang sa
tumuntong ako ng senior high school, doon nagbago ang aking buhay. Doon ko naranasan ng
kaginhawaan ng loob nang magkaroon ako ng kaibigan kahit kaunti lang hanggang sa pagpasok
ko sa kolehiyo ay buo pa rin ang aming pagsasama kahit madalang kaming nag-uusap.

Dati-rati, kapag iniisip ako ang mga masasakit na salita mula sa kanila, napapaiyak
nalang ako. Parati kong tinatanong sa aking sarili bakit may mga taong wala na ngang ginawa
kundi husgahan ang buhay ko? Kaya ito rin ang naging dahilan kung bakit nanatiling mababa
ang kumpiyansa sa aking sarili kung bakit hirap akong makihalubilo sa ibang tao.

Pero nang dahil sa suporta ng aking mga magulang at iilang mga kaibigan, nagkaroon ng
lakas ng loob na harapin ang mga problema ko sa buhay. Naisasabuhay ko ang dalawang
kasabihang makakatulong upang magkaroon ng motibasyon sa pag-abot ng aking mga pangarap
at maibsan ang mga problemang aking tinatamasa. Una rito ay “We must instill in our minds
that as we thread our past towards to success, there would always be twists and turns. Yet, we
should find the courage to keep moving forward.” Palagi kong isinasaisip at isinasapuso na
kahit anumang mangyari sa aking buhay, hindi ko makakalimutan na kasabay sa pagsasakripisyo
ko ang makahanap ng inspirasyon mula sa aking mga magulang at mga taong malapit sa akin,
tulad ng aking mga kaibigan.

At ang pangalawang kasabihan ay “Keep away from people who try to belittle your
ambitions. Small people always to that, but the really great you can make feel that you, too,
can become great.” Para sa akin, kahit magkaiba man ang naging karanasan sa buhay, mainam
ang makisama at mapaligiran ng mga taong makakapagpatibay ng aking kalooban,
makakapagbuo ng magandang pagsasama, at suportado sa kung anuman ang ginagawa ko tungo
sa magandang kinabukasan. Mahirap makibagay sa mga taong gagawa ng paraan upang sirain
ang iyong mga pangarap o manipulahin ka dahil sa inggit. Ang tanging paraan na ginagawa ko sa
tuwing naalala ko ang mga masasakit na pangyayari ay tawanan nalang hanggang sa kalimutan
ko ang mga ito at magpatuloy sa aking buhay.

Ang mga karanasang ito ang siyang nagpatibay sa akin hindi lamang bilang isang
estudyante, kundi bilang isang tao at nagsilbing inspirasyon upang magpatuloy sa buhay na
tinatahak ko sa kasalukuyan. Napagtanto ko na hindi ko kailangang magpaapekto sa mga
masasakit na salitang ibinabato sa akin ng ibang tao dahil naniniwala ako sa sarili ko na kaya
kong gawin ang lahat upang maabot ang mga pangarap ko. Gusto kong patunayan sa kanila na
hindi tama ang manghusga sa kahinaan ng iba. Kailangan ko pa bang baguhin ang sarili ko para
sa kanila? Ang sagot ay hindi. Kailanma’y hindi ko sinabi sa sarili ko na baguhin kung ano ang
kulang para magustuhan ako ng ibang tao. Tanggap na tanggap ko nga kung sino ako dahil ito ay
binigay sa akin ng diyos. Katulad ng isang halaman na bago naging malaki at matayog na puno,
nagmumula ito sa maliit at kakaunti ang mga dahon at sanga nito. Ngunit habang tumatagal,
lumalaki, lumalago at masaganang namumunga. Gayundin ito sa reyalidad ng aking buhay na
habang tumatagal ay nagiging matatag ako sa lahat ng hamon. Ang mga karanasang ito ang
siyang dahilan upang maging matibay sa lahat ng bagay at sa mga problemang darating sa aking
buhay. At higit sa lahat, upang maging isang mabuting tao.

You might also like