You are on page 1of 3

Kalagayan ng Kababaihan sa Pakistan

Sa Pakistan, ang kwento ng pag-agaw sa karapatan ng babae ay nagsisimula hindi pa


man siya ipinanganak. Sa bansang ito, karamihan ng babaeng sanggol sa sinapupunan pa
lamang ay pinapatay na. Ang mga sinuswerteng mabuhay ay karamihang “hindi
pinapaburan” sa mga anak. Ang kanilang buhay ay pakikipagsapalaran ng patuloy na
pagsunod at pagpapasupil.

Habang bata, idinidikta sa kanya ng mga magulang, lolo at lola, nakatatandang lalaki
at babae, kamag-anak, at mga lalaking kapatid, maging kung paano mag-isip at mamimili.
Karamihan sa kababaihan sa Pakistan ay walang karapatang mamili mula sa pagkaing
kakainin hanggang sa lalaking pakakasalan.

Bago pa man ang pag-aasawa, mahigpit nang binabantayan ang kanilang mga
ikinikilos lalo na sa pagpasok sa paaralan kung saan pinagbabawalan maging ang pagngiti
nila sa mga kaklaseng lalaki. Pamilya rin ang nag-aareglo sa pagpapakasal ng kababaihan.

Pagkatapos ng kasal, ang kanyang asawa at mga kamag-anak ang magdedesisyon


para sa kanya; halimbawa ay kung magbubuntis ba kada taon, o kaya’y kung manganganak
siya ng puro lalaki lamang, o kung maari siyang magtrabaho at iba pa. Maging sa kanyang
pagtanda, paghina at pagkamatay ng kanyang asawa, ang mga anak niyang lalaki ang
magdedesisyon sa kahihinatnan ng mga nalalabing araw niya. Hindi pa ito sapat, dahil ang
buong lipunan ay humuhubog sa kanyang maging sunod-sunuran.

Samakatuwid, ang salitang “babae” ay nangangahulugang “pagtitiis”. Pinupuwersa


siyang tanggapin ang mga katotohan ng buhay habang lumalaki. Sa kalsada o maging sa
mga restawran, kailangan ang alertong pagsunod ng mga babae. Hindi niya kailangang
mag-isip at magsuri, dahil sinasabi na ang bawat hakbang na dapat niyang gawin. Ayon kay
Hina Jilani, abogado at tagapagsulong ng karapatang pantao, “Ang karapatang mabuhay ng
kababaihan sa Pakistan ay nakabatay sa kanilang pagsunod sa mga panlipunang paniniwala
at tradisyon.”

Dagdag pa rito, kinakaharap ng mga kababaihan ng Pakistan ang iba’t ibang


malulubhang karahasan sa kamay ng mga lalaking salarin, kamag-anak, at mga ahente ng
estado. Ang iba’t ibang porma ng karahasan ay panggagahasa, domestikong pang-aabuso
hanggang sa tuluyang pagpatay ng asawa, mutilisasyo, pagsunog at pagsira ng mukha sa
pamamagitan ng pagbuhos ng asido, pambubugbog, ritwal ng marangal na pagpatay (honor
killings) at iba pa.

Ayon sa ulat ng Amnesty International, libu-libong babae ang namamatay kada taon
dahil sa ideya ng marangal na pagpatay (honor killing) sa Pakistan, sa kalagayang walang
ginagawa ang pamahalaan hinggil dito. Ang praktis ng marangal na pagpatay ay
karaniwang ginagawa sa mga babaeng pinaghihinalaang may ibang relasyon labas sa tunay
na asawa. Ito ay tinatawag na “Karo Kari” sa Sindh at Balochistan, na ayon sa ulat ay
nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang mga Kari (babaeng pinaghihinalaang
nagtataksil sa asawa), ay tinatanggalan ng karangalan hanggang sa kanilang kamatayan.
Ang kanilang mga katawan ay itinatapon sa mga ilog o kaya’y libingan ng Kari na ginagawa
para sa kanila. Walang nagluluksa o nagbibigay-parangal sa kanilang alaala. Sa kabilang
banda, ang mga Karo (lalaking pinaghihinalaang nagtataksil sa asawa) ay inililibing sa
libingan ng komunidad. Nangako ang punong ehekutibo ng bansa noong Abril 2000 na
lahat ng marangal na pagpatay ay ituturing na krimen, ngunit mabuway ang pagpapatupad
hanggang sa kasalukuyan.

Marami ring kinakaharap na balakid ang mga babae na nagsusumbong na sila’y


nagahasa o biktima ng sekswal na pagsasamantala.

Ang ilang rekomendasyon upang unti-unting magbago ang kalagayan ng kababaihan


ay:
Una – Kailangan magkaroon ng pagbabago sa paraan ng pag-iisip ng lalaki
Ikalawa – Bigyang-kapangyarihan ang isang kasarian laban sa isa, kundi magkaroon ng
balance upang magkaisa sa layunin tungo sa mabuting lipunan.
Ikatlo – Kakayahang humulma sa pampublikong opinyon.

Kalagayan ng Kababaihan sa India

Mababa ang posisyon ng babae sa lipunan sa India. Hindi mahalaga ang anak na
babae dahil siya ang nagbibigay ng dote o dowry kapag ikinasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan niya ang kaban ng pamilya. Dahil dito, namayani sa lipunan nila ang female
infanticide o sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.

Mahalaga para sa babae ng Asya na magpakita ng kakayahang magkaroon ng anak.


Sa India, naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing asawa sa funeral pyre bilang
pagpakita ng pagmamahal niya rito. Ang tawag sa kaugaliang ito ay suttee o sati.
Takdang Pagganap
sa
Araling Panlipunan

Submitted by:
Michaela Jane B. Gacias and Terve Deogracias

Submitted to:
Ms. Madelyn L. Ansog

Grade & Section:


G7 – St. Roch

You might also like