You are on page 1of 32

PAGBABALIK-TANAW SA NATUTUNAN:

Panuto: Ang pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o gawa. Bilugan ang


pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Maagang nagising si gloria dahil sa malakas na tilaok ng tandang.


2. Binuksan niya ang pinto at mga bintana ng kanilang sala.
3. Si ate maria ay naghahanda ng masarap na almusal sa kusina.
4. Narinig ni boyet ang ingay ng mga sasakyan sa labas.
5. Ang mga alagang aso ay masayang naghahabulan sa bakuran.
6. Ang mahiyain na kuting ay nagtatago sa likod ng aparador.
7. Si itay ay umiinom ng mainit na kape sa beranda.
8. Sabay-sabay kumain ng almusal ang buong mag-anak.
9. Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si gloria.
10. Tinulungan ni gloria ang kanyang bunsong kapatid.
PANG-U G N A Y N A
- U KO L A T P A N G A T NI G
P A NG ARALIN 2
LAYUNIN:
a.Nakapipili ng angkop na pang-ugnay na bubuo sa diwa ng
talata.
b.Nagagamit ang angkop na mga piling pang-abay sa
pagsasalaysay.
c. Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng
mga berbal at di berbal na estratehiya.
•Basahin at unawain ang pagsasalaysay ng isang
teenager na tulad niyo ukol sa naging
pamamasyal nila ng kanyang lola sa Israel.
Para sa katuparan ng isang napakatagal na
pangarap ng aking lola, naglakbay kami sa banal na
lupain ng Gitnang Silangan na kinabibilangan ng
bansang Israel. Ako ang napiling maging kasama sa
paglalakbay dahil una, ako ang gusto niyang
kasama at pangalawa, ako lang ang puwede.
Katatapos ko lang ng hayskul noon at kasalukuyang
nakabakasyon habang naghihintay sa muling
pagbubukas ng unibersidad.
Naging mabilis ang paghahanda ng aming papeles
para sa pagkuha ng visa at di ko namalayang sakay na
kami ng eroplano papuntang Cairo sa Ehipto, ang unang
bansang kasama sa tatlong bansang aming bibisitahin.
Isang buong araw ang naging pamamasyal naming sa
lungsod ng Cairo. Kinabukasan ay tumuloy naman kami sa
St. Catherine, isa pang lungsod ng Ehipto. Nang gabing
iyon ay ramdam ko ang pananabik ni Lola. Bukas kasi ay
pupunta na kami sa Israel. Sa wakas, malalakaran na niya
ang mga lugar at kalsadang “dinaanan” ni Hesus.
Mula sa Ehipto ay tumungo na ang aming tour group
sa Israel. Isa sa lugar na aming binisita ay ang Dead Sea,
itinuturing itong pinakamababang bahagi ng kalupaan at
pinakamaalat na anyong tubig sa buong mundo. Tinawag
itong Dead Sea dahil walang anumang nabubuhay ang
matatagpuan dito dahil sa labis na alat ng tubig. Subalit
ang alat ding ito ang binabalik-balikan ng mga tao dahil sa
nakapagpapagaling daw ito ng karamdaman. Siyempre,
hindi naming pinalampas ni lola ang pagliligo sa tubig na
lahat ay lumulutang at walang lumulubog dahil sa tindi ng
asing taglay ng tubig.
Upang malubos ang araw na ito at tinungo namin ang
Jericho, ang itinuturing na pinakamatandang lungsod sa
buong mundo. Maraming pangyayari sa bibliya kaugnay ng
lugar na ito ang ipinaliwanag ng aming guide. Sa bandang
hapon ay nagpunta kami sa Betlehem kung saan namin
nadalaw ang Shepherds’ Field Chapel o ang lugar kung
saan ibinalita ng anghel sa mga pastol ang tungkol sa
pagsilang ni Hesus. Pinaawit kami ng “O Holy Night” ng
aming guide kahit malayo pa ang Pasko at nakita ko ang
tahimik na pagpatak ng luha ng aking Lola.
Para kay Lola, ang highlight ng aming pamamasyal ay
nangyari sa ikaapat hanggang ikaanim na araw kung saan namin
"sinundan” ang mga yapak ni Hesus sa buong Jerusalem gayundin
sa Betlehem at sa Nazareth. Dati-rati'y sa Bibliya ko lamang naririnig
ang mga lugar na aming pinuntahan subalit heto, dinala kami ng
guide sa mga lugar tulad ng Last Supper Room, Dormition Abbey,
Ascension Chapel, Pater Noster Church, Palm Sunday Road, Garden
of Gethsemane, at Basilica of Agony. Dinalaw rin namin ang St.
Anne's Church at dito itinuro ang lugar kung saan ipinagkanulo ni
Hudas si Hesus. Sunod naming pinuntahan ang Bethsaida Pool,
Wailing Wall, Via Dolorosa, Holy Sepulchre Church, at marami pang
iba.
Maliban sa mga nabanggit ay napuntahan din namin ang
Church of Nativity, Basilica Grotto, Manger Square, at Milk Grotto
gayundin ang lugar kung saan nangyari ang Kasalan sa Cana. Hindi
namin pinalampas ang pagkakataong mapuntahan ang Mount of
Beatitudes, ang lugar kung saan nangyari ang Sermon on the
Mount. Kasama rin sa mga dinalaw namin ang Tabgha, ang lugar
kung saan pinakain ni Hesus ang mahigit limanlibong tao mula sa
dalawang isda at limang tinapay; ang Capernaum, ang sentro ng
pangangaral ni Hesus; at ang Dagat ng Galilee. Sunod naming
tinungo ang Bundok Tabor kung saan nangyari ang pagbabagong
anyo ni Hesus. Nagtungo rin kami sa Ilog Jordan kung saan
bininyagan si Hesus.
Bagama't nakapapagod ang lahat ng paglalakad at
pamamasyal ay hindi ko narinig na nagreklamo kahit minsan si
Lola. Ang lahat ng sinasabi ay kanyang pinakikinggang mabuti
at sa gabi, binubuklat niya ang kanyang Bibliya at binabalikan
ang lahat ng mga pangyayari sa mga lugar na aming
pinasyalan. lto'y isang paglalakbay na higit na nagpatatag sa
aking pananampalataya dahil ang mga lugar at pangyayaring
dating nababasa ko lang, heto at aking nadaraanan at
natutunghayan. Nangako akong magiging higit na mabuting tao
pagkatapos nito at sana'y patnubayan ako ng Panginoon sa
pagtupad ng pangakong ito.
• Para sa
• Dahil
• Naging
• Mula sa
• Upang
• Para kay
• Maliban
• Bagama’t

