You are on page 1of 4

Learning Activity Sheet

FILIPINO 10
EL FILIBUSTERISMO

IKAAPAT NA KWARTER

Pangalan: ________________________________ Petsa: __________________________


Seksyon: ___________________

Kabanata 6 : Si Basilio
Kabanata 7 : Si Simoun
Kabanata 23 : Isang Bangkay
Kabanata 26 : Mga Paskil
Kabanata 31 : Ang Mataas na Kawani
Kabanata 33 : Ang Huling Matuwid
Kabanata 34 : Ang Kasal ni Paulita

KASANAYANG PAGKATUTO:

1. Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, Bayan, Kapwa tao at
Magulang)
2. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda.
3. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa.
4. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng isang buo at tahimik na pamilya.
5. Nakabubuo ng isang talumpati na nag mumungkahi sa solusyon sa isyung
panlipunan sa kasalukuyan.

LINANGIN

Panimula
Ang pagpapa alila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ni Rizal sa karunungan. Maging anumang uri ng gawain basta’t
marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang
pagtitiis, pagtatyaga at pag susumigasig upang matuto.
Sa kabantang ito’y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno
syang bunga. Si Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaliktaran ng ama.

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na salita. Gamitin ang mga ito
sa pangungusap ayon sa pagkakaunawa mo sa binasang nobela sa Aralin 4.2

1. Adsum
2. Medisina
3. Juli
4. Ika-anim ng hapon
5. Simoun

Ating Alamin: Si Basilio


Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na
nagtungo sa gubat. Paliit na ang buwan kaya’t paaninaw niyang tumungo sa libingan
ni Sisa, ang kanyang ina. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina ng
nakaraang may 13 taon.

Namatay ang kanyang ina at may dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng
kahoy na ipinasusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang
isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang
ina.Umalis siya sa gubat at lumuwas ng Maynila na maysakit at gulanit na damit.
Nais niyang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom.

Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara.
Kinuha siyang katulong o utusan. Pinag-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang
nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang “adsum” o “narito po”.

Minaliit si Basilio dahil sa luma at gulanit na suot ngunit lagi siyang nagsasaulo ng
mga leksyon. Nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay
may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya.

Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang
taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na
lahat.
Sa ikatlong taon niya, naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio
na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong na
parang loro sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio.

“Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase?”

Nawalan siya ng sigla sa pag-aaral ngunit isang professor niya ang nasiyahang
tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga
estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston.

Namayani siya sa labanan. Nakilala ng propesor, Nang matapos ay sobresaliente na


siya, may mga medalya pa.

Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio at nagsulit
siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at
kumuha ng medisina.

Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man


nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio.
Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.

PAGSUSURI

GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan


Hanapin sa hanay B ang katumbas na kahulugan ng mga salita sa hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Aprubado A. Espada
2. Bunton B. Unang Taon
3. Dalamhati C. Pagsusunog
4. Dupikal D. Narinig
5. Gatol E. Makita
6. Naaninag F..Hindi Nagdadalawang-Isip
7. Naulinigan G. Sunod sunod na tunog ng kampana
8. Pagsisiga H. Paghihirap ng Kalooban
9. Primer ano I. Tambak/Tumpok
10. Sable J. Mainam na marka
Gawain 3 : Gabay na Tanong
1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kapitan
Tiago?
2. Ano ang kapuna-puna sa pagpapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni
Maria Clara ng isang agnos na mamahalin?

Karagdagang Gawain
1. Magbigay ng mga katangian ni Basilio na nakatawag
pansin sa iyo na maaari mong tularan. Bakit?
2. Sumulat ng dalawang talata na may apat na pangungusap sa bawat talata
patungkol sa huwarang katangian ng mga kabataan.

Pamantayan:
Makabuluhan (5puntos)
Makatotohanan (5puntos)
Makasaysayan (5punto)
Orihinal (5puntos
Inihanda ni:
Rebecca V. Montejo

You might also like