You are on page 1of 24

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
(Week 1-2)
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
;
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1 (Week 1-2): Konsepto at Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Anelito M. Ladres
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Ceja Josephine Y.
Augusto
Tagasuri: Marigold J. Cardent Teresita A. Bandolon
Tagaguhit: Frances Zarah Pantonial
Tagalapat: Ma. Teresa Amoin
Plagiarism Detector Software: Plagiarism Detector.com
Grammar Software: Citation Machine.com
Tagapamahala: Dr. Wilfreda D. Bongalos Dr. Marcelita S. Dignos
Dr. Oliver M. Tuburan Marigold J. Cardente
Teresita A. Bandolon Czarina Ritzko J. Sagarino
Ma. Teresa Amion Marrieta Ferrer
Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph
8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
(Week 1-2)

Ang Unang Digmaang Pandaigdig

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang
nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa
Alamin
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


Balikan
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

i
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin
paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


Isaisip
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Karagdagang
pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa


Susi sa
modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

ii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Ngayong nasa Ikawalong Baitang ka na, napag-aralan mo ang tungkol sa
Pagkamulat o ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Pranses at Amerikano. Ngayon, mas mapalawak pa ang iyong kaalaman hinggil sa
pangyayaring naganap na siyang nagpabago sa pamumuhay ng mga tao lalo na sa
kontinenteng Europa na nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang mabigyang-linaw ang iyong
isipan tungkol sa mga pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig at mas
lalo pang mapalawak ang ideya sa pagtuklas sa mga nasabing dahilan o sanhi kung
bakit sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig na kung saan ay ating bibigyang-
pansin ang malubhang epekto nito na nag-iwan ng malalim na bakas at hindi
malilimutang sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Handa ka na ba? Tara na at tayo ng magtungo sa nakaraan upang makamit


ang eksaktong daan papunta sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:


Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at bunga ng
Unang Digmaang Pandaigdig (MELC-Week 1-2, AP8AKD-IVa-1);
2. Naisa-isa ang mga sanhi o dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig;
3. Naiuugnay ang mga mahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pagsisimula
ng Unang Digmaang Pandaigdig batay sa mga sanhi nito;
4. Napahahalagahanang mga pangyayaring naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig sa kasalukuyang sitwasyon sa pamamagitan ng mga hatid na aral
sa buhay

Subukin
Panuto: Intindihin ang mga sumusunod na mga katanungan at isulat ang letra ng
iyong napiling tamang sagot sa isang malinis na sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ang hindi kasali sa mga
pangyayaring naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente
B. Pagpapalawig ng hukbong sandatahan ng mga bansa
C. Pagkamit ng diwang nasyonalismo sa mga naging kolonyang bansa
D. Ang pagkakatag ng isang alyansang binuo ng mga malalayang bansa

1
2. Anong uri ng ideolohiya ang tumutukoy tungkol sa pagkakaroon ng pantay-pantay
na kalayaan at karapatan anuman ang nasabing lahing pinanggalingan, relihiyon o
kasarian?
A. Demokrasya C. Nasyonalismo
B. Kapitalismo D. Liberalismo

3. Ang League of Nations ay isang alyansa ng mga malalayang bansa na nabuo upang
wakasan ang hindi mabuting hangarin ng mga mapang-api at mapang-abusong
bansa sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Saang bansa sa Europa nabuo
ang alyansang ito?
A. Belgium C. Great Britain
B. France D. Poland

4. Ang nagbaril sa tagapagmana ng imperyong Austria- Hungary na si Gavrilo Princip


ay miyembro ng isang pangkat ng nasyonalista sa Bosnia. Ano ang tawag sa
samahang ito?
A. Blank Hand . C. Black Hand
B. Back Hand D. Bank Hand

5. Ang mga salita sa ibaba ay ang mga salik o dahilan sa pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig na kung saan ang isa sa mga salik na ginamit ng mga
mananakop ay kung paano nila sinira, inangkin, pinabagsak ang mahihinang bansa
upang makuha at masakop nila ang mga ito. Alin sa mga salik sa ibaba ang tinutukoy
sa pangungusap?
A. Militarismo C. Alyansa
B. Imperyalismo D.Nasyonalismo

6. Tinatayang sa Kanlurang Europe nagkaroon ng pangyayaring nagbigay ng malaking


dagok sa mga mamamayang Europeo at sinasabing ito ay pinakamainit na labanan
na naganap sa Unang Digamaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na pangyayari
sa ibaba ang nauugnay dito?