Pansinin ang mga salitang nakasulat nang madiin sa pagsasalaysay. Masasabi


mo ba ang tawag sa mga salitang ito?
“PANG-UGNAY”
•Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o
kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap.
•Ang tatlong pang-ugnay sa wikang filipino ay ang pang-
angkop, pang- ukol, at pangatnig. Sa pagsasalaysay ay
madalas nagagamit ang mga pang-ugnay na pang-ukol at
pangatnig kaya halika't higit pa nating kilalanin ang mga ito.
1. PANG-UKOL
• kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa
iba pang salita sa pangungusap.
Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang mga kataga, salita, o
pariralang ginagamit bilang pang-ukol.
Alinsunod sa/alinsunod kay Laban sa/laban kay
Ayon sa/ayon kay Para sa/para kay
Hinggil sa/hinggil kay Tungkol sa/tungkol kay
Kay/kina Ukol sa/ukol kay
Halimbawa:
• Naging mabilis ang paghahanda ng aming papeles para sa pagkuha ng
visa

• Para kay lola, ang highlight ng aming pamamasyal ay nangyari sa


ikaapat hanggang ikaanim na araw kung saan namin "sinundan” ang mga
yapak ni hesus sa buong jerusalem gayundin sa betlehem at sa nazareth.

• Mula sa ehipto ay tumungo na ang aming tour group sa israel.


2. PANGATNIG
• Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala,
sugnay, o payak na pangungusap.
Mababasa sa talahanayan sa ibaba ang iba't ibang halimbawa ng
pangatnig. At Kapag Ngunit Ni
Anupa Kaya O Subalit
Bagaman Kundi Pagkat Sapagkat
Bagkus Kung Palibhasa Sanhi
Bago Habang Pati Upang
Dahil sa Maliban Sakali Sa madaling salita
datapwat Nang samantala Samakatuwid
Halimbawa:

• Ako ang napiling maging kasama sa paglalakbay dahil una, ako ang gusto niyang kasama at
pangalawa, ako lang ang puwede.

• Katatapos ko lang ng hayskul noon at kasalukuyang nakabakasyon habang naghihintay sa


muling pagbubukas ng unibersidad.

• Sa bandang hapon ay nagpunta kami sa betlehem kung saan namin nadalaw ang shepherds’
field chapel o ang lugar kung saan ibinalita ng anghel sa mga pastol ang tungkol sa pagsilang
ni hesus.

