You are on page 1of 4

1. Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.

Paliwanag: Ang taong determinado sa buhay ay gagawin ang lahat upang matamo ang
hinahangad niyang tagumpay gaano man ito kahirap. Hindi hadlang ang anumang suliranin
upang siya ay magpatuloy sa kanyang pangarap.

2. Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.


Paliwanag: Ang lahat ng ating ginagawa ay may karampatang kapalit o katapat. Kung tayo
ay gumawa ng masama, tayo ay sisingilin sa ating mga kasalanan at kung tayo ay gumawa ng
mabuti, tayo ay bibiyayaan rin ng kabutihan.

3. Nagpapakain ma't masama sa loob, ang pinakakain hindi nabubusog.


Paliwanag: Kung hindi bukal sa ating kalooban ang ating mga ginagawa maging ito man ay
para sa iba, wala itong patutunguhan dahil sa hindi isandaang porsiyento o hindi buo ang
iyong ibinabahagi. Hindi nila nararamdaman ang lubos na pagtulong kung kaya’t parang
balewala lamang ito.

4. Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.
Paliwanag: Matutong magpakumbaba gaano man kalayo ang marating mo sa buhay sapagkat
ang kapalaran ay sadyang mapaglaro. Maaaring dumating ang araw na mawala sa iyo ang
lahat at magiging napakasakit nito para sa atin. Kung tayo ay magyayabang, tayo ay magiging
katawa-tawa at kaawa-awa sa paningin ng iba sa oras na ang lahat ng ating ipinagmamalaki
ay maglaho.

5. Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.


Paliwanag: Ito ay nangangahulugan na kung tayo talaga ang gumawa ng isang bagay,
makikita ito sa ating kilos at pagkatao. Hindi maipagkakaila ang mga bagay na ating ginagawa
sapagkat ito ay nag-iiwan ng marka sa atin, o sa ibang tao man.
1. lantang gulay  sobrang pagod
Halimbawa: Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-
lalabada.

2. isulat sa tubig  kalimutan na


Halimbawa: Para ka lamang nagsulat sa tubig kung pauutangin mo ang taong iyan.

3. kumukulo ang dugo  galit na galit


Halimbawa: Kumukulo ang dugo ni Noreen sa tuwing nakikita ang taong lumapastangan sa
kanyang ama.

4. nagbibilang ng poste  walang trabaho


Halimbawa: Si Roberto ay nagbibilang na lamang ng poste magmula nang mangibang-bansa
ang kanyang asawa.

5. bukas ang palad  matulungin


Halimbawa: Laging bukas ang palad ni Don Ramon sa lahat ng kababayang nangangailangan.
1.

You might also like