You are on page 1of 10

Siena College, Inc.

Quezon City
Integrated Basic Education Department
Taong Panuruan 2020-2021

Ikalawang Markahan
Mga Akdang Pampanitikan ng Bansang Kanluranin

Panibagong paglalakbay ang ating gagawin para sa ikalawang markahan. Atin namang
kikilalanin ang mga bansa sa Kanluran. Kilala ang mga bansang kanluranin sa iba’t ibang kulturang
mayroon sila. Mula relihiyon, paniniwala, pananamit, komersyo hanggang sa pagkain ay hindi
maikakailang mayaman ang mga bansang ito. Sa mga bansang ito rin nagsimula ang mga paglalakbay
sa dagat upang mangalap ng mga lugar na sasakupin at mas mapalakas pa ang kapangyarihan.

Dahil sa pagiging mausisa ng mga bansang kanluranin kung kaya’t pinasimulan nila ang iba’t
ibang ekspedisyon na nakatuklas sa maraming bagay. Ang Moluccas Island ay pinag-agawan ng mga
bansang ito dahil sa dami ng pampalasa na mayroon ang nasabing isla.

Sa modyul na ito, nakatuon ang mga paksang aralin sa mga akdang pampanitikan ng mga
bansang kanluranin. Matututuhan at mauunawaan mo kung ano nga ba ang iba’t ibang uri ng panitikan
ng bansang kanluranin at kung ano ang pinagkatulad at pinagkaiba ng mga akdang ito sa mga akda ng
ating sariling bansa.

Ang Hawaii ay kilala bilang isa sa mga estado ng Amerika. Ngunit mas kilala ito dahil sa angking
ganda ng nasabing lugar. Malayong-malayo sa mga nagtatayugang gusali ng New York at maingay na
kalsada ng California, ang Hawaii ay mas kilala sa pagiging tahimik, payapa at kilala sa angking ganda
ng natural na tanawin. Para sa karagdagang mga trivia ukol sa Hawaii, buksan mo ang iyong aklat sa
pahina 165.

Sa modyul na ito ay matatalakay ang iba’t ibang piling panitikan na nanggaling sa estado ng Hawaii.
Matapos mabasa at matalakay ang paksa, may mga nakahandang gawain na lilinang sa paraan ng pag-
unawa mo sa kuwento. Tatalakayin din sa modyul na ito ang pokus ng pandiwa at papaano ito magagamit
sa pang-araw-araw na pamumuhay.

1
Aralin 1 – Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan/Pokus ng Pandiwa (Tagaganap at Layon)
Ang Magkakapatid ay dapat magtulungan at magkaisa dahil ang hindi mabuting relasyon
nilaý makasisira sa pamilya.

Aralin 2 – Macbeth/Pokus ng Pandiwa(Pinaglalaanan at Kagamitan)


Ang labis na paghahangad sa kapangyarihan, nakapagtutulak sa taong gumawa ng kasamaan.

Aralin 3 – Ang aking Aba at Hamak na Tahanan (Matatalinhagang Pananalita)


Ang digmaaý walang maidudulot na kabutihan. Dala nito ay pawang kasamaang dudurog sa
kinabukasan.

Aralin 4 – Ang Kuwento ng Isang Oras /Pokus ng Pandiwa (Sanhi at Direksyunal)


Sa pagitan ng babae at lalaki ay kailangang pairalin ang paggalang. Hindi maaaring
dominahin o ituring na pag-aari ang isang nilalang.

Aralin 5 – Si Anne ng Green Gables/Pagsusuring Pampanitikan


Ang pagiging kapamilya ay hindi lamang nakikita sa pagiging magkadugo kundi sa pagiging
mabait, magalang at mapagmahal na kapuso.

Aralin 6 – Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall/Pagpapalawak ng Pangungusap


Ang kalayaang ng tao ay isang biyaya, pakaingatan at huwag hayaang ito ay mawala.

Mula sa Most Essential Learning Competencies ng


Department of Education (DepEd):

 Mitolohiya: Nailalahad ng mga pangunahing


paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng
mga tauhan

 Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang


kanluranin sa mitolohiyang Pilipino

2
INAASAHAN KO NA…
Gamit ang chart sa ibaba, isulat ang iyong inaasahan sa paksa nating ngayon linggo. Ano-ano
ang mga nakikita mong maaari nating makita o matutuhan para sa aralin na ito?

Modyul 1

Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan


Pokus ng Pandiwa (Tagaganap at Layon)

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mong:


 Mailahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggan/nabasa (F10PNIIa-b-71)
 Maihambing nang pasulat ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
(F10PU-IIa-b-72)
 Magamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing
(F10WG-IIa-b-66)

3
 Batayang Aklat: Pinagyamang Pluma – Phoenix Publishing
 CLE – Aralinks
 Orange Apps
 Kwaderno (kung kinakailangan)

A. Pagtalakay / Paglalahad ng Paksa

HULARAWAN

Nakikita mo ba ang apat na larawan na nasa ibaba. Ano ang unang pumasok sa isip mo nang makita
ito? Ano sa tingin mo ang kinalaman ng mga larawang ito sa ating paksa ngayong linggo?