• Dati-rati'y sa bibliya ko lamang naririnig ang mga lugar na aming pinuntahan subalit heto,
dinala kami ng guide sa mga lugar tulad ng last supper room.
PAGSASANAY
Panuto: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa linya kung
ito’y isang pang-ukol o isang pangatnig.
___________ 1. Ayon sa mga balita, patuloy na nakararanas ng kaguluhan ang bansang
Israel.
___________ 2. Ang labanan sa pagitan ng Israel at Palestine ay nagpapatuloy sa loob ng
napakahabang panahon.
___________ 3. Pati ang mga mamamayan ng dalawang bansa ay damay rin sa
kaguluhan.
______________4. Marami ang sumubok pag-ayusin ang dalawang bansa
subalit lahat ay nabigo.
______________ 5. Palibhasa'y may kanya-kanyang ipinaglalabang pananaw
ang bawat bansa.
______________ 6. Tungkol sa pag-aagawan ng teritoryo ang pangunahing
dahilan ng kaguluhan.
______________ 7. Noong Hulyo 2014 ay muling sumiklab ang kaguluhan
nang mapatay ang tatlong binatilyo mula Israel.
______________ 8. Nagbigay ng utos ang Pilipinas na lisanin ng mga Pilipino
ang Gaza sapagkat mapanganib ang kaguluhang patuloy
na nangyayari rito.
______________ 9. Para sa kaligtasan ng mga manggagawa ang utos kaya
marami ang tumalima.
______________ 10. Kung naririto pa si Hesus, ano kaya ang mararamdaman
niya sa ganitong pangyayari sa kanyang bansa?
PAGSUSULIT
Panuto: Punan ang mga linya sa kabilang pahina ng angkop na pang-ugnay
upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot mula sa kahon. lsang beses
lang dapat gamitin ang bawat pang-ugnay.
At Kaya Para sa Kapag
Dahil sa Laban sa Subalit ngunit
maliban Upang
At Kaya Para sa Kapag
Dahil sa Laban sa Subalit ngunit
maliban Upang

Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel (1) __________________ isang Pinay caregiver na may
natatanging talent sa pag-awit. Siya ay si Rose “Osang” Fostanes, ang nagwagi sa “X Factor
Israel” noong Enero, 2014. Halos dalawampung taon na siyang nagtatrabaho sa Israel (2)
___________ ngayon lang nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanyang buhay. Hindi
naging hadlang ang kalagayan at edad niya (3) _________ ipakita ang taglay niyang talento. Sa
una'y kabado siya,
(4) ____________ sumubok pa rin siyang mag audition. Nakatutuwang isiping lumutang ang talent
niya (5) __________ mga mas batang kalahok. Hindi siya sumuko (6) ________ sa huli ay nakamit
niya ang tagumpay. Hinangaan sa buong mundo ang kanyang talento (7) ________ determinasyon.
(8) __________ nakausap ko si Osang ay ipararating ko sa kanya ang

aking paghanga. Napatunayan niyang (9) ________ sa pagiging mabuting caregiver ay may kaya
pang gawin ang mga Pilipinong tulad niya. (10) ______ lahat ng Pilipino ang tagumpay na ito ni
Osang!
BE R BA L , DI B ER B A L, A T
MG A
PASULAT NA
PAKIKIPA G T A S T A S A N
ARALIN 2
“MGA BERBAL, DI BERBAL, AT PASULAT
NA PAKIKIPAGTASTASAN”
Ang pakikipagtalastasan ay isinasagawa natin sa araw-
araw. Sa pamamagita nito'y nakapagpapaabot tayo sa iba ng
mga impormasyon, kaisipan, pananaw,opinyon,reaksiyon,
damdamin, at iba pa. Ang pakikipagtalastasan ay maaaring
berbal o pasalita, di berbal, at pasulat.
1. BERBAL O PASALITA
•Ang berbal o pasalitang pakikipagtalastasan ay
karaniwang isinasagawa nang harapan (face to face),
sa telepono, sa pamamagitan ng makabagong
application ng teknolohiya tulad ng facetime, skype, at
iba pa gayundin ang pagsasalita sa media tulad ng sa
radyo o telebisyon.
2. DI BERBAL
• Ang di berbal na komunikasyon ay mga bagay na isinasagawa
nating nagpapaabot ng mensahe kahit hindi natin binibigkas
tulad ng pag-kumpas ng kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa
kausap, at iba pa.
• Naipakikita rin ang di berbal na mensahe sa pamamagitan ng
ating pananamit at pag-aayos ng sarili.
3. PASULAT
• Ang pasulat na komunikasyon ay kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS o
short messaging system na lalong kilala bilang text message, gayundin
ang mga mensaheng ipinadadala natin sa pamamagitan ng mga social
networking site tulad ng facebook, twitter, instagram, at iba pa.
• Ang pasulat na komunikasyon ay makikita rin sa mga aklat, magasin,
diyaryo, blog, at iba pa.
“Pakikipagtalastasang Berbal at Hindi Berbal”
• Ang pakikipagtalastasan ay maituturing na epektibo kung nakukuha o nauunawaan
ng taong kausap ang mensaheng nais maiparating ng nagsasalita.
• Ang berbal o pasalitang pakikipagtalastasan ay sinasabayan ng di berbal na mga
signal.
• Kailangang maging maingat sa mga di berbal na signal dahil sa maraming
pagkakataon ay higit na "nababasa" ng tao ang tunay na damdamin o mensahe ng
kanyang kausap sa pamamagitan ng kanyang mga ikinikilos tulad ng pagtataas ng
kilay, pag-iwas sa pagtingin sa kausap, pagsimangot, pagkunot ng noo, pagiging
alumpihit na ipinakikita ng pagiging malikot sa pag-upo, pagkagat sa labi o pagpiga
sa kamay.
• Mahalaga kung gayon na ang komunikasyong berbal ay sabayan ng angkop na hindi
berbal na signal tulad ng pagngiti, mahigpit na pakikipagkamay, pagtitig sa kausap,
at iba pa.
“Pakikipagtalastasang Berbal At Hindi Berbal”

