You are on page 1of 19

1

Filipino
Ikalawang Markahan Modyul 2
Ikalawang Linggo
2

Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.   
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. 
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan. 
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. 
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
3

Alamin Natin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa Modyul 2.2 Ang
mga mitolohiya ng Hawaii.
Layunin ng modyul na ito ay
⮚ Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan. F10PN-IIa-b-71
⮚ Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation). F10PT-IIa-b-71
⮚ Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood. F10PD-
IIa-b-69
⮚ Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino. F10PU-IIa-b-73

Ang bansang Hawaii ay ang ikalimapu at pinakahuling estado ng Amerika na


naitatag noong Agosto 21,1959. Ito ay binubuo ng walong malalaking islang
tinitirhan ng mga tao at 124 na mas maliliit na islang walang naninirahan. Ito rin ay
nahahati sa apat na lungsod; ang lungsod ng Honolulu, Kauai, Maui, at isla ng
Hawaii na tinatawag ding “The Big Island.” Ang isla ay pinaniniwalaang nabuo
gadil sa pagsabog ng Mauna Lao nang dahil sa pag-aaway ng magkapatod na
diyosang sina Namaka at Pele, mga pangunahing tauhan ng babasahing
mitolohiya.
Ilang pang impormasyon tungkol sa Hawaii tulad ng sumusunod;
● Ito ang kaisa-isang estado ng Amerika na may mauling kagubatan o tropical
rainforest.
● Ang Isla ng Hawaii na kilala ring “The Big Island”at sinasabing tahanan ni
Diyosang Pele ay nadagdagan ng 16 na ektaryang lupa taon-taon, dahil sa
patuloy na pagsabog ng Bulkang Kilauea. Ang Bulkang ito ay tatlumpung taon
nang patuloy na sumasabog.
● Walang makikitang billboard sa Hawaii dahil may batas silang nagbabawal nito.
● Wala ding maririnig na busina. Karaniwang mabagal ang takbo ng buhay sa isla
na tinatawag nilang aloha lifestyle. Hindi kailangang magmadali sa
pagmamaneho. Dahil dito ay di nila kailangang bumusina.
● Huwag na huwag susubok tumawid sa maling tawiran o tumawid kung
nakaberde pa ang ilaw trapiko.
4

Subukin Natin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa nilalaman ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul .

PANUTO. Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at Piliin at bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Ano ang bagay na naging kasangkapan ni Pele sa kanyang pakikipaglaban.


A. Tubig C. Apoy
B. Ginto D. Espada
2. Ang magulang na magkakapatid ay mga diyos at diyosa ng
A. karagatan at kalangitan C. buwan at araw
B. kalupaan at kalangitan D. mga bituin at kalaliman ng lupa
3. Ang lahat ay naging tagpuan sa mitolohiya ng Hawaii maliban sa
A. Tahiti C. Mauna Lao
B. Isal ng Hawaii D. Lungsod ng Honolulu
4. Siya ang pangunahing tauhang naging tagapagligtas ng kanyang Pamilya subalit
nagdala rin ng maraming kapahamakan.
A. Pele C. Namaka
B. Hi’iaka D. Haumea
5. Mula sa binasa, nalaman nating ang mga diyos at diyosang ito, hindi tulad nating
mga mortal na isinilang ng kanilang ina ay nagmumula pala sa isang bagay. Anong
bagay ang kanilang pinagmulan?
A. itlog C. bangka
B. puno D. kalangitan
6. Ano ang ipinakiusap ni Lehua kay Pele para sa kanyang asawa
A. Buhayin ang asawa o kaya’y gawin din siyang isang uri ng halaman
B. Hayaan ang asawang mamatay na siya.
C. Buhayin silang pareho
D. Hayaan silang mamatay pareho
7. Siya ang diyos ng makalumang kalupaan.
A. Haumea C. Kane Milohai
B. Pele D. Namaka
8. Ang anak nina Haumea at Kane Milohai ay:
A. Anim na lalaki at pitong babae
B. Anim na babae at pitong lalaki
C. Apat na lalaki at limang babae
D. Apat na babae at limang lalaki
9. Ang mga anak ng mga ni Haumea at Kane Milohai ay lumaki ng;
A. Unti-unting nawawala ang katahimikan at kapayapaan sa isa’t isa
B. Unti-unting nanghihina ang kanilang mga katawan
C. Unti-unting nagkahiwa-hiwalay dahil sa inggit
D. Unti-unting lumagay sa tahimik
5