A. Labanan ng Austria at Serbia


B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Paglusob ng Russia sa Germany
D. Digmaanmula sa Hilagang Belgium hanggang sa Switzerland

7. Noong ika 1918 ng Enero isang pangulo na nagmula sa bansang Amerika na kung
saan ay kanyang ibinalangkas ang patungkol sa ang Labing Apat na Puntos na ang
ideyang ito ay naglalayong “Kapayapaang Walang Talunan”. Sino ang nasabing
pangulo na ito?
A. David Llyod George C.Vittorio Emmanuel Orlando
B. Woodrow Wilson D. Punong Ministro Clemenceau

8. Ang Digmaan sa Balkan ang tinatayang halos lahat ng mga bansang apektado sa
digmaan ay tuwirang napasailalim ng nasabing alyansa na binuo ng makapangyarihang
bansa. Anong alyansa ang tinutukoy sa pangungusap sa itaas?
A. Allied Powers C. Treaty of Paris
B. Central Powers D. United Nations

2
9. Noong ika- 28 ng Hunyo 1914, binaril ang tagapagmana ng imperyong Austria-
Hungary kasama ang kanyang asawa. Ang pagbaril sa kanyaang dahilan sa pagsiklab
ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sino ang taong ito na tagapagmana ng imperyong
Austria- Hungary?
A. Adolf Hitler C. Franz Ferdinand
B. Dwight Ferdinand D. Dwight Eisenhower
10. Saang hangganan ng kontinenteng Europa naganap ang pinakamainit na
sagupaan ng mga kapuwa Europeo sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Ang Digmaan sa Balkan C. Ang Digmaan sa Hilaga
B. Ang Digmaan sa Karagatan D. Ang Digmaan sa Timog

Aralin
Ang Unang Digmaang
401 1 Pandaigdig

Isang masigasig at kaaya-ayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!

Sa nakaraang aralin, napag-aralan at na intindihan mo ang tungkol


sa Pagkamulat (Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Pranses at Amerikano). Sa araling ito sabay-sabay nating
alamin at intindihin ang mga pangyayaring naganap sa Unang Digmaang
Pandaigan kung saan ang nasabing digmaang ito ay nag-iwan at nagdulot
ng maraming pinsala hindi lamang sa mga ari-arian ng mga tao kundika
sabay na rin ang pagkawasak ng ekonomiya ng bawat bansa na dulot ng
hindi malimutang karanasan ng mga tao na naging biktima sa pagsiklab
ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Ngayon, sabay-sabay nating tuklasin at alamin sa modyul na ito ang
mga sanhi at mga kaganapang nagtulak sa pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Sabay-sabay rin nating ilalahad at tukuyin ang
mga epekto na nag-iwan ng malalim na bakas at sugat sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
Handa ka na ba? Tara na at tuklasin natin ang daan patungo sa
karunungan!

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig (MELC-Week 1-2,
AP8AKD-IVa-1);

3
2. Naisa-isa ang mga sanhi o dahilan ng pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig;
3. Naiuugnay ang mga mahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa
pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig batay sa mga sanhi
nito;
4. Napahahalagahanang mga pangyayaring naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig sa kasalukuyang sitwasyon sa pamamagitan
ng mga hatid na aral sa buhay

Balikan
Panuto: Piliin ang tamang terminolohiya na tinutukoy sa mga pangungusap. Isulat
ang titik o letra ng iyong napiling mga sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-14
hanggang ika-17 siglo na humantong sa pagkahati ng simbahang kristiyano.
A. Pananampalataya C. Kontrarepormasyon
B. Repormasyon D. Inqusition

2. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang sistemang pagbabago ng ekonomiya na


siyang naranasan ng mga mamamayan sa England at sila ay gumamit ng mga
makinarya kaya nagkaroon agad sila ng dagliang produkshyon.
A. Sentralisasyon C. Merkantilismo
B. Industiyalisasyon D. Bullunism

3. Ang terminong ito ay nakapaloob sa isang uri ng sistemang pampolitika na kung


saan tumatalakay sa nasabing tetitoryo na pinananhanan ng mga tao na may
pagkakaparehong wika, kutura, relihiyon, at ,maging kasaysayan na napapasailalim
sa isang pamahalaan.
A. Nasyonalismo C. Kolonyalismo
B. Nation-state D. Imperyalismo

