You are on page 1of 10

Pasasalamat

kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na siyang tumulong


at nagudyok sa amin na magawa at matapos ang pananaliksik na ito:

 Sa aming guro sa Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik


na si Mrs. Ruth Patricio sa gabay at pagbibigay puna at payo na
nakatulong mabuo ang aming pananaliksik.
 Sa mga respondent galling sa College of Criminology ng Iligan Medical
Center College sa kanilang oras at na inilaan sa pagsagot sa survey-
kwestyoner na binigay naming.
 Sa aming magulang na walang sawang sumusuporta sa amin
mapapinansyal at emosyonal hanggang sa matapos namin itong
pananaliksik.
 At sa Puong Maykapal sa kanyang pagbibigay ng lakas, kakayahan at
mabuting kalusugan. Sa kanyang patuloy na gabay hanggang sa
natapos naming ang pananaliksik na ito.

Muli, galing sa kaibuturan n gaming mga puso, Maraming Salamat!


Kabanata 1

Ang Suliranin at Kalgiran nito

I. Introduksyon

Reading Comprehension, ang kakayahan ng mga mag-aaral na


lubusang maunawaan ang tekstong binabasa nito. Kakayahan ng mag-aaral
na makabuo ng ideya at impormasyon galing sa binasang teksto. Isa itong
Akademikong katangian na kinakailangang mapagtuunan ng pansin ng mga
mg-aaral, maging ng mga guro at magulang man sapagkat ito ay malaking
tulong upang mas madali ang pagkatuto ng isang mag-aaral.
Sa panahon ngayon kung saan umuunlad ang teknolohiya at
pagbabago ng sistema sa Edukasyon ay nakakaligtaan ng mga mag-aaral ang
pagbabasa. Cellphones, Tablets, Laptops at iba pa ang siyang napagtutuunan
ng pansin ng mga mag-aaral. Kung hindi man Gadgets ay paglalakwatsa o
paglalaro ng Online Games. Mapapansin mong dumarami na ang mga mag-
aaral na hindi nagbabasa ng aklat at hindi nakakaunawa sa binabasang aklat
sapagkat nakaligtaan na ang pagbabasa.
Sa pananaliksik na ito kung saan may pamagat na “Dahilan ng
Mababang Reading Comprehension ng mga Piling Estudyante ng College of
Criminology sa Iligan Medical Center College” ay masuring tatalakayin ang
mga posibleng dahilan ng Mababang Reading Comprehension ng mga mag-
aaral sa pamamagitan mga piling respondent. Sa pagtatapos ng pananalisik
na ito ay maaari nating malaman ang dahilan at kung paano ito maaagapan.

II. Layunin ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng pagaaral na ito’y layunin ng mga mananaliksik na:

 Pinagtutuonan ba ng pansin ng mga mag-aaral ang Pagbabasa


 Malaman ang mga dahilan ng mababang Reading
Comprehension ng mga piling mag-aaral sa College
Criminology sa Iligan Medical Center College
 Maaaring gawin upang maagapan ang mababang Reading
Comprehension ng mga mag-aaral.

III. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito’y tumatalakay sa Dahilan ng Mababang Reading


Comprehension ng mga Piling Estudyante ng College Criminology sa Iligan
Medical Center College.
Layunin nitong makatulong sa mga sumusunod:
 Sa mga guro, upang malaman nila ang mga dahilan ng
mababang Reading Comprehension at ng magabayan at
matulungan nila nag mga mag-aaral na humaharap sa
problemang ito.
 Sa mga magulang, upang malaman at maalarma sila ng
makatulong at makagabay din sila sa kanilang mga anak.
 Sa mga mag-aaral, upang maalarma at malaman nila ang
dahilan kung bakit ang ibang mag-aaral ay may mababang
Reading Comprehension.
 Sa mga darating na mananaliksik na may koneksyon ang
kanilang pagaaral sa Reading Comprehension, maaaring ito’y
makagabay at makapagbigay impormasyon sa kanlang
pagaaral.

IV. Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pananaliksik na ito’y ang Dahilan ng mababang Reading


Comprehension ng mga piling mag-aaral ng College of Criminology na
nagaaral sa Iligan Medical Center College sa iba’t ibang taon. Gumamit ang
mga mananaliksik ng talatanungan o survey-kwestyoner upang makalakap
ng Datos.