10. Ano ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng Pamilya nila Haumea at Kane Milohai?
A. Dahil sa pag-aagawan ng kayamanan
B. Dahil sa pag-aagawan ng kapangyarihan
C. Dahil sa matinding selos at awayan sa pagitan ni Pele at Namaka na sa pag-
aakalang inagaw ni Pele ang kasintahan nito
D. Dahil sa iisa lang ang tinitignan ng magulang ng mahusay at magaling sa
pamilya.
11. Ang matinding kaaaway ni Pele sa magkakapatid.
A. Namaka C. Hai’iana
B. Hi’iaka D. Ohi’la
12. Ano ang tagubilin ng ina ni Pele sa kanya.
A. Ang apoy ay nakabubuti bilang kapangyarihan.
B. Ang apoy ay mainam na sandata.
C. Mapanganib ang apoy na makapadudulot ng kapahamakan sa kanya at sa
buong isla
D. Mapanganib ang apoy kapag pinaglaruan mo lamang ito.
13. Ano ang nagyari sa pagsuway ni Pele sa tagubilin ng ina.
A. Nasunog ang kanilang bahay
B. Nasunog ang kaniyang kapatid
C. Nasunog ang kanyang magulang
D. Nasunog ang kanilang tirahan at buong isla
14. Sino ang naatasang gumaod sa Bangka at magdala sa kanila sa isla.
A. Namaka C. Kane
B. Pele D. Hi’iaka
15. Ano ang layunin ni Pele sa paglayo ng pamilya sa kanyang kapatid na si Namaka?
A. Alagaan ang itlog ng kanilang mga alagang manok
B. Alagaan ang kanyang pamilya
C. Alagaan ang bunsong kapatid na ipnagkatiwala ng ina na nooy nasa loob pa
lamang ng itlog.
D. Alagaan ang sarili alang-alang sa pamilya.

Modyul
Mitolohiya mula sa Hawaii
2.2
Panitikan: Si Pele, Ang Diyos ng Apoy at Bulkan
Isang Mitolohiya mula sa Hawaii
6

Balikan Natin
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa tulong ng “Graphic Organizer” Isalaysay ang bahagi ng mitolohiyang Sina Thor at
Loki sa Lupain ng mga higante.

Mataas na Pangyayari

Simula
Sina Thor at Loki sa
Mababang Pangyayari
Lupain ng mga HIgante

Wakas

Mahusay! Upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa mitolohiya narito ang
isang akdang pampanitikan mula sa bansang Hawaii. Tunghayan natin ang pangayayari sa
magkapatid na Sina Diyosang Pale at Diyosang Namaka na naging mortal na kaaway. Ano
kaya ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo? Alamin at matuto sa karanasan
ng magkapatid.

Tuklasin Natin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
gawain o isang sitwasyon.
GAWAIN 1. IPAKILALA…IBAHAGI…
Ikaw ba ay may kapatid? Halina’t ipakilala sila, ibahagi ang mga nararamdaman bilang
kapatid. Punan ang bawat hanay.
❖ Sa unang hanay isulat mo ang pangalan ng iyong kapatid. At kung ikaw naman ay
nag-iisang anak isulat mo ang pangalan ng tao na itinuturing mong kapatid,
❖ Pagkatapos sa ikalawang hanay naman ay may iba’t ibang emoticon na kung
saan ay bibilugan mo ang damdamin na mayroon ka sa iyong kapatid.
❖ At ang huling hanay ay bibigyan mo ng pagpapaliwanag kung bakit ito ang
nararamdaman mo sa kanya.

Pangalan ng Damdamin Pagpapaliwanag sa


7

Kapatid naging damdamin

GAWAIN 2. IPAGMALAKI MO….


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-anong magagandang katangian ang nais mong tularan sa iyong kapatid?
2. Ano-anong mga bagay ang hindi ninyo napagkakasunduan? At bakit?
GAWAIN 3. M.M.K (Magkaibigan…Magkaaway…Kalooban)
Sa puntong ito ng gawain. Hihikayatin kitang magkaroon ng puso sa pusong pag-uusap ng
iyong kapatid o itinuturing na kapatid. Itala at ilahad ang dahilan sa hanay ang mga
panahon na kayo ay magkaibigan, magkaaway at sabihin ang inyong mga saloobin sa isa’t
isa. Gamitin ang hanay sa ibaba bilang gabay sa iyong gawain.

PANAHON NA PANAHON NA SALOOBIN/


MAGKAIBIGAN MAGKAAWAY KALOOBAN
8

Talakayin Natin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

GAWAIN 4. BASAHIN AT SURIIN ANG NILALAMAN NG TEKSTO.


Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

Tahimik na namumuhay sa maganda at masaganang luapin ng Tahiti ang


mag-asawang si Haumea, ang diyosa ng makalumang kalupaan at si Kane Milohai,
ang dios ng klangita kasama ang kanilang anim na anak na babae at pitong anak
na lalaki. Subalit habang lumalaki ang kanilang mga anak ay unti-unting nawawala
ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang tahanan dahil sa matinding alitang
namamagitan sa mga anak nilang sina Pele, ang diyosa ng apoy at si Namaka, ang
diyosa ng tubig. Nag-ugat ang matinding awayan ng magkapatid sa paniniwala ni
Namaka na inagaw ng kapatid na si Pele ang kanyang kabiyak.
Noong una’y pilit inaayos ng magulang ang alitang ito. Katunayan, ninais
nilang maging isa ring diyosa ng tubig si Pele tulad ng kapatid na si Namaka.
Inaakala nilang makatutulong ito upang magkasundo ang magkapatid subalit hindi
ito matupad sapagkat nang madiskubre ni Pele ang apoy sa kailaliman ng lupa,
labis siyang naakit at wala nang sinumang makapalalayo sa kanya at sa apoy.
“Napakaganda ng apoy, Ina. Bakit ba ninyo ako pilit inilalayo rito?” ang
madalas niyang sabihin sa ina kapag nahuhuli siyang nakikipagalaro sa apoy.
“Mapanganib iyan sa iyo at sa iyong mga kapatid” ang paalala naman ng
kanilang ina subalit hindi nito nabago ang pagkakaakit ni Pele sa apoy.
Hindi nga nagkamali si diyosang Haumea sa pagpapaalala sa anak. Isang
araw, sa muling pakikipaglaro ni Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang
kanilang tirahan, ang buong isla ng Tahiti. Galit nag alit si Namaka nang malaman
ang ginawa ni Pele at nagbantang paahunin ang tubig sa buong isla upang
lumubog ito sa baha. Sa takot ng mag-asawang Haumera at Kane Milohai para sa
kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang isinakay ang kanilang buong pamilya
sa isang Bangka. Si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang
isla upang makatakas sa poot ni Namaka.
“Ahhhhh, hindi kayo makakalayo! Susundan kita. Pele kahit saan ka
magpunta!” ang galit na galit na pagbabanta ni Namaka.
Subalit naging napakabilis ng paggaod ni Pele kaya’t hindi na sila inabutan
ng nagngingitngit na kapatid. Bukod sa layuning mailayo ang pamilya sag alit ni
Namaka ay mayroon pa siyang isang mahalagang misyon. Sa kanya ipinagkatiwala
ng magulang ang kanyang bunsong kapatid na noo’y nasa loob pa ng isnag itlog at
hindi pa napipisa. Habang mabilis siyang gumagaod ay buong ingat niyang inilagay
sa kanyang kandungan ang itlog upang maiwasang mabasag at upang ito rin ay
mainitan.”
Pagkatapos nang mahaba at nakapapagod na paglalakbay ay sumapit na
rin ang mag-anak sa isang isla.” Dito muna tayo titigil, ama, ina” ang sabi ni Pele.
“Mainam tirhan ang lugar na ito dahil kakaunti pa lang ang nakatira. Magiging ligtas
9

tayo rito”’ dugtong pa niya.


At ang islang iyon nga ang pansamantalang nanirahan
ang mag-anak. Sa islang ito napisa mula sa itlog at
lumaking isang napakagandang dalagita na may likas na
hilig sa pag-awit at pagsayaw ang bunsong kapatid na
pinag-iingatan nang labis ni Hi iaka, Dahil sa kanya nag-
mula ang hula na isang sagradonga sayaw, si Hi iaka ay
itinuring na diyosa ng hula at ang mga mananayaw.
Ang mga tao sa isla ay labis na humanga sa kagan-
han nina Pele at Hi iaka gayundin sa husay ni Hi iaka sa
pagsasayaw ng hula. Subalit hindi lahat ay natuwa
sapagkat may apat na diyosa ng niyebeng naninirahan
din sa isla ang naiinis sa magkapatid dahil sila na lang
ang nabibigyang-atensiyon at paghanga ng mga tao.
Hindi sila dapat narito. Ginugulo nila ang isip ng mga tao
sapagkat sa kanila na lang nauukol ang kanilang paghanga. Kailangang mapaalis
natin sila” ang sabi ng pinakapangulo ng apat na diyosa. Kaya naman, sa tuwing
makapagpapatayo ng tahanan si Pele para sa kanyang pamilya ay binubugahan
nila ng niyebe ang tahanan. Napilitan tuloy ang pamilyang magpalipat-lipat ng
tirahan sa mga kalapit na isla. Subalit sa pagpapalipat-lipat nila’y hindi rin naman
sila naligtas sa mataas na along ipinadadala ni Namaka na nag-aabang lang pala
sa dagat.
Sa huli’y nakahanap din si Pele ng
Isang ligtas na lugar para sa kanyang pamilya.
Ito’y sa isang napakataas na bundok na tinata-
Wag na Mauna Loa. Ito ang pinakamataas na
bundok sa buong mundo kung susukatin ang
taas nito mula sa bahaging nakalubog sa kara-
gatan. Subalit kahit nasa mataas na lugar na
sinaPele ay hindi basta sumuko si Namaka.
Pilit niyang pinaabot sa tuktok ng bundok ang
mga along kanyang pinakakawalan. Hindi
naman nagpatalo si Pele, Sa wakas, nagamit
niya ang apoy upang makaganti kay namaka.
Sa kagustuhan na rin niyang mailigtas ang kanyang pamilya ay pinagliyab niya
ang apoy sa pusod ng bundok. Ang init ng apoy mula sa kailaliman ng bundok ay
naging dahilan ng pagputok nito. Ang lumabas na lava sa tuktok ng bundok ay
gumugulong pababa at tumaon sa malaking bahagi ng dagat na nasa ibaba nito.
Nang matuyo ang makapal na lava ay naging kalupaan ang paligid ng sumabog
na bundok at tinatawag na ngayong isla ng Hawaii o “The big Island”.
Bagama’t nanalo siya sa matinding labanan nila ni Namaka, labis na
nanghina ang katawang lupa ni Pele at siya’y namatay. Subalit ang kanyang
espiritu ay nanatili at nagagawa nitong baguhin ang kanyang anyo sa anumang
itsurang nais niya. MInsa’y nakikita siya bilang isang magandang babaeng may
mahaba at nakalugay na buhok, minsay isang matandang sumusubok sa
kabutihan ng mga mamamayan, minsa’y isang maliit na asong puti, at iba pa.
Minsan sa kanyang pamamasyal sa paligid ng bulkan, siya’y nagbalat-
kayo bilang isang napakagandng dalaga. Doon niya nakita ang isang makisig na
lalaking nagngangalang Ohi’a. Agad inakit ni Pele ang lalaki subalit buong galang
siya nitong tinanggihan sapagkat siya’y may asawa nang mahal na mahal niya.
10