4. Ang salitang ito ay tumatalakay tungkol sa mga taong naniniwala at nagpalaganap


ng ideyang ang lupa ang siyang dahilan ng kayamanan ng isang tao at nagpapayaman.
A. Rebolusyong Industriyal C. Philisophies
B. Sistemang Merkantilismo D. Physiocrats

5. Ang tawag sa isang rebolusyon pinangungunahan ng mga lahing Pranses na


naghahangad na makuha ang tamang pagtingin sa isa’t-isa mahirap man o mayaman,
pagkakaisa. at kalayaan.
A. French Resolution C.French Nation
B. Napolionic War D. French Revolution

4
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: MGA BANSA, AYUSIN MO!
Panuto: Masdan ang mga watawat sa ibaba at isulat ang tamang pangalan nito sa
gitnang patlang upang matukoy ang tamang pangalan sa bawat watawat ng bansa.
Tingnan ang mga ginulong letra na makikita sa loob ng kahon na siyang iyong gabay
upang matukoy ang wastong sagot.

1.___________________________ 2. ____________________________

3. ____________________________ 4. _____________________________

5. ____________________________ 6. _______________________________

5
7._____________________________ 8. _______________________________

MYERGNA NGYHUAR

ERIASB AILAUSART

RKEUTY EARGTTINAIRB

TRAISUA UMIELBG

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: PUZZLE KO, BUUIN MO!


Panuto: Tingnan at gawin ang puzzle hinggil sa Unang Digmaang Pandaigdig sa
paraan ng paglalarawan ng mga pangungusap sa ibaba sa bawat bilang.

1.T
7.G T B T 8.N

Z
3.I P Y L
E 5.E

6.N S N L M O
O
4.M T S O
2.A Y A

6
PABABA:
1. Alyansang nabuo ng mga bansang Austria, Hungary, at Germany
5. Kontinenteng kilala bilang entablado ng paksiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig
8. Ideolohiyang ipinalaganap ni Adolf Hilter

PAHALANG:
2. Pagtutulungan ng mga bansang kasapi
3. Panggigipit at panghihimasok ng mga makakapangyarihang bansa sa
mahihinang bansa
4. Pagpapatibay ng puwersa o hukbong sandatahan ng bawat bansa
6. Pagmamalasakit at pagmamahal sa lupang sinilangan
7. Kakamping bansa ng France at Russia

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: KUWENTO KO, PAKINGGAN MO!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento tungkol sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Pagkatapos mabasa ang kuwento ay gawin at sagutang ang nakalaang
Data Retrieval / Analysis Chart at mga mga pamprosesong tanong.

LABANAN NG KAPANGYARIHAN
Anelito M. Ladres

Tunghayan natin ang isang dayalogo ng mag Lolo na kung saan ang apo ay napakahilig
making ng mga kuwento lalo na kung ang mga ito ay may kinalaman sa Kasaysayan
ng Mundo.Isang araw, kinausap niya ang kanyang Lolo tungkol dito.

APO: Lolo, may itatanong lang sana ako?


LOLO: Ano iyon mahal kong apo!
APO: Kayo bay naisilang ng sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
LOLO: Siyempre naman mahal kong apo! Ako ay nasa murang isipan na ng
magkaroon ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. At bakit muna
man iyan na itanong mahal kong apo?
APO: Naitanong ko lang po sa inyo ito dahil gusto ko pong mabatid kung ano
talaga ang mga nangyari at kung bakit sumiklab ang Unang Digmaang
Pandaigdig at gusto ko ring mabatid kung nagkaroon ba ng mga nasabing
sanhi o dahilan ang pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig at kung
saan talaga ito masasabi nating nagsimula ang malaking kaganapan sa
nasabing kontinente ng ating daigdig ang masasabi nating laganap ang
digmaan at anong mga bansa rin ang ang mga sangkot sa nasabing
digmaan?
LOLO: Aba! talagang interesado itong mahal kong apo ah! Sige ikaw ay aking
pagbibigyan dahil kitang-kita ko sa iyong dalawang mataang pananabik
na malaman ang tungkol dito.Oh, ano handa ka na bang makinig?

