You are on page 1of 8

Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

Aralin 3.1 A. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin

Pahayagan(tabloid)/broad sheet
Komiks
Magasin
Kontemporaryong Dagli

B. Wika: Antas ng Wika

Pormal
Di-pormal
Balbal

Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez II

“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum.”

Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga
lang sa tabloid ay masyadong binibigyangdiin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong
'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa.

Komiks

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba
ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim.

Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang


sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga
artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
MAGASIN

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng


Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin
mula sa ibang bansa.

Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.

1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng
mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.

3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa
dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting
maybahay.

4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng
mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa
bansa.

5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan
ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.

8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago
sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-
aalaga ng mga gadget.

9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento.


Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Ang
dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.

Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros

"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking
ipinagkakaiba.” "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”

"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”

"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan."

(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

ANTAS NG WIKA

Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may
iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga
Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal.
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na
akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at
tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw
na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang
gramatikal.

2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at
ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang
paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin,
dawraw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap
lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang dipormal. Ito rin ang mga wikang
ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.

Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa
ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram,
binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.

Sanggunian: Panitikang Pilipino: Filipino 8

Tagapag-ulat:

ROWENA S. MANGINSAY

RICHEL A. TEPAN

GEAN U. SAMONTINA
PAGSUSULIT
(Kontemporaryong panitikan tungo sa kultura at panitikang popular)

I. Tukuyin ang hinihingi ng bawat aytem. Piliin ang sagot sa ibaba.

a. Pormal i. Yes!
b. Tabloid j. Cosmopolitan
c. Di pormal k. Candy
d. Komiks l. T2
e. Balbal ` m. Good Housekeeping
f. Dagli n. Metro
g. Magasin o. Men’s health
h. FHM p. Entrepreneur

1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista.


2. Pahayagan ng masa.
3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento.
4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon
5. Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na
akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan.
6. Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw
7. Tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng
mga mababa ang katayuan sa buhay
8. Magasing pangkababaihan
9. Isang magasin para sa mga abalang ina
10. Ang magasin tungkol sa balitang showbiz
11. Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan
12. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan
13. Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
14. Isang magasin para lamang sa mga gadget
15. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo
16. instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-
ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
II. A. Basahin ang dagli at sagutin ang sumusunod ng mga tanong.
17. Ano ang paksa ng nabasang dagli?
18. Sino-sino ang mga tauhan?
19. Saan nagyari ang kwento?
20. Ilarawan si Toti batay sa kanyang ikinikilos sa kwento?
21-23. Anong antas ng wika ang ginamit sa kwento? Patunayan.

B. Suriin ang komiks at isulat ang mga bahagi nito.

III. Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong
sagot.(6 puntos)

2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga kontemporaryong babasahin sa pag-unlad ng


iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan? (6 puntos)

You might also like