You are on page 1of 4

JE MONDEJAR COMPUTER COLLEGE

Brgy. 71, Naga-naga Tacloban City

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Filipino

Diagnostic Test
Name:__________________________________________ Date:_________________________

Grade Level/ Strand/ Section: _______________________ Score:________________________

A. Panuto : Basahin at intindihin ng maigi ang mga tanong, isulat sa sagutang papel ang napiling
sagot.

1. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t-isa.


a. Grapiko c. Senyas
b. Krokis d. Wika
2. Sa taong ito ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikaIto ay behikulong ginagamit sa
pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t-isa.
3. ng Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa.
a. Disyembre 30, 1935 c. Disyembre 30, 1939
b. Disyembre 30, 1937 d. Disyembre 30, 1940
4. Siya ang bumuo ng Komisyong Konstitusyunal upang mapagtibay ang implementasyon ng paggamit ng
Wikang Filipino.
a. Cory Aquino c. Manuel Quezon
b. Fidel Ramos d. Ramon Magsaysay
5. Ang proklamasyong ito ay nagsasaad na ang pagdiriwang ng linggo ng Wika ay mula Marso 29
hanggang Abril 4.
a. Proklamasyon blg. 12 c. Proklamasyon blg. 7
b. Proklamasyon blg. 184 d. Proklamasyon blg. 133
6. Ito ang wikang ginagamit sa loob ng tahanan.
a. Idyolek c. Ekolek
b. Sosyolek d. Etnolek
7. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakanyahang natatangi ng
taong nagsasalita.
a. Idyolek c. Register
b. Pidgin d. Sosyolek
8. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o
unang wika nang batang isinilang sa komunidad.
a. Creole c. Register
b. Dayalek d. Sosyolek
9. Ito ay pasalitang pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
a. Balagtasan c. Pick-up lines
b. Flip-top d. Pagkanta
10. Ito ay isang larangan ng pag-aaral na nauugnay sa philology.
a. Etimolohiya c. Pananaliksik
b. Barayti ng Wika d. Register
11. Sa taong ito ay ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan ng araw ng pagsasarili ng Pilipinas.
a. Hunyo 4, 1946 c. Hulyo 4, 1946
b. Hunyo 6, 1944 d. Hulyo 6, 1944
12. Ang mga sumusunod ay kalikasan ng wika maliban sa___________.
a. Dinamiko c. May Ispeling
b. May Kahulugan d. Pinagsama-samang tunog
13. Ang mga sumusunod ay kabilang sa walong pangunahing dayalekto sa Pilipinas maliban sa ________.
a. Bicolano c. Chavacano
b. Cebuano d. Hiligaynon
14. Ayon kina Canale at Swain (1980-1981), ang mga sumusunod ay ang tatlong component o framework
ng kakayahang pangkomunikatibo maliban sa______________.
a. Gramatikal c. Istratedyik
b. Diskorsal d. Sosyolinggwistik
15. Kasasalaminan ng_______ng isang lahi ang wikang ginagamit ng mga taong bahagi ng lahing ito.
a. Kultura c. Pananaliksik
b. Pag-aaral d. Panitikan
16. Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ang mga wikang opisyal sa bansa na Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang___________.
a. 569 c. 571
b. 570 d. 572
17. Nagsimulang ituro ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado
sa taong_______________.
a. 1940 c. 1941
b. 1930 d. 1931
18. Pinagtibay ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino batay sa saligang batas ng________.
a. 1985 c. 1987
b. 1986 d. 1988
19. Nakasaad sa Art. XIV, Sek. 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing ang wikang Pambansa ng
Pilipinas ay________.
a. Filipino c. Ingles
b. Pilipino d. Kastila
20. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang_________na nagtadhana na ang lahat ng gusali, edipisyo at
tanggapan ng pamahalaan ay pangagalanan sa Filipino.
a. Kautusang tagapangulo blg. 96 c. Kautusang pangkagawaran blg. 7
b. Kautusang tagapangulo blg. 81 d. Proklamasyon blg. 186
21. Binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng Wikang Pambansa
sa pamamagitan ng________.
a. Batas Komonwelt blg. 184 c. Kautusang Tagaganap blg. 134
b. Kautusang Tagaganap d. Batas komonwelt blg. 12
22. Ano ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa?
a. Bilingguwalismo c. Monolingguwalismo
b. Homogenous d. Multilingguwalismo
23. Sa teoryang ito, pinaniniwalaan ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga
tunog na nilikha ng mga hayop.
a. Ding-dong c. Pooh-Pooh
b. Bow-wow d. Ta-ta
24. Batay sa Teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan.
a. Ding-dong c. Ta-ta
b. Pooh-Pooh d. Yo-he-ho
25. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagsama-sama ng mga tao kapag
nagtratrabaho o nagtitipon-tipon.
a. Ding-dong c. Ta-ta
b. Bow-wow d. Yo-he-ho
26. Sa teoryang ito naman sinasabing ang wika ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masidhing damdamin.
a. Bow-wow c. Pooh-Pooh
b. Ding-dong d. Yo-he-ho
27. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
a. Dayalek c. Sosyolek
b. Ekolek d. Register
28. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito
sapagkat kailanman ay hindi maaaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng
isang wika.
a. Bilingguwal c. Homogenous
b. Heterogenous d. Monolingguwal
29. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na
lugar tulad ng lalawiganin, rehiyon o bayan.
a. Dayalek c. Sosyolek
b. Ekolek d. Register
30. Nabubuo ang wikang ito sa pamamagitan ng mga etnolinggwistikong pangkat ng tao.
a. Ekolek c. Register
b. Etnolek d. Sosyolek
31. Ang mga sumusunod ay mga komunikatibong gamit ng wika maliban sa______________.
a. Instrumental c. Pansarili
b. Interaksyunal d. Personal
32. Ang pagpapalit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayg ay tinatawag na___________?
a. Bilingguwalismo c. Code Switching
b. Code Mixing d. Monolingguwalismo
33. Anong panahong ito na ang naging hangarin nila ay ituro at ipagamit ang kanilang wika sa buong
kapuluan?
a. Amerikano c. Hapones
b. Espanyol d. Kasalukuyan
34. Sa panahong ito ay ipinagbawal ang paggamit ng wikang Pambansa. Anong panahon ito?
a. Amerikano c. Kastila
b. Espanyol d. Kasalukuyan
35. Anong panahon ito kung saan ginagamit pa rin ang wikang Ingles kasabay ng paggamit ng wikang
Filipino?
a. Amerikano c. Kastila
b. Espanyol d. Kasalukuyan
36. Ito’y naganap sa panahon ng________na ang layunin nila’y ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang
kristiyanismo.
a. Kastila c. Kasalukuyang Panahon
b. Katutubo d. Rebulosyong Pilipino
37. Sa panahong ito mas sumidhi ang damdaming Nasyonalismo ng mga Pilipino.
a. Kastila c. Panahon ng Pagsasarili
b. Katutubo d. Rebolusyong Pilipino
38. Ginamit sa panahong ito ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
a. Amerikano c. Katutubo
b. Hapon d. Rebolusyong Pillipino
39. Ito ang panahon ng liberasyon na nagsimula noong ika-4 Hulyo ng 1946.
a. Amerikano c. Pagsasarili
b. Kastila d. Rebolusyong Pilipino
40. Ayon sa kanya, ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng
lipunan at Kultura.
a. Bagaric (2007) c. Otanes (2002)
b. Clifford (1992) d. Shuy (2009)
41. Ayon sa kanya, hindi kailanman magkakatulad o uniformclad ang anumang wika.
a. Bloomfield (1918) c. Clifford (1992)
b. Bagaric (2007) d. Saussure (1916)