Sa dalawampong respondent ng College of Criminology sa Iligan


Medical Center College sa iba’t ibang antas sa pagaaral ang sumagot sa survey-
kwestyoner. Nakapokus ang pananaliksik na ito sa nakuhang datos mula sa
mga respondent.

Sapagkat kulang ng oras ang mga mananaliksik, maaaring maka-


apekto ito sa lawak ng pananaliksik

V. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan
sa mga terminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito.

 Reading Comprehension- kakayahan ng isang mag-aaral na


lubusang maunawaan ang tekstong binabasa
 Estudyante- mag-aaral galing sa Iligan Medical Center College
na kumukuha ng BS Criminology.
 Newspaper- dyaryo
 Komiks- isang babasahin na may kaunting mga salita na
kaugnay sa ginuhit na mga tao o hayop o bagay.
 Konsentrasyon- pagtutuon ng oras at interest sa isang
babasahin.
Kabanata 2
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin na may


kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973) ang pagbasa ay isang "saykolinggwistiks
na paghinuha (guessing game) kung saan ang nagbabasa ay bumubuong ng isang
mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal buhat sa teksto na
nagpapakahulugan o nagbibigay ng prediksyon."

Pinaunlad ni Coady (1979) ang kaisipang inihayag ni Goodman at sinabing ang


dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binubuong
konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagproproseso ng mga impormasyon na mababasa sa
teksto.

Binaggit din niya na ang kakayahang pangkaisipan ay panlahat na kakayahang


intelektwal ng isang mambabasa.

Ang mga istratehiya sa pagproproseso ng impormasyon ayon kay Badayos (1999)


ay iyong mga impormasyong nasa isipan ng mambabasa (kaalamang semantika,
kaalamang sintaktika, kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa: pagpapantig,
pagbaybay, atbp.)).

Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong nasa


isipan ng tagabasa na pantulong sa kahinaang sintaktik ng mambabasa. Ang pagbasa ang
pinakapagkain ng ating utak (mental food) sabi ni James Dee Valentine (2000).

Sa maraming pagkakataon ay napatunayan na natin na marami sa mga


matatagumpay na tao ang mahilig sa pagbabasa. Ang pagkahilig sa pagbabasa ay
nadedebelop kung nagbibigay ang tao ng humigit-kumulang na tatlumpung minuto araw-
araw para sa gawaing pagbasa.

Sa mga aklat at iba pang babasahin nakakukuha ng mga ideya at mga salitang
iniimbak sa utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito sa mga bagay na di natin batid. Ang
pagiging ignorante natin sa maraming bagy ay nabibigyang katugunan ng maraming aklat
at babasahin.

Sa aklat nina Austero, Banadril at De Castro na Filipino sa Iba't Ibang Disiplina


(1999) binanggit ang ilang rason kung bakit tayo nagbabasa.

Nagbababasa Tayo:
Upang
◦ makakuha ng impormasyon
◦ mapag-isipan nang malalim ukol sa pansariling
ideya at karanasan
◦ mapagkuro ang ideya at karanasan ng iba

◦ makatiyak sa pansariling paniniwala


Para sa
◦ kasiyahan ng sarili

◦ pampalipas-oras at maiwasan ang pagkainip


◦ lalong paghahasa ng kaisipan

◦ pagsusuri ng emosyon Sapagkat

Gusto nating
◦ lumikha ng mga ideya

◦ makapaghambing at magsuri ng iba't


ibang pananaw
◦ makapaghambing at magsuri ng iba't ibang
pananaw
Sapagkat tayo ay
◦ isang partikular na sabjek/paksa interesado sa
◦ isang partikular na istilo at ideya ng awtor

Sa aklat naman ni Austero na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, inilahad


ang mga benepisyo ng pagbabasa at ito ay ang mga sumusunod:

✔ Kaalaman/Karunungan
✔ Pagpapaunlad ng kmprehensyon
✔ Pagpapagaling ng memorya o pag-alala
✔ Pagpaparami ng bokabularyo/talasalitaan
✔ Paghuhusay ng pakikipag-usap
✔ Pagbibigay ng kompiyansa sa sarili (self-confidence)
✔ Pagtataas ng pagtingin s sarili (self-esteem)
✔Kaunlaran at tagumpay sa buhay

Samantala, sa aklat nina Cardenas, Austero, Mangonon et. Al (2002) na Sining ng


Komunikasyong Panlipunan ay binanggit ang ilang teorya sa pagbasa.