Nakita ng ni Pele si Lehua, dumating ito upang dalhan ng tanghalian ang asawang
si Ohi’a. Kitang-kita rin ni Pele kung paanong niyakap at hinagkan nang buong
pagmamahal ni Ohi’a ang kanyang asawa. Dala ng matinding galit at paninibugho
ay kumawala kay Pele ang matinding apoy na tumama kay Ohi’a kaya’t ito’y
naging isang sunog na puno.
Nang Makita ni Lechua ang nangyari sa asawa ay buong pait na
niyakap niya ang puno habang lumuluha at nagmamakaawa kay Pele. “Maawa ka
diyosang Pele”, ang pakiusap niya.” Buhayin mop o ang asawa ko o gawin mo na
rin akong halaman upang magkasama na kami habambuhay. Hindi ko kakayaning
mapawalay sa kanya, mahal na mahal ko po siya,” ang pagmamakaawa nito
habang patuloy ang walang katapusang pagluha.
Sa walang tigil na pagluha at pakikiusap ng ba-
bae ay lumambot ang puso no Pele at pinagsi-
sihan ang kanyang nagawa. Ginawa niyang
isang halamang pino at magagandang pulang
bulaklak si Lechua na ikinapit niya sa puno ng
ohi’a. Naging espesyal sa kanya ang puno ng
ohi’a lechua kaya’t ang mga ito ang unang-una
sumisibol sa nabubuong lupa mula sa lava ng
pumuputok na bulkan. Mula noon hanggang
ngayon, lagi nang magkadikit ang puno ng
ohi’a
at ang mga bulaklak ng lechua. Katunayan
may paniniwala sa Hawaii na habang magkadikit ang ohi’a at lechua ay maganda
ang panahon subalit kapag biglang umulan ng malakas ay naniniwala silang may
pumitas sa bulaklak ng lechua. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng mga luha ni
Lechua na ayaw mawalay sa kanyang pinakamamahal na si Ohi’a.
Subalit hindi pa rito nagtatapos ang kuwento sa pagiging sobrang
selosa ni Pele at hindi inaasahang ang magiging susunod pa niyang biktima ay
ang pinakapaborito niyang kapatid na si Hi’iaka.Isang araw, habang tahimik at
masayang naglalaro sa hardin at nag-aalaga sa mga tanim na Ohi’a lechua sina
HI’aka at ang matalik niyang kaibigang si Hopoe ay tinawag siya ni Pele.
“Hi’iaka, sunduin mo ang bago kong kasintahang si Lohi’au.Isa siyang
makisig na lalaki. Binabalaan kita, dalhin mo siya rito at huwag aakitttin” ang
habilin ni Pele sa kapatid.
“Masusunod po, ate Pele,” ang sagot naman ni Hi’iaka.” Dadalhin ko
rito si Lohi’au para sa iyo pero alagaan mo sana ang aking hardin habang wala
ako’.
Pumayag si Pele at si Hi’iaka ay nagsimula na sa isang mahaba at
mapanganib na paglalakbay. Napakarami palang halimaw at mga panganib sa
kanyang daraanan. Naging matagal ang kanyang paglalakbay. Napakarami
palang halimaw at mga panganib sa kanyang daraanan. Naging matagal ang
kanyang paglalakbay dahil nakipaglaban pa siya sa mga halimaw na ito bago
marating ang pupuntahan. Sa tagal ng paglalakbay ay nadatnan niya Lohi’au na
noo’y halos patay na dahil sa pagkakasakit at sa pag-aakalang nalimutan na ni
Pele ang pangakong babalikan siya.
“Kailangan mong gumaling, Lohi’au,” ang sabi ni Hi’iaka sa binata.”
11