7
APO: Yehey! sige po Lolo simulan mo na po ang pagkukwento tungkol sa
Unang Digmaang Pandaigdig at isali mo na rin po ang pagsisimula ng
nasabing digmaan kasali na ang mga bansang nag-aalitan po Lolo, mga
bansang nakisali at tumulong sa mga bansang naaapi, mga naging
epekto pagkatapos ng Digmaan at kung mayroon bang mga alyansang
nabuo pagkatapos ng Digmaan at higit sa lahat ay nagkaroon ba ng
nasabing mga kasunduan upang matigil ang digmaan?
LOLO: Oo ba!, basta ikaw aking mahal na apo walang problema. Sige ika’y
tumabi na sa akin at sisimulan ko na ang pagsasalaysay.Sige apo at ako’y
magsisimula na. Nasa ikalabing isang (11) taon ako ng narinig at nalaman
ko ang mga pangyayaring naganap tungkol sa nasabing digmaan ng nag-
aalitang mga bansa hindi lamang sa isang kontinente kundi may mga
ilang bansa ang sangkot o biktima sa digmaan. Alam ko dahil mismo ang
aking yumaong ama mismo ang talagang siyang nakasaksi at dahil na rin
sa patuloy na inaanunsyo sa mga estasyon ng radyo ang mga kaganapan
bawat oras o araw. Sa aking pagkakaalam kung bakit nagkakaroon ng
nasabing hidwaan ang mga bansa ay sa kadahilanang may mga sanhi o
dahilan ito. Una ay ang tungkol sa Nasyonalismo o ang pagkakaroon
ng diwang makadamdamin at pagmamahal sa lupang sinilangan na
handang magpakamatay ang bawat mamamayan laban sa mga mapang-
api at mapanakop na mga dayuhan. Pangalawa ay ang Imperyalismo na
kung saan hindi natin maiiwasan na may mga makapangyarihang bansa
talaga na walang awang nanakop at nanakit o namiminsala ng mga
nasabing teritoryo maangkin lang nila ang kanilang balak na sumakop ng
bansa dahil alam nila na mas sila ay makapangyarihan at ninanais nilang
manakop ng mga mahihinang bansa. Pangatlo ay ang Militarismo ang
sinasabing kinakailangan ng isang bansa sa daigdig na pagbutihin ang
hukbong sandatahan at palawigin ang sistemang proteksyon ng bawat
hangganan, siguridad at katahimikan sa paraan ng pasiglahin ang
hukbong sandatahan ng saganun ay patuloy na mapangalagaan ang
hangganan ng nasabing bansa laban sa mapanakop na mga banyaga. At
ang ikaapat ay ang Pagbuo ng mga alyansa na kung saan hindi
maipagkakaila na nagkakaroon talaga ng negosasyon ang mga bansa sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang organisasyon o alyansa at layunin nito
na tulungan at protektahan ang bawat miyembro ng naturang bansa
nakasali sa alyansa kung sakaling may mga masasamang kaaway na
magtangkang lusubin o sakupin kaya dahil sa mga alitan at inggitan ng
mga bansang hindi nagkakaunawaan ay nabuo ang dalawang alyansa
ang Triple Entente at Triple Alliance at si Adolf Hitler ang pinunong
bansang Germay ang isa sa nakisali sa nasabing alyansa (Triple Entente)
dahil layunin niyang matigil ang impluwensya ng Russia sa Balkan.

