You are on page 1of 1

Paghihirap Patungo sa Pangarap

Rogelio Canoy Jr.

Ang bawat tao ay may natatanging pangarap na gustong makuha o maabot sa buhay dahil sa mga ito ay
nag pupunyagi tayo sa anumamg uri nang larangan na ating kinatatayuan para ito ay ating makamtang
tunay.

Isang digmaan kong maituturing ang buhay ng isang tao. Magulo, mahirap at maraming problimang
darating ang ating malakas na sandata ay ang ating sariling pangarap. Ngunit kung darating man ang
araw na mawalan tayo nang pag asa sino! Nga ba ang dapat sisihin? Ibang tao ba o sarili natin.
Pangarap ,isang bagay ang pinagdarasal natin sa Panginoon, mahirap man sungkitin pero kakayanin sa
pamamagitan ng mga motibasyonat sa Poong Maykapal, na dinggin ang mga panalangin, simula pag
kabata natoto tayong mangarap kahit sa sempling bagay lang. Hindi natin lubos inakala na habang tayo’y
lumalaki , mas lumalaki ang mga hamon sa buhay,problema, kahirapan, at diskriminasyon pero hindi
hadlang ang mga pagsubok para ihinto ang nasimulan nating mga plano sa buhay. Sa pamamagitan ng
ating pananalig sa ating Panginoon, binigyan nya tayo ng lakas ng loob upang harapin ang mga hamon sa
buhay. Hindi man madali ang isang mag -aaral pero sisikapin kong makatapos dahil sa mahirap ang
walang pinag-aralan. Bilang isang batang nangangarap at nagsusumikap makaahon hirap, naniniwala sa
kasabihan” walng imposible sa taong may pangarap”. Kinakaya ang lahat kahit nahihirapan na sa mga
hamon sa buhay, para sa ikakasaya sa ating pinaka-mamahal na magulang. Itong pag hihirap natin
ngayon, balang araw makamit rin natin yong mga pangarap na ating hinahangad. Bilang isang batang
nangangarap maging pulis gagawin ko ang lahat mahirap,makamit lang ang aking mga pangarap sa
buhay. Huwag tayong mawalan ng pag-asa at wag rin tayong mapagod sa buhay dahil ang pangarap
naghihintay lang sa atin.

Ipinasa kay: Niezljane N. Ariola

You might also like