hinihintay ka ni ate Pele,” ang dugtong pa niya habang ginagawa ang lahat nang
makakaya at ginagamit ang kung anumang mumunting kapangyarihang mayroon
siya upang mabuhay lang ang binata.
Habang hinihintay na gumaling nang lubusan si Lohi’au ay unti-unting
nagkakalapit ang kalooban ng dalawa, subalit Malaki ang paggalang ni Hi’iaka sa
kanyang ate at hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit dito kahit pa
nakadarama na siya ng pag-ibig sa binate.
Subalit hindi na mapakali si Pele sa tagal nang hindi pagbabalik ni
Hi’iaka. Umabot na nang apatnapung araw ay hindi pa bumabalik ang bunsong
kapatid. Kung ano-ano na ang kanyang naiisip. Inakala niyang inakit na ni Hi’iaka
ang kanyang kasintahan. Sa tindi ng selos at galit ay muling sumabog ang lava
mula sa bulkan at nasunog nito ang hardin na ipinagbilin ng kapatid na alagaan
niya. Sa kasamaang palad ay natabunan din ng lava at nasunog ang kaibigang
matalik ni Hi’iaka na si Hopoe.
Sa kanyang pagbabalik, malayo pa ay nakita na ni Hi’iaka ang
ginawa ni Pele sa kanyang hardin at nakita rin niya patay na si Hopoe na
nagmistulang taong bato dahil natabunan ng lava. Labis niya itong ipinagdamdam
at ikinagalit. At upang makaganti, nang alam niyang natatanaw na sila ni Pele ay
hinagkan at niyapos niya si Lohi’au na siyang muling nagpasabog sa galit ng
kanyang selosa at mainiting ang ulong kapatid. Namatay si Lohi’au na isang
mortal dahil sa dumaloy na lava mula sa sumabog na bulkan subalit si Hi’iaka na
isang diyosa ay hindi nasaktan. Nang mamatay si Lohi’au ay napagtanto ni Hi’iaka
na mahal na mahal pala niya ang binata.
“Kuya, tulungan mo akong makuha ang kaluluwa ni Lohi’au sa
kailaliman ng lupa” ang pakiusap niya sa panganay na kapatid na lalaki, ang diyos
na si Kane-milo.
“Sige, tutulungan kita. Napakarami nang nadadamay sa init ng ulo at
wala sa lugar na pagseselos ni Pele,” ang sagot naman ng kanyang kuya.
Namangka si Kane-milo patungo sa kailaliman ng lupa subalit hindi
pa siya nakakalayo ay nakita na niya ang lumulutang na kaluluwa ni Lohi’au sa
tabi ng kanyang Bangka.Muling ibinalik ni Kane-milo ang kaluluwa ni Lohi’au sa
kanyang katawang lupa kaya’t labis na naging masaya ang magsing-irog na si
Lohi’au at si Hi’iaka ng sila’y muling magkita. Nagpasiya silang lumayo sa isla ng
Hawaii at lumipat na lang sa isla ng Kaua’I at doon na nanirahan upang makaiwas
sa galit ni Pele.
At si Pele, pinagsisishan niya ang ginawa sa pinakamamahal niyang
kapatid at kay Lohi’au. Hinayaan na niya silang mamuhay ng tahimik at payapa.
Hindi alam ni Hi’iaka na ang masaganang pagsibol ng anumang itanim sa
kanilang mga lupain ay kagagawan ni Pele bilang pagpapakita ng pagsisisi at
patuloy na pagmamahal sa kanyang bunsong kapatid.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin nakakarinig ng mga kuwnentong
kaugnay sa diyosang si Pele. May mga nagsasabi na kapag sasakay sila ng
matandang babaeng nakaputi na may dalang aso Kilauea National Park subalit
paglingon niya ay wala na silang pasahero. Sa ilang nakunang larawan ng
pagsabog ng bulkan ay nakikita raw ang mukha ni diyosa Pele. Ang lahat ng
naninirahan sa isla anuman ang relihiyon ay nagbibigay-galang sa diyosa. At bakit
12