 Upang maunawaan mong mabuti ang paksang tatalakayin natin ngayong araw, basahin at
4
unawaing mabuti ang teksong “Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan” sa pahina 168,
Pinagyamang Pluma

Para naman sa mga visual at auditory learners, panoorin ang dokyumentaryong ito
ukol sa diyosang si Pele.
 https://www.youtube.com/watch?v=buyoo5oxqzM

B. Mga Gawain / Mga Pagsasanay

 Hindi maikakailang magkakamukha ang mga mitolohiya sa buong mundo. Base sa mitolohiyang
nabasa, magsaliksik ng isang diyos sa mitolohiyang Pilipino na sa tingin mo ay may
pagkakahawig kay Pele. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

PELE ANG DIYOSA NG APOY


Ilagay sa patlang ang pangalan ng diyos/diyosang
nahanap mo.
Katangian: Katangian:

 Upang lubos mong maunawaan ang akdang “Si Pele ang Diyosa ng Apoy at Bulkan” buksan
ang iyong Pinagyamang Pluma sa mga sumusunod na pahina at gawin at sagutan ang mga
ito.
 Pahina 174 Letrang B at C
 Pahina 180 GAWIN NATIN LETRANG B
(ilagay ang iyong pananaliksik sa Word na may sukat na 12 at istilong Times
New Roman)
POKUS NG PANDIWA

Kung babalikan natin ang unang kwarter, tinalakay natin ang uri ng pandiwa at ang aspekto
nito. Sa aralin natin ngayon, alamin naman natin ang pokus ng pandiwa.

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.


Naipakikita ito sa pamamagitan ng taglay ng panlapi ng pandiwa.

5
Ang pandiwa ay may iba’t ibang pokus ayon sa kung ano ang kaganapan ng pandiwa sa
posisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap.
Tagaganap o Aktor Layon

 Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon
kapag ang paksa ng pangungusap ang ay ang paksa o ang binibigayang-diin sa
tagaganap ng kilos na isinasaaad sa paksa. pangungusap. Sumasagot sa tanong na ano
Sumasagot sa tanong na sino.

Mga panlapi na ikinakabit sa pandiwa. Mga panlapi na ikinakabit sa pandiwa.

MAG-, UM-, MANG-, MA-, MA-, MAKA, -IN, -I-, -IPA-, MA-, -AN
MAKAPAG- MAKI-, MAGPA-
Halimbawa:
Halimbawa:
Ang mitolohiya ay pinag-usapan ng mga mag-aaral.
Si Namaka ay nagalit nang labis kay Pele
Sa halimbawa sa itaas, ang pinag-uusapan ay kung
Sa halimbawa na nasa taas, ang pinag-uusapan dito ano ang layon. Walang iba kundi pinag-usapan. Ang
ay kung sino ang nagalit. Walang iba kundi si Pele. alin? Ang mitolohiya.

 Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong
pokus ng pandiwa ang mga sumusunod. Ilagay ang sagot sa patlang.

______________________ 1. Sumayaw si Arlene para sa eleksyon 2022.

______________________ 2. Ipakain na niyo ang handa.

______________________ 3. Pinuntahan ng Mayor ang mga lugar na sinalanta ng bagyo upang


tulungan ang mga taong naninirahan doon.

______________________ 4. Maglalaba si Aling Mari

______________________ 5. Tumakbo si Vico.

______________________ 6. Inilabas ang mga pasyente sa ospital.

______________________ 7. Nagsiuwian ang mga bata.

______________________ 8. Naiwan niya ang panyo sa silid.

______________________ 9. Tumulong ang Mayor.

______________________ 10. Inihain ang pagkain kanina.

6
C. Pagpapahalagang Pangkatauhan

 Ipaliwanag Mo!

Ang magkakapatid ay dapat magtulungan at magkaisa dahil ang hindi


mabuting relasyon nilaý makakasira sa pamilya

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

D. Pormatibong Pagtataya

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat tanong na nasa ibaba.

1. Ang Hawaii ay isang estado ng anong bansa?


2. Nagmula ang kwento sa lupain ng?
3. Kung si Pele ang Diyosa ng apoy, sino naman ang Diyosa ng tubig?
4. Sino ang bunsong kapatid ni Namaka at Pele?
5. Sa anong lugar napadpad ang pamilya ni Pele nang sila ay tumakas kay Namaka?

Panuto: Isulat sa patlang ang A kung pokus sa aktor ang pangungusap at L kung pokus sa layon.

____________1. Iniluto ang adobong manok


____________2. Umangkas ang bata sa sasakyan.
____________3. Si Ate Flor ay nagluto ng adobong manok.
____________4. Nasira mo ang mga kagamitan para sa play.
____________5. Umalis na ang nanay niya kahapon pa.

E. Paglalahat
 Dugtungan ang pangungusap!

Sa pagtatapos ng aralin sa modyul na ito, aking natutuhan na….


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7
MINOR PERFORMANCE TASK #1

FACE-OFF
Alam mo ba na halos magkakaugnay ang mga mito sa buong mundo? Kung may Zeus ang Gresya, tayo naman
ay may Bathala. Tunay na mayaman ang panitikan kung ito ay patuloy na pinagyayaman. Para sa gawaing ito,
magsaliksik ng isang mitolohiyang Pilipino at iugnay ang kanyang katangian kay Pele. Ano kaya ang kanilang
pinagkapareho at pinagkaiba? Maghanap ng larawan ng diyos na iyong pinili ilagay rin sa ibaba ng iyong sagot.

PELE DIYOS NG APOY (IYONG NAPILING DIYOS SA


MITOLOHIYANG PILIPINO)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

8
Kalinawan ng nilalaman-30%
Kahusayan sa paglalahad ng datos-30%
Kabuuan -60%

Ang pangwakas na pagtataya para sa Modyul 1 ay maaaring


makita at masagutan sa CLE-Aralinks gamit ang iyong
account.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Jacky T. Tuppal, LPT. G. Raymund Victor F. Canceran, LPT


Guro ng Filipino Filipino – Academic Team Leader

Itinala ni: Pinagtibay ni:

G. Restituto E. Cabigao Jr., LPT Sr. Enriqueta B. Arnaiz, O.P.


Koordineytor ng Akademiks Punong-guro - IBED

9
10

You might also like