sa pusong gumulong sa tukso, sa lumbay Ika’y dumating, naglakbay, nabuhay Mundong umiikot, hindi nakalilimot sa haplos ng inyong magaspang na kamay
Kailan pa may ‘di ko kayang burahin
sa puso, sa isip, sa aking diwa Ang lahat ng saya, lahat ng alaala noong tayo’y naglakbay sa gitna ng digma Pagmamahal mo, mahal ko, ang aking kaluluwa
Nagluto ng pagkain Nagpawis para sa kabuhayan namin Naglaba, naglinis, nag-alay ng buhay Kaibigan sa aking pait at pagguho Pag-asa mo, mahal ko, ang aking puso
Di ko mapigil, walang magawa
Ang pag-agos ng puso, ng alon ng damdamin Sumigaw ang boses at ang aking kaloobin Mga araw ay muling bumisita sa isip Tandaan mo, mahal ko, ika’y laging akin
Ika’y dumating, biyaya’y sigla
sa pusong nawala, pusong dukha Ika’y dumating, nawala, naglakbay sa mundong paraiso, ‘di ko pa maabot Baunin mo sana ang aking pag-ibig Kailan pa man, ikaw parin ang aking mama