hindi kung nalalaman nila may mahigit 200 gusali o istruktura na ang nasira ng
pagsabog ng bulkan mula noong 1983 at higit pa rito, ang malalakas na pagputok
ng bulkan ay nakapagdagdag na ng mahigit 30 hektaryang lupain sa timog
silangang bahagi ng isla ng Hawaii.
GAWAIN 5. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa
ikalawang pangungusap. Ikahon ang salitang ito.
1 Lumayo sina Pele saglit ni Namaka hanggang sa sumapit sila sa isang isla.
Dumating sila sa isang isla na naging tahanan nila.
2 Isang matinding awayan ang namagitan sa magkapatid na Pele at Namaka. Ang
kanilang alitan ay naging dahilan ng kawalang kapayapaan sa kanilang tahanan.
3 Nais ng magkasintahang mapalayo sa galit ng diyosang si Pale.Nagtungo ang
magsing-irog sa isang isla at doon nanirahan.
4 Napagtanto ni Pele na ang kanyang ginawa ay mali. Dahil sa kanyang nalaman ay
gumawa siya ng paraang makabawi sa kapatid.
5 Ikanalumbay ni Hi’iaka ang ginawa ni Pele sa kanyang hardin. Ikinalungkot niya rin
ang pagkamatay ng kaibigang si Hopoe.
GAWAIN 6. SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG.
1. Bakit nawala ang kapayapaan at katahimikan sa pamilya nina Pele at Namaka?
2. Bakit nagalit si Namaka ng labis kay Pele ano ang dahilan at nilisan ng buong
pamilya ang kanilang tahanan?
3. Maliban sa paggawad ng bangka, anong mahalagang bagay pa ang ipinagkatiwala
ng magulang kay Pele?
4. Saan nakarating ang pamilya ni Pele? Ano-ano ang kanilang pinagdaanan?
5. Paano nabuo ang kalupaan sa palibot ng Mauna Loa na hindi nagtagal ay naging isla
ng Hawaii na tinawag ding “the Big Island”?
6. Ano ang epekto ng labis na pagseselos at mainitin ng ulo Pele? Ilahad.
7. Batay sa mitong binasa, saan nagmula ang halamang ohi’a lehua? Ano ang
kinalaman ng pangunahing tauhan sa pangyayaring ito.

Pagyamanin Natin
8. Kung ikaw ang magulang ni Pele at Namaka, ano ang gagawin mo upang hindi
humantong sa ganito ang kalagayan ng inyong pamilya?

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pag-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

GAWAIN 7. KARAGDAGANG PAGSUSURI


Tukuyin ang mga pangunahing paksa o ideya batay sa mga nabasa. Lagyan ng tsek (/)
ang patlang bago ang bilang. Pumili ng isang pangunahing paksa o ideyang nilagyan mo
ng tsek at ipaliwanang kung bakit mahalaga itong panuntunan sa buhay.
13

_____1. Ang kayamanan ay dahilan ng pag-aaway ng magkakapatid/ magkakapamilya lalo


nat pumanaw ang mga nakatatanda.
_____2. Nagdudulot ng gulo sa pamilya ang pag-aaway o hindi pagkaka-sundo ng
magkakapatid.
_____3. Ang paglilibang katulad ng pamamasyal sa iba’t ibang lugar ay nakabubuti sa
samahan ng pamilya.
_____4. Ang Pagseselos kahit walang sapat na ebidensya o dahilan ay maaaring magdala
sa maling desisyon.
_____5. Ang Pagsasakripisyo o paghihirap ng isang tao ay magagawa para sa kaligtasan
ng miyembro ng pamilya.

● Ang pangunahig paksa at ideya mula sa mga sagot ko na sa tingin ko ay


makabubuti rin sa akin ay _________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________________________
GAWAIN 8. I.A.T.F Ihambing Ang Tatak Filipino
Magsaliksik ka ng mitolohiya mula sa bansang Pilipinas mula sa mga aklat o internet.
Pagkatapos ay ihambing ito sa binasang nating mitolohiya mula sa Hawaii. Gamitin ang
talahanayan sa gagawing paghahambing.

Mitolohiyang Mitolohiya ng Hawaii


Pilipino PAGKAKATULAD

Pamagat: Pamagat:

Pagkakaiba Pagkakaiba

PAGSASANIB NG PANITIKAN AT GRAMATIKA


GAWAIN 9. TIYAKIN NA NATIN
Kung may tauhan sa ating sariling panitikan na maaaring ihambing kay Pele ay si
Rihawani at si Mariang Makiling. Bumuo nang hindi bababa sa limang pangungusap na
maghahambing sa dalawang tauhan. Gumamit ng mga pandiwang nasa pokus sa
tagaganap at layon.

Tandaan Natin

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
14

GAWAIN 10. Sagutin ang tanong ng may pagpapahalaga at pagiging totoo sa sarili.
A. Paano mapapanatili ang pagkakasundo-sundo at magandang samahan ng
magkakapatid?
B. Naranasan mo ba na hindi kibuin ng iyong kapatid sa hindi malamang
dahilan? Ano ang iyong hakbang ang iyong ginawa sa sitwasyong ito?