Teoryang B o t t o m - U p
Sinasabi sa teoryang ito na ang pagbabasa ay angpagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o
response). Ayon pa sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-
yugtong pagkilala ng mga titik, salita, parirala, at pangungusap ng buong teksto bago ang
pagpapakahulugan sa teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag na "pagkilala sa salita" at ang
teksto ang tinatayang pinakamahalagang elemento sa pagbasa.

Teoryang I s k e m a

Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa


sarili. Ito (teksto) ay nagbibigay lamang ng direkson sa nakikinig o mambabasa kung
paano gagamitin at magpapakahulugan mula sa dating kaalaman. Ang "bakgrawnd
knowledge" ang saligang kaalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ang
iskemata. Sinasabi sa teoryang ito na ang lahat ng ating natutuhan at naranasan ay
nakalagak sa isipan at maayos na naihanay ayon sa kategorya. Ang mga iskemang ito a
patuloy na nadaragdagan, nalilinang, nadedebelop, nagbabago at ginagamit natin sa pag-
uugnay ng anumang bagong karanasan. Ang mga iskema ay "kaha ng impormasyon" na
nabuo dahil sa ating mga karanasan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang mga iskema
ay maaaring buuin ng iba't ibang balangkas ng kaalaman. Ang teksto ang pinakpokus
para maunawaan ang binasa. Sa teksto (bottom) patungo sa tagabasa (up) nagsisimula
ang pag-unawa. Tinawag itong "outside-in" o "data driven" ni Smith (1983) sapagkat ang
impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kung di sa
teksto.

Teoryang T o p - D o w n

Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa


(top) tungo sa teksto (down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang
Gestalt na nagsasabing ang pagbasa ay isang "holistic process." Sinasabi sa teoryang ito
na ang tagabasa ay isang aktibong paartisipant sa proseso ng pagbasa na may dati ng
kaalaman na nakatanim/nakaimbak sa kanyang isipan at siya'y may sariling kakayahan na
kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan siya sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
Ang prosesong ito ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down)
sapagkat ang dati niyang kaalaman ang nagpapasimula ng kanyang pagkilala sa teksto at
kung wala ito, ang anumang babasahin niya ay hindi mabibigyang-kahulugan. "Inside-out
o conceptually driven" din kung tawagin ang teorang ito sa dahilang ang pag-unawa ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto kung saan ang mga dating alam ng
mambabasa ay iniuugnay sa mga binanggit na ideya sa teksto ng awtor.

Teoryang I n t e r a k t i b

Binigyang-diin o empasis ng teoryang ito ang pag-unawa bilang proseso at


hindi bilang isang produkto. Paano mararating ng mag-aaral ang gayong sagot (tama
man o mali). Sinusuri natin ang mga proseso sa kasagutan ng mag-aaral. Sa interaktibong
prosesong ito, matutulungan ng guro ang mambabasa upang lubos niyang maunawaan
ang teksto
Sa Teoryang ito ay mahalaga ang larangan ng
metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman, gayon
din sa angking kasanayan at ang paghahatid sa mga kasanayang ito.

May dalawang paraan naman ng pagbasa ayon sa aklat na Komunikasyon sa


Akademikong Filipino ni Austero. Ito ay ang malakas at tahimik na pagbasa.

Malakas - kung ang mga inihanda o hinalaw na diskurso ay binabasa sa harapan


ng mga tagapakinig. Sa pagbasa ng malakas ay dapat na isaalang-alang ng nagbabasa ang
mga sumusunod:
ang tindig, tamang pagbigkas ng mga salita, kontak sa mga tagapakinig, at
tamang paghawak ng aklat o anumang babasahin

Tahimik - ito ang anyo ng pagbasa na ang tuon ay sa sarili lamang. Mata lamang
ang ginagamit. Sa ganitong paraan ng pagbasa ay dapat ding isaalang-alang ang mga
sumusunod:
tamang posisyon ng katawan at ang pook kung saan isinagawa ang pagbasa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Leo Fay, isang edukador mula sa Reading Center
ng Indiana University ay mayroong anim na bahagdan ang kasanayan sa pagbasa, ngunit
ang huling dalawa ay maaaring pangalawang bahagdan. 1.