• Mahalaga rin ang mahusay na pakikinig sa kausap. Maraming tao ang


naghahanda at interesado lamang sa kanilang sasabihin subalit
nakaliligtaan nilang makinig.

• Maraming hindi pagkakaunawaan ang nag-uugat sa kakulangan ng


pakikinig o selective listening kung saan pinakikinggan lamang ang nais
pakinggan at saka binibigyan ng sariling interpretasyon.
“Pakikipagtalastasang Pasulat”

• Ang pakikipagtalastasang pasulat ay napakahalaga rin dahil sa pamamagitan nito'y higit


na naipaaabot sa nakararami ang mensaheng nais iparating ng manunulat. Ang
anumang bagay na nakasulat ay nananatili hindi lamang sa kasalukuyang panahon kundi
maging sa hinaharap kaya't napakalaki ng posibilidad na mabasa at magkaroon ng
epekto maging sa darating pang panahon.

• Napakahalaga kung gayon na malinang ang kakayahang ito sa lahat ng tao dahil sa
maraming pagkakataon sa buhay, nagagamit ang pakikipagtalastasang pasulat.

• Hindi lumilipas ang maghapon nang hindi nagpapadala ng SMS o text message ang isang
tao.
“Pakikipagtalastasang Pasulat”
• Pangkaraniwan din ang pagpo-post ng status, pagsusulat ng comment, o pagpapadala
ng private message sa Facebook at iba pang social media. Ang pagsulat o pagsagot sa
e-mail ay pangkaraniwan din.

• Ang lahat ng mga ito'y nasa paraang pasulat tulad din ng mga isinusulat mong talata,
sanaysay, liham, blog, at iba pa.

• Sa panahong ito kung saan sa isang click lang ay maipararating na ang mensaheng
nakasulat ay lalong dapat pagsikapang mapaghusay ang kakayahang ito. Bigyang-diin
ang paggamit ng tamang salita, baybay, bantas, at gramatika dahil hindi lang ang
mensahe ang nakukuha ng bumabasa kundi nasasalamin rin dito ang uri ng personalidad
o pagkatao mayroon ang manunulat.
Pagsagot sa tanong:
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano-anong paraan ng pakikipagtalastasan ang binigyang-diin ng teksto?
2. Ano-ano ang pagkakaiba-iba ng berbal, di berbal, at pasulat na
pakikipagtalastasan?
3. Paano magagawang epektibo ang berbal na pakikipagtalastasan?
4. Paano makaaapekto ang di berbal sa ating berbal na pakikipagtalastasan?
S. Paano naman higit na mapagbubuti ang pasulat na pakikipagtalastasan?
6. Bakit mahalagang maging epektibo ang pakikipagtalastasan sa alinmang
paraan?
Takdang aralin:
Magsulat ng salaysay na hindi baba sa (200 salita) tungkol sa isang
kahanga-hangang Pinoy na si Hidilyn Diaz na nag-uwi ng Gintong medalya bilang
karangalan ng ating bansa. Ang iyong pagsasalaysay ay dapat magkaroon ng
(pamagat, mahusay na simula, maayos na pagdaloy ng mga pangyayari, at
epektibong pagwawakas) na mag-iiwan ng marka o kakintalan. Gumamit ng hindi
bababa sa sampung pang-ugnay sa iyong pagsasalaysay.
Matapos isulat ay kuhanan ng video ang sarili upang maipakita ang iyong
kakayahan sa pagsasalita gamit ang berbal at di Berbal na estratehiya sa
pamamagitan ng paglalahad ng iyong isinulat na sanaysay nang may angkop na
damdamin, di berbal na signal, lakas at taginting ng tinig.

(Kung natapos mo na itong gawin ay ipasa na kaagad sa messenger ni


Bb. Katherine Joy U. Palabrica ang video; huwag ipasa sa groupchat)

You might also like