You are on page 1of 8

IKALAWANG

MARKAHANG
ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 10

Inihanda ni: Bb. Camille G. Gumaro


SANGGUNIAN: PINAGYAMANG PLUMA (IKALAWANG
EDISYON)
TALAAN NG MGA NILALAMAN
● MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MGA BANSANG KANLURAN ●

ARALIN 1
Panitikan: Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan,
Alamin Natin: Ang Mitolohiya
Gramatika/Retorika: Pokus ng Pandiwa (Tagaganap at Layon)
Pagpapalalim na Gawain: Pagbubuo ng banghay ng pinanood na mitolohiya at pagsasagawa ng
sistematikong pagsusuri sa nilalaman nito.
ARALIN 2
Panitikan: Macbeth,
Alamin Natin: Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo
Gramatika/Retorika: Pokus ng Pandiwa (Pinaglalaanan at Kagamitan)
Pagpapalalim na Gawain: Pagsulat ng isang sanaysay tungkol sa Scothland na aakit sa mga turistang
dalawin ang magandang bansang naging tagpuan ng dula.
ARALIN 3
Panitikan: Ang aking aba at Hamak na Tahanan,
Alamin Natin: Ang Tula at mga Elemento Nito
Gramatika/Retorika: Matatalinghagang Pananalita
Pagpapalalim na Gawain: Pagsulat at pagbigkas ng sariling tula
ARALIN 4
Panitikan: Ang kuwento ng Isang Oras,
Alamin Natin: Pagsulat ng Maikling Kuwento
Gramatika/Retorika: Pokus ng Pandiwa (Sanhi at Direksiyonal)
Pagpapalalim na Gawain: Pagbuo at Pagsasalaysay ng maikling Kuwentong gagamit ng anumang paksang
Napapanahon
ARALIN 5
Panitikan: Si Anne ng Green Gables,
Alamin Natin: Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring Pampanitikan
Pagpapalalim na Gawain: Paggawa ng simpleng iskrip at pagsasadula ng ilang bahagi ng nobela
ARALIN 6
Panitikan: Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall,
Alamin Natin: Pagbuo ng Talumpati
Gramatika/Retorika: Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalalim na Gawain: Pagsulat ng isang Facebook post, na ilalathala sa social media.
Aralin SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN
(Isang Mitolohiya mula sa Hawaii)
“Ang magkakapatid ay dapat magtulungan at magkaisa dahil ang hindi
mabuting relasyon nila’y makasisira sa pamilya.”

MAHALAGANG TANONG:
Paano maaaring mapanatili ang pagkakasundo at magandang samahan ng magkakapatid?
Bakit mahalagang maging maayos ang relasyon ng magkakapatid?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

PAGPAPALALIM NA GAWAIN
Sa araling ito’y mararanasan mong bumuo ng banghay ng pinanood na mitolohiya at
makapagsagawa na rin ng sistematikong pagsusuri sa nilalaman nito.
ALAM MO BA?