Pagkilala o (Perception)
Ito’y nangangailangan ng pagkilala sa salita kasama ang
kahulugan nito. Mahalagang nabibigkas, nababasa at nauunawaan ang mga salita para
masabing may persepsyon.

Pag-unawa o (Comprehension)
Ito ay higit pa sa pag-unawa ng salita, pangungusap o talata, nangangahulugan ito
ng pagkilala sa pagkakaugnay ng salita sa kapwa salita sa isang pangungusap, mga
pangungusap sa talata at ng talata sa isang pahayag, kasama rito ang pagkuha ng
larawang diwa hindi lamang literal kundi ang implied o realidad. 3.

Reaksyon (Reaction)
Maisasagawa ito sa dalawang paraan. Una ay sa intelektwal, kung saan ang
bumabasa ay nagpapasiya sa kawastuhan at lohika ng binabasa. Ang ikalawa ay
emosyonal, kung saan ang mababasa ay humahanga sa istilo at nilalaman ng nabasa. 4.

Asimilasyon (Assimilation)
Sa hakbanging ito, ang nakuhang kaalaman ay iniuugnay o isinasama sa
katipunan ng mga kaisipang inimbak para sa kanyang kapakinabangan o paggamit. 5.

Panahon/Reyt sa pagbasa (Rate in Reading)


Ito ay may kinalaman sa panahon o oras sa pagbasa: kabagalan o kabilisan batay
sa dahilan at layunin, material na babasahin, kahirapan o kadalian ng babasahin,
lengguwahe at kasanayan, kalagayan at lawak ng kaalaman ng babasa. Mabilis o iskiming
ng pahayagan, katamtamang bilis sa mga diksyon at kabagalan sa mga
Mathematical problem

Kasanayan at Kaugalian sa Pagbasa (Reading habit and skills)

Ang mambabasa na may mabuting sistema ng pag-aaral at consistent, mahihinuha


natin na ang limang hakbangin ay mahabang panahong nag-ugat sa tahanan, sa kanyang
mga naririnig sa kasambahay na kanyang ginagamit sa pagsasalita. Sa kabuuan, ang
daloy ng bahagdan ay nakasalalay sa kasanayan, kaugalian at panahon ng bumabasa.

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni William S. Gray binanggit ang mga


hakbang sa pagbasa at ito ay ang mga sumusunod: 1.

Persepsyon o Pagkilala
Ito ay ang pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahang mabigkas ang
salita bilang isang makahulugang yunit. 2.

Pag-unawa
Ito ay ang pag-unawa sa mga ideya at kaisipang ipinahahayag ng mga simbolo o
salitang nakalimbag. 3.

Reaksyon
Ito ay ang pagpapasya sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga
isinulat ng awtor. 4.

Integrasyon
Ito ay ang paguugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga nakaraan at bagong
karanasan.

Kabanat 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

I. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maikling paglalarawan ito
ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralankaya tinawag rin itong
statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na itoaynababatay sa katotohanan,
tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalasginagamit ang pamaraang ito.
Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simplengpagbubuod sa kung ano ang nakalap na
impormasyon. Kasama ng simpleng graf nabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at
konklusyon.

II. Respondent
Ang mga napiling respondent ay galling sa College of Criminology na
nagaaral sa Iligan Medicla Center College sa iba’t ibang antas ng pag-aaral. Sila ang
napiling mga respondent sapgkat batay sa mga ibang mag-aaral ng Iligan Medical
Center College ang mga mag-aaral sa College of Criminology ay may mababang
Reading Comprehension

III. Instrumento ng Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang


mgamananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga
datoskaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit
ngallowans ng mga respondente.

IV. Tritment ng mga Datos

Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ngmaikling


panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at pagkuha ng porsyentonakuha ang mga
datos sa pag-aaral na ito

Kabanata 4
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Natuklasan sa mga datos ang sumusnod


Lalaki Babae

30%

70%

You might also like