You are on page 1of 5

Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan

 Denotasyon - ay isang pagpapakahulugan na


naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita.
Halimbawa: BOLA - laruan na hugis bilog
PUSANG ITIM - uri ng hayop na ngumingiyaw, kulay itim at
nangangalmot
AHAS – uri ng reptalya na kadalasay makamandag
Dalawang Uri ng
Pagpapakahulugan

 Konotasyon - Ang Konotasyon at


pagpapakahulugang maaaring mag-iba iba ayon sa saloobin,
karanasan, at sitwasyon ng Isang Tao o isang pahiwatig.
Halimbawa: BOLA - matamis na dila
PUSANG ITIM – nagbabadya ng kamalasan
AHAS – isang taong traydor, tumitira patalikod
ILAN SA MGA HALIMBAWA:

BUWAYA
denotasyon : Hayop
konotasyon : Pulitiko

 ITIM
Mga Paraan ng Pagkakahulugan

 Literal - Tunay at pinakamababang kahulugan


Halimbawa: Ang tinapay ay pagkain

 Konseptwal - Ang kahulugan ay ang konsepto, totoong impormasyon. Mas detalyado at may
siyentipikong pinagbabatayan
Halimbawa: Ang tinapay ay pinagalihalong harina, asukal, at itlog na minsan ay
may palaman.

 Kontekstwal - nalalaman ang kahulugan batay sa paraan ng pagkakagamit ng salita sa pangungusap.


Nnatutukoy ang kahulugan sa tulong ng mga context clues
Halimbawa: Si Hesus ay ang tinapay ng buhay dahil siya ang gumagabay sa mga
tao, kung wala siya walang tayo.
Mga Paraan ng Pagkakahulugan

 Proposisyunal - Ipinapakita ang kahulugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon at


pagbibigay ng halimbawa
Halimbawa: Ang tinapay ay ginagamit sa kakulangan ng bigas dahil mas
murang umangkat ng harinang ginagamit sa paggawa nito.

 Pragmatik - Ang kahulugan ay batay sa aktwal na karanasan ng naglalarawan sa ideya. Ibinibigay din
ang kahulugan batay sa nangyari sa indibidwal
Halimbawa: Ang aking baong tinapay ay mas masarap dahil may palaman.

 Matalinhaga - Hindi lantad ang kahulugan ng salita


Halimbawa: Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

You might also like