8
Taong 1882 ng itinatag ang alayansangTriple Alliance sa pamumuno ni
Bismarck ito’y sa kadahilanang hindi pagkakaunawaan at alitan ng Russia
at France noong 1884 (Dual Alliance), ng France at Great Britain noong
1904 (Entente Cordiate) at ng Great Britain at Russia noong 1907.
Kinikilala rin si Czar Nicholas II ng Russia bilang pinuno. Ang nasabing
mga Alyansa ay parang nabalewala lalong-lalo na ang mga nakatalang
kasunduan dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig. Ang pagsiklab ng Unang Digmaan ay noong
nagkaroon ng krisis sa bansang Bosnia noong Hunyo 28,1914 na ito’y
hudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa hindi
inaasahang kapalaran ni Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang
asawa habang namamasyal sila sa buong lawak ng bansang Bosnia na
nuon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary at palihim na pinagbabaril
ni Gavrilo Princip (miyembro ng Black Hand) bunsod sa pinagmulan ng
Unang Digmaang Pandaigdig. Matapos ang paspaslang kay Archduke
Franz Ferdinand nagkaroon na nga ng malawakang digmaan sa mga
nasabing hangganan sa Europa at dito na nga mas lalon guminit ang
alitan lalong-lano na Ang Digmaan sa Kanluran na sinasabing ang
pinakamainit na labanan ng kapuwa mga Europeo na kinasasangkutan
ng Switzerland at Belhika na kung saan naging bansang neutral ang
bansang Germany sa naturang laban upang makapasok sa hangganan
ng Belhika at tuluyang lumusob ang France ngunit na antala ang
pagpasok ng Germany patungong France dahil hinarang ng mga
magigiting na taga-Belhika sa Leige. Hindi lang ang Kanlurang bahagi ng
Europa nadawit sa gulo bagkos na damay rin ang Silangang bahagi ng
Europa na tinawag bilang Ang Digmaan sa Silangan ng lusubin ng
bansang Russia ang Prussia (Germany) sa pamumuno ni Grand Duke
Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Sa kasamaang palad ay bigo
pari ang Russia na talunin ang Germany dahil may dumating na saklolo
galling sa Germany at sila ay nagapi ng mga German sa Tannenberg.
Ganunpaman nagtagumpay nga ang Russia sa Galicia ngunit ito’y hindi
nagtagal ang nasabing tagumpay dahil sila ay pinahirapan ng mga
German sa Poland at nagsunod-sunod na nga ng tuluyan ang pagbaksak
ng Russia kasama na rin ang pagbaksak ng dinastiyang Romanov noong
Marso 1917 kasabay ang pagsilang ng komunismo sa Russia. Hindi pa
rin doon natapos ang digmaan sa kontinenteng Europa dahil sumiklab na
naman ang ibang digmaan sa nasabing hangganan at itoy ang Digmaan
sa Balkan na kung saan nag banggaan ang dalawang bansa ang Austria
at Serbia at nagapi ang Serbia sa nasabing labanan. Hindi rin pahuhuli
ang bansang Bulgaria ito’y sumapi sa Central powers noong
Octubre,1915 sa kadahilanang makaganti sa kanilang pagkatalo.
Ganunpaman, ang nasabing hidwaan sa bawat hangganan ng
kontinenteng Europa ay hindi parin naghilom.

9
APO: Ngayon alam ko na lolo na ang nangyari sa Unang Digmaang
Pandaigdig ay isang napakalaling suliranin at bangongot na
naranasan ng mga tao sa tanang buhay nila na hindi nila
malilimutan. Lolo, salamat po sa impormasyong iyong ibinigay at
mas lalo akong naliwanagan kung ano talaga ang nangyari sa
Unang Digmaang Pandaigdig.
LOLO: Walang anuman mahal kong apo at ako’y nasiyahan rin sa iyo
dahil napakaseryoso mo talagang nakinig sa aking kuwento
tungkol sa kaganapang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig.
APO: Salamat talaga lolo at hanggang sa muli po lolo pag may itatanong
na naman ako patungkol sa digmaan ako’y hindi mag aatubiling
lapitan ka uli. Sige na po lolo ako ay aalis muna saglit. Salamat po
lolo.
LOLO: Ou ba! O sige mahal kong apo ingat sa iyong pupuntahan at ako’y
magdidilig muna ng mga halaman sa labas.

At doon na nga nagtatapos ang kuwentuhan ng mag lolo tungkol sa Unang


Digmaang Pandaigdig.

A. DATA RETRIEVAL CHART

MGA SANHI O DAHILAN NG


PAGSIKLAB NG UNANG PALIWANAG
DIGMAANG PANDAIGDIG

1. Nasyonalismo

2. Imperyalismo

3. Militarismo

4. Pagbuo ng alyansa (alliance)

10
B. DATA ANALYSIS CHART
PANGYAYARI NA
NAGING DAAN O MAY
KINALAMAN SA
PAGSIKLAB NG UNANG
MULA SA KUWENTO DIGMAANG
PANDAIGDIG
Lagyan ng tsek (/)

