You are on page 1of 3

Name: Rey A.

Oracion Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao

Grade & Section: Grade 9 Blake

ANG AKING PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

Ang aking layunin ay ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng


magandang trabaho upang makatulong sa aking mga magulang at mabigyan ng
magandang buhay ang aking magiging pamilya sa hinaharap. Pero bago ko ito
makukuha kailangan ko munang galingan sa pag-aaral. Dahil alam ko na lahat ng
napag-aralan ko ay magagamit ko ito pagdating ng araw na kailanganin ko na ito.

Isa din sa mga bagay na pinapahalagahan ko ay ang pagpapahalaga sa


katotohanan dahil bilang isang nilalang ako ay may pagpapahalaga sa pagbubuklod ng
pamilya handa akong isakripisyo ang lahat para sa aking pamilya, dahil para sa akin
meron akong mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa aking pamilya dahil sila ang
dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundo. Panghuli, ay ang Pagpapahalaga ko sa
Paggawa dahil hindi ko ugaling mag aksaya ng oras sa mga bagay na hindi naman
kapaki-pakinabang, mas gusto ko pang mag laan ng oras sa mga bagay na meron
akong mapapala.

Ang nais ko nga palang marating sa buhay ay ang pagiging abogado. Palagi
kong kong sinasabi sa sarili ko na gusto kong maging abogado para makatulong sa
ibang tao, para sa mga taong mahihirap, walang pinag-aralan, kapos-palad at iba pa.
Sinasabi ko sa sarili ko na kapag naging attorney na ako “Ngayon ay makakatulong na
ako sa pagpapabuti ng Sistema ng ating gobyerno at maging isang katalista para sa
pagbabago”.

Isa sa mga rason ko kung bakit gusto kong mag abogado ay para makatulong
ako sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga taong pinatay at hindi nabigyan ng
hustisya, nagahasa at iba pa. Gusto kong maipaglaban na yung mga taong
nangangailangan ng tulong maipaglalaban kung ano ang tama. At ipaglalaban ko din na
ang hustisya ay di lang para sa mga mayayaman kundi para sa lahat.
Ang mga tao din na maaari kong kasama at kaagapay ko sa aking buhay walang
iba kundi ang aking pamilya dahil ang pamilya ang laging nandyan sa tabi mo kung
ikaw man ay may problema o may napag-tatagumpayan sa buhay. Pamilya din ang
nagbibigay sa atin ng payo, atensyon at pagmamahal para magkaroon tayo ng
magandang buhay at kinabukasan.

Sa pagkamit ng aking mga mithiin marami akong inspirasyon sa buhay, isa na


dito ang aking mahal na guro, kaibigan, at aking pamilya. Inspirasyon ko ang aking guro
dahil alam ko na nahihirapan din sila sa pagtuturo sa atin ng mga bagay bagay na
makakatulong sa ating kinabukasan dahil ang iba sa atin ay napakakulit. Ang sakripisyo
ng isang guro ay dapat pinapahalagahan dahil sila rin ang isa sa mga magiging dahilan
kung paano ko matutupad ang aking mga pangarap sa buhay.

Sunod naman ay ang aking pamilya, pagmamahal at suporta nila ang naging
inspirasyon ko sa buhay dahil may mga pagkakataon sa ating buhay na ayaw mo na o
susuko kana dahil pagod kana. Pero nandyan yung pamilya na handang samahan ka
sa tamis man o hinagpis nandyan sila. Isa din dito ay ang mga kaibigan ko na nanyan
din para damayan ka sa kalungkutan o kasiyahan. Sila din ang nagpapalakas ng mga
loob natin na “No matter what happen the show must go on” even though walang wala
kana yung tipong pag nadapa ka di ka na tatayu at muling babangon pa. Pero nandyan
yung mga kaibigan natin na handang sumuporta sa atin.

Sa pag-abot natin sa ating pangarap ang daan na tatahakin ay hindi magiging


madali. Maraming pagsubok ang ating kakaharapin na magpapahina sa ating loob at
magbibigay rason sa atin para sumuko. Ngunit hindi dapat tayo magpatinag bagkus
dapat mas lalo pa tayong maging matatag. Hindi mahalaga kung gaano kabilis ang
ating pagtahak patungo sa ating pangarap. Ang buhay ay hindi isang karera. Makikita
nating mayroong mas mauuna sa atin ngunit hindi nangangahulugan na kapag nauna
sila’y talo na tayo. Bawat tao ay may iba’t ibang landas na tinatahak. Kung minsan ang
landas na ating pinili ay sadyang napakalayo pero kung patuloy tayo sa paghakbang
maliit man o malaki tiyak tayo ri’y makararating sa ating patutunguhan.

You might also like