You are on page 1of 3

MANAMBIA INTEGRATED SCHOOL

Manambia, Tagbina, Surigao del Sur

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Unang Semestre (Grade 11)

Pangalan:_______________________________________________________ Petsa:____________________
Baitang at Seksyon:_________________________________________ Marka:___________________

I. PAGPILI
Panuto: Basahin ng mabuti at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.
a. Monolinguwalismo c. Bilingguwalismo
b. Multilingguwalismo d. Wikang Opisyal
2. Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang.
a. Unang wika c. Pangatlong wika
b. Pangalawang wika d. Wikang Pambansa
3. Ito ay ang behikulong ginagamit sa pakikipa-usap at pakikipag-ugnayan.
a. Lipunan b. Tulay
b. Wika d. Baybayin
4. Nagpapakahulugang ang wika ay masistemang balangkas.
a. Charles Darwin c. Henry Allan Gleason Jr.
b. Paz, Hernandez at Peneyra d. Cambridge Dictionary
5. Sa taong ito sinasabing ang dapat na gawing wikang pambansa ay ang umiiral na wika na. Isa sa mga nagmungkahi nito ay si Lope K. Santos.
a. 1935 c. 1940
b. 1934 d. 1937
6. Ito ay ang sosyolek ng mga “Jologs”. Hal. nito ay ang “make basa, make kain, make lakad.”
a. Gay lingo c. Conyospeak
b. Jejespeak d. Taglish
7. Ito ang tawag sa wika ng wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sikretong wika subalit kalauna’y ginagamit na rin ng nakararami.
a. Gay lingo c. Conyospeak
b. Jejespeak d. Taglish
8. Ito ang barayti ng wika nang nagiging bahagi na ng pagkikinlanlan ng isang pangkat-etniko.
a. Dayalek c. Idyolek
b. Sosyolek d. Etnolek
9. Noong ________, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Taglog ito ay nagging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7.
a. Disyembre 30, 1937 c. Agosto 13, 1959
b. Hulyo 4, 1946 d. Hunyo 18, 1967
10. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa ating bansa.
a. Pangulong Corazon Aquino c. Pangulong Manauel L. Quezon
b. Pangulong Emilio Aguinaldo d. Pangulong Diosdado Macpagal
11. Ito ay ang pansariling paraan ng pagsasalita ng bawat isa.
a. Dayalek c. Idyolek
b. Sosyolek d. Etnolek
12. Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
a. Instrumental c. Regulatoryo
b. Personal d. Heuristiko
13. Halimbawa ng tungkulin ng wikang ito ay ang pagbibigay ng direksyon gay ng oagtuturo ng lokasyon.
a. Instrumental c. Regulatoryo
b. Personal d. Heuristiko
14. Ito ang sangay na itinatag sa bisa ng batas komonwelt bl. 184 na inatasang magsagawa ng pag-aaral kung alin sa mga umiiral na wika ng
gagawing wikang pambansa..
a. Surian ng wikang katutubo c. Pangkat ng surian sa wikang pambansa
b. Surian ng wikang pambansa d. Mga dalubhasa sa wikang pambansa
15. Ito ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay tumugma sa mga pamantayang binuo ng sangay na nagsuri sa iba’t ibang wika o
diyalekto.
a. Katutubo c. Pilipino
b. Filipino d. Tagalog

16. Siya nag dating kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang pangkagawarang nagsasaad na mula Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa
ating wikang pambansa.
a. Jose Romero c. Lope K. Santos
b. Norberto Romualdewz d. Manuel L. Quezon
17. Ang opisyal n awikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang katutubo c. Wikang Filipino
b. Wikang panturo d. Wikang opisyal
18. Ano ang acronym ng MTB-MLE?
a. Mother Tongue Based Multi-lingual Education c. Mother Tongue Based Multi lingual Education
b. Mother Tongue-Based Multi-lingua Education d. Mother Tongue-Based Multi-lingual Education
19. ______ ang tawag sa mga taong nakagagamit ng adalawang wika ng halos hindi matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawa?
a.Balanced bilingual c. Bilingual
b. Balance bilingual d. Bilingulism
20. Ang taong marunong sa dalawang wika at ginagamit niya itong ng matatas.
a. Monolingual c. Multilingual
b. Bilingual d. Balanced bilingual
21. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti.
a. Creole c. Homogeneous
b. Heterogeneous d. Pidgin
22. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula sa dalawang katutubong wika na pinaghalo ay naging likas na wika o unang wika
na ng batang isinilang sa kominidad.
a. Heterogenous c. Homogeneous
b. Pidgin d. Creole
23. Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang barayti.
a. Creole c. Homogeneous
b. Heterogeneous d. Pidgin
24. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
a. Register c. Dayalek
b. Idyolek d. Sosyolek
25. Barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taon nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika at di
nakaalam sa wika ng isa’t isa.
a. Creole c. Homogeneous
b. Heterogeneous d. Pidgin

II. TAMA O MALI


Panuto: Basahin at unawain kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit. Isulat
ang TAMA kung wasto ang pahayag, kung di-wasto ay MALI. Isulat ito sa patlang. Dalawang (2) puntos bawat bilang.
_________26-27. Ang salitang Latin na “wika” ay nangangahulugang “dila” at “wika” o lengguwahe.
_________28-29. Ang pinakadiwa ng wika ay ang lipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang kuwento ni Tarzan.
_________30-31. Ang wikang panturo ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
_________32-33. Ang tungkuling impormatibo ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aralan.
_________34-35. Sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay bibigyang diin ang iba’t iba pang component ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat.

IV. PAGTATALA
Panuto: Itala ang hinihingi ng mga sumusunod.
36-41. Gamit ng Wika.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42-47. Barayti ng Wika.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48. Unang wika-_____________
49. Pangalawang wika-___________
50. Pangatlong wika-___________

You might also like