Oo Hindi
1. Taong 1882 ng itinatag ang alayansangTriple Alliance sa
pamumuno ni Bismarck ito’y sa kadahilanang hindi
pagkakaunawaan at alitan ng Russia at France noong 1884 (Dual
Alliance), ng France at Great Britain noong 1904 (Entente
Cordiate) at ng Great Britain at Russia noong 1907.
2. Kinikilala rin si Czar Nicholas II ng Russia bilang pinuno. Ang
nasabing mga Alyansa ay parang nabalewala lalong-lalo na ang
mga nakatalang kasunduan dahil sa hindi inaasahang pangyayari
ay sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsiklab ng
Unang Digmaan ay noong nagkaroon ng krisis sa bansang Bosnia
noong Hunyo 28,1914 na ito’y hudyat sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
3. Sa hindi inaasahang kapalaran ni Archduke Franz Ferdinand
at ang kanyang asawa habang namamasyal sila sa buong lawak
ng bansang Bosnia na nuon ay sakop ng Imperyong Austria-
Hungary at palihim na pinagbabaril ni Gavrilo Princip (miyembro
ng Black Hand) bunsod sa pinagmulan ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
4. Matapos ang paspaslang kay Archduke Franz Ferdinand
nagkaroon na nga ng malawakang digmaan sa mga nasabing
hangganan sa Europa at dito na nga mas lalon guminit ang alitan
lalong-lano na Ang Digmaan sa Kanluran na sinasabing ang
pinakamainit na labanan ng kapuwa mga Europeo na
kinasasangkutan ng Switzerland at Belhika na kung saan naging
bansang neutral ang bansang Germany sa naturang laban upang
makapasok sa hangganan ng Belhika at tuluyang lumusob ang
France ngunit na antala ang pagpasok ng Germany patungong
France dahil hinarang ng mga magigiting na taga-Belhika sa Leige.
5. Ganunpaman nagtagumpay nga ang Russia sa Galicia ngunit
ito’y hindi nagtagal ang nasabing tagumpay dahil sila ay
pinahirapan ng mga German sa Poland at nagsunod-sunod na nga
ng tuluyan ang pagbaksak ng Russia kasama na rin ang pagbaksak
ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 kasabay ang
pagsilang ng komunismo sa Russia. Hindi pa rin doon natapos ang
digmaan sa kontinenteng Europa dahil sumiklab na naman ang
ibang digmaan sa nasabing hangganan at itoy ang Digmaan sa
Balkan na kung saan nag banggaan ang dalawang bansa ang
Austria at Serbia at nagapi ang Serbia sa nasabing labanan.

11
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang binabanggit sa kuwento?
2. Ano ang nararamdaman mo matapos basahin ang kuwento?
3. Kung pagbabasihan ang mga impormasyon sa Data Retrieval / Analysis Chart,
masasabi mo ba na mayroon ka ng sapat at malalim na pagkaunawa at kaalaman
tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig?

4. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang kuwento?

5. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga na maunawaan ang tungkol sa


Unang Digmaang Pandaigdig?

Pagyamanin

Gawain sa Pagkatuto Blg.4: DALOY NG KAGANAPAN,


PAGLAANAN!
Panuto: Basahin ang mga salita sa loob ng kahon at pag-isipan kung ano ang mga
napupulot na mga aral ang makukuha natin sa pagkatuto tungkol sa Unang Digmaang
Pandaigdig o mga kailangang gawin o mangyari upang hindi na maulit ang ganitong
kalunos-lunos na pangyayari sa ating kasaysayan.

Pagkakaisa Kapayapaan Digmaan

Kapangyarihan Kaguluhan

Pagtutulungan Pang-aapi Pagmamalupit

MGA SAGOT:
1. _______________ 2. _______________ 3. _______________
12
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang masasabi mo sa mga ibinigay mong sagot?
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa mga binanggit mong sagot?
3. Mula sa ibinigay mong sagot, paano ito makatutulong sa iyo upang humarap sa
sariling suliranin at hamon ng buhay?

Isaisip

13
BUNGA

-pagkamatay ng milyong katao - pagkawasak ng imprastruktura o ari-arian


-pagkaranas ng trauma sa digmaan - matinding taggutom
-bumagsak ang ekonomiya - maraming namatay sa sakit
-umusad ang karapatan ng kababaihan gaya ng karapatang bumoto
-pagbagsak ng dinastiya (Hapsburg sa Austria-Hungary, Romanov sa Russia, Ottoman sa
Turkey, at Hohenzollern sa Germany at pagwakas ng monarkiya sa Europe
-nabuo ang League of Nations

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: PAHAYAG KO, IPALIWANAG MO!
Panuto: Ipaliwanag ng mabuti ang mga pahayag sa ibaba ayon sa binanggit ng mga
pinuno sa Unang Digmaang Pandaigdig at mula sa paksang tinalakay.