Ang Hawaii ay ang ika-50 at pinakahuling estado ng Amerika na naitatag lamag


noong Agosto 21, 1959. Ito ay binubuo ng walong malalaking islang tinitirahan ng mga
tao at 124 mas maliliit na islang walang naninirahan. Ito rin ay nahahati sa apat na
lungsod: Honolulu, Kauai, Maui, at Isla ng Hawaii na tinatawag ding The Big Island.
Ang isla ay pinaniniwalaang nabuo dahil sa pagsabog ng bulking Mauna Loa nang
dahil sap ag-aaway ng magkapatid ng diyosang sina Namaka at Pele, mga
pangunahing tauhan ng babasahin mong mitolohiya.
Marami pang kuntil-butil na kaalaman ang iyong malalaman ukol sa estado ng
Hawaii sa susunod na pahina:
 Ito ang kaisa-isang estado ng Amerika na may tropical na kagubatan. Ito rin
ang kaisa-isa nilang estadong nagtatanim ng kape, cacao, at vanilla beans.
 Ang Isla ng Hawaii na kilala ring The Big Island na siyang sinasabing tahanan
ni Diyosang Pele ay nadadagdagan ng 16 ektaryang lupa taon taon, dahil sa
patuloy ng pagsabog ng Bulkang Kilauea. Ang bulking ito ay 30 taon nang
patuloy na sumasabog.
 Walang makikitang billboard sa Hawaii dahil may batas silang nagbabawal nito.
Ang tatlo pang estado sa Amerika na nagbabawal din ng billboard ay ang
Alaska, Maine, at Vermont.
 Alam mo ba kung ano pang bagay ang wala sa Hawaii? Ang tunog ng busina.
Karaniwang mabagal ang takbo ng buhay sa isla na tinatawag nilang “aloha
lifestyle” kaya’t hindi nila kailangang magmadali sa pagmamaneho. Dahil dito’y
hindi na nila kailangang bumusina. At dahil nga isang isla sa gitna ng malawak
na karagatan, wala ring mga dayuhang sasakyang makikita rito kaya
napapanatili nila ang nakagawiang paraan ng pagmamaneho.
 Huwag na huwag kang susubok tumawid sa maling tawiran o tumawid kung
naka-berde pa ang ilaw-trapiko kapag ikaw ay nasa Hawaii. Kung hindi,
maghanda ka ng $130 na multa dahil mahigpit nilang ipinatutupad ang “No
Jaywalking” sa sa islang ito.
 Ang isa pang wala sa isla ng Hawaii ay ang ahas kaya’t ligtas maglakad-lakad
maging sa kanilang kagubatan. Ang dahilan ditto ayon sa Discover.com ay ang
kinalalagayan ng Hawaii na nasa kalagitnaan ng Karagatang Pasipiko kaya’t
ang tanging paraan para maabot ito ng mga hayop ay kung lalangoy o lilipad
sila patungo rito.
PAGPAPAYABONG NG TALASALITAAN

A. Pagtambalin ang dalawa sa mga salitang nasa mga kahon upang mabuo ang
kahulugan ng bawat bilang. Isulat ang pagtatambal na mga salita sa linya.
1. bangkero ____________________________________________________________
2. magbalatkayo ________________________________________________________
3. payapa _____________________________________________________________
4. poot ________________________________________________________________
5. tumanggi ____________________________________________________________
baguhin ang bangka
hindi anyo
matinding galit
tagaaod ng pamumuhay
tahimik na pumayag

B. Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita


sa ikalawang pangungusap. Bilugan ang salitang ito.

1. Isang matinding alitan ang namagitan sa magkapatid na Pele at Namaka. Ang


kanilang awayan ay naging dahilan ng kawalang kapayapaan sa kanilang tahanan.

2. Ang labis na paninibugho ni Namaka ay nagbunga ng pagdurusa para sa kanilang


pamilya. Matindi ang naidulot ng kanyang pagseselos nang walang basehan.

3. Napagtanto ni Pele na mali ang kanyang ginawa. Dahil sa kanyang nalaman ay


gumawa siya ng paraang makabawi sa kapatid.

4. Nanirahan na lang sa ibang isla ang magsing-irog. Nais ng mag-kasintahang


mapalayo sa galit ng diyosang si Pele.

5. Ipinagdamdam ni Hi’iaka ang ginawa ni Pele sa kanyang hardin. Ikinalungkot niya rin
ang pagkamatay ng kaibigan niyang si Hopoe.

SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN


Panoorin ang bidyo ng kwento sa youtube:
Unang bahagi: https://www.youtube.com/watch?v=UizXibJD41M