B. TAMA o MALI. Isulat ang Tama kung totoo ang ipinapahayag at Mali naman kung hindi.

42. Si Noam Chomsky ang pinakaunang nagpakilala ng terminong Pragmatic Competence.


43. Ang pananaliksik ay paghahanap ng kaalaman o anumang sistematikong imbestigasyon upang
patunayan ang isang katotohanan, ayon sa Wikipidia.
44. Isang matiya, maingat , at sestimatiko , mapanuri at kritikal na pagsiyasat o pag-aaral sa isang bagay,
kagawian , problema , isyu o aspeto ng kultura at lipunan ang pananaliksik. Wika nina Clifford (2007)
45. Sinasabing isang sistematiko at organisadong paraan sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong
ang pananaliksik.
46. Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946 “konstitusyon ng
1973(Artikulo XV, Sek. 3), Batas Komonwealth blg. 570

C. PANUTO. Tukuyin ang mal isa mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
47. Marami ang naniniwala sa kakayahang ng mga kabataang Pilipino. Walang Mali
A B C D
48. Paano ba makatutulong sa lipunan ang isang kabataang tulad mo. Walang Mali
A B C D

48. Ang pagiging responsable nina ay malaking tulong sa lipunan. Walang Mali

A B C D

49. Sila ay mahuhusay sa iba’t-ibang larangan. Walang Mali

A B C D

50. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang pagharap sa totoong buhay. Walang Mali

A B C D

“Walang mangyayari sa buhay natin kung papairalin ang hiya at takot sa paggawa ng mga bagay
na

kaya naman nating gawin”-Anonymous

Inihanda ni:

G. Jake L. Cebrano

------------------------------------------Wakas---------------------------------------------

You might also like