14
Tayahin

Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang bawat tanong. Pag-isipan at piliin ang letra
ng iyong napiling sagot at isulat ito sa isang hiwalay na sagutang papel.
1. Noong ika- 28 ng Hunyo 1914, binaril ang tagapagmana ng imperyong Austria-
Hungary kasama ang kanyang asawa. Ang pagbaril sa kanya ang dahilan sa
pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ano ang mahinuha o masusuri mo
tungkol sa pangyayaring ito?
A. Walang epekto ang pangyayaring ito sa ating bansa
B. Kahit na hindi binaril si Archduke Franz Ferdinand ay magaganap pa rin ang
digmaan
C. Nagdulot ng kaguluhan ang pangyayaring ito hindi lang sa Europa kundi pati na
sa buong daigdig
D. Ito ang naging dahilan upang sumakop ang mga makapangyarihang bansa sa
mga mahihinang bansa katulad ng Pilipinas

2. Ang nasyonalimo ay ang pagkakaroon ng diwang makadamdamin at pagmamahal


sa lupang sinilangan na handang magpakamatay ang bawat mamamayan alang-
alang sa mapang-api at mapanakop na mga dayuhan. Bilang isang mag-aaral,
paano mo kaya maisasabuhay ang damdaming nasyonalismo?
A. Pagbutihan ko ang pagbigkas gamit ang banyagang wika
B. Manunood ako ng mga pelikulang Hollywood
C. Gagamit ako ng mga produktong imported
D. Tatangkilikin ko ang ating sariling produkto

3. Ang League of Nations ay itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920. Ang layunin
ng samahan ay ang pagbabawas ng armas ng mga bansa, pagpigil sa digmaan sa
pamamagitan kolektibong seguridad, pagsasaayos ng mga hidwaan sa pagitan ng
mga bansa sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya, at pagsasagawa ng
panlipunan at makataong proyekto. Sa iyong sariling pananaw nakatulong ba ang
League of Nations sa pagbibigay-lunas sa kaguluhang naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Hindi, dahil nananatiling nagkagulo ang mga bansa sa Europa
B. Oo, dahil biglang yumaman at lumakas ang mga bansa sa Europa
C. Hindi, dahil nagdudulot ito ng kaguluhan ng mga bansang kanilang sinakop
D.Oo, dahil nawakasan ang hindi mabuting hangarin ng mga mapang-api

4. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap noong Unang Digmaang


Pandaigdig. Alin sa mga ito ang nagpapaliwanag sa konsepto ng alyansa noong
Unang Digmaang Pagdaigdig?
A. Ang alyansa ay ang pagsanib puwersa ng mga hukbo para matalo ang mga
kalaban

15
B. Ang alyansa ay ang pagbibigay tulong pinansyal sa kasaping bansa dahil sa
matinding paghihirap
C. Ang alyansa ay ang pagtutulong- tulungan ng mga bansang kasapi sa mga iba’t
ibang sakunang mangyari
D. Ang alyansa ay ang pagtutulungan at pagsasama ng kakayahan ng dalawa o higit
pang mga bansa para sa kanilang parehong kabutihan

5. Ang Imperyalismo ay isa sa mga naging dahilan o sanhi ng pagsiklab ng Unang


Digmaang Pandaigdig. Hindi natin maiiwasan na may mga makapangyarihang
bansa talaga na walang awang nanakop at namiminsala ng mga nasabing teritoryo
maangkin lang nila ang kanilang balak na sumakop ng bansa dahil alam nila na mas
makapangyarihan at ninanais nilang manakop ng mga mahihinang bansa. Bakit
kaya naging isa sa mga salik o dahilan ito sa pagsimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Dahil nagpapakita ito ng kasakiman
B. Dahil ninais ng mga makapangyarihang bansa na maghasik ng kaguluhan sa
mundo
C. Dahil nagkakaroon ng kompetensiya ang mga kanluranin sa pananakop ng mga
lupain
D. Dahil ninais ng mga kanluraning bansa na maipapalaganap ang Kristiyanismo sa
buong daigdig

6. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na The Great War dahil ito ang kauna-
unahang malawakang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng daigdig.
Bagama’t ang digmaan ay nagsimula at nakasentro sa Europa, nadamay ang iba
pang panig tulad ng Africa dahil may mga kolonya rito ang mga bansang Europeo.
Sa iyong palagay, ano ang masamang epekto na dulot ng digmaan sa mga
mamamayan sa Europa?
A. Nagkaroon ng sariling kasarinlan ang bawat bansa sa Europa
B. Nagkaroon ng bagong uri ng pamahalaan bunsod sa epektong dala ng digmaan
C. Maraming mga mamayang Europeo ang tumungo sa Asya upang doon
magtrabaho
D. Nagkaroon ng malaking pagkalugi sa ekonomiya ng Europe at maramimg mga
ari-arian ang nawasak at mga buhay na nawala bunsod ng nasabing epekto ng
Unang Digmaan