Ikalawang bahagi: https://www.youtube.com/watch?v=3zoR5Od3Zdg


Mga Gabay na tanong:
1. Paano nagsimula ang pamilya nina diyosang Haumea at diyos na Kane Milohai
noong una? Ano ang naging kaugnayan nina Pele at Namaka sa pagbabago ng
kalagayan ng kanilang pamilya?
2. Bakit kinailangang lisanin ni Pele at ang kanilang buong pamilya ang kinagisnang
tahanan?
3. Maliban sa paggaod sa bangka, anong mahalagang bagay pa ang ipinagkatiwala ng
mga magulang kay Pele?
4. Saan napadpad ang pamilya ni Pele? Ano ano ang pinagdaanan nila bago narrating
ang tirahan sa bundok ng Mauna Loa?
5. Paano ipinakita ni Pele ang labis na pagmamahal at pagtatanggol sa kanyang
pamilya?
6. Paano nabuo ang kalupaan sa palibot ng Mauna Loa na kalauna’y naging Isla ng
Hawaii o tinatawag na ding The Big Islands?
7. Saan nagmula ang halamang Ohi’a Lehua? Ano ang kinalaman ni Pele sa
pangyayaring ito?
8. Ano sa palagay mo naramdaman ng mga magulang ni Pele at Namaka sa nangyari
sa relasyon nilang magkapatid na nakaapekto na rin sa buong pamilya? Kung ikaw ang
mga magulang nila, ano ang gagawin mo sa una pa lamang upang hindi na umabot sa
ganito ang mga pangyayari?

Maikling Pagsusulit bilang isa (1)


A. Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pahayag. Kilalanin ang nilalaman,
elemento, at kakanyahang tinutukoy sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang pangunahing tauhang naging tagapagligtas ng kanyang pamilya subalit


nagdala rin ng maraming kapahamakan sa iba dahil sa kanyang pagiging mainitin ang
ulo at labis na pagseselos.
a. Pele b. Hi’iaka c. Namaka d. Haumea
2. Ang lahat ng ito ay naging tagpuan ng mitolohiya maliban sa isa. Alin ang hindi
kasama?
a. Tahiti b. Isla ng Hawaii c. Mauna Loa d. Lungsod ng Honolulu
3. Mula sa binasa, nalaman nating ang mga diyos at diyosang ito, di tulad nating mga
mortal na isinisilang na kani-kanilang ina ay nagmumula pala sa isang bagay. Anong
bagay ang pinagmumulan nila?
a. itlog b. puno c. banka d. kalangitan
4. Ang magulang ng magkakapatid ay mga diyos at diyosa rin. Diyos at diyosa sila ng
ano anong bagay?
a. karagatan at kalangitan c. kalupaan at kalangitan
b. buwan at araw d. mga bituin at kailaliman ng lupa

5. Ano ang bagay na naging kasangkapan ni Pele sa kanyang pakikipaglaban?


a. tubig c. apoy
b. ginto d. espada
ANG MITOLOHIYA
Ang Mitolohiya ay pag-aaral ng mga mito o “myth” Ang salitang mito ay galing sa
salitang latin na mythos at mula sa salitang Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento.
tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan.

POKUS NG PANDIWA
(Tagaganap at Layon)
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap. Naririto ang dalawa sa iba’t ibang pokus ng pandiwa:

 Tagaganap o Aktor ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng


pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa: Si Namaka ay nagalit nang labis kay Pele.

 Layon o Gol ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o
binibigyang-diin sa pangungusap.

Halimbawa: Ang mitolohiya ay pinag-usapan ng mga mag-aaral.

Maikling Pagsusulit bilang dalawa (2)


A. Panuto: Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paksa o
simuno at ikahon ang pandiwa. Pagkatapos, isulat sa linya kung ang pokus ng
pandiwang ito ay tagaganap o layon.

__________1. Ang magkapatid ay nag-aaway nang matindi.

__________2. Nagmamadaling umalis sa isla sina Pele.

__________3. Ang itlog ay ipinagkatiwala ng magulang kay Pele.

__________4. Ang apoy ay ginamit ni Pele laban sa kapatid.

__________5. Naghanap ng matitirhan ang pamilya.


B. Panuto: Ikaw naman ang magkuwento tungkol sa samahan ninyo ng kapatid mo o
kung wala kang kapatid ay ng taong itinuturing mong kapatid. Gamitin ang mga
pandiwa at ang pokus na hinihingi sa bawat bilang.

1. minamahal (layon)

____________________________________________________________________

2. nagtutulungan (tagaganap)

____________________________________________________________________

3. ipinahihiram (layon)

____________________________________________________________________

4. ibinigay (layon)

____________________________________________________________________

5. nagkakaisa (tagaganap)

____________________________________________________________________

You might also like