Isabuhay natin
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

GAWAIN 11. Sa binasang akda pumili na isang lubos mong naibigan Suriin ito batay sa
sumusunod na balangkas. (Ang pagsusuring gagawin ay isusumite sa paraang
paguupload sa kanilang mga Facebook Page/Messenger group at Google Classroom)

I. PANIMULA
II. PAGTAAS NA PANGYAYARI
UNA
IKALAWA
IKATLO
III. KASUKDULAN
IV. PABABANG PANGYAYARI
UNA
IKALAWA
V. WAKAS

PAMANTAYAN

PAGSUSURI PUNTOS (10) KABUUANG PUNTOS


Napunan ang lahat ng
impormasyon ng
pangunahing bahagi ng
mitolohiya
Naipaliwanag ng mahusay
ang lahat ng impormasyon
batay sa paraan ng
pagsusuri
KABUUAN 20 PUNTOS

Tayahin Natin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng


natutuhang kompetensi.
15

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin at isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______1. Ang bunsong kapatid ni Pele na kinagiliwan at hinangaan ng lahat dahil sa galing
sa pagsayaw ng hula.
A. Namaka C. Oha’ia
B. Hi’iaka D. Olla
________2. Ano ang pumapasok sa isip ng tao kapag nababanggit ang salitang mitolohiya.
A. Ang mitolohiyang Griyego ay tanyag sa kakaibang kasaysayang dala nito.
B. Iniiisp ng tao ang kultura na griyego
C. Nakatatak ang mga nagdaang panahon
D. Naaalala ang mga pangyayari noon
________3. Ang dahilan ng paglipat-lipat ng tirahan ni Pele.
A. Nagagalit ang mga diyos ng niyebe dahil kagandahan ni Pele.
B. Nagagalit ang mga diyos ng niyebe dahil sa kagandahan ni Hi’iaka
C. Nagagalit ang mga diyos ng niyebe dahil sa kagandahan ng magkapatid.
D. Nagagalit ang mga diyos dahil sa kagandahan ng magkaptid na ang lahat ng tao sa
isla ay nakatuon ang atensyon sa kanila.
________4. Ano ang ginagawa ng diyosa ng niyebe sa tuwing makapagpapatayo ng tahanan si
Pele?
A. Binubugahan nila ng apoy ang tahanan.
B. Binubugahan nila ng niyebe ang tahanan.
C. Binubugahan nila ng usok ang tahanan.
D. Binubugahan nila ng bomba ang tahanan.
________5. Ang mataas na bundok na pinagtayuan ng tahanan ng pamilya ni Pele?
A. Mauna Lao C. Mauna Luo
B. Mauna Liu D. Mauna Lee
________6. Ayon sa mitolohiya, Saan nagmula ang sinasabing “The Big Island”?
A. Sa galit ng diyosa ng apoy kung kaya’t sumabog ang bundok na kung saan
ang putik na lumubas mula rito ay tinatawag na lava na tumabon sa
malaking bahagi ng dagat na ng matuyo ay naging kalupaan.
B. Sa galit ng diyosa ng apoy ay gumuho ang lupa at tumabon sa malaking
bahagi ng dagat.
C. Sa tuwa ng diyosa ng apoy ay sumabog ang bundok na kung saan ang
putik na lumabas rito ay tinatawag na lava na tumabon sa malaking bahagi
ng dagat nan g matuyo ay naging kalupaan.
D. Sa tuwa ng diyosa ng apoy ay gumuho ang lupa at tumabon sa bahagi ng
dagat.
________7. Ang “The Big Island” ay tinawag ngayong;
A. Isla ng Honolulu C. Isla ng Tabon
B. Isla ng Hawaii D. Isla ng Aloha
_________8. Ano ang dahlia ng pagkamatay ni Pele?
A. Dahil sa sobrang maiinitin ang ulo
16