7. Isa sa mga binalangkas ni Pangulong Woodrow Wilson ayon sa kanyang ”Labing


Apat na Puntos “ ay ang tungkol sa nasabing ideya na naglalayong ”Kapayapaang
Walang Talunan”. Ano ang ibig sabihin sa isa sa kanyang puntos?
A. Pantay-pantay ang pagtingin ng bawat isa mahirap man o mayaman
B. Bawat bansa ay magkakaroon ng kasarinlan kahit magkaiba ang lahi at
pinanggalingan
C. Bawat bansang sumang-ayon sa nasabing puntos ay magkakaroon ng sariling
kalayaan
D. Bawat bansa ay magkakaroon ng tamang pagkakapantay-pantay at proteksyon
at layuning mamuhay na malayo sa takot ang mga mamamayan

8. Nagmatigas pa rin ang China na hindi nitokikilalanin ang arbitral ruling ng Permanent
Court of Arbitration (PCA) sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Sa
meeting ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping, iginiit ng huli na
hindi nila kinikilala ang nasabing ruling at walang magbabago sa kanilang posisyon.
Sa halip ay payag ang China na gumawa ng Code of Conduct sa South China Sea
16
para maresolba ang problema sa pinag-aaga-wang isla. Bilang isang kabataan sa
kasalukuyan, ano ang maiimungkahi mo upang maiwasan ang sigalot o digmaan sa
mga karatig bansa gaya na lamang sa sitwasyon ng Pilipinas at China sa West
Philippine Sea?
A. Mag pokus nalang ako sa pag-aaral kaysa makisangkot sa gulo
B. Hindi ako makikialam kasi ang isyung ito ay pangmatanda lamang
C. Dapat idaan sa diplomatiko na pamamaraan ang suliranin na ito para maiwasan
ang digmaan
D. Isumbong ko sila sa United Nations dahil sila ang may mas kapangyarihan upang
mabigyan ng lunas ang mga suliranin na katulad nito

9. Matapos ang anim na buwang negosasyong nagsimula sa Peace Conference noong


1919, nilagdaan ang Treaty of Versailles noong Hunyo 28, 1919. Ang kasunduang
ito ay sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas ang Unang
Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang ikinagalit ni Adolft
Hitler hinggil sa mga nakasaad sa probisyon ng Treaty of Versailles?
A. Ginawang kolonya ang lahat ng mga bansang kanyang nasakop
B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
C. Nagkaroon ng mga bagong alyansa ang mga bansa sa buong mundo
D. Naniniwala si Hitler na sobra na api ang Germany sa mga probisyong nakasaad
dito

10. May kasabihan na “sa digmaan walang panalo, lahat ay talo”. Sa pang araw-araw
mo na pamumuhay, paano mo maiiwasan na masangkot sa away o kaguluhan sa
iyong kapuwa?
A. Ipagdadasal ko ang aking mga kaaway araw-araw
B. Maging magalang, matulungin at mapagmahal sa kapuwa
C. Ipakikita ko sa kanila palagi na ako ay mabagsik at walang takot
D. Hindi ko nalang sila papansinin dahil may kanya-kanya naman tayong buhay

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: ISLOGAN KO, BASAHIN MO!
Panuto: Gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng iyong hindi pagsang-ayon
hinggil sa kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat ito sa Graphic Organizer sa ibaba.

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian
AKLAT:
Blando, Rosemarie C. et. al. AralingPanlipunanKasaysayan ng DaigdigModyul ng
Mag-aaral, 446-459. DepEd-IMCS, Pasig City: Vibal Group Inc., 2014

WEBSITES:
https://ekendraonline.com/persona/hitler-qoutes-war-and-love/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Digmaang_Pandaigdig
https://www.slideshare.net/kylejoy/unang-digmaang-pandaigdig-12892109
https://www.slideshare.net/eliasjoy/unang-digmaang-pandaigdig-world-war-1
https://aralipunan.com/simula-ang-unang-digmaang-pandaigdig-wwi/
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1265
https://www.coursehero.com/file/55628869/UNANG-DIGMAANG-PANDAIGDIG-SA-MGA-
ASYANOdocx/
https://tl.encyclopedia-titanica.com/causas-y-consecuencias-de-la-primera-guerra-mundial
https://www.scribd.com/doc/27805590/Unang-Digmaang-Pandaigdig
https://en.wiktionary.org/wiki/Unang_Digmaang_Pandaigdig

19

You might also like