You are on page 1of 7

MASS MEDIA

MASS MEDIA
 itinuturing na pinakamalakas makahikayat at
makaimpluwensiya sa isip at damdamin ng mga tao
 madali nitong napupukaw ang interes ng mga tao
sapagkat ginagamitan ito ng audio (pandinig) at visual
(paningin)
 ito ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon
kung saan naaabot nito ang maraming tao sa mundo na
tinatawag na audience o receiver na walang personal
na relasyon sa mga sender nito
URI NG MASS MEDIA
 BROADCAST MEDIA – telebisyon at radyo

 PRINT MEDIA – pahayagan at iba pang limbagan

 ADVERTISING MEDIA – commercial ads, patalastas,


billboards, streamers, pelikula at maging video technology

 SOCIAL MEDIA – fb, ig, atbp.


Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo

 Iskrip
- Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual na
ginagamit sa Broadcasting
- Ito ay nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat
bigkasin o sabihin. Ginagamit ito sa produksiyon ng
programa. Ito ay dapat naglalaman ng mga mensahe ng
programang dapat ipabatid sa mga nakikinig.
- Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagsisilbing gabay
sa mga tagaganap, direktor, tagaayos ng musika, editor, at
mga technician.
Pormat ng Iskrip

 Gumamit ng maliliit na letra sa pagsulat ng


diyalogo.
 Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong
pantunog, at ang emosyonal na reaksiyon ng mga
tauhan
 Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika
at epektong pantunog kundi kailangan ding
ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
 Kailangang may dalawang espasyo pagkatapos ng
bawat linya sa iskrip kapag minakinilya o
kinompyuter.
 Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang
numero sa kaliwang bahagi bago ang unang salita
ng linya upang maging madali ang pagwawasto
kapag nagrerekording.
 Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay
kailangang isulat sa malaking titik.
 Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa
pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong
uri ng tinig ang maririnig.
 Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na
gagamitin at ilagay ito sa parenthesis.
 Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan
ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
 Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng
numero sa bawat bilang.

You might also like