B. Dahil sa sobrang selos ng wala sa lugar


C. Dahil sa sobrang iinggit sa kanyang mga kapatid
D. Dahil sa matiniding labanan nila ni Namaka na dahilan sa panghihina ng
katawang lupa niya.
_________9. Sa pagkamatay ni Pele ay buhay pa rin ang kanyang espiritu, nagagawa
niyang baguhin ang kanyang sarili sa:
A. Pagiginng isang matandang babae
B. Nag-aanyo na isang mabangins na hayop
C. Nag-aanyong magandang babae, matandang sumusubok ng kabutihan ng
mamamayan at minsan ay asong puti
D. Nag-aanyong magandang babae at mabangis na hayop.
_________10. Ano ang naging dahilan ng pagseselos ni Pele na nauwi sa hindi
magandang pangyayari?
A. Ang pagtanggi ni Ohi’a sa pang-aakit ni Pele dahil siya ay may asawa na na
mahal na mahal niya.
B. Nang makita ni Pele na kung paano niyakap at hinagkan ni Ohi’a ang
minamahal nitong asawa
C. Nang makita ni Ohi’a ang asawa na niyakap ni Pele ng buong puso.
D. Ang pagtanggi ni Pele sa pang-aakit ni Ohi’a dahil sa may asawa na na
mahal na mahal niya.
_________11. Ano ang ginawa ni Pele kay Lehua?
A. Ginawa niyang isang halamang may pino ang magagandang bulaklak at
ikinapit niya sa puno.
B. Ginawa niyang isang puno na hindi namumulaklak
C. Ginawa niyang isang pusang itim na magbabantay sa puno at halaman
D. Ginawa niyang isang tupa na magbabantay sa kagubatan.
________12. Ano ang paniniwala ng Hawaii sa tuwing magkadikit ang ohi’a at lehua?
A. Maganda ang panahon
B. Maganda ang bunga ng puno
C. May masamang mangyayari
D. May masamang dulot ang bunga ng puno
_________13. Ano ang paniniwala ng Hawaii sa tuwing sasapit ang ulan?
A. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng mga luha ni Ohi’a na ayaw mawalay sa kanyang
kasintahan.
B. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng mga luha ni Lehua na ayaw mawalay sa
kanyang pinakamamahal na asawa.
C. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng luha ni Pele sa pagkakawalay sa kanyang pamilya
D. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng luha ni Pele sa pagsisi sa ginawa niyang
pagkakamali.
_________14. Ang dahilan ng muling pagsiklab ng lava na ikinasira ng hardin ni hi’iaka at namatay
ang matalik na kaibigang si Hopoe.
A. Nang hindi agad nagbalik si Hi’iaka ay iba-iba na ang naisip ni Pele na baka siya ay
pinagtaksilan na ng kanyang kapatid.
B. Nang malamang inagaw ni Hi’iaka ang kasintahang si Lohi’au
17

C. Nang muling nagbalik si Namaka upang maghiganti kay Pele


D. Nang muling nabuhay si Lehua upang maghiganti kay Pele
__________15. Ano ang naging saloobin ni Hi’iaka sa kanyang kapatid na si Pele ng Makita niya ang
ginawa nito sa kanyang hardin at matalik na kaibigan?
A. Nagalit at nakipag-away sa kapatid
B. Nagalit at umalis na lamang sa isla
C. Nagalit at nanlumo sa nakitang pangyayari sa kanyang hardin at kaibigan’
D. Nagalit at nanlumo sa ginawa ni Pele, upang makaganti ay hinagkan at niyakap niya ang
kasintahan nitong si Lohi’au

Gawin natin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
PANUTO: TUPDIN AT GAWIN
Sa panahon na ating kinakaharap dahil sa pandemya “Corona Virus”, maraming nagbago
sa pamumuhay ng tao.
1. Ikaw at ang iyong pamilya bilang kasapi sa kasaysayang ito ng ating bansa, ano-ano
ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng inyong Pamilya? Itala ang mga
pagbabagong naganap sa inyong buhay sa iyong journal katulong ang iyong mga
magulang sa gawaing ito. Maaring magtala o magdikit ng larawan ng mga nakitang
pagbabago sa loob ng tahanan at maging sa pamayanan.

2. Kung sa kasaysayan at mitolohiyang ating napakinggan at nabasa ay masasabi


nating masuwerte pa din ang mga taong nabigyan ng isang kakaibang
kapangyarihan. Kung ikaw ay bibigyan ng isang kapangyarihan ano ito at paano mo
ito gagamitin.

JOURNAL

REPLEKSYON
18

Ang bahaging ito ay inihanda upang magbalik-tanaw sa inyong


natutuhan sa mga araling tinalakay.
Sa tulong ng grapikong representasyon itala mo ang mga bagay
na iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

Ano ang iyong


damdamin sa samahan
ng magkakapatid sa
binasahang mitolohiya?

Ano ang mga aral na


natutuhan mo na hindi
dapat mangyari sa mga
magkakapatid?

Ano ang mga ugaling


ipinamalas ng tauhan sa
mitolohiya na hindi
dapat manaig sa isang
tao?Ipaliwanag.

Sanggunian:
Aklat
Dayag, Alma M., Del Rosario, Mary Grace G., Marasigan, Emily V.,2016. Pinagyamang
Pluma 10. Quezon City.Phoenix Publishing House.
Internet
https://www.google.com.ph/search?
q=+hawaiian+danceclip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjg9vDSydvpAhWlx4sBHVQZAUsQ2-
cCegQIABAA&oq=+hawaiian+danceclip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQBxAeOgQIABATO
ggIABAHEB4QEzoICAAQCBAHEB5QiIQBWJPQAWDG0gFoAHAAeACAAekBiAG3GpIBBjAu
MTguMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=0E_SXuDOEqWPr7wP1LKE2AQ
&bih=651&biw=1366#imgrc=xbmk_2IV3-fdtM

https://www.alamy.com/stock-photo/volcano-eruption-lava.html?cutout=1

https://picbabun.com/tag/ohialove
19

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: MARILOU M. MARTINEZ
Editors: VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE PAGALING
Content Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluators : JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA ,EPS-FILIPINO
Illustrator: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist: LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like